Share

Chapter One

Author: HeyYou
last update Last Updated: 2022-03-21 19:08:42

‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong  iligtas si Jessica.'’

Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.

Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa may nagagalit sa kanila.

"Diyos ko po, tulungan niyo po ang anak ko. Huwag niyo po siyang pababayaan," sambit ni Ginang Lucena, ang ina ni Jessica, sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak.

Yakap-yakap siya ng asawa nito at umiiyak din katulad niya.

Maya-maya ay may narinig silang magkakasunod na katok. Agad silang napatingin sa pintuan. Tumayo si Carlo at pinagbuksan niya ang mga ito. Bumungad sa kanila ang dalawang police kaya pinatuloy niya ang mga ito.

"May mga pulis po Tito." Tawag pansin ni Carlos sa mag-asawa.

"Good morning Mr. And Mrs. Molina, I'm PNP Chief Leonardo Cruz, at kami ng kasama ko ang nag-iimbestiga ng pagkawala ng inyong anak."

Tumayo si Roberto, "I'm Jessica's dad. Kamusta ang paghahanap ng anak ko? Nakita niyo ba kung sino ang dumukot ng anak ko?"

"Sir, sa ngayon ay wala pa kaming matukoy kung sino talaga ang dumukot sa anak niyo. Pero nire-review pa namin ang lahat ng CCTV sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Tatawagan na lang po namin kayo kung may kaunting impormasyon na kaming nakuha na may kinalaman sa pagkawala ng inyong anak. At paalala ko lang po ay mas mabuting dito muna kayo manatili para sa kaligtasan niyo po." mahabang paliwanag ng pulis.

"Maraming salamat Sir. Umaasa po kami sa inyo." Umiiyak na sabi ni Roberto.

"Walang problema Sir. We will do our best to find your daughter. Maraming salamat sa oras Sir at aalis ma po kami." Nakipag-kamay muna ito sa ama ni Jessica bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga ang lahat ng tao sa loob. Parang kailan lang ay kasama nila ang kanilang anak. Lahat sila ay masayang pinanood si Jessica kagabi sa kompetisyon. Pero sa isang iglap ay nabura ang lahat ng masasayang pangyayari sa buhay nila at napalitan ng takot, kaba, at sakit sa kanilang mga puso.

Jessica's POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Para itong binibiyak. Ni hindi ko maidilat kaagad ang aking mata dahil nanghihina ako. Dahil sa aking pagpupursigi ng maidilat ang aking mata ay nagawa ko rin. Mula sa malabong paningin ay unti-unting lumilinaw ang aking nasisilayan.

Nagulat ako ng pagmasdan ko ang aking paligid. Marumi at may pagkaluma ang aking nakikita. Nanghihina man ay sinunukan kong bumangon, dahan-dahan kong inigalaw ang aking katawan. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil ay nakatali ang aking dalawang kamay.

"Ma, Pa?" mahinang sambit ko na tanging ako lang din ang nakakarinig. Nakaramdam ako ng sobrang pagka-uhaw. Hindi lang pala kamay ang nakatali pati na rin ang isa kong paa ay naka-kadena ito.

Kaya naman ay nakaramdam na ako ng kaba at takot. Nilibot ko ang aking mga paningin sa loob. Isa pala itong lumang silid, nagkalat ang mga lumang lumang damit at mga tuyot na dahon sa sahig.

"Tulong, tulong! May tao ba diyan?" Sigaw ko kahit masakit ang aking lalamunan.

"Ma, Pa? Tulong, tulungan niyo ako?" patuloy ko sa pagsigaw nagbabasakaling may nakarinig sa akin.

Nagsisimula ng dumaloy sa aking pisngi ang mga luha ko. Maya-maya ay biglang sumagi sa aking isipan si Lucas. Doon ko lang napagtanto kung ano ang nangyari noong gabi.

"Tulong!" Malakas kong sigaw bago ako nakaramdam ng panghihina. Hindi ko na kayang sumigaw pa at tanging pag-iyak na lamang ang aking ginawa.

Habang naka-yuko at umiiyak ay napansin ko ang aking sash, hindi ito tuluyang natanggal sa aking katawan. Inayos ko ang aking pagkaka-upo, naghahanap ako ng malapit na ding-ding kung saan ako pwede sumandig.

Suot-suot ko pa ang aking kulay ginto na gown. Napapikit na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Inaalala ko ang aking pamilya, mga kaibigan, at lalong-lalo na si Lucas. Huli ko siyang nakita na nakahandusay sa sahig at duguan.

Habang ako ay patuloy na umiiyak ay biglang tumunog ang hawakan ng pintuan. Kaya napaayos ako sa aking pagkaka-sandig. Umaasa ako na may taong papasok at tutulungan ako upang maka-alis dito.

Pagkabukas ay bumungad sa akin ang dalawang lalaki. Sa palagay ko ay pareho itong nasa trenta. Ang isa ay may balbas ngunit ang isa naman ay wala. Ang bawat isa sa kanila ay may dalang mahahabang baril. Pumasok ang isa habang ang kasama nito ay nagpaiwan sa labas ng pintuan. Kaya isiniksik ko ang aking katawan. Sobrang lakas ng pintig ng aking puso sa mga oras na ito.

Lumapit ito sa akin at umupo sa aking harapan. "Magandang umaga miss.," bati nito sa akin. Di ako sumagot, bagkus ay mas niyakap ko pa ang aking mga tuhod.

Maya-maya ay inilapit niya ang kanyang kamay sa aking mukha. Hinawakan ang aking baba at pilit akong pinapatingin sa kanya.

"Huwag ka ng mahiya. Ang ganda mo pala Ms. May boyfriend ka na ba?" Kinilabutan ako sa sinabi ng lalaki sa akin. Nanginginig ang aking mga kalamnan ngayon.

"Hoy, huwag mo daw hahawakan sabi ni Boss." Singit naman ng kanyang kasama na nasa labas.

Inalis niya ang kanyang kamay sa aking baba at tinanggal niya ang pagkakagapos ng aking paa sa kadena.

"Tumayo ka." Utos nito sa akin. Ngunit hindi ako nakinig. Natatakot ako kung ano ang maari nilang gawin sa akin.

Nagulat ako ng sigawan niya ako, "Sabi tumayo ka!" Singhal nito sa akin nang hindi pa rin ako kumikilos.

Napangiwi ako sa sakit ng hinablot niya ang aking buhok at pilit akong pinapatayo. Kaya naman ay agad akong sumunod para hindi nila ako saktan.

"Saan niyo ako dadalhin. Maawa kayo sa akin. Pakawalan niyo ako." Umiiyak kong sabi sa lalaking humihila sa akin. Nahihirapan din ako sa paglalakad dahil mahaba ang aking suot na damit.

Naunang maglakad ang kasama nito habang hila-hila naman ako ng lalaki sa buhok. Wala akong kaalam-alam kung saan nila ako dadalhin.

Nakarating kami sa isang malawak na basement at ang tanging nagpapaliwanag sa paligid ay ang sinag ng araw mula sa mga butas ng dingding. Pinagmasdan ko ang paligid. Ako ay nagbabakasakali na may kasama ako na parehong biktima rin.

"Boss, ito na." Umalingawngaw ang boses ng lalaking humihila. Tinulak niya ako kaya naman ay napaluhod ako at muntik na sumubsob ang aking mukha sa sahig.

Tumingala ako at tumingin sa harapan kung saan may rebulto na naka-upo sa isang lumang silya. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim ang kinaroroonan niya. Pero kita ko sa magkabilang gilid niya ang apat nitong kasamahan na may dala-dala ring armas.

Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa akin. Hindi ako kumurap habang tinitingnan ko ang unti-unting paglinaw ng kanyang mukha. Pagtapat niya sa sinag ng araw mula sa butas ng bubong ay doon ko nasilayan ang mukha ng lalaki. Magulo ang medyo mahaba nitong buhok. At kahit magulo ang buhok ay napaka-gwapo nitong tignan.

Nagtama ang aming mga titig. Ngayon lang ako nakakita ng isang kidnapper na ganito ka gwapo. May halo ata itong banyaga.

Domoble pa ang aking kaba ng lumapit ito at umupo sa aking harapan. Ngayon ay mas nasilayan ko na ang makinis nitong mukha. Ang makapal nitong kilay na binagayan ng kulay asul nitong mga mata. Kidnapper ba to o nagpapanggap lang?

Akmang hahawakan na sana ako nito sa mukha pero umatras ako. Umulit na naman siya pero ng pagdating sa pangatlong pagkakataon ay sumigaw na ako.

"Ano ba! Don't touch me, you have no right to touch me at wala ka ring karapatan na dukotin. Pakawalan niyo ako." Singhal ko sa harapan niya.

Pero hindi ito nagpatinag bagkus ay hinawakan niya ako sa panga gamit ang isa niyang kamay. Kaya naman ay nasampal ko ng malakas ang lalaki ng aking  magkadikit na kamay dahil sa pagkakatali.

Napalingon ito sa kabila dahil sa lakas ng aking sampal. Hinawakan niya ang labi niya at kita ko ang may kaunting dugo. Pero imbes na maging masaya ay mas natakot pa ako dahil sa kanyang reaksiyon.

Sinuklay niya ang kanyang buhok pataas sabay tumingala sa taas. Umaksiyon itong sasampalin ako kaya napapikit na kamang ako at hinihintay na dumapo sa aking mukha ang malapad niyang palad. Ngunit kabaliktaran pala ng aking iniisip ang ginawa niya nang bigla niyang hawakan ang aking baba at iniangat niya ito paharap sa kanya.

Napalunok ako ng laway ng magtama muli ang aming mga mata. Wala akong nakikitang galit sa mukha niya, ni hindi ko mabasa ang kanyang mga mata kung galit ba ito o hindi.

"Don't do that again," ani nito sa akin. Lalaking-lalaki ang boses nito at ang sarap pakinggan.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga at bumulong, "if you don't want to be hurt." dagdag niya sa kanyang sinabi. Dama ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg habang binabanggit niya ang mga katagang iyon.

Muling humarap ito sa akin pero nanatiling nakahawak ang kamay sa aking baba. "Nagkakaintindihan ba tayo?" ani nito. 

Unti-unti niyang iginalaw ang kanyang hinlalaki papunta sa aking ibabang labi at marahan niya itong hinaplos-haplos. Titig na titig ito sa aking labi at kita ko ang paglunok niya ng laway.

Agad naman niyang inalis ang kanyang kamay at tumayo, "Help her to change clothes," utos niya sa kanyang kasamahan na siyang humihila sa akin kanina.

Agad itong kumilos ngunit nagulat ako ng bigla itong natumba sa aking harapan. Kita ko ang pagdaloy ng dugo nito sa sahig. Lumaki ang aking mga mata dahil sa nasaksihan.

"Cover her!" Rinig kong sigaw ng gwapong lalaki na tinatawag nilang boss.

Agad akong pinalibutan ng kanyang mga kasamahan at nakatuon sa bawat dingding. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kaya sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba. Maya-maya ay inutusan akong tumayo ng lalaki at walang pasabi ay pinasan niya ako. Kaya ang aking tiyan ay nasa abaga niya at ang aking ulo naman ay nasa likuran niya.

Agad kaming umalis sa kinaroroonan ko kanina. Narinig ko na lamang ang magkakasunod-sunod na putukan. Kaya napapikit na lamang ako at tahimik na nagdadasal.

Related chapters

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Two

    Jessica's POVMabilis ang takbo ng lalaki na pumasan sa akin ngayon papalayo sa abandonadong gusali. Ngunit patuloy pa rin ang naririnig kong putukan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking ito. Pero nakakasiguro ako na kagubatan na ito dahil sa mga matataas na damo at kahoy na aming nadadaanan.Hindi ako makagalaw dahil pasan-pasan ako ng lalaki. Nagtataka ako na hindi man lang siya nakaramdam ng pagod o bigat. Ganon na ba ako ka liit kompara sa matipuno niyang katawan? Kung sa bagay wala nga itong kahirap-hirap na binuhat ako."Te..teka lang saan pa tayo pupunta?" tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa aking posisyon.Inulit ko ng mas malakas dahil parang hindi niya ako naririnig, "Kuya saan mo ba ako dadalhin?""Sa

    Last Updated : 2022-03-21
  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Three

    Jessica's POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mata. Pagdilat ko ay nakayakap pala ako sa katawan ni Marcus at nakaunan ako sa kanyang matipunong braso. Inangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Ang kulay rosa nitong labi na kay sarap halikan. Napakalinis ng pagkaka-ahit ng kanyang balbasDahan-dahan kong nilapit ang aking daliri sa kanyang labi. Bago pa man dumapo ito ay nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng isang kambing. Kaya naman ay napatingin ako sa palibot. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng isang sumbrero na gawa sa dahon habang hawak-hawak ang tali ng mga alaga niyang kambing."Marcus, Marcus," sambit ko sa pangalan ni Marcus habang niyuyog ko nang kanyang katawan. Nang hindi pa ito magising ay bumangon na ako at tinapik siya ng malakas sa dibdib.

    Last Updated : 2022-03-21
  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Four

    Carlo's POV"Nasa amin na po ang kopya ng CCTV footage sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Based from our investigation, dinukot nga ang inyong anak pero wala ito sa kamay ng mga dumukot sa kanya.""Ano po ang ibig sabihin niyo Sir?" tanong ni Tita Lucena."Tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente ay may natagpuan na sasakyan at tadtad ng bala. Ang nasabing sasakyan ay katulad ng sasakyan na nakita sa CCTV footage na sinakyan ng mga suspek. Ibig sabihin ay may ibang grupo ang dumukot sa inyong anak ma'am." mabahang paliwanag ng pulis."Diyos ko po. Kawawa naman ang anak ko." Napahagulgol na sabi ni Tita Lucena at agad naman niyakap ni Tito."Nagsisimula na po kaming kumilos at we trace everything na may kinalaman sa pagkawala ng inyon

    Last Updated : 2022-04-24
  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter Five

    Jessica's POVNagising ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Napahawak pa ako sa aking noo, at marahan ko itong hinihilot.Pagkabukas ng aking mga mata ay nakita ko ang puting kisami. Na saan ba ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At bigla akong napabangon nang maalala ko ang ginawa namin ni Marcus.Tiningnan ko ang aking katawan pero suot ko pa rin naman ang damit ko kanina. Napahawak rin ako sa sariling kong pagmamay-ari, pinaramdam ko ito ng maayos kung may pagbabago ba."Thank you Lord," Napabuga ako ng maayos nang sa tingin ko ay wala namang nangyari sa amin. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang ginawa namin kanina. Tiningnan ko ang bawat gilid ng kama, pero wala akong makita ni anino ni Marcus.Tumayo ako at tinungo ang pintuan

    Last Updated : 2022-04-24
  • The Broken Past of a Billionaire   Prologue

    “As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.

    Last Updated : 2022-03-21

Latest chapter

  • The Broken Past of a Billionaire   Chapter One

    ‘'Dinukot kagabi ng mga hindi pa kilalang mga suspek si Queen of World Philippines, Jessica Laura Molina. Ayon sa pamilya nito at kaibigan ay pauwi na sana sila pagkatapos ang coronation night ng harangan ng itim na sasakyan ang kanilang sinasakyang van. Critical naman ang kalagayan ng aktor at boyfriend nito na si Lucas matapos mabaril ng subukan nitong iligtas si Jessica.'’Pinatay kaagad ng ama ng nawawalang dalaga na si Jessica ang telebisyon. Hindi kaya ng mag-asawa ang kanilang narinig mula sa balita. Trauma at takot ang kanilang nararamdaman ngayon. Hindi sila mapakali sa nangyari sa kanila at sa anak nitong si Jessica.Tanging pagtangis na lamang ang nagawa ng mag-asawa. Wala silang alam kung sino ang dumukot sa kanilang anak. Sa pagkakaalala nila ay wala silang naging kaaway. Kaya imposible naman kung kinuha ang kanilang anak dahil sa

  • The Broken Past of a Billionaire   Prologue

    “As a psychologist by profession, my advocacy is to help people with depression and mental health issues. Mental health is very important. That's why I am encouraging everyone to be careful and sensitive in talking to others because we don't know what they've been through. Let’s work together to break the stigma of mental disorder and create a better environment for them." mahabang sagot ko sa tanong tungkol sa aking adbokasiya mula sa isa sa mga reporter.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na ako ang nanalo sa prestihiyosong beauty pageant dito sa Pilipinas, ang Queen of the World Philippines.Simula ngayon, pagkatapos ng dalawang buwan na pag-eensayo dito sa Pilipinas ay aalis ako ng bansa upang lumaban sa ibang kandita mula sa iba't-ibang bansa para sa korona.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status