Chapter 3: Deal with the Devil
Nanginginig ang mga daliri ni Amara habang hawak ang ballpen. Ang bawat letra sa kontratang nasa harapan niya ay tila naglalaman ng kapalit na hindi niya ganap na maunawaan—isang kasal na hindi kailanman pumasok sa isipan niyang papasukan sa ganitong paraan. Kaharap niya sa mesa si Raiden, tahimik at walang bakas ng alinlangan sa matalim na titig nito. Sa gilid ay naroon ang isang lalaking nasa edad kuwuarenta, pormal ang kasuotan at may matalas na obserbasyon—si Atty. Marcos, isang kaibigan ni Raiden at ang legal na saksi sa kasunduang ito. “Kailangan ko lang ng pirma mo,” malamig na wika ni Raiden, walang bahid ng emosyon sa boses nito. Napalunok si Amara, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Iniisip niya ang imahe ng kanyang mga magulang—mahina at walang malay sa ospital. Kung hindi siya papayag, maaaring hindi na niya sila muling makitang buhay. Para sa kanila ‘to. Wala nang ibang tutulong sa ‘kin. Pumikit siya ng mariin bago tuluyang inilapat ang ballpen sa papel. Sa bawat dampi ng dulo nito, pakiramdam niya ay mas lalo siyang hinahatak pababa sa isang kasunduang hindi na niya mababawi. Isang huling hinga ang pinakawalan niya bago pinirmahan ang pangalan sa dulo ng dokumento. “Good girl,” bulong ni Raiden, halatang kontento sa naging desisyon niya. Inabot niya ang papel kay Atty. Marcos. “Asikasuhin mo na ang lahat ng legalities.” “Of course, Mr. Alcantara,” tugon ng abugado bago inayos ang dokumento sa kanyang maletang itim. Sa loob ng ilang segundo, naiwan silang dalawa ni Raiden sa opisina—at muling bumalot ang tensyon sa pagitan nila. “Let’s go,” malamig na sabi ni Raiden habang tumayo ito. Hindi na nagtanong pa si Amara. Alam niyang oras na para puntahan ang ospital. Pagdating sa Alcantara’s Medical Center, halos hindi makasabay si Amara sa bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, iniutos ni Raiden sa mga tauhan ng ospital na asikasuhin ang lahat—mula sa operasyon ng kanyang ina hanggang sa lahat ng gastusin. Wala siyang sinasabi, ngunit halata sa galaw nito ang impluwensya at kapangyarihan. Ngunit hindi iyon ang mahalaga kay Amara. Ang iniisip niya ay ang kalagayan ng kanyang mga magulang. “Tapos na akong makipag-usap sa direktor. Inaayos na nila ang schedule ng operasyon,” malamig na sabi ni Raiden nang makalapit ito sa kanya. “You can visit them for a while. I’ll handle the rest.” Halos hindi na nakapagsalita si Amara. Tumango lamang siya at mabilis na naglakad papunta sa ICU. Sa loob ng kwarto, bumungad sa kanya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang ina. Nakasuot ito ng oxygen mask, may benda sa ulo, at ang payat na katawan nito ay napapalibutan ng iba’t ibang tubo. Napahawak siya sa bibig, pilit na pinipigil ang hikbi. “Ma…” bulong niya habang dahan-dahang lumapit. “Andito na ako… Huwag kang susuko, please.” Nasa tabi ng kama ang kanyang ama—wala ding malay at may benda din sa ulo. Lalong tumindi ang kirot sa kanyang dibdib. Gusto niyang manatili doon. Gusto niyang bantayan sila hanggang sa magising sila. Ngunit naalala niya ang kasunduan. Hindi siya maaaring manatili. “Amara.” Napapitlag siya sa tinig ni Raiden sa likuran. Nang lingunin niya ito, naroon pa rin ang malamig nitong ekspresyon, ngunit may kung anong bumabakas sa mga mata nito—isang damdaming hindi niya mawari, pinagmamasdan nito ang kanyang ama’t ina. “Kailangan na nating umalis,” agad na sabi nito. “Ayaw ko… Gusto kong bantayan sila—” “Hindi ka na isang malayang babae,” malamig ngunit matigas nitong tugon. “Simula ngayon, ako ang masusunod.” “Hindi ako p’wedeng sumama sa’yo!” Mabilis na umatras si Amara, pilit na iniiwas ang sarili kay Raiden. “Dito lang ako, kailangan ako ng mga magulang ko—” Isang mapanganib na titig ang bumungad sa kanya nang humakbang si Raiden papalapit. “Bayad na ang operasyon nila, Amara. Ginawa ko na ang parte ko. Ngayon, oras mo nang tuparin ang kasunduan natin.” Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit niyang palad na marahas na humawak sa kanyang braso. “Pakiusap…” Mahina ang tinig niya, halos hindi na niya maramdaman ang tuhod niya sa takot at pagod. “Bibigyan mo naman ako ng oras sa kanila, ‘di ba? Sandali lang, Raiden…” Ngunit tila bingi ito sa pagsusumamo niya. Hindi ito natitinag—hindi nakitaan ng kahit anong awa sa malamig na ekspresyon nito. “Sa akin ka na ngayon, Amara.” Matigas ang bawat salitang binitiwan niya bago niya ito biglaang buhatin sa kanyang bisig na para bang wala itong bigat. “Raiden! Bitawan mo ako!” Nagpumiglas siya, pero tila bakal ang braso nito na hindi matitinag. Pinupukaw ng takot at desperasyon ang bawat hibla ng kanyang katawan. “Kailangan nila ako! Hindi ako p’wedeng umalis—!” “Ginawa ko na ang parte ko,” ulit nito, mababa at puno ng awtoridad ang boses. “Ngayon, sumunod ka. ‘Wag mo akong subukang suwayin, Amara.” Dinala siya nito palabas ng hospital room na hindi man lang inalintana ang tingin ng mga nurse at doctor. Sa labas, isang itim na luxury car ang naghihintay. Mabilis siyang isinakay ni Raiden sa passenger seat at malakas na isinara ang pinto bago ito umikot upang sumakay sa driver’s seat. “You’re mine now, Mrs. Alcantara,” bulong niya bago pa niya paandarin ang sasakyan. Kasabay ng pagharurot ng kotse, hindi na napigilan ni Amara ang pangingilid ng luha niya. Ang bawat kilometro ay tila naglalayo sa kanya sa mga magulang niyang nangangailangan ng kanyang pag-aaruga. “Please, Raiden,” mahina niyang bulong. “Isang araw lang, hayaan mo akong manatili sa ospital.” Napalingon ito sa kanya, ang mapanganib na titig ay naging mas matalim pa. “Wala sa kasunduan natin ‘yan, Amara.” Wala siyang nagawa kundi ang manahimik habang dinadala siya nito sa lugar na hindi niya alam kung kailan siya makakawala. The sleek black car stopped in front of a massive iron gate. Amara’s heart pounded as the gate slowly opened, revealing a grand estate glowing under the evening lights. The place was breathtaking—but it felt as cold as the man who owned it. Raiden stepped out and walked to her side. Before she could react, he opened the door and pulled her out. “Huwag mong isipin na makakatakas ka rito,” he said firmly, gripping her wrist. “Simula ngayon, susunod ka sa gusto ko.” "Nakikiusap ako... gusto ko lang bantayan ang mga magulang ko—" "And how will you help them if you’re here arguing with me?" His voice was cold. "I’m the only reason they’re still alive, Amara. Huwag mo akong subukan." Her heart ached at his words. He was right—without him, her parents wouldn’t survive. As much as it hurt, she had no choice but to stay. He led her inside the enormous mansion. Everything around her screamed wealth—polished floors, high ceilings, and expensive art. She felt out of place in his world. They climbed the grand staircase in silence until they reached a door. Raiden opened it and tossed her onto the bed. "Simula ngayon, dito ka titira," he said. "At tandaan mo—akin ka na." Amara’s throat tightened, but she held back her tears. She was trapped, bound by a deal she couldn’t escape. "Asawa na kita sa papel," Raiden continued, stepping closer until his towering frame loomed over her trembling form. "At balang araw, isasakatuparan natin 'yan. Whether you like it or not." She clenched her fists. "Wala kang karapatang gawin 'to sa akin." A cruel smile crossed his lips. "May karapatan ako, Amara. Pinili mo 'to nang lumapit ka sa akin at magmakaawa." As he turned to leave, Amara took a deep breath. "Bakit mo ginagawa 'to? Niligtas kita noon—ito ba ang sukli mo?" Raiden froze for a moment. His face was unreadable, and whatever he was thinking, he kept it to himself. "Matulog ka na," he said, his voice colder than ever. "Dahil bukas, magsisimula ang tunay mong obligasyon." When the door closed behind him, Amara slumped onto the bed. Her body trembled—not just from fear, but from the reality of what she had signed up for.Chapter 4: A Cage of Gold Amara stirred awake, her body sinking into the softness of an unfamiliar bed. Masyadong malambot ang kutson—malayo sa manipis na foam na kinagisnan niya sa kanilang maliit na kwarto. Napalingon siya sa paligid, napakalawak at elegante ang silid. Mga mamahaling kagamitan, malalapad na bintana na tinatamaan ng liwanag ng araw, at isang chandelier na parang nagkakahalaga ng isang taon niyang sweldo. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, ang dibdib niya ay parang pinipiga. Nakakulong siya. At si Raiden Alcantara ang may hawak ng susi. Napakurap siya nang bumalik ang alaala ng mga nakaraang oras—ang pagpirma niya sa marriage contract, ang kanyang mga magulang na nasa bingit ng kamatayan, at ang malamig na titig ni Raiden habang pwersahang isinama siya sa bahay nito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Kitang-kita niya ang malawak na hardin at ang mataas na pader na parang naghihiwalay sa kanya sa tunay na mundo. Para siyang ibong ikinulong sa ginintuang
Chapter 5: Bound by His Terms Tahimik na nakaupo si Amara sa isang maluwang at eleganteng sala. Sa kabila ng ganda ng paligid, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at kaba. Isang araw pa lang simula nang pumayag siyang magpakasal kay Raiden Alcantara, pero parang ang bigat na ng mundo sa kanyang balikat. Ang tanong na paulit-ulit sa isip niya: Kaya ko ba talaga ‘to? Isinandal niya ang ulo sa sofa, sinusubukang alisin ang pagod. Gusto sana niyang bumalik sa ospital para bantayan ang mga magulang niya, pero mahigpit ang utos ni Raiden—dito na siya titira at hindi siya basta-basta makakalabas nang walang pahintulot niya. Napabalikwas siya nang marinig ang pagkalansing ng susi sa may pintuan. Bumukas iyon, at pumasok ang isang matangkad na pigura—si Raiden. Suot pa rin nito ang itim na suit, ang kurbata ay bahagyang maluwag na na parang kanina pa ito nasa trabaho. Malalim ang titig ng lalaki habang isinara ang pinto. Sa isang iglap, napuno ng kanyang presensiya ang buong
Chapter 6: A Taste of Desire Malalim ang bawat hakbang ni Raiden habang binubuhat si Amara papunta sa kwarto niya. Ramdam ni Amara ang init ng katawan nito na tumatagos sa manipis na tela ng kanyang blouse. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pumapalag. “Raiden… kaya ko namang maglakad,” mahina niyang sabi, pilit na itinatago ang kaba sa kanyang boses. Ngumiti ito, ngunit may bahid ng pag-aangkin sa mga mata niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, binuksan na ni Raiden ang pinto ng kwarto niya at marahas itong isinara gamit ang isang paa. Isinandal siya sa pinto sandali, ang init ng hininga nito ay tumatama sa gilid ng leeg niya. “Raiden, ‘wag—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil kinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng pinto. Bumaba ang labi niya sa leeg ni Amara, marahang kinagat ang balat niya ro’n, dahilan para mapapikit siya at huminga nang malalim. “’Wag ano?” inis nitong tanong, habang ang mainit na palad nito ay gumapang sa bewang n
Chapter 7: The PartyNakatayo siya ngayon sa tabi ng kama, hawak parin ang folder na iniwan ni Raiden sa side table, pero hindi niya pa ito nabubuksan. Habang siya ay naguguluhan, si Raiden naman ay kalalabas lang ng banyo, bagong ligo at naka-white long sleeves na fitted na fitted sa broad shoulders nito. Ang amoy ng mamahaling pabango ay bumalot sa buong silid.Hindi makatiis si Amara at binalingan si Raiden. “Ano na namang kondisyon ‘to?” tanong niya, halatang naiinis. “Parang padagdag nang padagdag—baka mamaya pati paghinga ko kailangan may paalam sa’yo!”Napangisi si Raiden habang abala sa pagbubutones ng damit. “You’re overreacting, Mrs. Alcantara,” aniya, binibigyang-diin ang apelyido. “Basahin mo muna bago ka magreklamo.”Napalunok si Amara at binuklat ang dokumento. Napailing siya habang isa-isang binasa ang bagong dagdag na kondisyon.She will stay at Raiden's house until he says she can leave. There will be no romantic involvement—the marriage is strictly a business arrange
Chapter 8: A Battle of Boundaries Mula sa salamin ng elevator, sinulyapan ni Amara ang repleksyon ni Mang Fred na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Pinilit niya itong samahan siya kay Raiden dahil may natanggap siyang balita mula sa ospital. Tatlong araw na ang lumipas mula noong gabing dinala siya ni Raiden sa party. Tatlong araw na rin simula nang marinig niya ang papuri nito sa kanya. Pero sa kabila noon, hindi naman nagbago ang pag-uugali nito. Hindi ito nagpakita ng anumang emosyon, hindi rin ito gumawa ng kahit anong hakbang para maging mas madali ang sitwasyon nila. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. "Ma’am, narito na po tayo," anunsyo ni Mang Fred nang bumukas ang elevator sa top floor. "Dito ko na lang po kayo iiwan, Ma’am Amara. Pasok na po kayo." Tumango siya. "Salamat, Mang Fred." Habang lumalapit siya sa opisina, napansin niya ang babaeng nakaupo sa desk sa harap ng pinto. Straight na straight ang mahabang buhok nito, maayos ang makeup, at halatang
Chapter 9: A Day of FirstsIsang linggo na ang lumipas mula nang tanggalin ni Raiden si Sofia bilang secretary niya. Simula noon, hindi na muling nagbalik ang babae sa opisina, at wala na rin siyang naririnig na anumang balita dito mula kay Raiden, ni hindi na nga ito binanggit mula ng tinanggal ito. Kahit na pinilit niyang itaboy sa isip ang nangyari, hindi niya maitatangging nagkaroon iyon ng epekto sa kanya. Para bang may kung anong unti-unting pumipigil sa kanya na balewalain ang presensya ni Raiden.At iyon ang lalong gumulo sa isip niya.Habang nasa loob ng sasakyan, hindi niya maiwasang sipatin ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Nakatutok si Raiden sa daan, seryoso ang ekspresyon, pero kita sa postura nito na relax lang ito. Halatang sanay na sanay sa pagmamaneho kahit mabilis ang takbo ng kotse, maingat ito sa pagmamaneho.Napalingon si Amara sa labas ng bintana. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nilampasan nila ang daan patungo sa opisina ni Raiden, dahil buong akala
Chapter 10: The Dangerous Night “Bes, please! Isang beses lang sa isang taon ako magbibirthday oh! Pumunta ka naman kahit saglit lang.” Napangiti si Amara habang kausap si Myla sa cellphone. Simula nang ikasal siya kay Raiden, bihira na siyang lumabas. “Nakakahiya naman madami ka atang bisita, tsaka baka nandiyan sila Ma’am, alam mo namang nag-AWOL ako?” tanong niya, bahagyang napatingin sa direksyon ni Raiden na abala sa laptop nito. “Anong nag awol? Nagpadala ka kaya ng resignation letter at sinabi mo na kailangan mong alagaan ang mga magulang mo ‘di ba?” tanong ni Myla sa kabilang linya. Bahagyang napakunot siya ng noo sa sinabi nito. Hindi naman siya nagpasa ng resignation letter at lalong hindi na nga siya nakabalik sa dating pinagtatrabahuhan niya. Napalingon si Amara kay Raiden, marahil ito ang nagpasa ng sinasabi ni Myla. “Sige, bes, magpapaalam muna ako sa asawa ko,” sagot niya sa kaibigan. “Aray! Bes, bakit ka naman tumili ang sakit sa tenga?!” “May asawa ka na pala?
Chapter 11: A Family That Never See“Oo, bes, pasensiya na talaga hindi ko alam. Pero nakakulong na siya ngayon,” sabi ni Myla sa kabilang linya. Ang tinutukoy nito ay si Gregory, pinakulong ito ni Raiden dahil sa ginawa nito sa kanya. “Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensiya sa ‘kin, hindi naman ikaw ang may kasalanan. Siya, bes, kailangan ko na tulungan si Raiden. Bye,” paalam niya dito bago patayin ang cellphone niya.Abala si Raiden sa paghahanda ng mga gamit nito dahil may business trip ito sa ibang bansa. Hindi siya kasama ni Amara."Gaano katagal?" hindi mapigilang tanong niya kay Raiden hang tinutulungan itong mag impake."Hindi ko pa alam, pero siguro matagal na ang isang linggo."Tumango si Amara, pilit na inuunawa ang sitwasyon. Ngayon lang kasi malalayo si Raiden sa kanya mula ng maging asawa niya ito."Pwede ba akong umalis saglit para dalawin ang Papa? Lalabas na daw siya ng ospital," tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.Saglit na pinagmasdan siya
Chapter 14: The Aftermath of Chaos Pagdating sa mansion, bumaba agad si Raiden at dire-diretso papasok ng bahay. Hindi niya man lang nilingon si Amara. “Raiden—” tawag niya, pero hindi siya nito pinansin. “Amara,” lumapit si Mang Fred, kita sa mukha nito ang pag-aalala. “Mabuti at ligtas ka.” Napabuntong-hininga siya. “Salamat po sa inyo ni Raiden.” Nagtagpo ang paningin nila ni Raiden nang muling lumingon ito sa kanya. ang tingin nitong puno ng galit. “Tara na,” malamig na sabi nito bago tumuloy sa loob. Pagkapasok nila, hindi na nakatiis si Amara. “Raiden—” “Sa kwarto ka na,” putol nito, hindi man lang siya nilingon. “Raiden, please,” she pleaded, pero bigla itong humarap sa kanya, and she immediately regretted speaking. Malamig ang tingin nito. Hindi ito sumisigaw, pero ramdam niya ang lalim ng galit nito sa kanyang titig pa lang. “You should be grateful na hindi kita iniiwan sa putanginang pamilyang ‘yon,” he hissed. Napasinghap siya. “Hindi ko naman—” “Y
Chapter 13: Rescued "Kailangan na nating magmadali," mariing bulong ni Benedict kay Amara habang palinga-linga sa bintana ng silid. Halatang kinakabahan ito, pero kita rin sa kanyang mukha ang matibay na desisyon na iligtas siya. "K-kung mahuli tayo—" hindi mapigilang sambit ni Amara, ramdam pa rin ang takot sa dibdib niya. "Mas mapapahamak ka kung maabutan ka nila dito," madiin na sagot ni Benedict, saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas, siniguradong walang tao sa hallway bago hinila si Amara palabas. Mabilis silang lumakad sa madilim na pasilyo, pilit na iniiwasan ang anumang ingay. Alam nilang kahit anong kaluskos ay maaaring magdala sa kanila ng kapahamakan. Ngunit bago pa sila makarating sa hagdan, biglang bumukas ang isang pinto sa di kalayuan. "Anong ginagawa niyo rito?" malamig na tanong ng isa sa mga tauhan ng Ybañez. Napahigpit ang hawak ni Benedict sa kamay ni Amara. "Tumakbo ka!" bulong niya bago itinulak siya papunta sa kabilang direksy
Chapter 12: A Debt Paid in FleshHindi namalayan ni Amara na lumampas na ang isang linggo mula nang umalis si Raiden para sa kanyang business trip, ang sabi nito matagal na ang isang linggo, ngunit bakit wala parin ito ngayon. Inisip niya lang na marahil ay sobrang abala ito sa trabaho. Aminado si Amara hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at pangungulila, ni hindi man lang din kasi ito sumasagot sa kanyang mga mensahe.Pagod siya pero masaya dahil unti-unti nang bumubuti ang lagay ng kanyang ina. Mabuti na lang din at nandiyan si Mang Fred kaya minsan kapag ginagabi siya sa ospital hinahatid siya nito pauwi, kagaya ngayon inihatid siya nito.Pagkapasok ni Amara sa bahay nila, laking gulat niya nang makita ang ama na lasing na lasing sa sala, nakahandusay sa sahig habang may mga basag na bote ng alak sa paligid. Napalapit siya rito at pilit niyang ginising. "Papa! Ano ba 'to? Bakit ka nagkaganyan?" Nanginginig ang kanyang boses habang tinutulungan itong bumangon. Ngunit imbes na