ABIGAIL Lumabas si Abi ng kwarto matapos makatulog ang tatlong bata. Namamaga pa ang mga mata ni Shane sa kakaiyak kanina at naaawa siya sa anak niya. Ramdam niya ang bigat ng kalooban nito. Tinawagan niya kanina si Yaya Mely, tinanong kung umalis na ba si Seb pero naroon pa raw ito sa sala. Tama nga ang sinabi ni Yaya, dahil nasa sala pa ito sa baba. Gabi na at bakit hindi pa ito umaalis, isa pa tulog na rin ang mga bata. Nakatanaw lang siya rito mula sa taas ng hagdan. At saktong tatalikod na sana siyang muli nang tawagin siya ni Seb. Napansin pala siya nito. "Abi," tawag nito sa pangalan niya. "Sige na anak kausapin mo muna siya. Ako na muna ang titingin dito sa mga bata," rinig niyang wika ng tita niya na nasa likuran niya pala. Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Abi bago siya bumaba ng hagdan. "Tulog na ang mga bata kaya pwede ka ng umalis," malamig niyang wika kay Seb nang makalapit siya rito. "Abi, pwede ba tayong mag-usap?" puno ng lungkot na pakiu
SEBASTIAN Napayuko si Seb sa manibela ng kanyang sasakyan. Para siyang sinampal sa mga binitawang salita ng asawa niya kanina. Siya ang dahilan kung bakit ganito na ngayon si Abi sa kanya. Siya ang naglagay rito sa sitwasyong ito. Pinaandar niya ang sasakyan pero inihinto rin naman niya ito sa di kalayuan kung saan natatanaw pa rin niya ang mansyon ng mga Miller. Hinihintay niya ang paglabas ng lalaking kausap kanina ni Abi na si Jonas. Wala na ang dating hinhin sa pananalita ng asawa niya. Wala na ang dating lambing sa boses nito kapag nagsasalita. Ang sakit pala isipin na dati ay masaya kayong nag-uusap, tapos ngayon parang hindi niyo na kilala ang isa't-isa. Ang sakit pala na makita na ang dating ngiti at kislap ng mata nito ay sa iba na nito ibinibigay. Ilang sandali pa na pananatili niya ay nakita niyang lumabas na si Jonas sa mansion. Hinatid pa ito ni Abi sa mismong gate. At kitang-kita niya kung paano nagyakapan ang dalawa. Parang sasabog sa sakit ang puso niya na
SEBASTIAN "Hmmnn, yummy, ang sarap ng luto mo daddy," papuri ni Sofie na niluto niyang adobong manok. Nilagyan niya kasi ito ng kaunting asukal kaya manamis-namis ang lasa. Napapangiti na pinagmasdan ni Seb ang anak na maganang kumain. Nauna na kasing kumain ang mga ito ng dinner dahil naamoy raw ng mga anak niya ang mabangong amoy ng ulam. Kaya naman nagsipag-unahan ito papunta sa kusina at sinabing nagugutom na. "Sarap ng ulam," biglang sambit ni Shane na sunod-sunod na sumubo ng kanin at ulam. "Yeah, gusto ko ang ganitong lasa na adobo," wika naman ni Gavin at nagpadagdag pa ng kanin sa plato nito. Halos tumalon naman sa tuwa ang puso ni Seb dahil sa narinig sa mga anak niya. Sana ay magtuloy-tuloy na ito at tuluyan na siyang mapalapit sa mga anak niya. Mag-alas syete na ng gabi pero wala pa si Abi. Narinig niyang tumawag ito kanina sa tita nito at sinabi na nakipag meeting ito sa mga empleyado. Uuwe raw ito pagkatapos. Pagkatapos kumain ay pinagpahinga niya muna an
SEBASTIAN Tulad ng pangako si Seb sa mga anak ay ipinasyal niya ang mga ito. Pumunta sila sa malaking mall. Pinagsawa niya sa paluruan ang mga anak niya. Halos walang kapaguran ang mga ito sa paglalaro. "Daddy, gusto ko yan," turo ng anak niyang si Shane na train and race car na pambata. "Yeah, sure son," masigla niyang sagot sa anak. Tuwang-tuwa na si Seb at unti-unti nang nagiging malapit sa kanya ang dalawang anak na lalaki. Pagkatapos magbayad ay agad na pinasakay ang mga anak niya sa race car. Tig-iisang race car ang tatlo niyang mga anak. Kita niya ang sobrang saya sa mukha ng mga ito habang nagre-race car at siya naman ay taga cheer ng tatlo. Kinukuhanan niya rin ng videos ang mga anak niya. Sunod naman niyang dinala ang mga anak sa ice skating, this time ay kasama na siya at nakikipaglaro sa tatlong bata. Si Shane at Gavin ay binigyan ng plastic penguin for support, at para hindi matumba ang mga ito. Samantalang si Sofie naman ay hawak-hawak niya at siya ang nagtuturo.
Kinabukasan ay maagang nagising si Abi na mag-isa na lamang sa kama. Wala na sa tabi niya ang tatlong bata. Walang pasok ngayon kaya malamang nasa baba ang mga ito at naglalaro. Bumangon siya at hinawi ang makapal na kurtina sa glass wall window. Doon niya nakita ang mga anak na naliligo sa pool at kasama si Seb. Tinuturuan nitong lumangoy ang mga anak. Biinuksan niya ang sliding glass door para pumasok ang sa loob ang sinag ng araw. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya titig na titig sa mag-aama. Natuon ang tingin niya kay Seb nang umahon ito sa pool. Nakasuot lang ng trunks ang lalaki at kita niya ang magandang katawan nito. Ipinilig ni Abi ang ulo at umalis sa bintana. Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa utak niya na hindi naman dapat. Bumaba siya sa kusina at kanina pa kumukulo ang tiyan niya. Nakatulog pala siya kagabi na hindi man lang kumakain ng dinner. "Good morning, ma'am. Gusto nyo po ng kape mam?" nakangiting tanong ni Sara, ang kasambahay nila. "Sige, ate Sara
SEBASTIAN Lumipas ang pa ang mga araw na nanatili si Seb sa mindoro. Tulad ng sabi niya sa sarili ay pursigido siyang kunin muli ang pamilya niya. Gabi na at nasa veranda siya ngayon sa hotel na tinutuluyan niya pansamantala. Madilim na ang buong gabi at hindi siya pa rin siya dinadalaw ng antok. Kaya naisipan niyang uminom ng wine pampatulog niya lang. Sa gitna ng madilim na gabi na tanging mga ilaw sa mga building lang ang nakikita niya. Malungkot at madilim man ngayon ang gabi niya ay naniniwala siyang isang araw magliliwanag rin ito kahit sa gitna ng kadiliman. Tumawag kanina ang mommy niya at kinakamusta siya at ang pamilya niya. Sabik na rin ang mga magulang niya na makita ang mga apo nito. Naniniwala raw ang mommy niya darating ang araw na mapapatawad din siya ni Abi. Kinaumagahan pagkatapos ni Seb na maihatid ang mga anak sa skwelahan ay bumalik na muna siya sa condo at nagluto ng pananghalian. Plano niya na hatiran ng pagkain si Abi sa hotel kaya nagluto siya ng pabori
SEBASTIAN Napatiim bagang si Seb nang pagpasok niya sa loob ng mansion ay nasilayan niya na naman ang pagmumukha ni Jonas. Wala sa sarili na naikuyom niya ang kamao sa galit. Wala bang ginagawa ang lalaking to at halos palagi na lang gustong makita ng lalaking ito ang asawa niya? Kanina nasa opisina ngayon naman dito sa mansion. Nagngingitngit sa galit at selos ang kalooban niya, dahil sa atensyon na ibinibigay ni Abi rito. Kanina pa siya nakatayo sa bungad ng pintuan pero parang hindi siya napansin ng dalawa. Busy ang mga ito sa pagkukwentuhan at nagtatawanan pa. "Daddy!" sigaw ni Sofie na kalalabas lang mula sa playroom nito. Dahil sa sigaw ng anak niya ay napalingon pa ng sabay sa gawi niya ang dalawa. Mabilis na lumapit sa kanya si Sofie kaya binuhat niya ang anak. Sunod naman na lumabas ay sina Shane at Gavin na sinalubong din siya. Inakay siya ng mga anak papuntang playroom pero napansin 'ata ng mga ito na hindi maalis ang tingin niya kay Abi. "Dito na lang tayo ma
ABIGAIL Pagkatapos bihisan ni Abi ang mga anak ay pinauna na niya ang mga ito sa baba para makapag-almusal na. Susunod na lamang siya sa mga ito at hindi pa siya nakakabihis. Family day ngayon sa school ng mga anak niya. Mamayang 8am pa naman magsisimula ang activity sa school pero maaga silang nagising at sobrang excited na ng mga anak niya. Lalo pa at kasama nila si Seb na pupunta sa event. Nasabihan na rin naman niya si Seb kahapon about sa family day ng mga bata. At kita niya rin sa mga mata ng lalaki ang kasiyahan. Simpleng maong jeans lang ang suot niya at rubber shoes. Suot ang t shirt na ipina costumize niya pa talaga para sa kanilang lima. Hati ang kulay nito, pink at blue. May pangalan sa likod na mommy, daddy at pangalan ng tatlong bata. Pagkatapos niya magbihis ay kinuha niya ang t shirt na naka hanger. Ito ang t shirt na para kay Seb. Nakalimutan niya lang ibigay kahapon sa lalaki kaya pinaplantsa na lang niya. Pagbaba ni Abi sa hagdan ay dumeretso siya sa kusina. D
Maingat siyang inilapag ni Seb sa dulo ng kama. Yumuko ito sa harapan niya at agad na sinibasib ng halik ang labi niya. Hindi na rin siya nagpakipot pa at kaagad na nag-init ang katawan niya nang magsimulang maglumikot ang kamay ni Seb sa malulusog niyang dibdib. Kahit na may suot pa siyang nighties ay damang-dama niya ang init na nagmumula sa palad nito. Hinuli nito ang dila niya at sinupsop iyon, kaya hindi niya napigilan ang mapaungol. "Uhmmn..." Bumaba ang halik ni Seb sa leeg niya at pinatakan siya roon ng magagaang halik. Habang ang malikot nito kamay ay nasa hita na niya naglalakbay. Lalo tuloy siyang nakiliti. Pakiramdam niya basang-basa na siya down there. Idagdag pa na buntis kaya mataas ang libido niya sa katawan. Natatawa na lang tuloy siya sa sarili niyang karupukan. Kanina lang kasi sobrang inis niya kay Seb, tapos heto ngayon namamasa na siya. "Naku Abi, maghinay-hinay ka at buntis ka pa naman," paaalala ng isip niya. "Ahhh....ohhh..." ungol ng himasin ni Seb ang
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam