Share

A Taste of Desire

Author: YlatheDreamer
last update Last Updated: 2025-02-20 09:29:44

Chapter 6: A Taste of Desire

Malalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag.

“Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. 

Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya.

Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. 

“Raiden, ‘wag—” 

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. 

“’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang niya, pinipisil-pisil ang balat niya sa ilalim ng kanyang blouse. “’Wag kang magpanggap, Amara. Hindi kita pinipilit, pero hindi ko rin itatanggi na gusto kitang angkinin.” 

Napakagat-labi si Amara, pilit na pinipigilan ang lumalakas na tibok ng kanyang puso. Lalo lang lumala ang sitwasyon nang marahan siyang buhatin ni Raiden at dinala sa malambot na kama. 

Pagkabagsak ng likod niya sa kama, agad itong pumatong sa kanya, ang mga braso niya’y nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Napalunok siya nang makita ang intensity sa mga mata nito—para siyang isang bagay na gusto nitong paglaruan, isang pag-aariin. 

“Ano bang ginagawa mo sa’kin, ha?” mahina niyang tanong, halos pabulong. 

Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi ni Raiden. “I should be asking you that,” sagot nito, bago marahang gumapang ang labi niya pabalik sa labi ni Amara. 

Mainit. Madiin. Parang hindi nito kayang pigilan ang sarili. 

Napapikit si Amara, sinuklian ang halik nito kahit alam niyang mali na hayaan niya itong dalhin siya sa ganito. Pero paano niya pipigilan ang sariling tumugon kung ganito kahusay si Raiden sa pagpapainit ng katawan niya?

Ramdam niya ang bawat dampi ng labi at dila nito sa balat niya, nagpapadala ng maliliit na kuryente sa buong katawan niya.  Hindi niya namalayang ang isang kamay nito ay gumapang pataas, dumampi sa gilid ng kanyang dibdib. Napasinghap siya sa sensasyon—isang uri ng init na hindi pa niya nararamdaman kailanman. 

“Raiden…” Nanginig ang boses niya, hindi sigurado kung gusto ba niyang ituloy o itigil ito. 

“Hmm?” Hinanap ng hinlalaki nito ang sensitibong parte ng dibdib niya, marahang nilaro iyon sa ibabaw ng bra niya. Napapikit siya sa sobrang kiliti at sarap, hindi mapigilang huminga nang malalim. 

“Sabihin mo kung ayaw mo na,” hamon nito, ngunit ang kamay niya’y hindi tumigil sa paggalugad. 

Pero hindi niya masabi. Sa halip, ang mga daliri niya’y napahawak sa balikat nito, pilit na hinihila ito palapit sa kanya. 

Lalo lang lumalim ang halik ni Raiden, habang ang isa niyang kamay ay bumaba sa hita niya, bahagyang hinihimas iyon. Para bang sinusubok nito ang bawat limitasyon niya—at unti-unti siyang bumibigay. 

“You’re driving me insane, Amara…” Halos hindi na maipinta ang mukha nito sa pagpipigil. 

Bumaba ang halik niya sa leeg, sa balikat, at hindi nagtagal ay natagpuan ng labi nito ang ilalim ng kanyang dibdib. Tinanggal niya ang unang dalawang butones ng blouse ni Amara, sapat para makita ang lace na bra na bumabalot sa kanya. 

Napakagat-labi si Amara, ramdam ang init ng labi ni Raiden sa balat niya. “Raiden… baka…” 

“Baka ano?” hinamon siya nito, hindi tumigil sa paglalaro sa sensitibong bahagi ng katawan niya. 

Napapikit siya nang marahan nitong kagatin ang tuktok ng dibdib niya, sabay hagod ng dila sa balat. Hindi niya mapigilan ang pagdaing sa tindi ng sensasyon. Para siyang mawawalan ng kontrol sa sarili. 

Pero bago pa siya tuluyang bumigay, bigla itong tumigil.  Huminga nang malalim si Raiden, halatang nahihirapang pigilan ang sarili. “Dahil kapag hindi ako tumigil ngayon, hindi ko na magagawa.” 

Nagtagpo ang mga mata nila, at doon niya nakita ang totoong damdamin sa likod ng mapanuksong ngiti nito—isang uri ng pagpipigil na halos sirain siya. 

“You want me to stop?” tanong nito.

Sa halip na sumagot, bahagyang kinagat ni Amara ang kanyang labi at iniwas ang tingin. Ayaw niyang aminin, pero gusto niya rin ang ginagawa nito—kahit hindi dapat. 

Raiden let out a soft curse under his breath. “Tama na muna ‘to,” aniya, malambing ngunit may bahid ng disiplina sa boses niya. 

Bago pa siya makapagtanong, bumangon si Raiden mula sa kama, naglalakad papunta sa pinto.  

“You deserve better than a rushed moment, Amara. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Magpapahangin lang ako sa labas,” mahina pero matigas na sabi ni Raiden habang nakatayo sa gilid ng kama. 

Hindi agad nakasagot si Amara. Nanatili siyang nakaupo sa kama, habol pa rin ang hininga at ramdam ang matinding init sa katawan. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalaki—lalo na matapos ang nangyari. 

Bago pa siya makapagsalita, tumalikod na si Raiden at binuksan ang pinto. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tuluyang lumabas, marahang isinara ang pinto sa likuran niya. 

Iniwan siyang mag-isa—litong-lito sa nararamdaman. 

Huminga nang malalim si Amara, pilit na pinapakalma ang sariling puso na parang gustong kumawala. Napahawak siya sa dibdib, ramdam ang bilis ng tibok nito. Hindi niya alam kung mas nakakainis ba na halos bumigay siya o ang katotohanang tumigil si Raiden sa huling segundo. 

‘What the hell just happened?!’

Tumayo siya mula sa kama at inayos ang sarili. Kinapa niya ang mga butones ng kanyang blouse, isa-isang isinara ang mga iyon habang pilit na binabalewala ang init na naiwan sa kanyang balat. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya mabura ang memorya ng mga halik at haplos ni Raiden. 

At ang mas nakakagulo—bakit parang gusto niya pang maulit ‘yon?

Sa labas, nakasandal si Raiden sa railing ng balcony, pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi iyon sapat para mapahupa ang init na bumabalot sa buong katawan niya. 

“She’s driving me insane,” bulong niya sa sarili, napailing. 

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang epekto ng babae sa kanya. Dapat ay wala siyang pakialam—isang kasunduan lang ito. Pero sa tuwing nakikita niya ang mapang-akit na inosente nitong mga mata, nawawala ang kontrol niya. 

At kanina? Halos hindi na niya mapigilan ang sarili.

Napahawak siya sa batok, pilit na pinapakalma ang naninigas na panga. He wanted her—badly. Pero hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Hindi pa ngayon. 

Ilang minuto pa siyang nanatili sa labas bago siya bumalik sa loob. Tahimik niyang binuksan ang pinto ng kwarto at bumalik sa loob na parang walang nangyari. 

Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Amara sa gilid ng kama, nakabalot sa manipis na kumot. Hindi siya tumingin sa kanya pero kahit anong gawin nito para magmukhang kalmado, hindi nakaligtas kay Raiden ang bahagyang panginginig ng mga daliri nito. 

Dumiretso si Raiden sa cr upang makapagshower, para na rin pahupain ang nag-iinit niya paring katawan.

“Natulog ka na sana,” malamig na sabi niya ng maabutang gising parin ito pagkatapos niyang magshower.

Hindi ito sumagot. Sa halip, tahimik na tumayo si Amara at pumunta sa kabilang bahagi ng kama. Lumapit si Raiden sa kabilang side at marahang nahiga. Narinig niya ang mahina nitong paghinga, halatang pilit na iniiwasan ang presensya niya. 

Naikuyom niya ang kamao, pilit na hinahawakan ang sarili sa limitasyon ng kanilang kasunduan. Hindi niya maiwasang tumingin sa babae—nakatalikod ito sa kanya, ngunit ang manipis na kumot na bumabalot sa katawan nito ay hindi kayang itago ang kurbada ng balakang niya. 

Damn it.

“Amara,” tawag niya, mas mahina ngayon ang boses niya. 

“Hmm?” sagot nito, hindi lumingon. 

“Kung hindi ka komportable, puwede kang matulog sa guest room,” alok niya, kahit alam niyang gusto niyang manatili ito sa tabi niya. 

Umiling si Amara, hindi pa rin humaharap. “Hindi naman ako magrereklamo. Sa kontrata mo, sabi mo we’ll share the same bed, ‘di ba?” 

Napangiti si Raiden sa sagot nito. Matapang, pero halatang kinakabahan. 

“Good girl,” bulong niya bago ipinikit ang mga mata, ngunit hindi niya maitatangging naroon pa rin ang pagnanasa sa kanyang sistema.

Kinabukasan

Malamig pa ang simoy ng hangin nang imulat ni Amara ang kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang gumalaw, ngunit napahinto siya nang mapansin niyang may mabigat na bagay na nakayakap sa kanya. Ang braso ni Raiden.

Napasinghap siya nang matuklasang nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang, mahigpit na hinila ang katawan niya papalapit sa kanya. Ang katawan niya ay halos nakasiksik sa mainit na dibdib nito—at ang hininga niya ay tumatama sa leeg niya. 

‘Oh my God.’

Naramdaman niyang gumalaw si Raiden, marahang hinigpitan ang yakap nito na parang ayaw siyang pakawalan. 

“Raiden,” mahina niyang bulong, pilit na kumakawala. 

Ngunit sa halip na bumitaw, lalo pa nitong idiniin ang katawan sa kanya, ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang balikat. 

“Hmm… Huwag kang gagalaw,” paos nitong bulong, halatang kakagising lang. 

Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Pero paano ba siya magiging kalmado kung ganito kalapit ang katawan nilang dalawa—at parang hindi nito balak siyang pakawalan? 

“Raiden… bitawan mo na ako,” mahina ngunit matigas ang boses niya. 

Ngumiti ito, bahagyang binuka ang mga mata. “Bakit? Baka matukso na naman ako?” bulong niya, pabiro pero may bahid ng katotohanan. 

Napalunok si Amara at mabilis na bumangon mula sa kama, iniwasan ang tingin nito. “B-Babangon na ako,” aniya, pilit na pinapanatili ang malamig na boses. 

Hindi sumagot si Raiden, ngunit naramdaman niya ang mga mata nitong sumusunod sa bawat kilos niya. 

Nang tuluyan na siyang makatayo, napatingin siya sa lamesa malapit sa kama—at napansin niya ang isang folder doon na hindi pa naroon kagabi. 

“Ano ‘to?” tanong niya, pinulot ang folder.

“Iyan ang bagong kondisyon natin,” sagot ni Raiden, bumangon na rin mula sa kama, ang tinig ay bumalik sa pagiging malamig at kontrolado. “Basahin mo, Amara. Simula ngayon, ibang usapan na tayo.” 

Related chapters

  • The Billionaire's Vengeful Desire   The Party

    Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange

    Last Updated : 2025-02-21
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Battle of Boundaries

    Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang

    Last Updated : 2025-02-26
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Desperation's Door

    Chapter 1: Desperation’s Door"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi. Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magul

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   An Offer She Can't Refuse

    Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Deal with the Devil

    Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Cage of Gold

    Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang

    Last Updated : 2025-02-19
  • The Billionaire's Vengeful Desire   Bound by His Terms

    Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buon

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Taste of Desire

    Chapter 6: A Taste of DesireMalalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag.“Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang niya, pini

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Bound by His Terms

    Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buon

  • The Billionaire's Vengeful Desire   A Cage of Gold

    Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Deal with the Devil

    Chapter 3: Deal with the Devil Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin

  • The Billionaire's Vengeful Desire   An Offer She Can't Refuse

    Chapter 2: An Offer She Can't RefuseSa katahimikan ng hallway, tanging mga yapak lang nina Amara at Raiden ang maririnig. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na humahabol sa hakbang ng lalaki. Bawat segundo, bumibigat ang paghinga niya—hindi lang dahil sa pagod kundi sa matinding kaba. “Sa opisina tayo mag-usap,” malamig na sabi ni Raiden, hindi man lang siya nililingon. Walang nagawa si Amara kundi sumunod. Alam niyang ito na lang ang natitirang pag-asa niya. Wala siyang ibang mahihingan ng ganoong kalaking halaga. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking minsan niyang tinulungan—ang lalaking akala niya ay naglaho na sa buhay niya—ang magiging huling hantungan niya sa oras ng kagipitan. Pagpasok sa opisina ni Raiden, napalunok si Amara. Malawak ito, moderno, at puno ng karangyaan—isang bagay na kailanman ay hindi niya matutularan sa buhay niya. Tumigil si Raiden sa tapat ng floor-to-ceiling window, nakatanaw sa siyudad habang nakapamulsa ang mga kamay. Ang presensiya n

  • The Billionaire's Vengeful Desire   Desperation's Door

    Chapter 1: Desperation’s Door"Isang cheeseburger meal po ba, Ma'am?" tanong ni Amara habang pilit na pinipigilan ang pagod sa kanyang boses. Isang oras na lang at matatapos na rin ang kanyang shift, ngunit tila napakabagal ng oras sa isang gabi kung kailan punung-puno ng customers ang fast-food chain na pinagtatrabahuhan niya.“Gawin mo nang large ‘yan,” tugon ng customer na halatang naiinip na.“Noted po, Ma'am. Pakihintay na lang po sandali.” Amara flashed a polite smile, kahit ramdam niya ang pangangalay ng pisngi. Pinagsumikapan niyang igapang ang pag-aaral upang makatapos, ngunit ng tumungtong siya sa edad na labingwalo pilit na siyang pinahinto sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para makatulong sa mga ito. Ilang buwan na lang sana graduate na siya ng senior high school pero wala na siyang magawa kundi sundin ang mga ito kahit labag sa loob niya. Sa ngayon apat na taon na siyang service crew at araw-araw siyang nagsusumikap para lang mabuhay at makatulong sa kanyang mga magul

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status