Share

The Billionaire's Vengeful Desire
The Billionaire's Vengeful Desire
Penulis: YlatheDreamer

Desperation's Door

Penulis: YlatheDreamer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-19 14:20:37

Chapter 1: Desperation’s Door

"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.

 

“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.

 

“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi.

 

Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magulang.

 

Napabuntong-hininga siya habang inaayos ang tray. Ang init sa loob ng kusina, ang tunog ng fryer na hindi humihinto, at ang paulit-ulit na pag-aasikaso sa orders—lahat ng ito ay naging parte na ng araw-araw niyang buhay.

 

Minsan, iniisip niya kung ganito na lang ba palagi.

 

"Hanggang kailan ako magtitiis?" tanong niya sa sarili, pero mabilis na pinalis ang panghihina. Hindi siya pwedeng bumigay—hindi ngayon.

 

Sa kabila ng lahat ng hirap, hindi niya maiwan ang mga magulang niya. Kahit na madalas silang malulong sa sugal at pinaparatangan siya ng pagiging pabigat, mahal niya ang mga ito. Minsan, lasing na lasing ang ama niya at sinisisi siya sa lahat ng problema. Ang ina naman niya, walang ibang inatupag kundi ang pag-asa sa sugal na balang araw ay makakaahon sila sa hirap.

 

Hindi mabilang ang pagkakataong umuuwi siya na may pasalubong, umaasang matutuwa ang mga ito, ngunit imbes na pasasalamat ay masasakit na salita ang natatanggap niya.

 

"Wala kang mararating sa buhay na 'yan, Amara."

 

"Kahit anong kayod mo, hindi mo kami kayang iligtas sa kahirapan."

 

Paulit-ulit na tumatagos sa isip niya ang mga salitang iyon. Pero hindi niya magawang magalit. Kahit gaano kasakit, pamilya pa rin niya ang mga ito.

 

"Amara!" Naputol ang pagmumuni-muni niya sa tawag ni Myla, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. Halata sa mukha nito ang pag-aalala habang papalapit sa kanya.

 

"Bakit?" tanong niya, bakas ang pagkalito sa boses niya.

 

"Nasa labas si Kuya Tony… may kailangan kang malaman," anito, mahina ang tono ngunit bumigat ang dibdib ni Amara sa pag-aalalang nadama niya.

 

Nagmamadali siyang naglakad palabas ng counter, at bumungad sa kanya si Kuya Tony—ang kapitbahay nila na katrabaho niya din, ngunit day off nito ngayon. Napansin niyang nanginginig ang mga kamay nito habang hawak ang cellphone.

"May nangyari ba Kuya Tony?" nag-aalalang tanong niya dito.

 

“Amara…” napalunok ito bago nagsalita ulit. “Naaksidente ang mga magulang mo. Nasa ospital sila ngayon.”

 

Naramdaman niya ang biglaang panlalamig ng katawan. Para bang huminto ang paligid at tanging tunog ng tibok ng puso niya ang naririnig niya.

 

"A-Anong… anong nangyari?" nanlalambot ang tuhod niya, pilit na itinatago ang panghihina.

 

"Sumalpok ang tricycle na sinasakyan nila sa isang truck. Kritikal ang lagay nilang dalawa, Amara. Kailangan nila ng agarang operasyon at sabi sa ospital malaki ang kinakailangang halaga."

 

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sa maliit niyang kita, paano niya mapo-pondohan ang operasyon ng dalawa? Wala siyang ipon. Walang ibang matatakbuhan. Galit ang mga kamag-anak nila sa mga magulang niya, kaya nasisiguro niya na hindi siya matutulungan ng mga ito

 

Ngunit isang pangalan ang pumasok sa isip niya.

 

Raiden Alcantara.

 

Isang pangalang hindi niya kailanman inisip na lalapitan. Ngunit wala na siyang ibang pagpipilian.

 

Limang taon na ang nakalipas, isang gabing hindi niya makakalimutan. Pauwi siya noon galing sa eskuwela nang makita niya ang isang lalaking duguan sa isang madilim na eskinita. Halos hindi gumagalaw, may sugat sa tagiliran, tila inabandona ng mundo.

 

Wala siyang inisip noon kundi ang tumulong. Dinala niya sa isang clinic, kahit alam niyang wala siyang pera panggastos. Buong gabi siyang nag-alaga, hindi alintana ang takot. Hindi niya alam kung sino siya—ni hindi niya tinanong ang pangalan nito. Sa huli, basta na lang itong nawala, iniwan siyang may tanong kung sino siya sa likod ng malamig nitong anyo. Lumipas ang dalawang linggo ay namukhaan niya ang lalaki na naibalita sa isang news sa telebisyon, kaya nalaman niya na Raiden ang pangalan nito.

 

Ngayon, siya naman ang nangangailangan. At siya lang ang naiisip niyang lalapitan.

 

Alam niyang delikado. Ang naririnig niya tungkol kay Raiden ay hindi maganda—isang malupit at walang pusong lalaki. Pero ano pa ang magagawa niya? Kung hindi siya kikilos ngayon, baka mawalan siya ng pamilya.

 

"Bahala na…" bulong niya sa sarili, pilit na pinapalakas ang loob.

 

Nang makarating siya sa gusali ng Alcantara Group, natigilan siya sa pintuan. Ang laki ng gusali—tila ba sumisimbolo sa agwat ng mundo nila. Mula sa isang simpleng service crew patungo sa isang makapangyarihang billionaire.

 

"Anong kailangan mo rito?" tanong ng receptionist na tila ba sinusukat siya mula ulo hanggang paa.

 

"May appointment ka ba kay Mr. Alcantara?" dagdag nito, malamig ang boses.

 

"Wa-wala po. Pero… kailangan ko po siyang makausap. Emergency po."

 

Napairap ang babae. "Pasensya na, miss, pero hindi basta-basta nakakausap si Mr. Alcantara."

 

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Amara. "Pakiusap po… importante lang talaga."

 

Bago pa makasagot ang receptionist, bumukas ang elevator. Napatingin siya roon—at nanlamig ang buong katawan niya.

 

Doon sa harapan niya, sa loob ng mamahaling suit, nakatayo si Raiden Alcantara.

 

Matangkad, may tindig na nakakatakot, at ang matatalim na mata nito ay diretso sa kanya.

 

Nang magtagpo ang mga mata nila, bumalik sa kanya ang lahat—ang gabing iniligtas niya ito, ang takot, at ang pag-asang kaya nitong sagipin ang buhay ng mga magulang niya ngayon.

 

Naglakad ito at nilampasan siya, ngunit desidido si Amara na makausap ito kaya agad niya itong sinundan.

 

“Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Raiden, hindi man lang nag-abalang itago ang pagkainip sa kanyang boses.

 

Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga tuhod. “Kailangan ko ng tulong mo.”

 

Humarap ito sa kanya at napangisi—isang mapanganib at mapanuyang ngiti. “Tulong?” Umangat ang isang kilay nito. “At bakit ko gagawin ‘yon?”

 

Dumagundong ang dibdib ni Amara. Alam niyang hindi magiging madali ito, pero hindi siya pwedeng umatras ngayon. “Naaksidente ang mga magulang ko,” mahina niyang sabi. “Pareho silang kailangang operahan. Malaki ang halaga, at… hindi ko kayang bayaran.”

 

Isang katahimikan ang bumalot sa pagitan nila bago muling nagsalita si Raiden, mas malamig pa kaysa kanina. “Bakit ko paproblemahin ang buhay ng mga magulang mo?”

 

Napakapit si Amara sa gilid ng kanyang damit, sinusubukang pigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Dahil minsan kitang iniligtas,” matapang niyang sagot, pilit na isinusumbat ang nagawa niya para sa kanya. “Naaalala mo ba? Kung hindi dahil sa akin, baka patay ka na ngayon.”

 

Nagkaroon ng bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Raiden, ngunit agad din itong nagbalik sa malamig na maskara.

 

“Kahit ano gagawin ko, Raiden. Basta matulungan mo lang ako.”

 

Nagtagal ang katahimikan. Nakakatakot ang paraan ng pagtingin nito sa kanya—parang hinuhubaran siya ng bawat lihim. Alam niyang naglalaro ito ng mapanganib na laro, pero wala na siyang ibang mapuntahan.

 

Hanggang sa lumapit si Raiden, ang mga mata nito ay puno ng isang bagay na hindi niya mabasa.

 

“Kung gusto mo ng tulong ko,” bulong nito, “handa ka bang tanggapin ang kapalit?”

 

At sa sandaling iyon, alam niyang pumasok siya sa isang larong hindi niya alam kung paano tatapusin.

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Billionaire's Vengeful Desire   An Offer She Can't Refuse

    Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Deal with the Devil

    Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Cage of Gold

    Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Bound by His Terms

    Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buong

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Taste of Desire

    Chapter 6: A Taste of Desire Malalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag. “Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang n

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Party

    Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Battle of Boundaries

    Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Day of Firsts

    Chapter 9: A Day of FirstsIsang linggo na ang lumipas mula nang tanggalin ni Raiden si Sofia bilang secretary niya. Simula noon, hindi na muling nagbalik ang babae sa opisina, at wala na rin siyang naririnig na anumang balita dito mula kay Raiden, ni hindi na nga ito binanggit mula ng tinanggal ito. Kahit na pinilit niyang itaboy sa isip ang nangyari, hindi niya maitatangging nagkaroon iyon ng epekto sa kanya. Para bang may kung anong unti-unting pumipigil sa kanya na balewalain ang presensya ni Raiden.At iyon ang lalong gumulo sa isip niya.Habang nasa loob ng sasakyan, hindi niya maiwasang sipatin ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Nakatutok si Raiden sa daan, seryoso ang ekspresyon, pero kita sa postura nito na relax lang ito. Halatang sanay na sanay sa pagmamaneho kahit mabilis ang takbo ng kotse, maingat ito sa pagmamaneho.Napalingon si Amara sa labas ng bintana. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nilampasan nila ang daan patungo sa opisina ni Raiden, dahil buong akala

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-02

Bab terbaru

  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Aftermath of Chaos

    Chapter 14: The Aftermath of Chaos Pagdating sa mansion, bumaba agad si Raiden at dire-diretso papasok ng bahay. Hindi niya man lang nilingon si Amara. “Raiden—” tawag niya, pero hindi siya nito pinansin. “Amara,” lumapit si Mang Fred, kita sa mukha nito ang pag-aalala. “Mabuti at ligtas ka.” Napabuntong-hininga siya. “Salamat po sa inyo ni Raiden.” Nagtagpo ang paningin nila ni Raiden nang muling lumingon ito sa kanya. ang tingin nitong puno ng galit. “Tara na,” malamig na sabi nito bago tumuloy sa loob. Pagkapasok nila, hindi na nakatiis si Amara. “Raiden—” “Sa kwarto ka na,” putol nito, hindi man lang siya nilingon. “Raiden, please,” she pleaded, pero bigla itong humarap sa kanya, and she immediately regretted speaking. Malamig ang tingin nito. Hindi ito sumisigaw, pero ramdam niya ang lalim ng galit nito sa kanyang titig pa lang. “You should be grateful na hindi kita iniiwan sa putanginang pamilyang ‘yon,” he hissed. Napasinghap siya. “Hindi ko naman—” “Y

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Rescued

    Chapter 13: Rescued "Kailangan na nating magmadali," mariing bulong ni Benedict kay Amara habang palinga-linga sa bintana ng silid. Halatang kinakabahan ito, pero kita rin sa kanyang mukha ang matibay na desisyon na iligtas siya. "K-kung mahuli tayo—" hindi mapigilang sambit ni Amara, ramdam pa rin ang takot sa dibdib niya. "Mas mapapahamak ka kung maabutan ka nila dito," madiin na sagot ni Benedict, saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas, siniguradong walang tao sa hallway bago hinila si Amara palabas. Mabilis silang lumakad sa madilim na pasilyo, pilit na iniiwasan ang anumang ingay. Alam nilang kahit anong kaluskos ay maaaring magdala sa kanila ng kapahamakan. Ngunit bago pa sila makarating sa hagdan, biglang bumukas ang isang pinto sa di kalayuan. "Anong ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ng isa sa mga tauhan ng Ybañez. Napahigpit ang hawak ni Benedict sa kamay ni Amara. "Tumakbo ka!" bulong niya bago itinulak siya papunta sa kabilang direksy

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Debt Paid in Flesh

    Chapter 12: A Debt Paid in FleshHindi namalayan ni Amara na lumampas na ang isang linggo mula nang umalis si Raiden para sa kanyang business trip, ang sabi nito matagal na ang isang linggo, ngunit bakit wala parin ito ngayon. Inisip niya lang na marahil ay sobrang abala ito sa trabaho. Aminado si Amara hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at pangungulila, ni hindi man lang din kasi ito sumasagot sa kanyang mga mensahe.Pagod siya pero masaya dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng kanyang ina. Mabuti na lang din at nandiyan si Mang Fred kaya minsan kapag ginagabi siya sa ospital hinahatid siya nito pauwi, kagaya ngayon inihatid siya nito.Pagkapasok ni Amara sa bahay nila, laking gulat niya nang makita ang ama na lasing na lasing sa sala, nakahandusay sa sahig habang may mga basag na bote ng alak sa paligid. Napalapit siya rito at pilit niyang ginising. "Papa! Ano ba 'to? Bakit ka nagkaganyan?" Nanginginig ang kanyang boses habang tinutulungan itong bumangon. Ngunit imbes na

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Family That Never See

    Chapter 11: A Family That Never See“Oo, bes, pasensiya na talaga hindi ko alam. Pero nakakulong na siya ngayon,” sabi ni Myla sa kabilang linya. Ang tinutukoy nito ay si Gregory, pinakulong ito ni Raiden dahil sa ginawa nito sa kanya. “Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensiya sa ‘kin, hindi naman ikaw ang may kasalanan. Siya, bes, kailangan ko na tulungan si Raiden. Bye,” paalam niya dito bago patayin ang cellphone niya.Abala si Raiden sa paghahanda ng mga gamit nito dahil may business trip ito sa ibang bansa. Hindi siya kasama ni Amara."Gaano katagal?" hindi mapigilang tanong niya kay Raiden hang tinutulungan itong mag impake."Hindi ko pa alam, pero siguro matagal na ang isang linggo."Tumango si Amara, pilit na inuunawa ang sitwasyon. Ngayon lang kasi malalayo si Raiden sa kanya mula ng maging asawa niya ito."Pwede ba akong umalis saglit para dalawin ang Papa? Lalabas na daw siya ng ospital," tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.Saglit na pinagmasdan siya

  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Dangerous Night

    Chapter 10: The Dangerous Night “Bes, please! Isang beses lang sa isang taon ako magbibirthday oh! Pumunta ka naman kahit saglit lang.” Napangiti si Amara habang kausap si Myla sa cellphone. Simula nang ikasal siya kay Raiden, bihira na siyang lumabas. “Nakakahiya naman madami ka atang bisita, tsaka baka nandiyan sila Ma’am, alam mo namang nag-AWOL ako?” tanong niya, bahagyang napatingin sa direksyon ni Raiden na abala sa laptop nito. “Anong nag awol? Nagpadala ka kaya ng resignation letter at sinabi mo na kailangan mong alagaan ang mga magulang mo ‘di ba?” tanong ni Myla sa kabilang linya. Bahagyang napakunot siya ng noo sa sinabi nito. Hindi naman siya nagpasa ng resignation letter at lalong hindi na nga siya nakabalik sa dating pinagtatrabahuhan niya. Napalingon si Amara kay Raiden, marahil ito ang nagpasa ng sinasabi ni Myla. “Sige, bes, magpapaalam muna ako sa asawa ko,” sagot niya sa kaibigan. “Aray! Bes, bakit ka naman tumili ang sakit sa tenga?!” “May asawa ka na pala?

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Day of Firsts

    Chapter 9: A Day of FirstsIsang linggo na ang lumipas mula nang tanggalin ni Raiden si Sofia bilang secretary niya. Simula noon, hindi na muling nagbalik ang babae sa opisina, at wala na rin siyang naririnig na anumang balita dito mula kay Raiden, ni hindi na nga ito binanggit mula ng tinanggal ito. Kahit na pinilit niyang itaboy sa isip ang nangyari, hindi niya maitatangging nagkaroon iyon ng epekto sa kanya. Para bang may kung anong unti-unting pumipigil sa kanya na balewalain ang presensya ni Raiden.At iyon ang lalong gumulo sa isip niya.Habang nasa loob ng sasakyan, hindi niya maiwasang sipatin ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Nakatutok si Raiden sa daan, seryoso ang ekspresyon, pero kita sa postura nito na relax lang ito. Halatang sanay na sanay sa pagmamaneho kahit mabilis ang takbo ng kotse, maingat ito sa pagmamaneho.Napalingon si Amara sa labas ng bintana. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nilampasan nila ang daan patungo sa opisina ni Raiden, dahil buong akala

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Battle of Boundaries

    Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang

  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Party

    Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Taste of Desire

    Chapter 6: A Taste of Desire Malalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag. “Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status