MATULING hininto ni Russel ang sasakyan sa tabi, saka nilingon ang asawang nakatuon ngayon ang paningin sa building. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito upang makita kung may kakaiba sa mga iyon.
Mula sa gusali, nabaling sa kaniya ang paningin ni Megara nang mapansin na nakatitig siya rito. "Oh, bakit ganiyan ang titig mo?"
Hinaplos pa siya nito sa isang pisngi na waring sinisipat ang mukha niya. Mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
Ano ba itong ginagawa ni Megara? Bakit nandoon sila sa building kung saan ang unit ni Narissa? Alam na ba ng asawa niya ang nangyayari? Kilala na ba nito ang babae niya at nagpapanggap lang sa harap niya?
Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip niya. Lahat ng iyon, nais niyang mabigyan ng kasagutan, subalit wala naman siyang lakas ng loob para magtanong.
"Russel, namumutla ka. Aren't you feeling well?" Tuluyan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi.
Sa pagkakataong iyon
HUMINTO sa harap ng isang korean restaurant ang kotseng minamaneho ni Russel. Sumilip muna siya sa labas bago tuluyang umibis ng sasakyan at saka luminga sa paligid.Sinisigurado niya na walang nakasunod sa kanila. Simula nang pumasok sa buhay nila si Rinhu Tianok, naging paranoid na siya. Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Russel sa baywang niya. Nilingon niya ito at bahagyang nginitian."Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong nito habang naglalakad sila papasok sa loob.Hindi na siya sumagot pa nang makapasok sila at makitang kaunti lang ang tao sa loob. Katamtaman lang ang laki ng Unni restaurant na iyon, subalit may malaking distansiya ang mga mesa sa loob.Ganoong klaseng kainan ang gusto niya. Para kahit maraming tao, hindi crowded ang paligid at hindi rin mainit.Tumungo sila sa dulong kaliwa at naupo sa mesang malapit sa countertop."Gusto mo bang mag-be
PUNO ng hilakbot niyang pinaglandas ang sariling paningin sa buong paligid. Halos manginig ang mga kamay at paa niya dahil sa takot. Malalim ang paghingang humarap siya at nagmamadaling bumalik sa bungad ng mansiyon.Tumigil siya sa tabi ng pinto at pilit kinalkad ang dala niyang sling bag para hanapin ang cell phone. Nang makita ito, sandali pa siyang natigilan nang maisip ang dating karelasiyon.Napalunok siya. Ipapakita niya ba ito kay Russel? Paano kung ipagpilitan na naman nitong alamin ang pangalan ng ex niya.Nakagat niya ang ibabang labi bago bumaling sa malayo. Pero kung hindi niya ito sasabihin kay Russel, hindi niya makukuha ang gustong kunin sa lalaki. Sa huli, bumuntong-hininga siya bago hinanap ang numero ng asawa at tinawagan ito.Pumasok siya sa loob ng mansiyon at mabilis na ni-lock ang pinto. Sa bawat paglipas ng segundo, lalong nilalamon ng takot at kaba ang puso niya.Muli niyang kinagat ang ibabang labi at napapadyak pang nagre
MATAPOS mapanood footages kung saan makikita ang isang taong nakasuot ng black hoodie at tagung-tago ang mukha, sa mismong araw ding iyon, mabilis na nag-hire ng isang security guard at dalawa pang katulong si Russel.Nagdesisiyon itong magdagdag ng tao sa mansiyon dahil hindi na ligtas para sa kaniya si Megara sa sariling tahanan nila. Napag-isip-isip niyang kahit saan sila magpunta, hindi sila titigilan ng ex nito.Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansiyon at nakikipag-usap sa guwardiyang nakuha niya. Napa-background check na niya ito kasama ng dalawa pang katulong. Marunong at mapagkakatiwalaan ang mga ito pagdating sa trabaho kaya kampante siyang iwan si Meg sa kanila."Kung may makita kang kahina-hinala, tawagan mo agad ang numerong iyan." Ibinigay niya ang number ng kakilala nilang pulis.Ilang ulit naman itong tumanga habang sinisipat ang card na inabot niya. "Roger, sir.""Aalis kami ng ma'am n'yo. Baka bukas na kami makabalik.""Huw
KAPWA sila nagtatawanan ni Russel habang nakaupo sa isang pink bench at parehong may hawak ng cotton candy, candy apple at smoothie. Wala ring tao sa mga stalls na nagbibenta ng mga snack foods at fruit juice. Kailangan tuloy nilang gawin mismo ang smoothie na iniinom nila."Sa susunod, doon naman tayo." Itinuro ni Russel ang isang ride na parang bangka.Kumagat siya ng candy apple habang tumatango sa lalaki. "Siguro ang laki ng bayad mo rito.""Mas malaki ang pagmamahal ko sa iyo." Nilingon siya nito at kinindatan bago kumagat ng cotton candy.Sinamaan niya ito ng tingin. "Nako, ang landi ng asawa ko."Bigla itong natawa nang malakas bago siya hinalikan sa mga labi. Hindi pa man siya tapos kumain, hinila na siya ni Russel sa kamay at tuluyang sumakay sa ride na itinuro nito kanina.Maya-maya lamang, napuno na ng mga sigaw nila ang paligid ng amusement park. Natatawa pa silang bumaba dahil sa aksidenteng pagkahulog ng drinks niya habang nasa
NAIBABA ni Megara ang hawak na kahon na binalot ng lavender gift wrap, saka nilingon ang lalaking nasa bukana ng pintuan. Lumingon din ito sa kaniya at may ilang segundong natulala bago ngumiti.Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa taong nasa labas ng suite. Hindi niya ito makita pero nasisiguro niyang Narissa ang pangalang narinig niya.Malakas na kumabog ang dibdib niya nang mapansin na tila may kakaibang nangyayari. Nakaupo pa rin siya sa dulo ng kama at pilit sinisilip ang babae mula sa kinauupuan.Mahina namang nagmura si Russel bago nito itinulak nang bahagya ang dalaga. "Umalis ka na rito! If my wife sees you. Narissa, I swear I'm going to kill you!"Nakita niya kung paano natigilan ang babae sa sinabi niya. May ilang segundo siya nitong tinitigan na para bang sinisiguro kung seryoso siya sa mga binitiwang salita."This is not what I order. Mali ka ng silid na pinuntahan."Sadyang nilakasan niya ang boses upang iparinig ito kay Megar
MATAGAL na natigilan si Megara habang nakatingin sa walang laman na pasilyo. Nagbuga siya ng hangin bago nilingon ang lalaking si Russel. Wala itong imik. Blanko ang mukhang nakatingin pabalik sa kaniya.Muli siyang bumuntong-hininga bago muling pumasok sa loob ng silid at isinara ang pintuan sa likuran."Bakit ba kasi ganiyan ang reaksiyon mo? Dahil diyan, naiisip ko na tuloy na nasa labas ang kabit mo!"Umiirap siyang bumalik sa dulo ng kama at saka naupo. Parang tinakasan ng kulay ang lalaki. Daig pa nito ang naubusan ng dugo. Natural lang na mag-isip siya ng kakaiba.Lumapit naman sa kaniya si Russel saka muling lumuhod sa paanan niya. "I'm sorry. Ayaw ko lang naman mag-isip ka nang kakaiba kaya ganito ang reaksiyon ko. Nagsisimula pa lang uli tayo, Meg. Sorry na."Kinuha nito ang dalawang kamay niya at talisan itong dinampian ng halik. Muli na naman siyang nagbuga ng hangin. Siguro nga, napa-paranoid na siya.Imposible naman na pumunta
KINABUKASAN ay malaki ang ngiti sa mga labi nina Megara at Russel. Pagkatapos bumaba para mag-agahan, halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Sweet sila at nagsusubuan pa ng pagkain, magkadikit naman ang kanilang mga balat na para bang ayaw nang maghiwalay pa."Ang sweet n'yo naman tingnan. Kung ako ang tatanungin, para kayong mga bagong kasal, ah!" malapad ang ngiting komento ni Manang.Napangiti lamang si Megara habang si Russel naman ay humigop ng kape. "Hindi kami parang bagong kasal, manang. Malapit pa lang kaming ikasal."Nagsalubong ang dalawang kilay niya at nakangiting siniko ito. "Ano ba?"Bahagya lang natawa ang lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at paulit-ulit itong hinagkan. "I gotta go. I'm running late.""Hatid kita sa pinto?" Nakangiting tumango si Russel bilang tugon sa tanong niya.Tumayo siya saka pinulupot ang kamay sa baywang nito, ito naman ay inakbayan siya."May gusto ka bang ipabili?" tanong pa ng lalaki haba
MULING umangat sa ere ang helicopter para umalis. Nang maiwan naman silang dalawa ni Russel, mula sa likuran niya ay tinakpan ng lalaki ang mga mata niya.Narinig niya ang pagpitik ni Russel ng mga daliri. Kasunod roon ang ingay ng nagmamadaling mga yabag at ilang pang kaluskos na hindi niya magawang mapangalanan.Sa tantiya niya ay tumagal iyon nang ilang minuto. Kagat pa ang ibabang labi niya bago siya nagreklamo sa lalaki. "Ano bang mayroon? Sampung minuto na ito, ha?"Narinig niyang natawa si Russel bago siya nito hinagkan nang paulit-ulit sa pisngi. "Just a little more minute."Iyon na nga ang nangyari. Lumipas pa ang mahabang segundo, pagkatapos ay tuluyan nang tinanggal ni Russel ang palad na nakatakip sa mga mata niya.Bigla naman siyang natigilan sa bumungad sa kaniya sa paglingon niya. Hindi kalayuan mula sa kanila ay naroon ang isang luxury italian sofa na nakaharap sa round table na inibabawan ng brown silk table clothe.May mga
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang