Gaya ng napag-usapan, dumating si Rico sa Repulse Bay ng 3pm upang sunduin si Ella. Sa loob ng kanyang sasakyan, panay ang tingin niya sa orasan habang hinihintay itong lumabas. Mula sa driver's seat, nakita niyang bumukas ang pinto ng bahay. Muling gumapang sa kanyang dibdib ang hindi maipaliwanag na pakiramdam nang makitang nakasuot si Ella ng maternity dress sa kauna-unahang pagkakataon—simple lang ang suot nito. Isang kulay light yellow na bistida hanggang sakong kung saan mas lalong kapansin-pansin ang umbok ng kaniyang tiyan, ngunit hindi iyon nakabawas sa ganda nito.“You look so good, love,” bati niya habang binuksan ang pinto ng sasakyan para rito.“Sus, nambol pa,” sagot naman ni Ella, bahagyang nakangiti ngunit halatang pinipigil ang ngiti.Nang makapasok na sila sa sasakyan at magsimulang magmaneho si Rico, naramdaman niyang tahimik si Ella. Karaniwan itong maingay tuwing magkasama sila, lalo na kapag nag-uusap tungkol sa kung ano-ano. Pero ngayon, tila may bumabagabag dit
Matapos makuntento sa kanyang makeup, muling humarap si Ella sa salamin. Sandali siyang tumitig sa repleksyon niya, sinisilip kung may kailangan pang ayusin. Nang masigurong maayos na ang lahat, kinuha niya ang cellphone at nag-type ng mensahe.[John, isasama ko ang asawa ko sa party, huh. Pa save naman ako ng slot. Salamat!][Wow! Kasal ka na? Hindi ka man lang nagpaalam sa kasal mo, napaka-daya naman, Ella.]Napangiti siya habang binabasa ang message ni John, ang dating class monitor nila. Mula ito sa isang pamilyang kilala sa jewelry industry—mga supplier ng hilaw na materyales sa paggawa ng alahas. Pagkatapos ng kolehiyo, hindi na ito nag-aksaya ng oras at agad na minana ang negosyo ng kanilang pamilya. Ngayon, sinusundan na nito ang yapak ng ama sa mundo ng negosyo.Alam niyang magugulat ito sa balita. Wala naman talagang nakakaalam tungkol sa kasal nila ni Rico.Bukod sa pagiging magaling sa jewelry design, si Ella ay isa rin sa kinikilalang kagandahan ng kanilang departamento.
Pagkarinig sa mga salitang iyon, biglang nanahimik ang buong lugar. Lahat ng mata ay tumuon sa upuang nasa harapan ni Ella—doon nakaupo ang isang babaeng may makapal na makeup, balot sa mga designer na damit, at may titig na tila matalim na kutsilyo.Nang mapansin niyang siya ang sentro ng atensyon, hindi man lang siya natinag. Sa halip, pinanatili niya ang malamig at mapanuyang tingin kay Ella, para bang sinusumpa ito sa kanyang isipan.Tahimik na ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata, ngunit ang bahagyang ngiti sa kanyang labi ay hindi umabot sa kanyang mga mata.Hindi na bago sa kanya ang tensyon sa pagitan nila ng babaeng ito. Matagal nang may alitan sa pagitan nila, isang hindi natapos na away na nagsimula pa noong college.Si Freya—isang babae mula sa isang pangkaraniwang pamilya—ay dating malapit kay Ella. Magka-roommate sila sa dormitoryo, magkasama sa halos lahat ng bagay, at magka-klase rin. Noon, tila walang makakasira sa kanilang pagkakaibigan.Hanggang sa dumating si Chri
Ang lalaking nasa pintuan ay nakasuot ng itim na coat. Matangkad at balingkinitan, para bang isinilang upang maging isang perpektong sabitan ng damit. Matigas ang kanyang mukha, ngunit may bahagyang lambot, at may banayad na ngiti sa gilid ng kanyang labi. Mukha siyang magiliw, ngunit may malamig na distansya sa kanyang presensya. Ang likas na awra ng isang taong may mataas na katayuan at ang marangal niyang tindig ay perpektong nagsasalimbayan. Ang simpleng pagtayo niya roon ay sapat na upang maakit ang pansin ng lahat. Biglang natahimik ang buong silid, at ang mga mata ng lahat ay nakatutok kay Rico. Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon; sanay na siyang maging sentro ng atensyon. "Sino ka?" si John ang unang bumasag sa katahimikan. Bahagyang tumango si Rico, pinasadahan ng tingin ang paligid, at sa huli ay tumigil ang kanyang paningin kay Ella. Ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata ay lumalim, ngunit may halong init. "Rico Velasquez, Ella's husband." Pagkasabi nito, unti-
Pinanatili ni Rico ang kanyang karaniwang pagpipigil at pagpaparaya. Ayaw niyang gawing masyadong alanganin ang muling pagkikita ni Ella at ng kanyang mga dating kaklase.Dahil sa banayad na paraan ni Rico, hindi naramdaman ni Freya ang babala.Nagdilim ang mukha nito at may pang-aalipustang sinabi, pilit naghahasik ng gulo."I doubt you really know Ella. Ginamit niya ang mukha niyang ‘yan para maging girlfriend ni Chris, pero naghiwalay rin sila after just six months. Malamang na-discover ni Chris ang tunay niyang motibo—she’s nothing but an ambitious, selfish woman.”"Girls like her are good at fooling people. I'm sure she fooled you, too."Nagyelo ang tingin ni Rico, at tila bumalot sa kanyang katawan ang lamig.Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Ella, at sa malamig ngunit matatag na tinig, agad niyang sinagot nang walang pag-aalinlangan,"I know my wife better than you do, and I don’t need to hear about her past from an outsider.""Thanks for your concern, but we don’t want to
Tahimik ang gabi, ngunit hindi ito nangangahulugang walang buhay. Ang malamig na liwanag ng buwan ay gumapang sa madilim na kama, bumalot sa makinis na sahig na tila isang malamlam na alon ng pilak. Ang marahang ihip ng hangin ay bahagyang iginagalaw ang makakapal na kurtina, hinahayaan ang buwan na sumilip sa loob ng marangyang silid.Sa loob ng kwarto, ang ingay ng mundo ay tila naputol, animo’y isang natigil na pelikula. Ang mataas na kisame, ang malalambot na unan, at ang mamahaling sapin ng kama—lahat ng ito ay bahagi ng isang mundong parang hiwalay sa realidad.Sa katahimikan, tanging ang mabibigat na paghinga ang nananatili, nagsasayaw kasabay ng hindi maipaliwanag na tensyon sa pagitan ng dalawang katawan.Ang boses ng lalaki ay paos, halos bulong, ngunit sa kabila ng pagpipigil, hindi niya maitago ang pangangailangan."You look so gorgeous, my wife."Sa ilalim ng pilak na liwanag, bahagyang nagdilim ang mata ni Rico, puno ng pagnanasa at pag-aangkin."Hmm?"Muli niyang idinik
Kinabukasan, pagmulat ng mata ni Ella, may kalituhan sa kanyang mukha. Nakakunot ang noo niya habang unti-unting bumabalik ang pakiramdam sa kanyang katawan. Para siyang nasagasaan ng truck—sumasakit ang kanyang likod at baywang sa bawat kilos, kaya napako na lang ang tingin niya sa kisame.Mula sa loob ng walk-in closet, lumabas si Rico habang itinatali ang kanyang necktie. Nang mapansing gising na ito, agad siyang lumapit, bahagyang yumuko, at ngumiti nang banayad."Mahal, masakit pa rin ba?" tanong niya sa malambing na tinig."Tingin mo?" matabang na sagot ni Ella, sabay bigay sa kanya ng matalim na tingin.Napakalaking sinungaling nito kagabi. Ang sabi, isang beses lang, pero inulit-ulit niya hanggang sa mawalan siya ng lakas. Wala siyang nagawa—lalo na nang ipulupot nito ang necktie sa kanyang mga pulso para hindi siya makapalag.Napatingin siya sa hindi pa ganap na natatali nitong bow tie, at napakagat siya sa labi, pilit nilalamon ang inis.Samantala, nang makita iyon ni Rico,
Nakaupo sina Rachel at Sharia sa sofa habang tahimik na umiinom ng tsaa, maingat na sinusuri ang bawat sulok ng sala.Bihira nang mapunta si Rachel sa Repulse Bay, pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang itsura ng lugar noon—malamig, walang buhay, at mahigpit ang pagkakatali sa monotonong kulay itim, puti, at abo. Ang buong ambiance ay parang isang gusali sa halip na isang tahanan. Walang init. Walang kaluluwa.Pero ngayon… may mga bagay na hindi tugma sa dating imahe ng bahay. May kulay-rosas na palamuti, malalambot na teddy bear na hugis strawberry, magkapares na baso, mga bulaklak, at luntiang halaman na nagbibigay ng kakaibang contrast sa dating malamig na espasyo. Sa halip na maging mas maaliwalas, nagmistulang magulo ang kabuuang itsura ng bahay—parang pilit na pinaghalo ang dalawang mundong hindi dapat magtagpo.Habang pinagmamasdan ito, unti-unting nagbago ang pakiramdam ni Rachel.Noon, naniniwala siyang ang mundo ng kanyang anak ay mananatiling malamig at walang kulay hang
Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo
Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab
Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan
Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany
Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam