"AKO na ang hahabol sa kanila," ani Sasha nang malaman ang biglang pagbago ng plano ni James. Hindi na napigilan ni Dexter ang nobya dahil mabilis itong nakasakay ng motorcycle. Sumunod dito si Micko upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang nobya. Dumating na rin ang tiyuhin niyang si Max at siyang kumuha sa mga kriminal. Ang sugatan ay dinala sa hospital maging ang mga bihag na babae upang matiyak ang kalusugan ng mga ito.Hindi na nakasunod si Jennifer kina Sasha dahil masama na ang tingin sa kaniya ng asawa. Sobrang nag-alala ito nang lumusob sila sa loob at hindi niya sinama ito at si Dexter.Sina Jeydon at Ashton ay inihiwalay na nila sa mga bihag at dinala sa kanilang hideout upang doon tingnan ang kalusugan ng mga ito.Bilib si Joseph kay James dahil nagawa nitong mailigaw ang mga humahabol sa kanila kanina. Tanging motor lang nito ang dala nila at nagkasya silang tatlo doon kasama si Jennyrose na ginawa nilang hostage. Sa nakita kanina ni Joseph ay hindi biro ang grupong lum
UMIYAK si Jennyrose at totoong natakot siya sa banta ni Joseph. Gusto niya tuloy sisihin ngayon si James. Kung iniwan na sana siya doon sa pinangyarihan ay nakasama siya sa na rescue sana. Aanhin niya ang malaking pera ngayon kung kapalit naman ay ang kaniyang pagkatao?"Huwag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko ngayon kaya tumigil ka sa pag-iyak!" bulyaw ni Joseph sa dalaga."Huwag siya ang intindihin mo ngayon, boss. Kailangan na mayroon tayong balita sa labas tungkol kina Leo." Agaw ni James sa atensyon ng lalaki."Makakalabas ka ba nang hindi makilala?" tanong ni Joseph."Makakalabas dahil hindi naman nila nakita ang mukha ko kanina at may takip akong panyo sa mukha. Pero kailangan kong makakasiguro kaya isasama ko ang babaeng iyan upang may pananggalang ako kapag natyempuhan ng mga pulis."Sandaling napaisip si Joseph. Kailangan na masigurong mapatahimik si Leo at iba pang tauhan na nahuli ng buhay. Ngayon siya nagsisi kung bakit iniwan pa niyang buhay si Leo. Kailangan niya r
"SALAMAT at hindi mo ako iniwan doon!" pasasalamat ni Jennyrose kay James habang kumakain sila sa maliit na karindirya.Siya ang may gusto na doon kumain dahil sanay siya sa mumurahing kainam lamang. Hindi siya nakakain ng maayos kanina bago sila umalis dahil takot siyang maiwanan ni James."Kapag iniwan kita doon, tiyak na lalapain ka ng hayok sa laman ng lalaking iyon." Sagot nito habang nakayuko dahil kumakain.Pinagkakatitigan ni Jennyrose ang binata, kahit nakasuot ito ng luma at kupasing kasuotan ay mukha pa rin itong guwapo at may kaya sa buhay. Nahiya siya magtanong kung ano ang tunay na pagkatao nito. O baka pati pangalan nito ay alyas lang din para sa misyong pinasok katulad niya."Huwag ako ang kainin mo sa iyong isipan," ani James habang patuloy na kumakain. Ramdam niya ang mga titig ng dalaga sa kanya at naaapiktuhan siya sa ginagawa nito."Asa ka! Ang takaw mong kumain." Pagkaila ni Sasha sa iniisip ng binata. Nakalimutan niya na malakas ang pandama ng lalaki kaya naram
"ARAY, ang sakit niyon ha!" Reklamo ni Jennyrose nang wala na si Jacob at Joseph habang hinihimas ang nasaktang balakang at braso."Sampulan mo nga ako kung paano mang-akit." Nakangising hamon ni James sa dalaga habang nanatiling nakadagan sa kalahating katawan nito."Namamanyak ka na rin sa akin?" Nakangiting buska niya sa binata. Kung ito lang din ang hahalay sa kaniya ay papayag na siya kahit wala pang drogang ituturok sa kaniya."Hindi pa ba tapos?" tanong ni Jacob nang bumalik sa silid."Tapos na, bumibigay na nga!" Tumatawa na tugon ni James habang pinadadaanan ng kanyang palad ang binti ng dalaga na nakalabas sa suot na short.Nahigit ni Jennyrose ang hininga nang tila may kuryenteng nanulay sa kaniyang balat mula sa haplos ng binata sa kanyang binti."Tama na iyan at para siya kay Boss, hindi sa'yo." Saway ni Jacob dito bago pa madarang ang dalawa sa init nang katawan. Alam niya na pareho ng may tama ngayon ang mga ito."Baka pwedeng matikman ko rin siya?" nadedemonyong tanong
"Doon ka sa silid mo magbihis." Agad na iniwas ang tingin sa dalaga nang tumambad sa kanyang mga mata ang maputi at makinis na legs nito lalo na ang dibdib."Hoy, saan ka pupunta?" tawag niya dito nang padabog na lumabas ang dalaga at tinahak ang pintuan palabas ng bahay."Maghahanap ng lalaki na hindi bakla at nang maampat itong init na nararamdaman ko sa aking katawan!" Nilingon nito ang lalaki at inirapan."Nang naka panty at bra lang?" Humarang siya sa pintuan upang hindi makadaan ang dalaga.Pwede rin na hubo't hubad!""Shit!" Maagap na hinawakan ang kamay ng babae nang tangkang huhubarin na rin nito ang maliit na saplot pantaas."Umayos ka nga!" Pilit na ikinubli ang pagnanasa na lumukob sa kanyang pagkalalaki nang dumikit muli ang kanilang mga balat."I feel it!" Pilyang turan ni Jennyrose at lalong idinikit ang sarili sa binata."Tumigil ka na, lalaki pa rin ako!" Kulang sa lakas na saway niya sa dalaga nang humaplos ang palad nito sa kanyang tiyan pababa."Ang tigas!" nasakop
"BAKIT ang tagal mong buksan ang pinto at naka double lock pa?" bungad na tanong agad ni Jacob nang pagbuksan siya ni James."Alam mong nalasing ako kagabi, kailangang e-lock at baka may pumasok habang nasa kasarapan ng aming tulog." Pabarumbado niyang sagot sa lalaki."Ano ang nangyari kagabi sa dalawa?" tanong nito muli nang makapasok sa loob."Malamang nagpakalunod sa batis, natulog ako at kakagising lang." Humiga siya muli sa sofa."Buti nakatulog ka ng mahimbing habang may naglalaban sa kama." Nakangising turan ni Jacob habang hinuhubad ang suot na salamin at sumbrero."Mukha ngang magdamag nagtampisaw ang dalawa." Tumawa ng bahaw si James."Nariyan ka na pala." Bati ni Joseph sa bagong dating habang hinihilot ang batok. Ang pagbalik sa pagtulog ay ipinagliban nang makarinig ng taong nag-uusap sa sala. "Kumusta ang lakad mo?""Bukas ay darating ang epiktos, naayos ko na ang lugar kung saan ang bagsak dahil baka naikanta na ni Leo ang tungkol sa bagay na ito.""Hindi pa naayos ng
"HUWAG mo na ipangalandakan na pogi kami, Wheng." Mayabang na turan ni Ashton habang nakaakbay sa dalaga. Masaya siyang makita muli ito at ligtas."Pwede namang usap lang, bakit may paakbay pa?" hindi napigilan ni James ang sarili na masambit ang nasa isip."Naku selos ka naman agad, Bro!" Tumatawa na tukso ni Jeydon kay James. Lalong nagkatunog ang kaniyang tawa nang samaan siya ng tingin nito.Si Ashton ay parang walang narinig dahil lalong hinigpitan ang akbay sa balikat ng dalaga at isinama sa loob upang kumain."Ako ang kasama niyan at hindi ikaw! Inalis ni James ang braso ni Ashton na nakaakbay sa dalaga."Balato mo muna siya sa amin ngayon, bro dahil ngayon lang may nagsabi na pogi kami." Nang-aasar ang ngiti ni Ashton kay James at muling ibinalik ang braso sa balikat ng dalaga."Wheng, halika!" nakiagaw na rin si Jeydon sa atensyon ng dalaga. Binaklas niya ang braso ni Ashton na nakaakbay dito at ang kaniya ang ipinalit doon. Napangiti si Dexter dahil sa nakikitang selos ngay
NAKANGISING sinuyod ng tingin ni Joseph ang katawan ng dalaga. Kanina pa siya natatakam na mahawakan ito. Hanggang ngayon ay hindi niya matandaan kung paano niya naangkin ito noong lulong siya sa ipinagbabawal na gamot. At gusto niyang galawin ito ngayong nasa matino na siyang pag-iisip."Huwag kang lalapit!" Mabilis na nagtago sa likod ng sofa ang dalaga na malayo kay Joseph.Lalong ginanahan si Joseph na makipaglaro sa dalaga. Mabilis siyang umakyat sa sofa at tinalon ang dalaga. Ngunit ang akala niyang mahinang babae ay malakas pala. Mabilis itong nakawala mula sa yakap niya at nasiko pa siya sa sikmuta. "Gusto mo pa talaga akong pahirapan, ha?" muli siyang ngumisi at pinasadahan ng dila ang sariling labi.Mukhang demonyo ang tingin ni Jennyrose sa lalaki ngayon. Mukha itong asong ulol na gusto siyang malawayan. Nang muli itong sumugod ay maliksi siyang nakaiwas muli. Abot hanggang langit ang dasal niya na sana ay dumating na sina James. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kay
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l