"MUKHANG magaling itong napili mo, Boyet," ani Joseph habang sinusundan ng tingin sa screen monitor ang bawat galaw ni James."Nakilala ko siya, boss, noong may humahabol sa akin na parak. Tinulongan niya ako at magaling dumiskarte upang maligaw ang humahabol sa amin." Liyad ang dibdib na kinuwento muli ni Boyet ang tumgkol sa kakayahan ni James. Natuwa siya dahil sa papuri ng boss nila."Huwag tayo pakasigurado, marami na ngayon ang nagkalat na kalaban upang mabutasan ang ating grupo." Sabat ni Leo na kasosyo ni Joseph sa illegal na gawain."Alam ko ang bagay na iyan at hindi mo na kailangang paulit-ulit na ipaalala sa akin! Kailangan natin nang dagdag na tao dahil nailibing na ang ilan sa magagaling nating tauhan." Biglang uminit ang ulo ni Joseph pagkaalala sa limang tauhan na pinagkakatiwalaan. Nahuli ang mga ito ng mga pulis at upang hindi sila maikanta ay pinapatay ni Leo ang mga ito nang walang pahintulot mula sa kanya."Pumasa na ang tatlong nahanap ng aking tauhan, tama na si
"NO way!"Magkapanabay na naibulalas nila Ashton at Jeydon nang sabihin nila Dexter ang plano. Isa sa kanila ang kailangan na magpangggap na babae."Tang-ina, Tol, huwag mo naman paglaruan ang katawan at mukha ko!" ani Ashton kay Dexter at hindi napigilan ang bibig na magbitaw ng hindi magandang salita."Pumayag ka na, Tol, bagay sa iyo magpakabakla." Tinulak ni Jeydon si Ashton sa harapan ni Sasha."Gago, mas mukhang babae ka sa akin!" Bwelta ni Ashton kay Jeydon at mas malakas na itinulak ito sa harapan ni Sasha. Mukhang striktang scientist ngayon ang dalaga sa kanilang paningin. Masusing sinusuri nito ang katawan nila at pinag-aaralan kung sino sa kanilang dalawa ang bibiktimahin nito."Tama na, huwag na kayong magturuan dahil dalawa kayo na bibihagin ni James bukas." Pigil ni Sasha ang sarili na tumawa dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ng dalawang binata.Si Ashton ay parang lantang gulay na napasandal sa pader at si Jeydon naman ay bagsak ang mga balikat at napaupo sa sahig
"BAWAT isa sa inyo ay kailangan na may maiuwi na sariwang babae dito, maliwanag?" Dumadagundong ang boses ni Joseph sa apat na sulok ng silid. Isa-isa niyang tinapunan ng tingin ang apat na bagong tauhan."Areglado, Boss!" mayabang na sagot ng isa."Maari na kayong makaalis!" nauna na si Joseph sa paglabas ng pintuan at naiwan ang apat."Good luck sa iyo." Maangas na bati ni Joel kay James, isa rin ito sa baguhan doom. "Sa'yo rin!" Nakangising sagot na James dito. Tinignan niya ang dalawa na nangangalang Tony and Tasyo, tahimik lang pero nasa mukha ang panganib na dala."Huwag niyo akong biguin!" Rinig ni James na bilin ni Leo sa tatlong lalaki. Ramdam niyang mainit ang dugo sa kaniya ni Leo kaya iniiwasan niya ito hangga't maari upang hindi mabulilyaso ang misyon. Napangisi siya nang marinig ang mayabang na sagot ni Joel dito at nanguna pa sa pag-alis.Napaisip si James kung saan dumadaan ang sasakyang malalaki or kotse papunta sa lugar na iyon. Sa isang araw palang niya na pamama
"PAKAWALAN ninyo ako, sino kayo at ano ang kailangan ninyo sa akin? Parang awa niyo na, tanggalin niyo ang takip sa aking mata!" Nag-iiyak at pilit na kumakawala si Jeenyrose sa humahawak sa kanya nang maisakay siya sa loob ng kotse."Busalan mo nga ang bibig niyan, ang ingay! Natakot na rin tuloy ang dalawa pang bihag." Utos ng driver sa alalay. Napangisi siya nang makitang nanginig bigla sa takot ang dalawang babae na bihag ni James. Kanina lang ay masaya ang mga ito dahil walang sapilitan na nangyari na isinakay ang mga ito sa sasakyan."Uhmmmp, uhhhhmp!" Pilit na iniiwas ang ulo sa lalaki nang takpan nito ang kanyang bibig. Kahit alam ni Jennyrose sa una palang na delikado ang trabahong kanyang pinasok, nakaramdam pa rin siya ng takot dahil wala siyang makita at hindi na rin makapagsalita. Wala siyang ibang kinatatakutan maliban sa kadiliman."Wala pa bang nahanap ang dalawa?" tanong ng driver sa kasama."Kaka-text lang, mayroon ng bihag silang dalawa."Napamura si James sa kaniya
"Kumusta na riyan?" tanong ni Dexter nang magkaroon ng pagkakataon si James na matawagan siya."As of now, nasa maayos pa ang lahat. May kakaiba lang akong napapansin na gusto kong alamin sa ngayon."Good, hindi maari magtagal ang dalawa riyan at baka malaman ang tunay na kasarian.""Gusto kong makausap si Sasha, maari bang suportahan mo muna siya sa ipagagawa ko?"Matagal bago nakasagot ang nasa kabilang linya. "Trust me hindi siya mapapahamak," untag ni James sa kaibigan."Kailangang kasama ako," ani Dexter nang makapag-isip."Pwede rin, marunong ka na rin naman humawak ng baril kung sakali."Tuwang-tuwa si Sasha matapos marinig ang ipapagawa ni James sa kanila at pumayag pa ang boyfriend. Agad niyang tinawagan si Jenny na mas nakilala sa pangalang Kailani."Magpapaalam muna ako kay Yazed," ani Jenny nang makausap si Sasha. Na-miss na rin naman niya ang humawak ng baril at gumawa ng plano."Idaan mo sa dahas sa kama, Besty, kapag hindi pumayag." Pilyang payo ni Sasha sa kaibigan.Tu
"MATAGAL na rin na hindi kita nadalaw dito, kumusta ka na, Bunso?" Kausap ni James sa puntod ng kapatid."Alam ko na walang pasaway riyan na aaway sa iyo kaya panatag ako kahit hindi mo ako nakakasama." Patuloy siya sa pakipag-usap sa kawalan habang sinisindihan ang kandila."Malapit na rin kita mabigyan ng hustisya, Bunso!" Naikuyom niya ang kamao. Tanda pa niya hanggang ngayon ang mukha ng lalaki na bumaril sa kanya noon. Ngunit iniyakap ng kapatid ang sarili sa kanyang katawan kung kaya ito ang natamaan. Hindi nahuli ito nang mga authorities noon kahit na dini-scribe niya ang mukha ng kriminal."Paulit-ulit ako na hihingi ng tawad sa iyo dahil hindi kita na protektahan ng mga oras na iyon." Tuluyan ng pinalaya ni James ang luha na kanina pa gustong kumawala sa kanya mga mata.Umayon ang panahon sa kanyang nararamdamann dahil dinamayan siya nito sa kanyang pagtangis. Kasabay ng kanyang pagluha ang malamig na hangin na umihip sa paligid. Hindi kalakasan ang ulan kung kaya hindi na si
"Pera na lang ba ang mahalaga sa iyo ngayon?" dismiyadong tanong ni James sa babae. Kanina pa siya lihim na nakikinig sa pag-uusap sa loob."Para ka namang kabote!" Hawak ang dibdib na turan ni Jennyrose, nagulat siya sa biglang pagsalita ni James dahil hindi niya alam na may tao banda roon."Binayaran ka ba para makapasok dito?" tanong muli ni James dito."Hoy, Mamang Pogi, ang dami mo namang tanong!" Nakasimangot niyang sita sa lalaki. Mabuti na lang at walang ibang tao sa kinatayuan niya."My name is James." Pakilala niya sa dalaga at hindi na pinagtuunan ng pansin ang unang tawag nito sa kaniya."Ako si Wheng—""I know," putol ni James sa iba pang sasabihin ng dalaga."Ang sungit naman," naibulong ni Jennyrose sa sarili."Narinig ko na tinanggap mo ang alok niyang maging mistress niya kapalit ng malaking halaga.""Eh ano naman sa iyo ngayon?" Nagtaray na rin si Jennyrose dahil ang sungit ng mukha ng lalaki ngayon at napakaseryoso."Tatapatan ko ang bawat halaga na ibabayad niya sa
SA loob ng silid nila Jeydon ay hindi niya napigilan ang magmura nang agad siyang sinalubong ng yakap ng parokyano pagkabukas ng pintuan. Mabuti na lang at nakaiwas siya sa halik nitong tumama sa kaniyang balikat."Fuck, are you gay?" galit na tanong ng parokyano kay Jeydo nang marinig ang boses nito.Napamura muli si Jeydon dahil malakas ang napunta sa kaniya. Nakaramdan siya ng pagkahilo epikto ng gamot na itinurok sa kaniya. Kung walang panlaban doon ay tiyak niyang mabirginan pa ng barakong ito ang kaniyang puwet. "Let's play, Baby!" Hindi na niya itinago ang tunay na boses kasabay ng paglapit dito. Maliksi na kumilos ang parokyano, tinakbo ang pinto upang lumabas ngunit malakas na ibinalya ito ni Jeydon at sabay silang natumba sa sahig."May problema ba diyan?" Katok ng sangganong bantay sa labas ng pintuan nang marinig ang kalabog. "Nothing!" sagot agad ni Jeydon na ginaya ang boses ng parokyano habang nakikipagbuno ng lakas at itinakip ang palad sa bibig nito."Uhmmmp!" Nan
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l