Share

The Billionaire’s Successors
The Billionaire’s Successors
Author: ManitaMeenara_

Panimula

“I’ve never loved you, Jaxton!”

Ito ang mga salitang binitawan ni Cindy ng habulin ito ni Jaxton papunta sa sakayan ng jeep. Nagulat ang mga tao sa paligid nila ng marinig nila ang biglang pagsigaw ni Cindy. Maging si Cindy ay nabigla rin sa kanyang nagawa pero hindi na niya ito alintana. She’s so fed up. She’s so tired. May halong pagod at pagkairita ang nararamdaman niya ngayon. But Jaxton is so determined and persistent.

Hinawakan nito ang kamay ni Cindy at hinila ito patungo sa naka-park niyang sasakyan sa hindi kalayuan. Sinubukan ni Cindy na kumawala sa pagkakahawak ni Jaxton pero hindi ito nagtagumpay. Nagsimula na muling magtinginan at magbulungan ang mga tao sa paligid. Jaxton doesn’t seem to care. Ang mahalaga sa kanya ay mailayo si Cindy sa maraming tao upang makausap ito.

Binuksan ni Jaxton ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nagdadalawang isip pa si Cindy na sumakay pero alam nitong hindi siya pakakawalan ni Jaxton kaya sumunod na lang ito. Kasunod no’n ay ang pagpasok ni Jaxton.

Walang ideya si Cindy kung saan siya dadalhin ni Jaxton. Ayaw niya rin itong tanungin dahil wala ito sa mood makipagtalo sa kanya. All she wants is for this to be done, once and for all. Napapagod na rin siyang araw-araw iwasan si Jaxton at gusto na nito matigil ang lahat sa kanila. Kailangan na niyang linawin kay Jaxton ang totoong estado nilang dalawa.

Hininto ni Jaxton ang sasakyan niya sa isang pantalan hindi kalayuan sa bayan nila. Naunang bumaba ang binate at pinagbuksan ng pinto si Cindy. The sun is about to set. They both walk near the edge of the bridge, feeling the breeze of September air. Humahampas sa mukha ni Cindy ang mahaba nitong buhok, kasabay ng paghampas ng maliliit na alon sa malalaking bato ng pantalan.

“Let’s start over, Cindy. Ikaw, ako at ang mga anak natin.” ani Jaxton habang nakatitig lang sa malawak na karagatan.

Napalingon naman sa kanya si Cindy. “Nagpapatawa ka ba? Magpakatotoo na tayo rito, Jax. Una, wala tayong sisimulan ulit dahil wala naman tayong sinimulan. We were friends back then. At ‘yon lang din ang tingin ko sa ‘yo ngayon. You and me having kids by mistake doesn’t mean that we have to be together just for you to prove something. And knowing you, Jax, wala lang sa ‘yo ‘to. You’re just confused.”

“I’m not confuse. Sigurado ako sa sarili ko at sa gusto kong mangyari,” sinubukan ni Jaxton hawakan ang dalawang kamay ni Cindy pero humakbang paatras ang dalaga. “I’m not the same Jaxton you used to know. Hindi na ako ‘yong babaero na kaibigan mo noon. Hindi na ako ‘yong pasaway na lalaki at babalewalain lang ang mga importanteng bagay. I’m a changed man now, Cindy.”

Napangisi naman si Cindy sa sinabing ‘yon ni Jaxton. “You’re a changed man now? Really? Huwag nga ako, Jaxton. We both know that you just need us for the inheritance. ‘Yan naman ang plano mo noon, ‘di ba? You’re shooting blanks, Jaxton! Hindi ka pinalad makabuntis ng babaeng iiwan mo noon para sa mana na makukuha mo. I’m just unlucky as you! Sa dami ng mabubuntis mo, ako pa talaga? Until now, I don’t know how it really happened at wala na akong balak pang alamin pa ‘yon. It was all a mistake.”

“That was before. Kung alam ko lang kung ano ang nangyari at kung nalaman ko lang na nabuntis pala kita, magbabago ang lahat.”

“Magbabago? Baka magaya lang ako sa mga babae na ginawa mong parausan! For sure, itatapon mo lang din ako kapag nakuha mo na ang mga anak ko.”

“Hindi totoo ‘yan, Cindy. Hindi ko magagawa sa ‘yo ‘yon.”

“So, masuwerte pala ako kung ganoon,” natatawang sabi ni Cindy. “I doubt that. You’re Jaxton Ricafrente, a known womanizer. Sino ba naman ako para palarin d’yan?”

“Makinig ka muna sa ‘kin, Cindy. You’re a very special person to me, even before. I really treasure our friendship back then. Hindi ko maaatim na saktan ka. That’s why I never dated you or pursue you. As you said, I’m a different person back then. Alam kong masasaktan kita. I was so desperate. Totoo, ang mamanahin ko lang ang habol ko noon. Pero nagbago ang lahat ng ‘yon paglipas ng panahon. I was so focused on having a child just for the inheritance. Nakalimutan ko na magpakatao. I have lost all my hope. Hindi na ako umasa pa sa mamanahin ko. It took me a long time to realize that I don’t really need that inheritance. I can stand on my own without it. Hindi na mahalaga sa akin ang magkaanak para may mapatunayan sa pamilya ko.” ani Jaxton.

“See? Hindi na pala mahalaga sa ‘yo, eh. Bakit ginagambala mo pa rin kami? Let us live alone in peace. Kaya mo naman na palang hindi magkaanak. Kaya rin namin ang buhay na wala ka, Jaxton. We don’t need you the same way as you don’t need us.”

Akmang maglalakad na palayo si Cindy pero bigla siyang hinila palapit ni Jaxton. “No, you still don’t understand. Things are different now, Cindy. You and the kids have a very special place in my heart. I don’t care about the inheritance. I don’t care about our family legacy. I don’t care about what other people might say. Kayo ang mas mahalaga sa kin ngayon. Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ko na kailangan ang mga bagay na ‘yon. Kaya kong mabuhay ng wala ang mga iyon basta nandiyan kayo sa tabi ko.”

Humakbang palapit si Jaxton at hinila palapit sa kanya ang baywang ni Cindy. His arms were around her. He lifted her chin and, in an instant, he kissed her. Nagulat si Cindy sa ginawang ‘yon ni Jaxton kaya itinulak niya ito palayo sa kanya at sinampal ito ng malakas na siyang ikinagulat din ng binata.

Hahakbang pa sana palapit si Jaxton sa kanya pero sinenyasan ito ni Cindy. “Don’t you dare! Let’s make this clear. Kung gusto mo makasama ang mga bata, I will let you. After all, you have the rights to be with them. Pero hanggang doon lang ‘yon, Jaxton. Huwag ka ng umasa ng kahit ano pa sa ating dalawa dahil una, masaya na kami ng pamilya ko rito. Ayaw ko na bumalik sa magulong pamumuhay namin sa Maynila. Ang mga anak ko na ang naging buhay ko. Ayaw kong madawit ang mga anak ko sa pamilya mo. This will be your final warning.”

“Hindi kita susukuan, Cindy. You know how persistent and determined I am when it comes to what I want.”

Hindi na pinatapos ni Cindy na makapagsalita pa si Jaxton at naglakad na ito palayo sa kanya. Jaxton was left in defeat. He watched the sunset with a melancholic sigh. Hindi ang mga nangyari ngayon ang pipigil sa kanya upang makamit ang bagay na gusto niya. This is just the real beginning for him.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
KAGURA
First chapter palang ang bigat na agad ng scene!
goodnovel comment avatar
shaggy bells
interesting story maganda pagkakasulat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status