ABIGAIL "Ah, so, magaling na siya ngayon? At ngayon may pabulaklak ng nalalaman ang malandi mong ex," inis na wika ni Lyca. Hindi naman umimik si Abi sa sinabi ng kaibigan niya. "Ang kapal ng mukha niya ha. Bakit hindi na lang sa malandi niyang kabit ibinigay 'yang bulaklak na 'yan! Sorry, besh, pero naiinis pa rin ako sa tarantandong Seb na yon," gigil na wika ni Lyca. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Lyca kung nagagalit at naiinis pa rin ito kay Seb. Hindi niya ito masisisi dahil ito ang naging takbuhan niya noong mga panahong wala siyang mapuntahan dahil sa ginawa sa kanya ni Seb. "So, anong plano mo? Ipapakilala mo ba sa kanya ang mga bata?" kapagkuway tanong nito habang nakahalukipkip ang mga kamay. Bumuntong hininga siya at umupo sa office chair niya. "I don't know, besh. Sa ngayon hindi ko pa alam. Nagtatalo na nga ang tatlong bata, dahil si Sofie gusto nang makita ang daddy niya. Pero ang dalawang boys, ayaw. Hindi raw nila kailangan ng daddy," aniya na m
THIRD PERSON "Ma'am may naghahanap po sa inyo," dinig niya na sabi ni Zel. Napaangat ng tingin si Abi at kunot noong nagtanong. Hindi kaya si Seb ang naghahanap sa kanya? Magaling na ba ito kaya ngayon ay hinahanap siya? Biglang kumabog ang dibdib niya sa isiping muli silang magkikita ng dating asawa. At malamang, ipagpipilitan nitong muli na makilala ang mga anak niya. "Who?" "Mr. Jonas Mendoza, raw po ma'am," sagot ng sekretarya niya. Mas lalong nangunot ang noo ni Abi dahil wala naman siyang kilala na Jonas Mendoza. Bakit siya nito hinahanap? Ano ang kailangan nito sa kanya? Ang buong akala niya ay si Seb ang naghahanap sa kanya pero ibang tao pala. At hindi niya kilala. Nasa ganung pag-iisip siya ng magsalitang muli si Zel. "Ma'am?" "Papasukin mo siya," utos niya kay Zel na agad namang tumalima at sinunod ang utos niya. "Hi, good afternoon," anang baritonong boses na bago sa pandinig ni Abi. "Good afternoon too, Mr...?" ganting bati niya sabay patanong sa pangalan nito
ABIGAIL Napangiti si Abi habang pinagmamasdan ang tatlong bata na mahimbing na natutulog sa kama. Yes, magkakasama silang apat sa isang kama na talagang pinasadya pa ni Abi ang laki nito. Kasya rito ang kahit walong tao. Maganda to kasi malikot matulog ang mga anak niya kaya kahit magpa gulong-gulong ang mga ito ay hindi agad mahuhulog. Ilang araw na rin ang lumipas at magaling na ang sugat na natamo no Gavin at Shane. Hindi na rin niya nababalitaan na binubully pa sa school ang mga anak niya. At ayon pa sa teacher ng mga bata ay naging kaibigan na raw ng tatlong bata ang mga nanunukso sa kanila noon, bagay na siyang ipinagpasalamat naman ni Abi. Salamat dahil nakipag cooperate rin ang mga magulang ng bata at napagsabihan ang kanilang mga anak. Kaya kahit papaano ay napanatag na ang loob niya. Habang abala si Abi sa opisina ay siya namang pagpasok ni Zel sa loob. Agad niyang nakita ang dala-dala na naman nitong bulaklak. Hindi na talaga nagsawa si Seb sa pagpapadala ng bulakl
ABIGAIL Araw ng linggo araw ng bonding ni Abi kasama ang mga anak niya. Maaga niyang ginieing ang tatlong bata. Pupunta sila ngayon sa simbahan para magsimba at pagkatapos nun ay dadalhin niya ang tatlo sa mall para ipasyal. "Saan niyo gusto kumain babies?" tanong ni Abi sa mga anak habang ang tingin ay nasa kalsada. Dahan-dahan lamang ang pagmamaneho niya. Kailangan niyang maging maingat at kasama niya ang tatlong bulinggit na siyang star ng buhay niya. Silang apat lamang ang magkakasama ngayon dahil pina day off niya rin ang mga yaya ng tatlong anak para makapagpahinga rin ang mga ito. "Mommy, hindi na kami babies," reklamo na naman ni Shane, ang anak niyang masungit na nagmana 'ata sa ama nito. Sa totoo lang habang lumalaki si Shane hindi na lang mukha ni Seb ang kuhang-kuha nito kundi pati ang ugali. Masungit at laging seryoso, pero kapag naglambing naman ay sobra. Si Sofie naman ang talagang very sweet niyang anak. Si Gavin naman ay seryoso rin at tahimik lang palagi
ABIGAIL "Abi, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like you, Abi," deretsahang pag-amin ni Jonas sa harapan ni Abi habang hawak ang kamay niya sa ibabaw ng table. Nandito sila ngayon sa mansion, sa harap ng pool at nakatingin sa mga bata na naliligo kasama ang mga yaya ng mga ito. Napasinghap naman si Abi buhat sa narinig mula sa lalaki. Halos isang buwan pa lang silang magkakilala simula noong sinadya siya nito sa opisina niya. Hindi niya akalin na sa loob ng isang buwan na iyon ay agad na mahuhulog ang loob nito sa kanya. Aminado naman si Abi na gwapo, mabait at responsableng lalaki si Jonas, pero kasi wala pa sa isip niya ang pumasok sa bagong relasyon. Mas importante ngayon sa kanya ang mga anak niya. Para kay Abi, mga anak niya lang ay sapat na. "Abi," tawag nito sa pangalan niya nang mapansin nito ang pananahimik niya. "Jonas, kasi...." napatingin siya sa kamay niyang hawak nito at dahan-dahan iyong hinila. Tila na blanko ang isip niya sa mga sandaling ito. "Abi,
THIRD PERSON "Shane! Anak!" sigaw ni Abi na sinundan ang anak na tumakbo sa may pool area. "Anak!" "Shane!" pero hindi niya mahanap ang anak kung saan ito nagtatago. Ito na nga ba ang kinakatakutan ni Abi ang paghaharap ng mag-ama at mauuwe sa ganitong tagpo. Oo, sinasabi niya noon na nasa malayo ito at nagtatrabaho pero hindi nman niya nagawang siraan si Seb sa mga bata. At lalong hindi niya masisisi si Shane kung sa murang edad nito ay makakaramdam na ito ng hinanakit at galit sa kanyang ama. "Shane, anak, nasaan ka? Anak si mommy 'to," ani Abi habang iniikot ang pool area. Ilang sandali lang nang makarinig siya ng mahinang hikbi sa di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Dahan-dahan na naglakad si Abi papalapit sa tunog ng mga hikbing narinig niya. Hanggang sa makita ang anak sa may garden nila at doon nakaupo sa wooden bench. Halos madurog ang puso niya sa nakikita sa anak. Umiiyak ito habang paulit-ulit na sinasambit ang mga salitang, you're not our daddy, I hate y
ABIGAIL Lumabas si Abi ng kwarto matapos makatulog ang tatlong bata. Namamaga pa ang mga mata ni Shane sa kakaiyak kanina at naaawa siya sa anak niya. Ramdam niya ang bigat ng kalooban nito. Tinawagan niya kanina si Yaya Mely, tinanong kung umalis na ba si Seb pero naroon pa raw ito sa sala. Tama nga ang sinabi ni Yaya, dahil nasa sala pa ito sa baba. Gabi na at bakit hindi pa ito umaalis, isa pa tulog na rin ang mga bata. Nakatanaw lang siya rito mula sa taas ng hagdan. At saktong tatalikod na sana siyang muli nang tawagin siya ni Seb. Napansin pala siya nito. "Abi," tawag nito sa pangalan niya. "Sige na anak kausapin mo muna siya. Ako na muna ang titingin dito sa mga bata," rinig niyang wika ng tita niya na nasa likuran niya pala. Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Abi bago siya bumaba ng hagdan. "Tulog na ang mga bata kaya pwede ka ng umalis," malamig niyang wika kay Seb nang makalapit siya rito. "Abi, pwede ba tayong mag-usap?" puno ng lungkot na pakiu
SEBASTIAN Napayuko si Seb sa manibela ng kanyang sasakyan. Para siyang sinampal sa mga binitawang salita ng asawa niya kanina. Siya ang dahilan kung bakit ganito na ngayon si Abi sa kanya. Siya ang naglagay rito sa sitwasyong ito. Pinaandar niya ang sasakyan pero inihinto rin naman niya ito sa di kalayuan kung saan natatanaw pa rin niya ang mansyon ng mga Miller. Hinihintay niya ang paglabas ng lalaking kausap kanina ni Abi na si Jonas. Wala na ang dating hinhin sa pananalita ng asawa niya. Wala na ang dating lambing sa boses nito kapag nagsasalita. Ang sakit pala isipin na dati ay masaya kayong nag-uusap, tapos ngayon parang hindi niyo na kilala ang isa't-isa. Ang sakit pala na makita na ang dating ngiti at kislap ng mata nito ay sa iba na nito ibinibigay. Ilang sandali pa na pananatili niya ay nakita niyang lumabas na si Jonas sa mansion. Hinatid pa ito ni Abi sa mismong gate. At kitang-kita niya kung paano nagyakapan ang dalawa. Parang sasabog sa sakit ang puso niya na
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul
After malaman ni Seb ang tungkol sa pagbubuntis niya ayaw na siya nitong pagtrabahuin pa sa kumpanya. Subalit mapilit pa rin siya. Hindi naman kasi maselan ang pagbubuntis niya at kaya naman niyang magtrabaho. Kaya naman ang ginawa ng magaling niyang asawa ay inilipat nito ang office niya sa loob mismo ng opisina nito. Pati si Lanie na sekretarya nito ay ibinigay ng asawa niya para maging sekretarya niya. Kahit ang totoo ay hindi naman kailangan dahil madali lang naman ang trabaho niya. Pero ayon kay Seb ay ayaw siya nitong mapagod o di kaya ay ma stress. Wala na nga siyang ginawa sa opisina kundi ang umupo lang, kumain at minsan matulog. Dahil si Lanie na ang gumagawa ng trabaho niya at ayaw rin nito na tulungan niya dahil natatakot ang babae na baka magalit daw si Seb. At baka tanggalin ito sa trabaho. Sila naman ni Lanie ay okay naman sila at naging magkaibigan na rin. Simula nun nanyari ang tagpo sa pagitan nito at ni Nikko ay hindi na muli pang nagpakita si Nikko rito sa opi
"And then?" seryosong tanong ni Seb na bumaling ng tingin sa kanya. Pero agad nitong ibinalik ang tingin sa kalasada nang muling mag green light. Huminga muna siya nang malalim para muling magsalita. "And then, nakita ko si Lanie na nagmamadali habang palabas ng kumpanya. Kaya, imbes na bumaba ako ng sasakyan para pumasok sa opisina, ay naisipan kong sundan siya," napapakagat-labing wika niya. Si Seb naman ay panaka-nakang sinusulyapan siya ng tingin habang nagmamaneho. Nakakunot pa ang noo nito, tila ba nakukulangan pa sa kwento niya. "Dahil lang nagmamadali si Lanie na lumabas ng kumpanya kaya mo siya sinundan?" tanong ng asawa niya na hindi pa kumbinsido. "O, baka naman kaya mo sinundan si Lanie dahil nagdududa ka sa kanya na baka ako ang puntahan niya, tama ba?" dagdag pa ni Seb, kaya napapikit siya dahil natumbok nito ang totoong dahilan niya. "Silence means, yes," sabi pa ni Seb. Narinig niya rin ang malalim na pagbuntong hininga nito. "Kaya pala, hindi mo nabasa
"Saan ka galing wifey?" Bungad sa kanya ni Seb pagkapasok nya sa opisina ng asawa niya. Bigla tuloy siyang nakakonsensya nang maalala iyong mga pinaggagawa niya kanina. Napakagat labi siya at hindi makaimik sa harap nito. Hindi kasi niya alam ang sasabihin o pwede naman siyang umamin, pero nahihiya siya. "Wifey?" untag ni Seb sa kanya ng makita siyang tulala. "Ha, ah..eh, kasi hubby traffic kanina kaya ngayon lang ako nakarating," pagsisinungaling niya. Sana lang maniwala ang asawa niya sa palusot niya. Pero nakita niyang nakataaa ang sulok ng labi nito at mariin siyang tinitigan. Mga titig na tila ba binabasa kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. "Shutekk ka Abi, malilintikan ka talaga!" kastigo niya sa sarili. Ngunit magsasalita pa sana si Seb nang makarinig sila ng dalawang boses na tila nagtatalo sa labas ng opisina. "Trabaho ang hanap ko kaya nandito ako, Nikko," naiiyak na boses ni Lanie ang malinaw na narinig nila nang lumabas silang mag-asawa sa opisina.
Napakunot ang noo ni Abi habang pinagmamasdan ang babae mula sa loob ng kanyang sasakyan. Tila ba hindi ito mapakali at balisa ang bawat kilos. Lanie? Tama, si Lanie ang nakikita niya at hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang bagong hired na sekretarya ng asawa niya na hindi man lang sinabi ni Seb sa kanya. Sa totoo lang maganda at may maamong mukha ang babae. Maganda rin ang hubog ng katawan nito. Pansin niyang panay ang tingin ni Lanie sa hawak nitong cellphone sa kamay. Pansin din niyang may kakaiba sa bawat kilos nito. Agad nitong pinara ang isang taxi at mabilis na sumakay roon. Oras ng trabaho pero umalis ito at nagmamadali pa. Saan naman kaya ito pupunta? Ang alam niya si Seb lang ang nagtungo sa hotel para i-meet ang isang businessman at hindi kasama ang sekretarya. Hindi niya tuloy mapigilan ang hindi mag-isip ng tama. Kaya pagkaalis ng taxing sinasakyan ng babae, ay mabilis niyang kinabig ang manibela ng kotse niya at walang pagdadalawang isip na sinundan ito. Hind
"Congratulations! You're 4 weeks pregnant!" Masayang anunsyo ng doctor kay Abi matapos siya nitong suriin. Ang lakas ng pintig ng puso niya, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa labis na saya. Nandito siya ngayon sa isang pribadong ospital para kumpirmahin ang kaninang pregnancy test na isinagawa niya sa bahay kagabi matapos itong mag positive. Dumaan siya rito sa ob gyne ngayong araw matapos niyang manggaling sa school ng mga bata. May meeting kasi ang mga ito sa school at sasamahan sana siya kanina ni Seb. Pero nagpresenta siyang huwag na dahil may meeting ito ng maaaga sa kumpanya. Isa pa plano talaga niyang kumpirmahin itong hinala niya bago sabihin sa asawa ang magandang balita. At buti na lang na talaga hindi na nagpumilit pa na sumama sa kanya si Seb. "Thank you, Doc," naluluhang sambit ni Abi na nakangiti habang inaabot ang ultrasound report na mula sa doctor. Nag-uumapaw ang saya sa puso niya dahil sa positibong resulta. Parang isang magandang musika sa kanyang pandinig ang
"Donut with hotdog?" Ulit pa ulit ni Seb sa sinabi."Yes, hubby. You heard it right," aniya rito."Okay, just wait at hahanap ako ng mabilhan ng hotdog," sagot ni Seb na sinimulang magmaneho muli ng sasakyan, pero napamura ito nang malutong sa ginawa niya."Fuck! What are you doing wifey?" Mura ni Seb at mabilis na inihinto ang sasakyan dahil sa pagkagulat nang hawakan niya ang nakaumbok sa pagitan ng suot nitong slacks. Sa ikalawang pagkakataon muntikan na naman siyang mapasubsob, mabuti na lang at may suot siyang seatbelt.Pilit niyang sinusupil ang mga ngiti at sinamaan ng tingin ang lalaki."Sorry, love. I thought you want a hotdog, but it seems na ibang klaseng hotdog pala ang gusto mo," pilyong wika ni Seb at sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi nito."Yes, hubby. Your hot and alive hotdog is all I want," malanding sambit niya sabay kagat ng pang-ibabang labi."Okay let's go home now, para makain mo na ang hot and alive hotdog ko," tuwang-tuwa na sabi ni Seb. Mukang excited na