KARARATING lang ni Russel sa opisina nila nang makatanggap siya ng tawag mula sa imbistigador na si Kane.
Agad niyang sinagot ang tawag nito, subalit mabilis na natigilan nang mapansin ang tinig ng lalaki. Humahangos ito na para bang may nangyayaring kung ano sa kabila.
"What's the matter, Kane?"
Sandali pang nanahimik ang lalaki bago tuluyang nagbuga ng hangin. "Kagagaling ko lang sa pagtakbo. May hinahabol kami kanina."
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Sa puntong iyon, pumasok si Aliyah sa loob ng opisina niya dala ang isang tasa ng kape.
Matapos sinenyas ang espasiyo sa ibabaw ng desk niya, inikot niya ang inuupuang swivel chair at humarap sa salaming pader.
"Is it Rinhu?" Umayos siya ng pagkakaupo. Nanabik siyang malaman ang kahit na ano tungkol sa lalaki.
Muli niyang narinig ang pagbuga ng hangin ng lalaki. "No. Isang lalaki na... dating caretaker ng isang mansiyon."
Lalong kumunot ang nakakunot na niyang noo. "Mansion
MATULING hininto ni Russel ang sasakyan sa tabi, saka nilingon ang asawang nakatuon ngayon ang paningin sa building. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito upang makita kung may kakaiba sa mga iyon.Mula sa gusali, nabaling sa kaniya ang paningin ni Megara nang mapansin na nakatitig siya rito. "Oh, bakit ganiyan ang titig mo?"Hinaplos pa siya nito sa isang pisngi na waring sinisipat ang mukha niya. Mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.Ano ba itong ginagawa ni Megara? Bakit nandoon sila sa building kung saan ang unit ni Narissa? Alam na ba ng asawa niya ang nangyayari? Kilala na ba nito ang babae niya at nagpapanggap lang sa harap niya?Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip niya. Lahat ng iyon, nais niyang mabigyan ng kasagutan, subalit wala naman siyang lakas ng loob para magtanong."Russel, namumutla ka. Aren't you feeling well?" Tuluyan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi.Sa pagkakataong iyon
HUMINTO sa harap ng isang korean restaurant ang kotseng minamaneho ni Russel. Sumilip muna siya sa labas bago tuluyang umibis ng sasakyan at saka luminga sa paligid.Sinisigurado niya na walang nakasunod sa kanila. Simula nang pumasok sa buhay nila si Rinhu Tianok, naging paranoid na siya. Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Russel sa baywang niya. Nilingon niya ito at bahagyang nginitian."Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong nito habang naglalakad sila papasok sa loob.Hindi na siya sumagot pa nang makapasok sila at makitang kaunti lang ang tao sa loob. Katamtaman lang ang laki ng Unni restaurant na iyon, subalit may malaking distansiya ang mga mesa sa loob.Ganoong klaseng kainan ang gusto niya. Para kahit maraming tao, hindi crowded ang paligid at hindi rin mainit.Tumungo sila sa dulong kaliwa at naupo sa mesang malapit sa countertop."Gusto mo bang mag-be
PUNO ng hilakbot niyang pinaglandas ang sariling paningin sa buong paligid. Halos manginig ang mga kamay at paa niya dahil sa takot. Malalim ang paghingang humarap siya at nagmamadaling bumalik sa bungad ng mansiyon.Tumigil siya sa tabi ng pinto at pilit kinalkad ang dala niyang sling bag para hanapin ang cell phone. Nang makita ito, sandali pa siyang natigilan nang maisip ang dating karelasiyon.Napalunok siya. Ipapakita niya ba ito kay Russel? Paano kung ipagpilitan na naman nitong alamin ang pangalan ng ex niya.Nakagat niya ang ibabang labi bago bumaling sa malayo. Pero kung hindi niya ito sasabihin kay Russel, hindi niya makukuha ang gustong kunin sa lalaki. Sa huli, bumuntong-hininga siya bago hinanap ang numero ng asawa at tinawagan ito.Pumasok siya sa loob ng mansiyon at mabilis na ni-lock ang pinto. Sa bawat paglipas ng segundo, lalong nilalamon ng takot at kaba ang puso niya.Muli niyang kinagat ang ibabang labi at napapadyak pang nagre
MATAPOS mapanood footages kung saan makikita ang isang taong nakasuot ng black hoodie at tagung-tago ang mukha, sa mismong araw ding iyon, mabilis na nag-hire ng isang security guard at dalawa pang katulong si Russel.Nagdesisiyon itong magdagdag ng tao sa mansiyon dahil hindi na ligtas para sa kaniya si Megara sa sariling tahanan nila. Napag-isip-isip niyang kahit saan sila magpunta, hindi sila titigilan ng ex nito.Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansiyon at nakikipag-usap sa guwardiyang nakuha niya. Napa-background check na niya ito kasama ng dalawa pang katulong. Marunong at mapagkakatiwalaan ang mga ito pagdating sa trabaho kaya kampante siyang iwan si Meg sa kanila."Kung may makita kang kahina-hinala, tawagan mo agad ang numerong iyan." Ibinigay niya ang number ng kakilala nilang pulis.Ilang ulit naman itong tumanga habang sinisipat ang card na inabot niya. "Roger, sir.""Aalis kami ng ma'am n'yo. Baka bukas na kami makabalik.""Huw
KAPWA sila nagtatawanan ni Russel habang nakaupo sa isang pink bench at parehong may hawak ng cotton candy, candy apple at smoothie. Wala ring tao sa mga stalls na nagbibenta ng mga snack foods at fruit juice. Kailangan tuloy nilang gawin mismo ang smoothie na iniinom nila."Sa susunod, doon naman tayo." Itinuro ni Russel ang isang ride na parang bangka.Kumagat siya ng candy apple habang tumatango sa lalaki. "Siguro ang laki ng bayad mo rito.""Mas malaki ang pagmamahal ko sa iyo." Nilingon siya nito at kinindatan bago kumagat ng cotton candy.Sinamaan niya ito ng tingin. "Nako, ang landi ng asawa ko."Bigla itong natawa nang malakas bago siya hinalikan sa mga labi. Hindi pa man siya tapos kumain, hinila na siya ni Russel sa kamay at tuluyang sumakay sa ride na itinuro nito kanina.Maya-maya lamang, napuno na ng mga sigaw nila ang paligid ng amusement park. Natatawa pa silang bumaba dahil sa aksidenteng pagkahulog ng drinks niya habang nasa
NAIBABA ni Megara ang hawak na kahon na binalot ng lavender gift wrap, saka nilingon ang lalaking nasa bukana ng pintuan. Lumingon din ito sa kaniya at may ilang segundong natulala bago ngumiti.Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa taong nasa labas ng suite. Hindi niya ito makita pero nasisiguro niyang Narissa ang pangalang narinig niya.Malakas na kumabog ang dibdib niya nang mapansin na tila may kakaibang nangyayari. Nakaupo pa rin siya sa dulo ng kama at pilit sinisilip ang babae mula sa kinauupuan.Mahina namang nagmura si Russel bago nito itinulak nang bahagya ang dalaga. "Umalis ka na rito! If my wife sees you. Narissa, I swear I'm going to kill you!"Nakita niya kung paano natigilan ang babae sa sinabi niya. May ilang segundo siya nitong tinitigan na para bang sinisiguro kung seryoso siya sa mga binitiwang salita."This is not what I order. Mali ka ng silid na pinuntahan."Sadyang nilakasan niya ang boses upang iparinig ito kay Megar
MATAGAL na natigilan si Megara habang nakatingin sa walang laman na pasilyo. Nagbuga siya ng hangin bago nilingon ang lalaking si Russel. Wala itong imik. Blanko ang mukhang nakatingin pabalik sa kaniya.Muli siyang bumuntong-hininga bago muling pumasok sa loob ng silid at isinara ang pintuan sa likuran."Bakit ba kasi ganiyan ang reaksiyon mo? Dahil diyan, naiisip ko na tuloy na nasa labas ang kabit mo!"Umiirap siyang bumalik sa dulo ng kama at saka naupo. Parang tinakasan ng kulay ang lalaki. Daig pa nito ang naubusan ng dugo. Natural lang na mag-isip siya ng kakaiba.Lumapit naman sa kaniya si Russel saka muling lumuhod sa paanan niya. "I'm sorry. Ayaw ko lang naman mag-isip ka nang kakaiba kaya ganito ang reaksiyon ko. Nagsisimula pa lang uli tayo, Meg. Sorry na."Kinuha nito ang dalawang kamay niya at talisan itong dinampian ng halik. Muli na naman siyang nagbuga ng hangin. Siguro nga, napa-paranoid na siya.Imposible naman na pumunta
KINABUKASAN ay malaki ang ngiti sa mga labi nina Megara at Russel. Pagkatapos bumaba para mag-agahan, halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Sweet sila at nagsusubuan pa ng pagkain, magkadikit naman ang kanilang mga balat na para bang ayaw nang maghiwalay pa."Ang sweet n'yo naman tingnan. Kung ako ang tatanungin, para kayong mga bagong kasal, ah!" malapad ang ngiting komento ni Manang.Napangiti lamang si Megara habang si Russel naman ay humigop ng kape. "Hindi kami parang bagong kasal, manang. Malapit pa lang kaming ikasal."Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nakangiting siniko ito. "Ano ba?"Bahagya lang natawa ang lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at paulit-ulit itong hinagkan. "I gotta go. I'm running late.""Hatid kita sa pinto?" Nakangiting tumango si Russel bilang tugon sa tanong niya.Tumayo siya saka pinulupot ang kamay sa baywang nito, ito naman ay inakbayan siya."May gusto ka bang ipabili?" tanong pa ng lalaki haba