Paumanhin kung ngayon lang po nakapag-update. Brokenhearted ako four days ago HAHAHAHAHAHA Focus na lang muna ako sa pag-aaral at pagsusulat kasi bata pa naman ako. I'm 22 pa naman po. Pero sayang kasi 5 years kaming nagmamahalan. Starting today po, babalik na ako sa pag-u-update. Ito na lang ang gagawin kong way para makalimutan siya. Charot.
Pinagbabato ko ng maliit na kutsilyo ang malaking larawan ni Raheel na nakasabit sa dingding. Malapit ko ng makuha ang lahat ng bagay na pagmamay-ari niya. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi siya nagdurusa. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa ng ama namin sa akin. Huminto ako sa ginagawa ko nang narinig ko ang tatlong pagkatok sa labas ng opisina ko. Padabog ko itong binuksan at nakita kong nakatayo sa gilid ng pintuan si Lara. "Ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong ko nang napansing hindi siya makatingin sa akin. Nanatili lang siyang nakayuko at nanginginig ang katawan niya. "Hindi po ako sasama sa inyo. Ayoko po ng ganitong buhay - magulo at walang katahimikan," nanginginig ang boses niya. "Ito ang gusto ni Tita Minerva, Lara. Malapit na nating makuha ang dapat ay atin -" "Hindi ko kailangan ang perang 'yon, Kuya Zeus," she cut me off. "Matagal ko ng nakuha ang gusto ko. Ang kilalanin ni Kuya Raheel bilang kapatid." Umigting ang panga ko nang napansin ang pagbagsa
Nakaupo katabi nina Raheel at Anabelle ang lalaking nakausap ni Tito Jude. Nakangisi ito habang nasa kay Tito Jude ang paningin. Kapansin-pansin ang takot sa mukha at panginginig ng katawan ni Tito Jude. "Sino siya?" agaw pansin kong tanong sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. "H-He's -" "I think everyone is here," panimula ni Raheel at tumayo. Lumingon siya sa direksyon namin bago pinasadahan ng tingin ang ibang taong dumalo. Maraming sinasabi si Raheel, pero kahit isa ay wala akong naiintindihan. Nasa kina Anabelle at sa lalaki ang buong atensiyon ko. Nang lingonin ko si Tito Jude, namumutla at pinagpapawisan siya. "Mr. Jude Montefalco, are you okay?" tanong ni Raheel. Lumingon ang lahat kay Tito Jude at isa-isang nagsipagtinginan sa kani-kanilang mga phone nang sunod-sunod itong tumunog. Hindi ko rin mapigilang tingnan ang phone ko nang mapansing may dumating na notification. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang video naming dalawa ni Tito Jude sa loob ng factory
"Y-You killed my biological f-father?" Halos hindi ko ma makilala ang boses ko. "I didn't kill him, Z-Zeus. Aksidente ang nangyari -" "Shut up, Jude! Plinano mo ang lahat!" sigaw ni Damien. "Pati kambal ko at kapatid mo pinatay mo!" "Tito Jude, ipaliwanag mo sa amin ang sinasabi ng lalaking 'to!" galit na sigaw nI Knight habang dinuduro-duro si Damien. "Matalik kong kaibigan ang ama mo, Knight, at kapatid ko rin si Rodulfo, Zeus. Bakit ko siya papatayin?" depensa ni Tito Jude at sinubokang makalapit sa akin. "Huwag kayong maniwala sa sinasabi ni Damien. Sinisiraan niya lang ako!" "Wala akong kapatid na demonyo," matigas na saad ni Damien. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Bakas sa mga mukha ng nanunuod sa amin ang takot at kaba. "Donny, palabasin mo silang lahat at siguraduhin ninyong nasa mabuting kalagayan ang lahat," utos ni Raheel sa kaniyang sekretarya at tumabi kay Damien. Napakagat-labi ako sa galit nang nagtama ang mga mata namin. "Sumuko ka na lang Jude. Ma
Anabelle's POV Parang biglang nag-slow motion ang paligid nang nakita kong bumagsak sa sahig si Zeus matapos niyang saluhin ang bala, na dapat ay kay Knight 'yon tatama. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanginginig ang katawan ko nang nakitang mabilis na nagsilabasan ang dugo sa dibdib ni Zeus. "Zeus!" sigaw ni Raheel. Gumapang siya papalapit sa kapatid niya. Ganoondin si Knight, kahit nanghihina pinilit niya pa ring makalapit. "Kuya Zeus!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Lara at pilit na sinusubokang makawala sa mahigpit na pagkahawak sa kaniya ng mga tauhan ni Jude Montefalco. Nang napansin kong lumuwag ang pagkahawak ng mga lalaki sa akin, kaagad akong lumayo upang puntahan din sila. Chineck ko ang parte ng dibdib ni Zeus, hindi ko mapigilang maluha nang napansin ang patuloy na paglabas ng dugo. "Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" sigaw ko. Nag-angat ako ng tingin kay Jude, mukhang nagulat din siya sa nangyari. "Jade, l-let's go. Tumakas na tayo habang may oras pa!
"He's safe now," anunsiyo ng doktor pagkalabas nito sa operating room. Para kaming nakunan ng tinik sa dibdib nang narinig ang balita. Ligtas na si Zeus at nakuha na rin ang bala sa dibdib niya. Tumingin ako sa kabilang room nang bumukas ito. Lumabas ang doktor ni Jade, nakayuko habang sinasabunutan ang ulo niya. "How's she?" tanong ko nang mapansing wala sa paligid si Knight. Hindi agad siya nakasagot. Paulit-ulit lang siyang napapabuga ng hangin at hindi rin makatingin ng maayos sa amin. "She's safe..." sabi niya sa mababang boses. Nakahinga ulit ako ng maluwag. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap si Knight. Tinawagan ko ang phone niya, pero walang sumasagot. Ring lang ito nang ring. "Knight, answer the call. Ligtas na si Jade." Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Matapos ang nangyaring kagulohan sa kompanya, nasa mabuting kalagayan na pareho sina Jade at Zeus. Bumaling ako sa doktor. "Sino po ba ang donor ni Jade? Gusto ko siyang makilala." Umawang ang
"Anong ginagawa ninyo rito?" Hindi ko maitago ang iritasyong nararamdaman para kay Nanay. Matapos niya akong ipagtabuyan, kumampi sa kalaban, tapos makikita ko siya ngayong araw sa bagong bahay namin? "Isa ka pa, Anabelle." Ngumisi siya at pinagkrus ang braso niya. "'Yan ba ang natutunan mo sa pagsama sa lalaking 'to?" "He's my fiance. Wala kang karapatang question-in ako ng ganiyan," saad ko. Bumaling ako kay Ate Jane. "Dalhin ninyo si TJ sa kwarto niya. Doon po siya kakain," utos ko bago ibinalik kay Nanay ang atensiyon ko. "Umalis ka na rito, Leah. Hindi ka welcome sa pamamahay ng manugang ko," matigas na sabi ni Tatay. Pumalakpak si Nanay, nakahawak ang isa niyang kamay sa tiyan niya habang tumatawa. "Bakit hindi naman ako welcome? Anak ko naman ang napangasawa ni Raheel at asawa rin kita, Damien." Humakbang papalapit siya papalapit kay Tatay at yumakap, ngunit itinulak lang siya ni Tatay. "Huwag na huwag mo akong hahawakan, Leah! Hanggang ngayon hindi pa rin kita napataw
"Natukoy na namin kung saan nagtatago si Jude Montefalco," balita ni Donny pagkapasok niya sa opisina ni Raheel. May ibinigay siyang brown envelope, na kaagad namang tiningnan ni Raheel ang laman ng 'yon. "Hindi siya lumabas ng bansa. Nasa Pilipinas lang pala siya nagtatago." Sinulyapan ko ang telepono ko nang tumunog ito. Nakita ko sa screen ang hindi naka-rehistrong numero. Napalingon ako kay Raheel nang kunin niya sa akin ang telepono at sinagot ang tawag. "Who are you?" matigas na tanong ni Raheel sa tumatawag. Hindi sumagot ang caller. Makalipas ang isang minutong katahimikan, pinatay ang tawag. Ibabalik ko na sana ang telepono sa ibabaw ng table nang bigla itong nag-vibrate. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang ipinadalang litrato sa akin. Nakayakap si Andrea kay TJ. Pinlay ko ang isang video. Napatakip ako mg bibig nang ipasok ni Andrea ang bata sa kotse. "Si TJ..." nanginginig ang boses kong humarap sa kanila. Bumaba ang
Iyak lang ako nang iyak sa loob ng silid ni Tatay habang niyayakap ni Raheel. Bakit kailangan pa naming mamili? Bakit humantong sa ganito ang kasakiman nila? Nanganganib ang buhay nina TJ at Tatay. Kailangan naming magdesisyon kaagad at sundin ang sinabi nila. Ayokong mamili. Gusto ko pang mabuhay at makasama ang pamilya ko. "Kailangan kong puntahan si Tatay. Kailangan niya ang tulong ko..." namamaos kong sabi. Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hinaplos ni Raheel ang likod ko. Umiiyak na rin siya. Pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon kasi buhay ng pamilya namin ang nakasasalay sa amin. "I'll give up the company," nanginginig ang boses niya. "Wala akong pakialam kung mamamalimos ako pagkatapos kong iligtas si TJ." Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. "Pupuntahan ko si Tatay." Kumalas siya sa yakap ko. "Anabelle..." Umiling-iling siya. "Alam kong mahalaga siya sa 'yo at alam nating hindi niya magugustuhan ang desisyon mo." "Mabubuhay lang si Tatay kapag nawala na ako, Raheel
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng