Share

A Cage of Gold

Author: YlatheDreamer
last update Last Updated: 2025-02-19 20:43:41

Chapter 4: A Cage of Gold

Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo.

Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga.

Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi.

Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito.

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang hawla.

Kailangan niyang malaman ang kalagayan ng kanyang mga magulang.

Agad siyang bumalik sa kama at kinuha ang cellphone na iniwan sa bedside table. Mabilis niyang tinawagan ang ospital. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang naghihintay ng sagot.

"Good morning, Alcantara Medical Center, how may I help you?"

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Pwede ko bang malaman ang kalagayan ng mga Dela Cruz? Ako po ang anak nila? Nagpa-admit kagabi. Car accident victims."

Ilang saglit ng katahimikan bago nagsalita ang nurse. "Nasa ICU pa rin po sila, Ma’am. Stable na ang kalagayan ng inyong ama, pero ang inyong ina…"

Napakagat-labi si Amara sa kaba. "Ano po? Kumusta siya?"

"Maselan pa rin ang kondisyon niya pero sabi ng mga doctor mabuti daw at naoperahan siya agad, kung naantala pa baka hindi na umabot ang inyong ina. Pero h'wag po kayong mag-alala Ma'am, ginagawa po ang lahat para mailigtas siya."

Napapikit siya sa labis na pag-iyak. Kahit papaano, buhay pa ang kanyang ina—salamat kay Raiden.

"Salamat… salamat po."

Pinatay niya ang tawag at napaupo sa kama, nanginginig ang katawan. Hindi niya alam kung paano siya mapapasalamatan sa binatang minsan niyang iniligtas, ngunit ngayon ay tila bumihag sa kanya kapalit ng tulong.

"Maganda bang balita?"

Napapitlag siya sa malamig na boses na iyon. Napalingon siya at nakita si Raiden na nakasandal sa pintuan ng silid. Nakasuot pa rin ito ng itim na suit, na para bang kahit sa loob ng bahay ay hindi iniiwan ang awtoridad.

"Kailan kaya siya natutulog?" tanong niya sa sarili.

"S-Stable na raw sila," sagot niya, pilit na pinapanatili ang lakas ng loob. "Salamat sa tulong mo."

Lumalim ang titig ni Raiden, naglakad palapit sa kanya. "Huwag mo akong pasalamatan, Amara." Tumigil ito sa harap niya, napakalamig ng mga mata. "Wala akong ginagawang libre."

Napalunok siya. Alam niyang hindi iyon isang simpleng kasunduan. Ang presyong babayaran niya ay higit pa sa isang pirma sa kontrata.

"Kung gusto mong manatiling buhay ang mga magulang mo, gawin mo ang parte mo."

"Ginawa ko na," mahinang tugon niya. "Pinirmahan ko ang kontrata. Ano pa ba ang gusto mo?"

Nakangisi si Raiden, isang mapanganib na ngiti na tila bumalot ng lamig sa paligid. "Hindi lang papel ang gusto ko, Amara." Inilapit nito ang mukha sa kanya, ang hininga nito ay mainit na dumampi sa kanyang balat. "Ang gusto ko… ay ikaw."

Nanginginig ang mga tuhod niya habang nakatitig sa lalaki. Hindi siya makagalaw. Hindi niya mawari kung galit o takot ang nangingibabaw sa kanya.

Bumuntong-hininga si Raiden at tumalikod. "Bumaba ka at kumain. Hindi ko hahayaan na mahimatay ka sa gutom sa bahay ko."

Pagkatapos mag-ayos, bumaba si Amara sa malawak na dining area. Ang lamesa ay punong-puno ng masasarap na pagkain—mga bagay na hindi niya kayang bilhin kahit magtrabaho siya nang sampung taon.

Nakaupo na si Raiden sa dulo ng lamesa, pinagmamasdan siya habang papalapit.

"Maupo ka."

Tahimik siyang sumunod. Hindi niya kayang tingnan nang diretso ang lalaki. Kinuha niya ang isang piraso ng tinapay, ngunit halos hindi niya malasahan ang kinakain.

Naramdaman niya ang titig ni Raiden na parang bumabasa sa kanyang isipan. "Bakit hindi ka kumakain? Wala ka bang gana, Mrs. Alcantara?"

Napapikit siya sa narinig. Sa mata ng mundo, asawa na siya ng isang lalaki na halos hindi niya kilala—isang lalaking hindi nag-aatubiling kontrolin ang bawat aspeto ng buhay niya.

"Hindi pa tayo kasal," mahina niyang sabi.

"Sa mata ng batas, kasal na tayo," sagot nito, puno ng kumpiyansa. "At habang nabubuhay ang mga magulang mo, mapipilitan kang manatili sa tabi ko."

Kahit gaano katapang ang ipinapakita ni Amara, hindi niya kayang itago ang panginginig ng kanyang dibdib.

"Bakit ako, Raiden?" tanong niya sa wakas. "Sa dami ng babaeng pwedeng piliin mo, bakit ako ang napili mong pakasalan?"

Saglit na katahimikan. Akala niya hindi na ito sasagot, ngunit nang magsalita ito ay nanlamig ang buong katawan niya.

"Dahil ikaw ang babae na minsang sumira sa plano ko."

Nanlaki ang mata niya sa gulat. "Anong ibig mong sabihin?"

Umangat ang isang kilay ni Raiden, ang ekspresyon ay mahirap basahin. "You’ll find out soon enough."

Bago pa siya makapagtanong ulit, tumayo si Raiden at tumingin sa kanya na parang nagbababala. "Simula ngayon, Amara, ako ang may-ari ng buhay mo. Kaya masanay ka na."

Iniwan siya ni Raiden sa malamig na dining area, ngunit ang mga salitang binitiwan nito ay parang matalim na kutsilyong bumaon sa kanyang puso.

Ano ang ginawa niya sa nakaraan upang mapoot sa kanya ang isang lalaking minsan niyang iniligtas?

Pagkatapos umalis ni Raiden sa dining area, nanatili si Amara sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung paano babalikan ang normal niyang buhay—o kung may babalikan pa siya.

"Ma’am, gusto n’yo po ba ng kape?"

Nagulat siya sa malambing na boses mula sa likuran. Isang babae na tinatayang nasa tatlumpu’t limang taong gulang ang nakangiti sa kanya. May katamtamang taas ito at ang suot nitong uniporme ay maayos na nakaplantsa.

"Ako po si Ate Leni, isa sa mga kasambahay dito."

Nag-init ang mata ni Amara sa hiya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Pinunasan niya agad ang pisngi. "Pasensya na po... Ah, hindi na po. Ayos lang ako."

Umupo si Ate Leni sa kabilang silya at may inabot na tissue. "Mahirap makisabay sa ugali ni Sir Raiden," bulong nito. "Pero hindi naman po siya masamang tao… medyo matigas lang talaga ang puso."

Bago pa siya makasagot, lumapit ang isang matandang lalaki na halatang sanay sa paghawak ng awtoridad. Nakaayos ang buhok nito sa likod, at suot nito ang isang klasikong black-and-white butler uniform.

"Kung may kailangan po kayo, Ma’am Amara, maaari n’yo akong tawagin. Ako po si Mang Fred." Hindi ito ngumingiti, pero may lambing ang boses na tila pinapakalma siya.

Nagpasalamat siya sa dalawa. Sa gitna ng kalituhan at lungkot, kahit paano ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Hindi siya nag-iisa sa loob ng ginintuang kulungan na ito.

Related chapters

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Bound by His Terms

    Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buon

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Taste of Desire

    Chapter 6: A Taste of DesireMalalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag.“Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang niya, pini

    Last Updated : 2025-02-20
  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Party

    Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange

    Last Updated : 2025-02-21
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Battle of Boundaries

    Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Desperation's Door

    Chapter 1: Desperation’s Door"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi. Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magul

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   An Offer She Can't Refuse

    Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Deal with the Devil

    Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Cage of Gold

    Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Deal with the Devil

    Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin

  • The Billionaire's Vengeful Desire   An Offer She Can't Refuse

    Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Desperation's Door

    Chapter 1: Desperation’s Door"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi. Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magul

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status