Chapter 2: An Offer She Can't Refuse
Sa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya niya ay parang isang bagyong kayang punitin ang lahat ng tatama nito. “Sabihin mo sa’kin,” aniya sa mababa at mabagsik na boses, “gaano kalala ang sitwasyon?” Bahagyang napasinghap si Amara bago nagsalita. “Critical ang lagay nila. Pareho silang kailangang maoperahan... at napakalaki ng kailangan naming pera.” Napayuko siya, pilit na itinatago ang nangingilid na luha. “Wala akong ibang malalapitan, Raiden. Kailangan ko ng tulong mo.” “Bakit ako?” Bumaling ito sa kanya, ang madilim na mga mata ay parang bumabasa sa kaluluwa niya. “Dahil…” Napalunok siya, pilit na inaalala ang dahilan kung bakit siya narito. “Dahil gaya nga ng sinabi ko kanina minsan na kitang iniligtas. At akala ko… akala ko, may halaga ‘yon sa’yo.” Tahimik ng ilang segundo. Isang tensyong halos pumutok sa pagitan nila. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Raiden. “So, iniisip mo bang may utang na loob ako sa’yo, Amara Dela Cruz?” Nagulat siya ng banggitin nito ang pangalan niya. Sinong mag-aakala na alam nito kung sino siya. Hindi siya sumagot, hindi niya din alam kung anong sagot ang gusto nitong marinig. Lumapit si Raiden sa kanya, bawat hakbang ay parang bumibigat ang paligid. Nang tumigil siya sa harapan ni Amara, halos matanggal ang hangin sa baga niya. Itinaas ni Raiden ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya—isang kilos na puno ng panunuya kaysa sa lambing. “Uulitin ko, kung gusto mo ng tulong ko,” bulong nito, “handa ka bang tanggapin ang kapalit?” Nanlaki ang mga mata ni Amara at napalunok. Tumalikod si Raiden at bumalik sa likod ng kanyang desk. Umupo siya sa leather chair na parang isang hari sa trono, habang ang titig ay hindi bumibitaw kay Amara. “Simple lang ang hinihingi ko.” Inayos niya ang cuff ng kanyang manggas, walang bahid ng emosyon sa mukha. “Pakasalan mo ako, Amara.” Natigilan siya. Parang tumigil ang oras sa paligid niya. “Ano?” pabulong na tanong niya, hindi makapaniwala sa narinig. “Alam mo na ang narinig mo.” Leaning back on his chair, Raiden’s gaze turned colder. “Kapag pumayag kang maging asawa ko, babayaran ko lahat ng gastusin sa operasyon ng mga magulang mo. Pero kapag tumanggi ka…” Umangat ang isang kilay nito. “You’re on your own.” “Bakit ako?” Gulong-gulo siya. “Ang dami mong pwedeng mapili—bakit ako?” Natawa nang malamig si Raiden, tila ba may lihim itong hindi niya maintindihan. “Sa akin na lang ang bagay na iyon at hindi mo na kailangang malaman pa.” “Paanong—” “Don’t ask too many questions,” putol nito. “Walang kasal, walang pera. As simple as that.” Naramdaman ni Amara ang panginginig ng kanyang tuhod. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang hinihingi ni Raiden. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, bakit parang ngayon ay ginagamit iyon para igapos siya? “Ito ba ang paraan mo ng pagtanaw ng utang na loob?” mapait ang kanyang tinig. Hindi ito natinag. “Life is never fair, Amara. You should know that by now.” Napatakip siya sa bibig, pilit na nilalabanan ang luhang gustong bumagsak. Mahal niya ang kanyang mga magulang sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay nila sa kanya. Hindi niya matitiis na mawalan ng ginagawa. “Bibigyan kita ng oras,” malamig na dugtong ni Raiden. “Pero hindi ako laging mapagpasensiya, Amara. And you know, time is something your parents don’t have.” Alam niyang tama ito. Bawat minutong lumilipas ay palapit sa kamatayan ang mga magulang niya. Kaya kailangan niya na magdesisyon sa lalong madaling panahon. Tumayo si Raiden at lumapit ulit sa kanya, mas malapit ngayon. Nang hawakan niya ang baba ni Amara at itinaas iyon, isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi nito. “Pumayag ka, Amara,” bulong niya, puno ng pang-aakit ngunit may nakatagong bangis. “At maliligtas mo ang pamilya mo. Tumanggi ka… at panoorin silang maglaho.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa titig ni Raiden, may kung anong malalim na dahilan na hindi niya mawari. Pero hindi niya ito matutuklasan—hindi sa ngayon. Bakit siya? Bakit ganito ang hinihingi nito? Sa pagitan ng pagpikit niya, naramdaman niya ang bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ito ba ang magiging katapusan ng kalayaan niya… o ang simula ng isang bagay na mas mapanganib kaysa sa naisip niya? At sa katahimikan ng opisina, isa lang ang sigurado niya—wala siyang ibang pag-asa kundi si Raiden Alcantara. “Kailan mo kailangan ng sagot?” halos bulong na tanong niya. Isang mabagsik na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Raiden. “You have until tomorrow to decide,” dagdag pa nito, sabay lingon pabalik sa bintana. “Pero tandaan mo… hindi ako ang tipo ng taong naghihintay.” Tumalikod si Amara, nanginginig ang mga daliri niya habang kinukuyom ang mga palad. Gusto niyang tumakas—gusto niyang maghanap ng ibang paraan. Pero sa bawat hakbang, isang katotohanan lang ang bumabalot sa isip niya. Si Raiden lang ang pag-asa niya. Humakbang siya papunta sa pinto, pilit na pinipigilan ang sariling mapahikbi. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas, nag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Napahinto siya, halos nanginginig ang kamay habang inilabas ang luma niyang telepono. Unknown number Napakunot ang noo niya. Sino ito? Dagli niyang sinagot ang tawag, umaasang may magandang balita. "Hello?" mahinang sagot niya, ngunit sapat na para marinig ni Raiden ang bahagyang pag-alog ng tinig niya. "Ikaw ba si Amara Dela Cruz?" tanong ng boses sa kabilang linya—malamig at pormal. "Opo, ako nga po 'to." Bumilis ang tibok ng puso niya. "Ano pong kailangan ninyo?" “Tumawag kami mula sa Alcantara’s Medical Center,” seryoso at walang alinlangan ang boses ng doktor. "Kailangan ka naming makausap tungkol sa kalagayan ng mga magulang mo—lalo na sa nanay mo. Kailangan na siyang isailalim sa emergency surgery sa lalong madaling panahon." Parang hinigop ang lahat ng lakas sa katawan ni Amara. "Ano po?" halos hindi siya makahinga sa kaba. “Emergency surgery? Bakit? Akala ko po—” “Mas malala ang lagay niya kaysa sa inasahan namin," putol ng doktor, hindi na nag-aksaya ng oras. "May internal bleeding na tumitindi sa bawat oras. Kung hindi natin maoperahan agad, maaaring hindi na siya umabot ng isang araw." Napapikit siya, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang labi. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. “G-Gaano po kalaki ang kailangan?” “Initial payment of five hundred thousand pesos para masimulan namin ang operasyon,” malamig na tugon ng doktor. “Kung wala ‘yon… hindi namin magagalaw ang pasyente.” Muntik nang malaglag ang telepono sa kamay niya. Limang daang libo. Sa suweldo niya sa fast-food chain, hindi niya kayang kitain ‘yon kahit magdoble-triple siya ng shift. “Miss Dela Cruz? Naririnig mo pa ba ako?” tanong ng doktor, bahagyang nababahala sa katahimikan niya. “O-Opo… Ako na pong bahala.” Hindi niya alam kung saan siya huhugot ng tapang. “Pakiusap… gawin niyo po ang lahat para mailigtas sila.” Binaba niya ang tawag, hindi pa rin matanggal ang pagyanig ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinakalma ang sarili, ngunit ang totoo—wala siyang ibang pagpipilian. “You can’t do it alone.” Nagulat siya nang marinig ang malalim na tinig ni Raiden sa likod niya. Hindi niya namalayang pinagmamasdan pala siya nito habang kausap ang ospital. Nakasalumbaba ito, nakasandal sa mesa, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon. Hindi niya gustong magmukhang mahina sa harap nito, ngunit hindi niya na napigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. "Hindi ko… hindi ko kayang makitang mawala sila." Nanghihina ang boses niya. “Wala akong ganung kalaking pera.” Lumapit si Raiden, dahan-dahang huminto sa harap niya. "Alam mo na ang kondisyon ko," bulong niya, puno ng kumpiyansa. "At mukhang wala ka nang oras para magdalawang-isip." Pinunasan ni Amara ang mga luhang tumakas sa kanyang pisngi. Gusto niyang sumigaw, magwala—ipakita kay Raiden na hindi siya matitinag sa mga kondisyon nito. Pero paano kung ang katigasan ng loob niya ang maging dahilan para tuluyang mawala ang mga magulang niya? “Sagutin mo ako, Amara,” malalim ang boses ni Raiden, tinutukso siya sa bawat salitang binibitawan. “Handa ka bang magpakasal sa akin?” Pinilit niyang huminga nang malalim, ngunit bawat segundo ay parang isang matalim na espada sa puso niya. Alam niyang hindi isang simpleng kasunduan lang ito—isang kontrata ng pagsuko, ng pagiging alipin sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Ngunit hindi na ito tungkol sa kanya. Tungkol ito sa kaligtasan ng mga magulang niya. At kung ito lang ang paraan para mailigtas sila, wala na siyang ibang pagpipilian. Pinigilan niya ang pagyanig ng kanyang katawan habang tumingala siya kay Raiden, diretso sa malamig ngunit mapang-akit nitong mga mata. “I’ll do it,” bulong niya sa wakas, halos hindi lumalabas ang boses niya. “Pumapayag akong magpakasal sa’yo.” Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Raiden—parang isang mandirigmang nagtagumpay sa digmaan. “Good girl,” ani Raiden, bago siya tuluyang talikuran. Ngunit sa bawat hakbang niya palabas ng opisina, isang katotohanan ang hindi niya matakasan—sa sandaling ito, ibinenta niya ang sarili niya sa isang halimaw. At wala nang atrasan.Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin
Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang
Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buon
Chapter 6: A Taste of DesireMalalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag.“Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang niya, pini
Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange
Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang
Chapter 1: Desperation’s Door"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi. Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magul

Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin
Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n