Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo na sila sa school para sa gaganaping family day event. "Hello, Sofie, sino yang kasama mo?" tanong ng isang bata kay sofie na sa tingin niya ay ka-klase ng mga anak niya. "Daddy mo?" dagdag pa nito. Ito kaagad ang bungad na tanong sa anak niya pagkapasok nila sa loob ng gym kung saan gaganapin ang event. Nakaholding hands kasi si Sofie sa daddy nito kaya marahil nagtataka rin ang mga ito kung sino ang kasama ni Sofie. "Yes, daddy ko siya, daddy namin siya. Pogi ng daddy ko no?" may pagmamalaking wika ni Sofie. Napangiwi naman si Abi sa sinabi ng anak niya. Pero pagtingin niya sa paligid ay nagbubulungan ang ibang mga nanay na naroroon at ang mga mata ay nasa lalaki. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ni Abi ang sinabi ng isang babae sa gilid. "Ang gwapo naman niya, daig pa artista sa kagwapuhan niya," wika ng isang babae na tingin niya ay kasing edad niya. "Oo nga, ang pogi naman niya at mukhang ang hot niya," dinig niyang sambit din ng
Third Person "Ano na ba ang balita sa taong inutusan mo sa labas Johnson!?" naiinip na tanong ni Sandra. Pabalik-balik ito ng lakad sa harapan ng lalaki. "Magaling na raw ang butihin kong kapatid at ngayon hindi na naman mahagilap ng taong inuutusan ko," tiim bagang na wika nito. Napabuga ng hangin si Sandra. "Malapit ng maubos ang pera natin Johnson kaya kailangan na nating kumilos, walang kwenta 'yang inutusan mo!" naiinis na salita ni Sandra. "Huwag mo akong madaliin, Sandra! Alalahanin mo hanggang ngayon pinaghahanap pa rin tayo ng mga pulis! Kaya maghintay ka kung ayaw mong mabulok sa bilangguan!" galit na bulyaw ni Johnson sa babae at iniwanan ito. Napapairap naman na si Sandra habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib. Limang taon na mahigit ang lumipas pero nandito pa rin sila sa tagong lugar sa baguio. Inip na inip na si Sandra sa bawat sulok ng rest house na ito ni Johnson. Ni hindi niya magawang lumabas ng bahay dahil pinagbabawalan siya ni Johnson at
ABIGAIL "Mga anak look niyo oh nagluto si mommy ng paborito niyong ulam," wika ni Abi habang isa-isang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ng tatlong bata. Dalawang araw ng wala sa mood ang mga ito dahil dalawang araw ng hindi nagpapakita si Seb sa mansion. Bila na lang itong hindi pumunta at hindi na nagpakita pa sa kanila ng mga bata. Dalawang araw na rin na iyak nang iyak si Sofie dahil hinahanap nito ang daddy niya. Tinatawagan naman niya ang cellphone ni Seb pero hindi niya ito makontak. "I want daddy, mommy. Namimiss na namin si Daddy. Iniwan na naman niya kami. Ang sabi niya hindi na siya aalis. Ang sabi niya hindi na niya kami iiwan," wika ni Sofie na nagsimula na namang umiyak. "I don't want to eat," sambit ni Shane na namumula na rin ang mga mata at halatang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Umalis ito sa upuan at patakbong umakyat ng hagdan. Wala ring salita na umalis si Gavin at sumunod sa kapatid nito sa taas. Npapapikit na niyakap ni Abi si Sofie at hinalikan ito
SEBASTIAN Samo't-saring emosyon ngayon ang nararamdaman ni Seb habang papasok muli sa loob ng hospital. Papaanong nabaril ang daddy niya? Sino ang walang pusong gustong pumatay sa ama niya? Ito ang mga tanong na paulit-ulit na pumapasok sa utak niya. Hindi pa niya nakakausap ang mga pulis na nag-iimbestiga ukol sa pamamaril sa daddy niya dahil ngayon lang din siya nakakabawi ng lakas. Pagdating na pagdating niya kasi noong nakaraang araw ay agad siyang kinuhanan ng dugo para isalin sa ama niya dahil maraming dugo ang nawala rito. Si Rowan na muna at pinaharap niya sa mga pulis. Ang kapatid naman nito na PI niya ang siyang tumutulong sa kanila para mahuli ang sino mang salarin sa nangyaring pamamaril. Ayon sa kwento ni Rowan ay alas nueve ng gabi natapos ang meeting nila kasama ang daddy niya at ilang executives at board of members ng kumpanya. Saktong palabas na raw sa main entrance ng building ang daddy niya nang bigla itong pinaputukan ng mga armadong lalaki na riding in tand
SEBASTIAN Nanlulumong napapasandal si Seb sa dingding. Napapadasal, habang pinagmamasdan ang mga doctor at nurses na pilit nire-revive ang buhay ng daddy niya. "Lord, please, huwag muna ngayon. Kahit ngayon lang Lord, huwag mo munang kunin sa amin si dad," piping dasal ni Seb. Umaasa na pakikinggan ng nasa itaas ang hinaing niya. Na sana ibalik pa sa kanila ang daddy niya. Nilapitan ang ina at niyakap ito ng mahigpit. Halos mawalan na ito ng boses dahil sa sobrang pag-iyak. Namamaos na ang boses ng mommy niya dahil sa walang tigil na pag-iyak nito. Maya-maya pa makalipas ang halos kulang-kulang isang oras ay muling nai-revived ng mga doctor ang daddy niya. Bagay na muli silang nabuhayan ng dugo. "Congratulations, Mrs. Ashford. Himala na nabuhay muli ang asawa niyo matapos siyang mawalan ng buhay kanina. At isang himala ang nangyare sa kanya," wika ng doctor. "Thank you so much, doc," pasasalamat ng mommy niya at maging siya ay ganun din. Ang buong akala niya ay tuluyan
SEBASTIAN Kinabukasan ay dumating ulit ang mommy ni Seb sa hospital kasama si Nanay Rosa mga bandang hapon. Medyo umaliwalas na ang mukha ng mom niya kahit mababakas pa rin ang lungkot dito. "Anak, umuwe ka na muna at kami na rin ang bahalang magbantay rito sa daddy mo sa hospital," wika ng mommy niya. "Thank you, mom, maliligo at magbibihis lang ako. Babalik din ako agad," saad niya sa ina. Akmang tatayo na si Seb nang maramdaman niyang ginagap ng mommy niya ang isang palad niya. Marahan iyong pinisil ng ginang at malungkot ang mga matang nakatitig sa kanya. "Okay na anak, ligtas na ang daddy mo. Kaya puntahan mo na ang pamilya mo ngayon, at alam kong miss na miss mo na sila. Ang tanging hiling ko palagi na sana maayos at mabuo mo na muli ang pamilya mo. Alam ko na hindi madali anak, pero tulad ng palaging sinasabu ko sa 'yo, huwag kang sumuko, kung mahal mo pa si Abi, ipaglaban mo. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para sa pamilya mo," wika ng mommy niya. Tumulo ang mga luha
SEBASTIAN "Pink teddy bear? Ito 'yong tedddy bear na binigay niya sa anak niyang si Sofie noong andoon pa siya sa mindoro. Tanda pa niya ito dahil meron itong pangalan ng anak niya. Pero papaanong napunta ito rito sa bahay?" naguguluhang tanong ni Seb sa sarili niya. Kaunti lang naman ang ininom niyang alak kanina sa opisina at hindi naman siya lasing. Hindi rin ito panaginip dahil totoong hawak niya ang teddy bear ng anak niya. Kinuha niya ang phone niya at sinubukang idial ang number ni Abi pero nakapatay ito at hindi niya makontak. Naguguluhan na tinahak ni Seb ang hagdan at umakyat sa 2nd floor ng bahay. Dederetso na sana siya sa guest room ng mapatingin siya sa nakasarang pinto ng master's bedroom. Huminga muna siya ng malalim bago napatingin sa hawak niyang teddy bear. Parang hinihila siya ng sariling mga paa na lumapit sa pinto ng master bedroom at pumasok doon. Hindi na nga namalayan ni Seb na nasa harapan an siya ng pinto ng dating kwarto nila noon ni Abi. Hinakawan n
ABIGAIL Umupo siya sa kama sa tabi ng mga bata. Gabi na pero hindi pa niya nakitang umuwe si Seb. Sigurado na magugulat ito kapag nakita sila na naririto sa dating bahay nila. Napapangiti si Abi habang pinagmamasdan ang tatlong anak na mahimbing na natutulog sa kama. Bagsak na bagsak sa antok ang mga ito, si Gavin at Shane na malakas pang naghihilik. Halatang napagod sa biyahe. Hapon na kasi nang dumating sila sa manila kasama si yaya Mely. Dito sila agad dumeretso sa dating bahay nila ni Seb. Ang bahay kung saan nagsama sila noon bilang mag-asawa. Walang tao at katahimikan ang sumalubong sa kanila kanina pagpasok nila sa loob nang malaking bahay. Malinis at maaliwalas pa rin ito gaya ng dati. Hinanap niya agad si Nanay Rosa pagdating nila pero wala ang matanda sa buong bahay. Ayon sa guard ay umalis raw ito noong nakaraang araw pa at hindi pa umuuwe hanggang ngayon. Si Seb naman daw ay umuwe noong isang araw lang at agad din namang umalis ang lalaki. Nagmamadali pa nga ra