MAY kalakasang hinampas ni Megara ang lalaki sa braso nito. Umayos siya ng pagkakaupo at humarap sa malaking telebisiyon saka ito binuksan.
"Simula bukas, papasok na uli ako sa opisina. At si Manang, stay in na siya sa atin para may makasama ka at mag-aasikaso sa iyo."
Umismid siya nang muling makita ang paglabas ng mukha ni Rinhu sa screen ng TV. Mabilis niyang iniba ang channel at naghanap ng ibang mapapanood.
"Baka naman pati sa banyo, naglagay ka ng camera?" Hindi niya narinig na sumagot si Russel kaya takang nilingon niya ito. "Nilagyan mo?"
"Siyempre, Meg—"
"Ano ba naman iyan!" Naiinis siyang umalis mula sa pagkakaupo at nilapitan ang pinto ng banyo saka itinuro. "Ilabas mo ang mga camera! Ngayon na!"
"Pero, Meg—"
"Russel, kung gusto mong magkaayos tayo, ayusin mo iyang pinaggagawa mo! Naiinis na naman ako!"
May ilang segundo itong nakatitig sa kaniya. Para bang nag-iisip pa ito kung anong puwedeng idahilan o
WALANG gana niyang ipinatong sa ibabaw ng mesa ang cell phone. Nang dahil sa nangyari kay Meg, nakalimutan niya ang schedule ng DNA test ni Narissa.Agad niyang pinadalhan ng mensahe ang kaibigan na nagsasabing sa susunod na araw na lamang niya dadalhin doon ang babae. Bago pa man makapasok ulit si Aliyah, nakatanggap siya ng text mula sa kaibigan na maghihintay ito bukas."How's Meg?" tanong ni Aliyah matapos nitong ilapag ang ilan pang mga folders sa mesa niya.Tumango siya rito nang may maliit na ngiti sa mga labi. "Galos lang ang nakuha niya mula sa aksidente."Narinig niya itong nagpakawala ng buntong-hininga. Mula sa mga papeles, nag-angat siya ng tingin dito at nakita itong umiiling."Hindi ko naisip na mangyayari ito sa kaniya. After all she's been through. Imagine, niloko mo na, naaksidente pa!" Umiling-iling ito habang inaayos ang ilang papel sa loob ng folder.Napalunok siya nang wala sa oras. Tama naman si Aliyah. Siya ang nagbib
TAHIMIK silang nasa hapagkainan habang kumakain. Ang katulong nila ay abala sa loob ng kusina habang gumagawa ng panghimagas, si Meagara naman ay nakatuon ang buong atensiyon sa kinakain nito."Sabing ako na nga, 'di ba?" natatawa niyang wika habang mataman na pinanonood ang ginagawa nito.kanina nang magpresinta siyang balatan ang shrimp, maging ang alimango na sinusubukan nitong buksan, tumanggi ang babae. Hindi niya alam pero ramdam niya ang biglang panlalamig nito.Agad siyang nakaramdam ng pangamba nang maisip na baka nagkakaganoon ito dahil sa babaeng si Narissa. Ramdam niya ang pag-iwas nito, pansin din niya ang pagiging mailap ng mga mata nito.Ngayon naman ay halos malukot na ang mukha nito sa inis dahil nahihirapan itong balatan ang hipon at alimango na kinakain. Dumukwang siya at kinuha ang alimango sa kamay nito at ang isang plato na mayroon maraming hipon."Bakit ba parang may problema ka? Pansin kong hindi ka mapakali." Naglakas-loob
NAKASIMANGOT ang dalagang si Narissa habang lulan ito ng sasakyan niya at kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa ospital.Nag-aamok na naman ito dahil hindi siya pumayag na dahil ito sa mall at ipag-shopping katulad ng gusto nito. Kung hindi dahil sa bata, hindi siya mag-aaksaya ng panahon sa babae.Dapat, ngayon ay kasama niya si Meg at bumabawi sa asawa. Pero sa halip, narito siya at nakikipagmatigasan kay Narissa. Hindi niya alam kung bakit siya naakit sa babaeng ganito. Kung hindi siguro dahil sa sakit niya, baka nagawa pa niyang umiwas kay Narissa.Pagdating sa ospital, agad siyang nagtungo sa opisina ng kaibigan at sandaling ipinakilala ang dalawa sa isa't isa. Dinala naman sila nito sa isa pang lalaking doctor na ang pangalan ay Hinario. Medyo nakakalbo na ang buhok nito at sa palagay niya ay nasa limampu na ang edad."Ako na ang bahala sa kaniya." Tumango ito sa kanila bago pumasok sa isang silid na may salaming pinto.Nanatili sila ng k
KARARATING lang ni Russel sa opisina nila nang makatanggap siya ng tawag mula sa imbistigador na si Kane.Agad niyang sinagot ang tawag nito, subalit mabilis na natigilan nang mapansin ang tinig ng lalaki. Humahangos ito na para bang may nangyayaring kung ano sa kabila."What's the matter, Kane?"Sandali pang nanahimik ang lalaki bago tuluyang nagbuga ng hangin. "Kagagaling ko lang sa pagtakbo. May hinahabol kami kanina."Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Sa puntong iyon, pumasok si Aliyah sa loob ng opisina niya dala ang isang tasa ng kape.Matapos sinenyas ang espasiyo sa ibabaw ng desk niya, inikot niya ang inuupuang swivel chair at humarap sa salaming pader."Is it Rinhu?" Umayos siya ng pagkakaupo. Nanabik siyang malaman ang kahit na ano tungkol sa lalaki.Muli niyang narinig ang pagbuga ng hangin ng lalaki. "No. Isang lalaki na... dating caretaker ng isang mansiyon."Lalong kumunot ang nakakunot na niyang noo. "Mansion
MATULING hininto ni Russel ang sasakyan sa tabi, saka nilingon ang asawang nakatuon ngayon ang paningin sa building. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito upang makita kung may kakaiba sa mga iyon.Mula sa gusali, nabaling sa kaniya ang paningin ni Megara nang mapansin na nakatitig siya rito. "Oh, bakit ganiyan ang titig mo?"Hinaplos pa siya nito sa isang pisngi na waring sinisipat ang mukha niya. Mariin siyang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.Ano ba itong ginagawa ni Megara? Bakit nandoon sila sa building kung saan ang unit ni Narissa? Alam na ba ng asawa niya ang nangyayari? Kilala na ba nito ang babae niya at nagpapanggap lang sa harap niya?Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip niya. Lahat ng iyon, nais niyang mabigyan ng kasagutan, subalit wala naman siyang lakas ng loob para magtanong."Russel, namumutla ka. Aren't you feeling well?" Tuluyan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi.Sa pagkakataong iyon
HUMINTO sa harap ng isang korean restaurant ang kotseng minamaneho ni Russel. Sumilip muna siya sa labas bago tuluyang umibis ng sasakyan at saka luminga sa paligid.Sinisigurado niya na walang nakasunod sa kanila. Simula nang pumasok sa buhay nila si Rinhu Tianok, naging paranoid na siya. Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta, may nakasunod sa kaniya.Naramdaman niya ang pagpulupot ng kamay ni Russel sa baywang niya. Nilingon niya ito at bahagyang nginitian."Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong nito habang naglalakad sila papasok sa loob.Hindi na siya sumagot pa nang makapasok sila at makitang kaunti lang ang tao sa loob. Katamtaman lang ang laki ng Unni restaurant na iyon, subalit may malaking distansiya ang mga mesa sa loob.Ganoong klaseng kainan ang gusto niya. Para kahit maraming tao, hindi crowded ang paligid at hindi rin mainit.Tumungo sila sa dulong kaliwa at naupo sa mesang malapit sa countertop."Gusto mo bang mag-be
PUNO ng hilakbot niyang pinaglandas ang sariling paningin sa buong paligid. Halos manginig ang mga kamay at paa niya dahil sa takot. Malalim ang paghingang humarap siya at nagmamadaling bumalik sa bungad ng mansiyon.Tumigil siya sa tabi ng pinto at pilit kinalkad ang dala niyang sling bag para hanapin ang cell phone. Nang makita ito, sandali pa siyang natigilan nang maisip ang dating karelasiyon.Napalunok siya. Ipapakita niya ba ito kay Russel? Paano kung ipagpilitan na naman nitong alamin ang pangalan ng ex niya.Nakagat niya ang ibabang labi bago bumaling sa malayo. Pero kung hindi niya ito sasabihin kay Russel, hindi niya makukuha ang gustong kunin sa lalaki. Sa huli, bumuntong-hininga siya bago hinanap ang numero ng asawa at tinawagan ito.Pumasok siya sa loob ng mansiyon at mabilis na ni-lock ang pinto. Sa bawat paglipas ng segundo, lalong nilalamon ng takot at kaba ang puso niya.Muli niyang kinagat ang ibabang labi at napapadyak pang nagre
MATAPOS mapanood footages kung saan makikita ang isang taong nakasuot ng black hoodie at tagung-tago ang mukha, sa mismong araw ding iyon, mabilis na nag-hire ng isang security guard at dalawa pang katulong si Russel.Nagdesisiyon itong magdagdag ng tao sa mansiyon dahil hindi na ligtas para sa kaniya si Megara sa sariling tahanan nila. Napag-isip-isip niyang kahit saan sila magpunta, hindi sila titigilan ng ex nito.Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansiyon at nakikipag-usap sa guwardiyang nakuha niya. Napa-background check na niya ito kasama ng dalawa pang katulong. Marunong at mapagkakatiwalaan ang mga ito pagdating sa trabaho kaya kampante siyang iwan si Meg sa kanila."Kung may makita kang kahina-hinala, tawagan mo agad ang numerong iyan." Ibinigay niya ang number ng kakilala nilang pulis.Ilang ulit naman itong tumanga habang sinisipat ang card na inabot niya. "Roger, sir.""Aalis kami ng ma'am n'yo. Baka bukas na kami makabalik.""Huw