Share

CHAPTER 80.

Third Person

"Ano na ba ang balita sa taong inutusan mo sa labas Johnson!?" naiinip na tanong ni Sandra. Pabalik-balik ito ng lakad sa harapan ng lalaki.

"Magaling na raw ang butihin kong kapatid at ngayon hindi na naman mahagilap ng taong inuutusan ko," tiim bagang na wika nito.

Napabuga ng hangin si Sandra.

"Malapit ng maubos ang pera natin Johnson kaya kailangan na nating kumilos, walang kwenta 'yang inutusan mo!" naiinis na salita ni Sandra.

"Huwag mo akong madaliin, Sandra! Alalahanin mo hanggang ngayon pinaghahanap pa rin tayo ng mga pulis! Kaya maghintay ka kung ayaw mong mabulok sa bilangguan!" galit na bulyaw ni Johnson sa babae at iniwanan ito.

Napapairap naman na si Sandra habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib.

Limang taon na mahigit ang lumipas pero nandito pa rin sila sa tagong lugar sa baguio. Inip na inip na si Sandra sa bawat sulok ng rest house na ito ni Johnson. Ni hindi niya magawang lumabas ng bahay dahil pinagbabawalan siya ni Johnson at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status