"NO way!"Magkapanabay na naibulalas nila Ashton at Jeydon nang sabihin nila Dexter ang plano. Isa sa kanila ang kailangan na magpangggap na babae."Tang-ina, Tol, huwag mo naman paglaruan ang katawan at mukha ko!" ani Ashton kay Dexter at hindi napigilan ang bibig na magbitaw ng hindi magandang salita."Pumayag ka na, Tol, bagay sa iyo magpakabakla." Tinulak ni Jeydon si Ashton sa harapan ni Sasha."Gago, mas mukhang babae ka sa akin!" Bwelta ni Ashton kay Jeydon at mas malakas na itinulak ito sa harapan ni Sasha. Mukhang striktang scientist ngayon ang dalaga sa kanilang paningin. Masusing sinusuri nito ang katawan nila at pinag-aaralan kung sino sa kanilang dalawa ang bibiktimahin nito."Tama na, huwag na kayong magturuan dahil dalawa kayo na bibihagin ni James bukas." Pigil ni Sasha ang sarili na tumawa dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ng dalawang binata.Si Ashton ay parang lantang gulay na napasandal sa pader at si Jeydon naman ay bagsak ang mga balikat at napaupo sa sahig
"BAWAT isa sa inyo ay kailangan na may maiuwi na sariwang babae dito, maliwanag?" Dumadagundong ang boses ni Joseph sa apat na sulok ng silid. Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang apat na bagong tauhan."Areglado, Boss!" mayabang na sagot ng isa."Maari na kayong makaalis!" nauna na si Joseph sa paglabas ng pintuan at naiwan ang apat."Good luck sa iyo." Maangas na bati ni Joel kay James, isa rin ito sa baguhan doom. "Sa'yo rin!" Nakangising sagot na James dito. Tinignan niya ang dalawa na nangangalang Tony and Tasyo, tahimik lang pero nasa mukha ang panganib na dala."Huwag niyo akong biguin!" Rinig ni James na bilin ni Leo sa tatlong lalaki. Ramdam niyang mainit ang dugo sa kaniya ni Leo kaya iniiwasan niya ito hangga't maari upang hindi mabulilyaso ang misyon. Napangisi siya nang marinig ang mayabang na sagot ni Joel dito at nanguna pa sa pag-alis.Napaisip si James kung saan dumadaan ang sasakyang malalaki or kotse papunta sa lugar na iyon. Sa isang araw palang niya na pamama
"PAKAWALAN ninyo ako, sino kayo at ano ang kailangan ninyo sa akin? Parang awa niyo na, tanggalin niyo ang takip sa aking mata!" Nag-iiyak at pilit na kumakawala si Jeenyrose sa humahawak sa kanya nang maisakay siya sa loob ng kotse."Busalan mo nga ang bibig niyan, ang ingay! Natakot na rin tuloy ang dalawa pang bihag." Utos ng driver sa alalay. Napangisi siya nang makitang nanginig bigla sa takot ang dalawang babae na bihag ni James. Kanina lang ay masaya ang mga ito dahil walang sapilitan na nangyari na isinakay ang mga ito sa sasakyan."Uhmmmp, uhhhhmp!" Pilit na iniiwas ang ulo sa lalaki nang takpan nito ang kanyang bibig. Kahit alam ni Jennyrose sa una palang na delikado ang trabahong kanyang pinasok, nakaramdam pa rin siya ng takot dahil wala siyang makita at hindi na rin makapagsalita. Wala siyang ibang kinatatakutan maliban sa kadiliman."Wala pa bang nahanap ang dalawa?" tanong ng driver sa kasama."Kaka-text lang, mayroon ng bihag silang dalawa."Napamura si James sa kaniya
"Kumusta na riyan?" tanong ni Dexter nang magkaroon ng pagkakataon si James na matawagan siya."As of now, nasa maayos pa ang lahat. May kakaiba lang akong napapansin na gusto kong alamin sa ngayon."Good, hindi maari magtagal ang dalawa riyan at baka malaman ang tunay na kasarian.""Gusto kong makausap si Sasha, maari bang suportahan mo muna siya sa ipagagawa ko?"Matagal bago nakasagot ang nasa kabilang linya. "Trust me hindi siya mapapahamak," untag ni James sa kaibigan."Kailangang kasama ako," ani Dexter nang makapag-isip."Pwede rin, marunong ka na rin naman humawak ng baril kung sakali."Tuwang-tuwa si Sasha matapos marinig ang ipapagawa ni James sa kanila at pumayag pa ang boyfriend. Agad niyang tinawagan si Jenny na mas nakilala sa pangalang Kailani."Magpapaalam muna ako kay Yazed," ani Jenny nang makausap si Sasha. Na-miss na rin naman niya ang humawak ng baril at gumawa ng plano."Idaan mo sa dahas sa kama, Besty, kapag hindi pumayag." Pilyang payo ni Sasha sa kaibigan.Tu
"MATAGAL na rin na hindi kita nadalaw dito, kumusta ka na, Bunso?" Kausap ni James sa puntod ng kapatid."Alam ko na walang pasaway riyan na aaway sa iyo kaya panatag ako kahit hindi mo ako nakakasama." Patuloy siya sa pakipag-usap sa kawalan habang sinisindihan ang kandila."Malapit na rin kita mabigyan ng hustisya, Bunso!" Naikuyom niya ang kamao. Tanda pa niya hanggang ngayon ang mukha ng lalaki na bumaril sa kanya noon. Ngunit iniyakap ng kapatid ang sarili sa kanyang katawan kung kaya ito ang natamaan. Hindi nahuli ito nang mga authorities noon kahit na dini-scribe niya ang mukha ng kriminal."Paulit-ulit ako na hihingi ng tawad sa iyo dahil hindi kita na protektahan ng mga oras na iyon." Tuluyan ng pinalaya ni James ang luha na kanina pa gustong kumawala sa kanya mga mata.Umayon ang panahon sa kanyang nararamdamann dahil dinamayan siya nito sa kanyang pagtangis. Kasabay ng kanyang pagluha ang malamig na hangin na umihip sa paligid. Hindi kalakasan ang ulan kung kaya hindi na si
"Pera na lang ba ang mahalaga sa iyo ngayon?" dismiyadong tanong ni James sa babae. Kanina pa siya lihim na nakikinig sa pag-uusap sa loob."Para ka namang kabote!" Hawak ang dibdib na turan ni Jennyrose, nagulat siya sa biglang pagsalita ni James dahil hindi niya alam na may tao banda roon."Binayaran ka ba para makapasok dito?" tanong muli ni James dito."Hoy, Mamang Pogi, ang dami mo namang tanong!" Nakasimangot niyang sita sa lalaki. Mabuti na lang at walang ibang tao sa kinatayuan niya."My name is James." Pakilala niya sa dalaga at hindi na pinagtuunan ng pansin ang unang tawag nito sa kaniya."Ako si Wheng—""I know," putol ni James sa iba pang sasabihin ng dalaga."Ang sungit naman," naibulong ni Jennyrose sa sarili."Narinig ko na tinanggap mo ang alok niyang maging mistress niya kapalit ng malaking halaga.""Eh ano naman sa iyo ngayon?" Nagtaray na rin si Jennyrose dahil ang sungit ng mukha ng lalaki ngayon at napakaseryoso."Tatapatan ko ang bawat halaga na ibabayad niya sa
SA loob ng silid nila Jeydon ay hindi niya napigilan ang magmura nang agad siyang sinalubong ng yakap ng parokyano pagkabukas ng pintuan. Mabuti na lang at nakaiwas siya sa halik nitong tumama sa kaniyang balikat."Fuck, are you gay?" galit na tanong ng parokyano kay Jeydo nang marinig ang boses nito.Napamura muli si Jeydon dahil malakas ang napunta sa kaniya. Nakaramdan siya ng pagkahilo epikto ng gamot na itinurok sa kaniya. Kung walang panlaban doon ay tiyak niyang mabirginan pa ng barakong ito ang kaniyang puwet. "Let's play, Baby!" Hindi na niya itinago ang tunay na boses kasabay ng paglapit dito. Maliksi na kumilos ang parokyano, tinakbo ang pinto upang lumabas ngunit malakas na ibinalya ito ni Jeydon at sabay silang natumba sa sahig."May problema ba diyan?" Katok ng sangganong bantay sa labas ng pintuan nang marinig ang kalabog. "Nothing!" sagot agad ni Jeydon na ginaya ang boses ng parokyano habang nakikipagbuno ng lakas at itinakip ang palad sa bibig nito."Uhmmmp!" Nan
"ANO ang ginagawa mo at bakit pumasok ka riyan? Hindi pa nakasagot si James ay natutukan na siya ng baril ng isa pang lalaki na hindi niya napansin."Sinasabi ko na nga ba at isa kang spy!" Mahigpit ang hawak sa baril na ani Joel na siyang tumutok ng baril kay James.Bubunot rin sana ng baril ang kasama ni Joel nang maunahan ni Tony. Sumunod siya kanina sa dalawa nang utusan ni Leo na sundan si James at tingnan ang ganap sa mga silid. Sa observation niya ay katulad niya lang din si James. At dahil walang magawa ang kasamahan niya ay makipagtulungan na lang siya kay James ngayon."Huwag mo na ituloy, Pare!" banta ni Tony sa lalaki at tinanguan si James."Kasama ka niya?" gulat na tanong ni Joel kay Tony.Iyon ang kinuhang pagkakataon ni James nang malingat ang atensyon ni Joel. Tinabig ang kamay nito na nakatutok sa kanyang mukha at inagaw ang hawak na baril. Ngunit mahigpit ang pagkahawak sa baril kung kaya nakalabit nito ang gatilyo ng baril.Walang nagawa si Tony kundi ang barilin