Third Person "Ano na ba ang balita sa taong inutusan mo sa labas Johnson!?" naiinip na tanong ni Sandra. Pabalik-balik ito ng lakad sa harapan ng lalaki. "Magaling na raw ang butihin kong kapatid at ngayon hindi na naman mahagilap ng taong inuutusan ko," tiim bagang na wika nito. Napabuga ng hangin si Sandra. "Malapit ng maubos ang pera natin Johnson kaya kailangan na nating kumilos, walang kwenta 'yang inutusan mo!" naiinis na salita ni Sandra. "Huwag mo akong madaliin, Sandra! Alalahanin mo hanggang ngayon pinaghahanap pa rin tayo ng mga pulis! Kaya maghintay ka kung ayaw mong mabulok sa bilangguan!" galit na bulyaw ni Johnson sa babae at iniwanan ito. Napapairap naman na si Sandra habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib. Limang taon na mahigit ang lumipas pero nandito pa rin sila sa tagong lugar sa baguio. Inip na inip na si Sandra sa bawat sulok ng rest house na ito ni Johnson. Ni hindi niya magawang lumabas ng bahay dahil pinagbabawalan siya ni Johnson at
ABIGAIL "Mga anak look niyo oh nagluto si mommy ng paborito niyong ulam," wika ni Abi habang isa-isang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ng tatlong bata. Dalawang araw ng wala sa mood ang mga ito dahil dalawang araw ng hindi nagpapakita si Seb sa mansion. Bila na lang itong hindi pumunta at hindi na nagpakita pa sa kanila ng mga bata. Dalawang araw na rin na iyak nang iyak si Sofie dahil hinahanap nito ang daddy niya. Tinatawagan naman niya ang cellphone ni Seb pero hindi niya ito makontak. "I want daddy, mommy. Namimiss na namin si Daddy. Iniwan na naman niya kami. Ang sabi niya hindi na siya aalis. Ang sabi niya hindi na niya kami iiwan," wika ni Sofie na nagsimula na namang umiyak. "I don't want to eat," sambit ni Shane na namumula na rin ang mga mata at halatang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Umalis ito sa upuan at patakbong umakyat ng hagdan. Wala ring salita na umalis si Gavin at sumunod sa kapatid nito sa taas. Npapapikit na niyakap ni Abi si Sofie at hinalikan ito
SEBASTIAN Samo't-saring emosyon ngayon ang nararamdaman ni Seb habang papasok muli sa loob ng hospital. Papaanong nabaril ang daddy niya? Sino ang walang pusong gustong pumatay sa ama niya? Ito ang mga tanong na paulit-ulit na pumapasok sa utak niya. Hindi pa niya nakakausap ang mga pulis na nag-iimbestiga ukol sa pamamaril sa daddy niya dahil ngayon lang din siya nakakabawi ng lakas. Pagdating na pagdating niya kasi noong nakaraang araw ay agad siyang kinuhanan ng dugo para isalin sa ama niya dahil maraming dugo ang nawala rito. Si Rowan na muna at pinaharap niya sa mga pulis. Ang kapatid naman nito na PI niya ang siyang tumutulong sa kanila para mahuli ang sino mang salarin sa nangyaring pamamaril. Ayon sa kwento ni Rowan ay alas nueve ng gabi natapos ang meeting nila kasama ang daddy niya at ilang executives at board of members ng kumpanya. Saktong palabas na raw sa main entrance ng building ang daddy niya nang bigla itong pinaputukan ng mga armadong lalaki na riding in tand
SEBASTIAN Nanlulumong napapasandal si Seb sa dingding. Napapadasal, habang pinagmamasdan ang mga doctor at nurses na pilit nire-revive ang buhay ng daddy niya. "Lord, please, huwag muna ngayon. Kahit ngayon lang Lord, huwag mo munang kunin sa amin si dad," piping dasal ni Seb. Umaasa na pakikinggan ng nasa itaas ang hinaing niya. Na sana ibalik pa sa kanila ang daddy niya. Nilapitan ang ina at niyakap ito ng mahigpit. Halos mawalan na ito ng boses dahil sa sobrang pag-iyak. Namamaos na ang boses ng mommy niya dahil sa walang tigil na pag-iyak nito. Maya-maya pa makalipas ang halos kulang-kulang isang oras ay muling nai-revived ng mga doctor ang daddy niya. Bagay na muli silang nabuhayan ng dugo. "Congratulations, Mrs. Ashford. Himala na nabuhay muli ang asawa niyo matapos siyang mawalan ng buhay kanina. At isang himala ang nangyare sa kanya," wika ng doctor. "Thank you so much, doc," pasasalamat ng mommy niya at maging siya ay ganun din. Ang buong akala niya ay tuluyan
SEBASTIAN Kinabukasan ay dumating ulit ang mommy ni Seb sa hospital kasama si Nanay Rosa mga bandang hapon. Medyo umaliwalas na ang mukha ng mom niya kahit mababakas pa rin ang lungkot dito. "Anak, umuwe ka na muna at kami na rin ang bahalang magbantay rito sa daddy mo sa hospital," wika ng mommy niya. "Thank you, mom, maliligo at magbibihis lang ako. Babalik din ako agad," saad niya sa ina. Akmang tatayo na si Seb nang maramdaman niyang ginagap ng mommy niya ang isang palad niya. Marahan iyong pinisil ng ginang at malungkot ang mga matang nakatitig sa kanya. "Okay na anak, ligtas na ang daddy mo. Kaya puntahan mo na ang pamilya mo ngayon, at alam kong miss na miss mo na sila. Ang tanging hiling ko palagi na sana maayos at mabuo mo na muli ang pamilya mo. Alam ko na hindi madali anak, pero tulad ng palaging sinasabu ko sa 'yo, huwag kang sumuko, kung mahal mo pa si Abi, ipaglaban mo. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para sa pamilya mo," wika ng mommy niya. Tumulo ang mga luha
SEBASTIAN "Pink teddy bear? Ito 'yong tedddy bear na binigay niya sa anak niyang si Sofie noong andoon pa siya sa mindoro. Tanda pa niya ito dahil meron itong pangalan ng anak niya. Pero papaanong napunta ito rito sa bahay?" naguguluhang tanong ni Seb sa sarili niya. Kaunti lang naman ang ininom niyang alak kanina sa opisina at hindi naman siya lasing. Hindi rin ito panaginip dahil totoong hawak niya ang teddy bear ng anak niya. Kinuha niya ang phone niya at sinubukang idial ang number ni Abi pero nakapatay ito at hindi niya makontak. Naguguluhan na tinahak ni Seb ang hagdan at umakyat sa 2nd floor ng bahay. Dederetso na sana siya sa guest room ng mapatingin siya sa nakasarang pinto ng master's bedroom. Huminga muna siya ng malalim bago napatingin sa hawak niyang teddy bear. Parang hinihila siya ng sariling mga paa na lumapit sa pinto ng master bedroom at pumasok doon. Hindi na nga namalayan ni Seb na nasa harapan an siya ng pinto ng dating kwarto nila noon ni Abi. Hinakawan n
ABIGAIL Umupo siya sa kama sa tabi ng mga bata. Gabi na pero hindi pa niya nakitang umuwe si Seb. Sigurado na magugulat ito kapag nakita sila na naririto sa dating bahay nila. Napapangiti si Abi habang pinagmamasdan ang tatlong anak na mahimbing na natutulog sa kama. Bagsak na bagsak sa antok ang mga ito, si Gavin at Shane na malakas pang naghihilik. Halatang napagod sa biyahe. Hapon na kasi nang dumating sila sa manila kasama si yaya Mely. Dito sila agad dumeretso sa dating bahay nila ni Seb. Ang bahay kung saan nagsama sila noon bilang mag-asawa. Walang tao at katahimikan ang sumalubong sa kanila kanina pagpasok nila sa loob nang malaking bahay. Malinis at maaliwalas pa rin ito gaya ng dati. Hinanap niya agad si Nanay Rosa pagdating nila pero wala ang matanda sa buong bahay. Ayon sa guard ay umalis raw ito noong nakaraang araw pa at hindi pa umuuwe hanggang ngayon. Si Seb naman daw ay umuwe noong isang araw lang at agad din namang umalis ang lalaki. Nagmamadali pa nga ra
Nagising si Abi kinabukasan na mag-isa na lamang sa loob ng kwarto. Ang naalala niya sa couch siya nakatulog kagabi kasama si Seb. Nakatulog siya na nakayakap ito sa kanya. Pero ngayon nagising siyang sa kama na siya nakahiga. Siguro sa sobrang antok niya hindi niya namalayan na nilipat siya ni Seb sa kama. Wala na ang mga anak niya at si Seb, siguro nasa baba na ang mga ito at magkakasama. Naalala ni Abi ang naging tagpo sa kanila ni Seb, kagabi. Ang laki ng pinagbago ng lalaki at damang-dama niya iyon. Ang hinayaan niya itong makatabi siya sa pagtulog at makayakap siya, ay parang may kakaibang hatid sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na muli siyang makulong sa mga bisig nito. Bumangon na muna siya at nagpunta sa banyo. Naghilamos siya at nag toothbrush ng ngipin. Inayos din niya ang pagkakatali ng buhok niya. Paglabas naman niya ng banyo ay inayos na rin niya ang kama at ang ibang kalat ng mga bata. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Nasa hagdan pa lang siya pero dini
Maingat siyang inilapag ni Seb sa dulo ng kama. Yumuko ito sa harapan niya at agad na sinibasib ng halik ang labi niya. Hindi na rin siya nagpakipot pa at kaagad na nag-init ang katawan niya nang magsimulang maglumikot ang kamay ni Seb sa malulusog niyang dibdib. Kahit na may suot pa siyang nighties ay damang-dama niya ang init na nagmumula sa palad nito. Hinuli nito ang dila niya at sinupsop iyon, kaya hindi niya napigilan ang mapaungol. "Uhmmn..." Bumaba ang halik ni Seb sa leeg niya at pinatakan siya roon ng magagaang halik. Habang ang malikot nito kamay ay nasa hita na niya naglalakbay. Lalo tuloy siyang nakiliti. Pakiramdam niya basang-basa na siya down there. Idagdag pa na buntis kaya mataas ang libido niya sa katawan. Natatawa na lang tuloy siya sa sarili niyang karupukan. Kanina lang kasi sobrang inis niya kay Seb, tapos heto ngayon namamasa na siya. "Naku Abi, maghinay-hinay ka at buntis ka pa naman," paaalala ng isip niya. "Ahhh....ohhh..." ungol ng himasin ni Seb ang
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam