THIRD PERSON "Ma'am may naghahanap po sa inyo," dinig niya na sabi ni Zel. Napaangat ng tingin si Abi at kunot noong nagtanong. Hindi kaya si Seb ang naghahanap sa kanya? Magaling na ba ito kaya ngayon ay hinahanap siya? Biglang kumabog ang dibdib niya sa isiping muli silang magkikita ng dating asawa. At malamang, ipagpipilitan nitong muli na makilala ang mga anak niya. "Who?" "Mr. Jonas Mendoza, raw po ma'am," sagot ng sekretarya niya. Mas lalong nangunot ang noo ni Abi dahil wala naman siyang kilala na Jonas Mendoza. Bakit siya nito hinahanap? Ano ang kailangan nito sa kanya? Ang buong akala niya ay si Seb ang naghahanap sa kanya pero ibang tao pala. At hindi niya kilala. Nasa ganung pag-iisip siya ng magsalitang muli si Zel. "Ma'am?" "Papasukin mo siya," utos niya kay Zel na agad namang tumalima at sinunod ang utos niya. "Hi, good afternoon," anang baritonong boses na bago sa pandinig ni Abi. "Good afternoon too, Mr...?" ganting bati niya sabay patanong sa pangalan nito
ABIGAIL Napangiti si Abi habang pinagmamasdan ang tatlong bata na mahimbing na natutulog sa kama. Yes, magkakasama silang apat sa isang kama na talagang pinasadya pa ni Abi ang laki nito. Kasya rito ang kahit walong tao. Maganda to kasi malikot matulog ang mga anak niya kaya kahit magpa gulong-gulong ang mga ito ay hindi agad mahuhulog. Ilang araw na rin ang lumipas at magaling na ang sugat na natamo no Gavin at Shane. Hindi na rin niya nababalitaan na binubully pa sa school ang mga anak niya. At ayon pa sa teacher ng mga bata ay naging kaibigan na raw ng tatlong bata ang mga nanunukso sa kanila noon, bagay na siyang ipinagpasalamat naman ni Abi. Salamat dahil nakipag cooperate rin ang mga magulang ng bata at napagsabihan ang kanilang mga anak. Kaya kahit papaano ay napanatag na ang loob niya. Habang abala si Abi sa opisina ay siya namang pagpasok ni Zel sa loob. Agad niyang nakita ang dala-dala na naman nitong bulaklak. Hindi na talaga nagsawa si Seb sa pagpapadala ng bulakl
ABIGAIL Araw ng linggo araw ng bonding ni Abi kasama ang mga anak niya. Maaga niyang ginieing ang tatlong bata. Pupunta sila ngayon sa simbahan para magsimba at pagkatapos nun ay dadalhin niya ang tatlo sa mall para ipasyal. "Saan niyo gusto kumain babies?" tanong ni Abi sa mga anak habang ang tingin ay nasa kalsada. Dahan-dahan lamang ang pagmamaneho niya. Kailangan niyang maging maingat at kasama niya ang tatlong bulinggit na siyang star ng buhay niya. Silang apat lamang ang magkakasama ngayon dahil pina day off niya rin ang mga yaya ng tatlong anak para makapagpahinga rin ang mga ito. "Mommy, hindi na kami babies," reklamo na naman ni Shane, ang anak niyang masungit na nagmana 'ata sa ama nito. Sa totoo lang habang lumalaki si Shane hindi na lang mukha ni Seb ang kuhang-kuha nito kundi pati ang ugali. Masungit at laging seryoso, pero kapag naglambing naman ay sobra. Si Sofie naman ang talagang very sweet niyang anak. Si Gavin naman ay seryoso rin at tahimik lang palagi
ABIGAIL "Abi, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like you, Abi," deretsahang pag-amin ni Jonas sa harapan ni Abi habang hawak ang kamay niya sa ibabaw ng table. Nandito sila ngayon sa mansion, sa harap ng pool at nakatingin sa mga bata na naliligo kasama ang mga yaya ng mga ito. Napasinghap naman si Abi buhat sa narinig mula sa lalaki. Halos isang buwan pa lang silang magkakilala simula noong sinadya siya nito sa opisina niya. Hindi niya akalin na sa loob ng isang buwan na iyon ay agad na mahuhulog ang loob nito sa kanya. Aminado naman si Abi na gwapo, mabait at responsableng lalaki si Jonas, pero kasi wala pa sa isip niya ang pumasok sa bagong relasyon. Mas importante ngayon sa kanya ang mga anak niya. Para kay Abi, mga anak niya lang ay sapat na. "Abi," tawag nito sa pangalan niya nang mapansin nito ang pananahimik niya. "Jonas, kasi...." napatingin siya sa kamay niyang hawak nito at dahan-dahan iyong hinila. Tila na blanko ang isip niya sa mga sandaling ito. "Abi,
THIRD PERSON "Shane! Anak!" sigaw ni Abi na sinundan ang anak na tumakbo sa may pool area. "Anak!" "Shane!" pero hindi niya mahanap ang anak kung saan ito nagtatago. Ito na nga ba ang kinakatakutan ni Abi ang paghaharap ng mag-ama at mauuwe sa ganitong tagpo. Oo, sinasabi niya noon na nasa malayo ito at nagtatrabaho pero hindi nman niya nagawang siraan si Seb sa mga bata. At lalong hindi niya masisisi si Shane kung sa murang edad nito ay makakaramdam na ito ng hinanakit at galit sa kanyang ama. "Shane, anak, nasaan ka? Anak si mommy 'to," ani Abi habang iniikot ang pool area. Ilang sandali lang nang makarinig siya ng mahinang hikbi sa di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Dahan-dahan na naglakad si Abi papalapit sa tunog ng mga hikbing narinig niya. Hanggang sa makita ang anak sa may garden nila at doon nakaupo sa wooden bench. Halos madurog ang puso niya sa nakikita sa anak. Umiiyak ito habang paulit-ulit na sinasambit ang mga salitang, you're not our daddy, I hate y
ABIGAIL Lumabas si Abi ng kwarto matapos makatulog ang tatlong bata. Namamaga pa ang mga mata ni Shane sa kakaiyak kanina at naaawa siya sa anak niya. Ramdam niya ang bigat ng kalooban nito. Tinawagan niya kanina si Yaya Mely, tinanong kung umalis na ba si Seb pero naroon pa raw ito sa sala. Tama nga ang sinabi ni Yaya, dahil nasa sala pa ito sa baba. Gabi na at bakit hindi pa ito umaalis, isa pa tulog na rin ang mga bata. Nakatanaw lang siya rito mula sa taas ng hagdan. At saktong tatalikod na sana siyang muli nang tawagin siya ni Seb. Napansin pala siya nito. "Abi," tawag nito sa pangalan niya. "Sige na anak kausapin mo muna siya. Ako na muna ang titingin dito sa mga bata," rinig niyang wika ng tita niya na nasa likuran niya pala. Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Abi bago siya bumaba ng hagdan. "Tulog na ang mga bata kaya pwede ka ng umalis," malamig niyang wika kay Seb nang makalapit siya rito. "Abi, pwede ba tayong mag-usap?" puno ng lungkot na pakiu
SEBASTIAN Napayuko si Seb sa manibela ng kanyang sasakyan. Para siyang sinampal sa mga binitawang salita ng asawa niya kanina. Siya ang dahilan kung bakit ganito na ngayon si Abi sa kanya. Siya ang naglagay rito sa sitwasyong ito. Pinaandar niya ang sasakyan pero inihinto rin naman niya ito sa di kalayuan kung saan natatanaw pa rin niya ang mansyon ng mga Miller. Hinihintay niya ang paglabas ng lalaking kausap kanina ni Abi na si Jonas. Wala na ang dating hinhin sa pananalita ng asawa niya. Wala na ang dating lambing sa boses nito kapag nagsasalita. Ang sakit pala isipin na dati ay masaya kayong nag-uusap, tapos ngayon parang hindi niyo na kilala ang isa't-isa. Ang sakit pala na makita na ang dating ngiti at kislap ng mata nito ay sa iba na nito ibinibigay. Ilang sandali pa na pananatili niya ay nakita niyang lumabas na si Jonas sa mansion. Hinatid pa ito ni Abi sa mismong gate. At kitang-kita niya kung paano nagyakapan ang dalawa. Parang sasabog sa sakit ang puso niya na
SEBASTIAN "Hmmnn, yummy, ang sarap ng luto mo daddy," papuri ni Sofie na niluto niyang adobong manok. Nilagyan niya kasi ito ng kaunting asukal kaya manamis-namis ang lasa. Napapangiti na pinagmasdan ni Seb ang anak na maganang kumain. Nauna na kasing kumain ang mga ito ng dinner dahil naamoy raw ng mga anak niya ang mabangong amoy ng ulam. Kaya naman nagsipag-unahan ito papunta sa kusina at sinabing nagugutom na. "Sarap ng ulam," biglang sambit ni Shane na sunod-sunod na sumubo ng kanin at ulam. "Yeah, gusto ko ang ganitong lasa na adobo," wika naman ni Gavin at nagpadagdag pa ng kanin sa plato nito. Halos tumalon naman sa tuwa ang puso ni Seb dahil sa narinig sa mga anak niya. Sana ay magtuloy-tuloy na ito at tuluyan na siyang mapalapit sa mga anak niya. Mag-alas syete na ng gabi pero wala pa si Abi. Narinig niyang tumawag ito kanina sa tita nito at sinabi na nakipag meeting ito sa mga empleyado. Uuwe raw ito pagkatapos. Pagkatapos kumain ay pinagpahinga niya muna an