Share

Kabanata 1

Isang mahalagang pagtitipon ang nagaganap sa mansion ng mga Ricafrente. Ito ang araw kung saan ipapakilala ni Jared, panganay na anak ng mag-asawang Ricafrente, ang kanyang mapapangasawa sa publiko. It is a much-awaited moment for their clan. Bihira ang ganitong pagtitipon sa angkan nila kaya inaabangan ito ng mga kalapit nilang kaibigan. Maging ng ibang kilalang personalidad ay inaabangan din ito. From the enticing invitation cards to the preparation itself, mababatid mong mahalaga ang magaganap at hindi ito maaaring palampasin. It is indeed a demonstration of power, money and style, and on how powerful and influential this family is.

Wearing her royal blue evening dress made in silk and satin, with details embroidered with silver thread, Cindy entered the door elegantly and gracefully. Napapalingon ang mga taong madadaanan niya. Napapatitig sa kagandahang taglay niya. Nahihiya, pero pinilit nitong tugunin ang mga ito ng matatamis niyang mga ngiti. Cindy’s parent on her back, smiled proudly as they considered their daughter as an apple in everyone’s eye.

“Bernard,” tawag ng isang lalaki sa hindi kalayuan sa kanila.

Hinanap ng ama ni Cindy ang pinanggalingan ng tumawag sa kanya at nang matunton niya ito, bumitiw muna ito sa kanyang asawa upang lapitan ito. “Jobert. Thank you for inviting us here. Halatang pinaghandaan mo ‘to, ah.”

“Siyempre naman! Alam niyo naman kung gaano kahalaga sa pamilya namin salubungin ang bagong miyembro ng pamilya namin.”

“Of course. I would like to congratulate your son for that. Nasaan na ba siya?” tanong ng ama ni Cindy.

“Business as usual. Pinapakilala n ani Jared ang fiancé niya sa mga bisita. Si Cindy ba ito?” tinuro ng lalaki si Cindy. Napatango na lamang si Cindy at nginitian ito. “Napakagandang bata talaga. Masuwerte ako kung isa sa mga anak ko ang makakatuluyan mo, hija. Maganda, matalino, mabait. Ano pa hahanapin ng mga anak ko sa ‘yo?”

Natawa ng bahagya ang ama ni Cindy at tinapik ang balikat ng kaibigan nito. “Palabiro ka talaga. We already talked about this. Off limits ang anak ko sa inyo. You know. As courtesy to our friendship.”

“Of course, of course. It sucks to be in this family. Cindy, bakit hindi ka muna magikot dito? Kumuha ka ng makakain o maiinom mo. Iwanan mo muna kaming mga matatanda.”

“Sige po, Tito. Maiwan ko po muna kayo.”

Nagpaalam na si Cindy at nagsimulang libutin ang lugar.

Sa paglilibot niya, binati nito ang mga pamilyar na mukhang nasasalubong niya. Pinasasalamatan niya rin ang mga ito sa tuwing pinupuri siya ng mga ito. Nahihiya, pero unti-unti niya itong nakakasanayan.

Patungo si Cindy sa buffet table ng bigla itong tawagin ng waiter. Inabot nito ang isang wine glass at tinuro ang kinaroroonan nila Jared at ng mapapangasawa niya. Jared raised his glass as a sign of toast. Itinaas din ni Cindy ang kanyang baso at uminom ng kaunti mula rito.

Ibinaling muli ni Cindy ang kanyang atensyon sa mga pagkain. Kumuha ito ng plato at kumuha ng ilang pagkain sa mesa. Ilang saglit lang, nabigla ito ng biglang may kumuha ng basong hawak niya. It was Jaxton. Ininom niya sa isang lagukan ang natirang alak sa baso ni Cindy.

Cindy was too stunned to speak. Jaxton is wearing a neatly tailored suit. He clearly had the appearance which could make him stand out in the crowd. Ganoon lang ang suot ni Jaxton pero iba ang naging epekto kay Cindy nito.

Jaxton snapped his fingers in front of Cindy. Napabalikwas naman si Cindy at hinampas ng mahina sa braso ang binata.

“Guwapong-guwapo ka na naman sa ‘kin. Ako lang ‘to. ‘Yong matalik mong kaibigan.”

“Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka nagmana ng kabaitan sa kuya mo.” Nakabusangot na sabi ni Cindy.

Natawa ng bahagya si Jaxton sa sinabing ‘yon ni Cindy.

Humakbang palapit si Jaxton habang si Cindy naman ay umaatras. Pinandilatan nito ng mata si Jaxton pero hindi nagpatinag ang binata at nginitian ito. Nang malapit ng marting ni Cindy ang mesa, he quickly wrapped his arm around her waist and held her closer to him. “You make that outfit look special. You look as pretty as always.” he whispered.

Nag-init ang mukha ni Cindy ng marinig ‘yon. Kaagad nitong tinulak palayo sa kanya si Jaxton. “Puwede ba? Baka hinahanap ka na nang pamilya mo.”

Jaxton just laughed. Kita niya sa mukha ni Cindy na namumula ito at sinusubukang iwasan siya ng tingin. He actually meant what he said. For him, Cindy will always be beautiful in his eyes. Cindy might be thinking that he’s just teasing her, but that’s the truth.

Jaxton cupped her face and lightly tapped her cheeks. “I’ll see you around, mi amore.”

Mas lalong namula ang mukha ni Cindy sa sinabing ‘yon ni Jaxton. Sinubukan nitong habulin ito ng isa pang hampas pero kaagad itong nakalayo sa kanya. Hindi nito namamalayan na napapangiti ito kapag naaalala ang mga katagang nabanggit ni Jaxton. She shook her head and diverted her attention to the food.

–––––

Comments (1)
goodnovel comment avatar
shaggy bells
kinilig ako dun sa mi amore hahaha babaw ng kaligayahan ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status