BUMUKAS ang elevator, muli siyang nagpakawala ng hangin bago humakbang palabas at tinahak ang daan patungo sa kuwarto ni Megara. Subalit mabilis siyang natigilan nang matanaw ang isang babaeng nakatayo sa labas ng silid ng asawa.
"Fuck!" mahina niyang mura bago nilapitan ito.
Umangat ang kamay ng babae at aktong bubuksan ang pintuan, pero mabilis niya itong nahablot sa braso.
Napasinghap sa gulat si Narissa. Nanlalaki pa ang mga matang bumaling ito sa kaniya. Walang salitang kinaladkad niya ito patungo sa fire's exit.
"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito!" bulyaw niya sa babae na ikinatigil nito.
Nanlalaki ang mga matang sinalubong ng babae ang galit niyang mukha. Bakas ang gulat sa pagmumukha nito at bahagya pang nakaawang ang bibig.
"Ano? Guguluhin mo kami? Naaksidente na ang asawa ko! Puwede bang patahimikin mo kami kahit ngayon lang!"
Malalim ang paghingang umiling ito sa kaniya. "Hindi ako nandito para manggulo—"
"P
NAPANSIN niyang sandaling natigilan si Megara sa sinabi niya, pero kapagkuwa'y tumango na lang din ito. Itinuro nito ang mga pagkain at bahagyang ibinuka ang bibig. Napangiti siya bago ito muling sinubuan.Ilang linggo na rin niyang pinapaasikaso ang paghahanap ng bagong bahay para sa kanila ni Meg. Pakiramdam niya ay mas magiging ligtas ang asawa sa ibang lugar.Ang dating bahay nila ay kabisado na ng lalaking si Rinhu Tianok, maging si Narissa ay alam na rin nito. At sa nangyari kanina, duda siyang titigilan siya ng babae.Malakas ang loob nitong magpakita kay Meg dahil buntis ito. Oras na malaman ng asawa niya ang kalagayan ni Narissa, paniguradong hindi na siya mapapatawad pa ng asawa."Say 'ah'," bahagya pa niyang ibinuka ang bibig matapos sabihin iyon.Sinunod naman siya ni Meg, binuka nito ang mga labi at hinintay ang pagkain na isusubo niya. Hindi niya iniwan ang asawa, ni hindi niya ito hinayaan na kumilos, hangga't hindi nauubos ang pagka
ALAS-NUEBE na nang tumigil sa isang malaki at mataas na gate ang kotseng kinalululanan nila. Katulad sa dati nilang bahay, awtomatik na bumukas ang malaking tarangkahan nang may remote na pindutin si Russel.Pumasok ang sasakyan sa loob ng isang malawak na front yard. Binagtas nito ang may kataasan at kahabaan ng driveway hanggang sa marating nila ang tuktok kung nasaan ang bahay. Malaki iyon, kulay puti at matatawag na niyang mansiyon.Napangiti siya nang tuluyang huminto ang kotse. Mula sa loob ng sasakyan, tinanaw niya ang malaking double doors ng mansiyon.Nang pagbuksan naman siya ng lalaki, namangha pa siya nang matitigan mula sa tuktok ng driveway ang front yard na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Karamihan pa sa mga ito ay peonies na may iba-ibang kulay.Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ni Russel mula sa likuran niya, kasabay nito ang pag-ihip nang malakas na hangin na tumatama sa kaniyang mukha."Did you like the house?" bulong
MAY kalakasang hinampas ni Megara ang lalaki sa braso nito. Umayos siya ng pagkakaupo at humarap sa malaking telebisiyon saka ito binuksan."Simula bukas, papasok na uli ako sa opisina. At si Manang, stay in na siya sa atin para may makasama ka at mag-aasikaso sa iyo."Umismid siya nang muling makita ang paglabas ng mukha ni Rinhu sa screen ng TV. Mabilis niyang iniba ang channel at naghanap ng ibang mapapanood."Baka naman pati sa banyo, naglagay ka ng camera?" Hindi niya narinig na sumagot si Russel kaya takang nilingon niya ito. "Nilagyan mo?""Siyempre, Meg—""Ano ba naman iyan!" Naiinis siyang umalis mula sa pagkakaupo at nilapitan ang pinto ng banyo saka itinuro. "Ilabas mo ang mga camera! Ngayon na!""Pero, Meg—""Russel, kung gusto mong magkaayos tayo, ayusin mo iyang pinaggagawa mo! Naiinis na naman ako!"May ilang segundo itong nakatitig sa kaniya. Para bang nag-iisip pa ito kung anong puwedeng idahilan o
WALANG gana niyang ipinatong sa ibabaw ng mesa ang cell phone. Nang dahil sa nangyari kay Meg, nakalimutan niya ang schedule ng DNA test ni Narissa.Agad niyang pinadalhan ng mensahe ang kaibigan na nagsasabing sa susunod na araw na lamang niya dadalhin doon ang babae. Bago pa man makapasok ulit si Aliyah, nakatanggap siya ng text mula sa kaibigan na maghihintay ito bukas."How's Meg?" tanong ni Aliyah matapos nitong ilapag ang ilan pang mga folders sa mesa niya.Tumango siya rito nang may maliit na ngiti sa mga labi. "Galos lang ang nakuha niya mula sa aksidente."Narinig niya itong nagpakawala ng buntong-hininga. Mula sa mga papeles, nag-angat siya ng tingin dito at nakita itong umiiling."Hindi ko naisip na mangyayari ito sa kaniya. After all she's been through. Imagine, niloko mo na, naaksidente pa!" Umiling-iling ito habang inaayos ang ilang papel sa loob ng folder.Napalunok siya nang wala sa oras. Tama naman si Aliyah. Siya ang nagbib
TAHIMIK silang nasa hapagkainan habang kumakain. Ang katulong nila ay abala sa loob ng kusina habang gumagawa ng panghimagas, si Meagara naman ay nakatuon ang buong atensiyon sa kinakain nito."Sabing ako na nga, 'di ba?" natatawa niyang wika habang mataman na pinanonood ang ginagawa nito.kanina nang magpresinta siyang balatan ang shrimp, maging ang alimango na sinusubukan nitong buksan, tumanggi ang babae. Hindi niya alam pero ramdam niya ang biglang panlalamig nito.Agad siyang nakaramdam ng pangamba nang maisip na baka nagkakaganoon ito dahil sa babaeng si Narissa. Ramdam niya ang pag-iwas nito, pansin din niya ang pagiging mailap ng mga mata nito.Ngayon naman ay halos malukot na ang mukha nito sa inis dahil nahihirapan itong balatan ang hipon at alimango na kinakain. Dumukwang siya at kinuha ang alimango sa kamay nito at ang isang plato na mayroon maraming hipon."Bakit ba parang may problema ka? Pansin kong hindi ka mapakali." Naglakas-loob
NAKASIMANGOT ang dalagang si Narissa habang lulan ito ng sasakyan niya at kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa ospital.Nag-aamok na naman ito dahil hindi siya pumayag na dahil ito sa mall at ipag-shopping katulad ng gusto nito. Kung hindi dahil sa bata, hindi siya mag-aaksaya ng panahon sa babae.Dapat, ngayon ay kasama niya si Meg at bumabawi sa asawa. Pero sa halip, narito siya at nakikipagmatigasan kay Narissa. Hindi niya alam kung bakit siya naakit sa babaeng ganito. Kung hindi siguro dahil sa sakit niya, baka nagawa pa niyang umiwas kay Narissa.Pagdating sa ospital, agad siyang nagtungo sa opisina ng kaibigan at sandaling ipinakilala ang dalawa sa isa't isa. Dinala naman sila nito sa isa pang lalaking doctor na ang pangalan ay Hinario. Medyo nakakalbo na ang buhok nito at sa palagay niya ay nasa limampu na ang edad."Ako na ang bahala sa kaniya." Tumango ito sa kanila bago pumasok sa isang silid na may salaming pinto.Nanatili sila ng k
KARARATING lang ni Russel sa opisina nila nang makatanggap siya ng tawag mula sa imbistigador na si Kane.Agad niyang sinagot ang tawag nito, subalit mabilis na natigilan nang mapansin ang tinig ng lalaki. Humahangos ito na para bang may nangyayaring kung ano sa kabila."What's the matter, Kane?"Sandali pang nanahimik ang lalaki bago tuluyang nagbuga ng hangin. "Kagagaling ko lang sa pagtakbo. May hinahabol kami kanina."Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Sa puntong iyon, pumasok si Aliyah sa loob ng opisina niya dala ang isang tasa ng kape.Matapos sinenyas ang espasiyo sa ibabaw ng desk niya, inikot niya ang inuupuang swivel chair at humarap sa salaming pader."Is it Rinhu?" Umayos siya ng pagkakaupo. Nanabik siyang malaman ang kahit na ano tungkol sa lalaki.Muli niyang narinig ang pagbuga ng hangin ng lalaki. "No. Isang lalaki na... dating caretaker ng isang mansiyon."Lalong kumunot ang nakakunot na niyang noo. "Mansion
MATULING hininto ni Russel ang sasakyan sa tabi, saka nilingon ang asawang nakatuon ngayon ang paningin sa building. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito upang makita kung may kakaiba sa mga iyon.Mula sa gusali, nabaling sa kaniya ang paningin ni Megara nang mapansin na nakatitig siya rito. "Oh, bakit ganiyan ang titig mo?"Hinaplos pa siya nito sa isang pisngi na waring sinisipat ang mukha niya. Mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.Ano ba itong ginagawa ni Megara? Bakit nandoon sila sa building kung saan ang unit ni Narissa? Alam na ba ng asawa niya ang nangyayari? Kilala na ba nito ang babae niya at nagpapanggap lang sa harap niya?Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip niya. Lahat ng iyon, nais niyang mabigyan ng kasagutan, subalit wala naman siyang lakas ng loob para magtanong."Russel, namumutla ka. Aren't you feeling well?" Tuluyan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi.Sa pagkakataong iyon
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang