NAGISING sina Cris at Amalia nang buhusan ang mga ito ng tubig sa mukha ni Ruel."Nasaan ang kalaban?" Tanong ni Cris kasabay ng pagtalon sa kama pagkabangon.Ganoon din si Amalia na mukhang nagising mula sa masamang panaginip o bangungot."Wala na tayong oras, bilisan niyo at tulongan akong mailabas dito sina Raiko bago pa dumating ang ibang kalaban."Mukhang mga wala sa sariling umikot sa silid ang dalawa at hinanap ang mga baril nila. Nauna na si Ruel sa paglabas na halos hilahin na ang isang paa dahil may bali. Nagkatulakan pa sina Cris at Amalia palabas ng pintuan ng silid nila at mabilis na sumunod kay Ruel. Didiritso na sana sila sa silid ni Raiko nang makarinig nang hiyaw mula sa ibang silid. Sabay silang nagkatinginang dalawa at muling tumakbo kung saan nanggaling ang ingay."Oh my, God!" Sabay na natutop nila Amalia at Cris ang sariling bibig nang bumungad sa kanila ang mukha ni Lucas. Naghihiyaw ito sa sakit at hindi na nila makilala ang mukha nito. Naliligo na ito sa sari
NANG masiguro ni Max ang kaligtasan ng lahat sa hospital ay muli siyang umalis ang bumalik sa Davao. Kailangan nang tuldokan ang kasamaan ni Tony at may sapat silang katibayan na laban dito. Nilapitan niya si Ashton na siyang umaayos ngayon sa mga sugatan."Pakisabi na lang sa kanila na isasagawa na ang operasyon kay Raiko at hindi na sila mahintay." Isang tapik sa balikat ang itinugon ni Max sa balikat ni Ashton bago tumalikod kasama ang ilan sa tauhan. Mabilis lang sa kaniya ang biyahe dahil may gamit na private chopper. Nang wala na ang general ay luminga muna si Ashton sa paligid bago pumasok sa isang silid. Siniguro niyang walang nakakita sa kaniya at muling binuksan ang isang secret door. Pagkababa sa hagdan ay muling binuksan ang isang malawak na silid na nasa basement."Dad, kumusta ang pasyente?" tanong ni Cloud sa ama na siyang nag-aasikaso kay Dark."Maayos na ang lagay niya, ang lakas ng kaniyang katawan at kahit maraming dugo ang nawala ay nakaligtas pa rin kay kamatayan
"HOY, bumangon ka riyan!""Argh!" Daing ni Tony habang sapo ang nasaktang tagiliran kung saan tumama ang sipa ng lalaking siga sa selda kung saan siya nakakulong. "Bumangon ka riyan at hilutin ang likod ko!" Bulyaw muli ng lalaking kinikilalang pinuno sa seldang iyon kay Tony.Nagkatawanan ang lahat nang manginig ang kamay ni Tony habang sinusunod ang gusto ng pinuno nila. Isang buwan na rin mula nang mahatulan siya ng habambuhay na pagkabilango. Sa unang araw pa lang ay nakaranas na siya ng kalupitan ng mga kasama sa selda. Noong una ay lumaban siya at umaastang mataas pa ring tao. Ngunit sa halip na matakot sa kaniya ang mga ito ay lalong nagalit at napagtulongan siya. Walang takot mamatay at makapatay ang mga kasama niya dahil tulad niya ang hatol sa mga ito."Tony, dumating na ang rasyon mo!" sigaw ng bantay ng selda at bitbit nito ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain. "Salamat, warden!" Nakangisi na kinuha iyon ng isang lalaki."Akin iyan!" Tangkang aagawin ni Tony ang
"Puwede bang makisabay na kami ni Raiko sa inyong kasal?"Biglang natahimik ang paligid nang marinig ang tanong ni Dark. Parang may anghel na dumaan sa paligid at nagulat sa sinabi ni Dark."Inalok mo na ba ng kasal ang best friend ko?" pagtataray ni Mae na siyang unang bumasag sa katahimikan.Nakagat ni Raiko ang ibabang labi at nahihiyang salubongin ang tingin nila Micko at Cloud. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Sa pagkakataong ito ay kumakabog ang puso niya dahil sa saya at hindi dahil sa sakit sa puso."May kasunduan na kami noon pa." Aroganteng sagot ni Dark kay Mae.Bumilog ang labi ni Mae kasabay ng pagtaas ng mga kilay. Alam naman niya ang tungkol doon. Ang akala lang niya ay nakalimot si Dark o hindi seryuso sa kaniyang kaibigan. Noon ay nangako si Dark na kapag gumaling na ang kaibigan ay pakakasalan niya ito at pumayag naman si Raiko. Isa pa ay pangarap nilang magkaibigan na sabay silang haharap sa altar."So, triple weeding na ba ang magaganap?"
"BUNTIS po ako," pabulong na sampit ni Amalia sa harap ng nobyo kasama ang ina nito." Ano ang gusto mong gawin ng anak ko ngayon? Panagutan ka para matupad ang pangarap mo na makaahon sa hirap?" Nang iinsultong patutsada ni Loraine—ang ina ng nobyo ni Amalia.Pinipigilan ni Amalia na tumulo ang luhang nagbabantang umalpas sa kanyang mga mata. Ang nobyo ay tigagal lamang na nakatitig sa kanya at tila hindi makapaniwala sa kanyang isiniwalat. Halos isang buwan na rin silang hindi nagkikita ng nobyo. Kung kaya naglakas loob siyang pumunta sa bahay ng mga ito upang ipaalam ang kanyang kalagayan. Sa edad na bente, malapit na siyang magtapos bilang isang pulis. Mahirap lamang siya at scholarship kung kaya lantaran ang pagkaayaw sa kanya ng pamilya ni Anthony. Alam niyang may kaya sa buhay ang pamilya ng lalaki. Tutol din ang mga ito sa kinuha nitong kurso na katulad sa kanya at siya ang sinisisi ng nanay nito. "Ang kapal ng mukha mo! Ginawa mo talaga ang lahat upang makisampid sa pamilya
"POSTAHAN, virgin ka pa noh?" Malakas ang boses na tukso ni Amalia kay Wigo. Break time nila at pang isang lingo na rin nilang magkakasamang nag-eensayo. Nakatuwaan niyang asarin ang isa sa kasamahan."Aba, gusto yatang makatikim ng latigo sa kama." Pinaghugpong ni Wigo ang dalawang kamay at pinatunog ang mga daliri habang ipinipilig ang ulo sa kaliwa't kanan."Woahhh good match kayong dalawa!" pangguguyo ni Jay sa dalawang nagkahamunan."Ako ang taga video!" Humahagikhik na sumali na rin si Cris sa kalokohan ng mga bagong kaibigan."Ikaw, Father? Ano ang iaambag mo sa maging laban namin mi Wigoley?" Sinundot ni Amalia sa tagiliran ang nanahimik na kaibigang si Ruel."Kaya mo ba daw ang threesome?" Mayabang na hamon ni Wigo kay Amalia."Huwag niyo nga akong isali sa kalokohan ninyo." Asik ni Ruel sa dalawa habang patuloy sa pagnguya ng kinakaing kanin at ulam na puro gulay."Hindi mo ba ako kayang paligayahin at kukuha ka pa ng tutulong sa iyo?" Palaban na ganti ni Amalia kay Wigo.Hu
"ANO ang inaasahan mo sa pagpasok sa ganitong trabaho?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Max kay Amalia nang makapasok sila sa isang private room.Nanatiling nakatayo si Amalia sa pintuan habang nakatitig sa matikas na heneral. Wala siyang naintindihan sa sinasabi nito dahil parang na blangko ang isipan pagkakita muli sa magandang katawan nito. Hapit ang suot na puting t-shirt sa maskuladong katawan nito. Hindi napigilan ang mga mata na gumala ng paningin sa katawan ng lalaki. Tumigil ang pilya niyang mga mata sa bandang ibaba, gusto niyang magmura nang masilayan ang namumukol nitong—"Amalia!" pasigaw na tawag ni Max sa pangalan ng dalaga at hindi siya komportable sa ginagawa nito."Ay cobra!" Nauntog ang likod ng ulo sa nakasarang pintuan nang marahas niyang iangat ang ulo dala ng pagkagulat."Whta the hell!" malakas na bigkas ni Max dahil wala sa kanyang sinasabi ang atensyon ng dalaga. He cursed himself when his member reacted from her gazed.Pilit ang ngiti habang kumakamot ng u
MABILIS ang mga hakbang at tiyak ang direksyong patutungohan ni Max. He can't help but cursed himself while walking, at hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit sobra siyang nag-aalala. "What happen?" tanong agad ni Max kay Ashton na siyang gumamot sa tauhang sugatan.Nagulat pa si Ashton nang makita si Max sa loob ng silid kung saan ginagamot niya si Wigo. Galing sa Cebu sina Wigo at Amalia at nasugatan ito mula sa misyon nila doon."Ano ba ang nangyari at nasugatan sila?" tanong muli ni Max at mahamig sa tinig nito ang pag-aaalala.Napatikhim si Ashton upang gisingin ang sarili mula sa pagkamangha. Ngayon niya lang nakitaan ng pag-alala ng ganoon ang heneral at sa tauhan pa nila. Nakapagtaka dahil hindi ganoon ang reaksyon ng huli noong si Dexter ang nasa panganib. "Maliit na sugat lang naman po ang natamo ni Wigo dahil daplis ang bala na tumama sa kanya."Where is she? Malaki ba ang natamo niyang sugat" Mabilis niyang tanong muli nang hindi makita sa loob ng silid ang tao
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l