Goodbye, Zeus! 💀
Anabelle's POV Parang biglang nag-slow motion ang paligid nang nakita kong bumagsak sa sahig si Zeus matapos niyang saluhin ang bala, na dapat ay kay Knight 'yon tatama. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanginginig ang katawan ko nang nakitang mabilis na nagsilabasan ang dugo sa dibdib ni Zeus. "Zeus!" sigaw ni Raheel. Gumapang siya papalapit sa kapatid niya. Ganoondin si Knight, kahit nanghihina pinilit niya pa ring makalapit. "Kuya Zeus!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Lara at pilit na sinusubokang makawala sa mahigpit na pagkahawak sa kaniya ng mga tauhan ni Jude Montefalco. Nang napansin kong lumuwag ang pagkahawak ng mga lalaki sa akin, kaagad akong lumayo upang puntahan din sila. Chineck ko ang parte ng dibdib ni Zeus, hindi ko mapigilang maluha nang napansin ang patuloy na paglabas ng dugo. "Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" sigaw ko. Nag-angat ako ng tingin kay Jude, mukhang nagulat din siya sa nangyari. "Jade, l-let's go. Tumakas na tayo habang may oras pa!
"He's safe now," anunsiyo ng doktor pagkalabas nito sa operating room. Para kaming nakunan ng tinik sa dibdib nang narinig ang balita. Ligtas na si Zeus at nakuha na rin ang bala sa dibdib niya. Tumingin ako sa kabilang room nang bumukas ito. Lumabas ang doktor ni Jade, nakayuko habang sinasabunutan ang ulo niya. "How's she?" tanong ko nang mapansing wala sa paligid si Knight. Hindi agad siya nakasagot. Paulit-ulit lang siyang napapabuga ng hangin at hindi rin makatingin ng maayos sa amin. "She's safe..." sabi niya sa mababang boses. Nakahinga ulit ako ng maluwag. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap si Knight. Tinawagan ko ang phone niya, pero walang sumasagot. Ring lang ito nang ring. "Knight, answer the call. Ligtas na si Jade." Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Matapos ang nangyaring kagulohan sa kompanya, nasa mabuting kalagayan na pareho sina Jade at Zeus. Bumaling ako sa doktor. "Sino po ba ang donor ni Jade? Gusto ko siyang makilala." Umawang ang
"Anong ginagawa ninyo rito?" Hindi ko maitago ang iritasyong nararamdaman para kay Nanay. Matapos niya akong ipagtabuyan, kumampi sa kalaban, tapos makikita ko siya ngayong araw sa bagong bahay namin? "Isa ka pa, Anabelle." Ngumisi siya at pinagkrus ang braso niya. "'Yan ba ang natutunan mo sa pagsama sa lalaking 'to?" "He's my fiance. Wala kang karapatang question-in ako ng ganiyan," saad ko. Bumaling ako kay Ate Jane. "Dalhin ninyo si TJ sa kwarto niya. Doon po siya kakain," utos ko bago ibinalik kay Nanay ang atensiyon ko. "Umalis ka na rito, Leah. Hindi ka welcome sa pamamahay ng manugang ko," matigas na sabi ni Tatay. Pumalakpak si Nanay, nakahawak ang isa niyang kamay sa tiyan niya habang tumatawa. "Bakit hindi naman ako welcome? Anak ko naman ang napangasawa ni Raheel at asawa rin kita, Damien." Humakbang papalapit siya papalapit kay Tatay at yumakap, ngunit itinulak lang siya ni Tatay. "Huwag na huwag mo akong hahawakan, Leah! Hanggang ngayon hindi pa rin kita napataw
"Natukoy na namin kung saan nagtatago si Jude Montefalco," balita ni Donny pagkapasok niya sa opisina ni Raheel. May ibinigay siyang brown envelope, na kaagad namang tiningnan ni Raheel ang laman ng 'yon. "Hindi siya lumabas ng bansa. Nasa Pilipinas lang pala siya nagtatago." Sinulyapan ko ang telepono ko nang tumunog ito. Nakita ko sa screen ang hindi naka-rehistrong numero. Napalingon ako kay Raheel nang kunin niya sa akin ang telepono at sinagot ang tawag. "Who are you?" matigas na tanong ni Raheel sa tumatawag. Hindi sumagot ang caller. Makalipas ang isang minutong katahimikan, pinatay ang tawag. Ibabalik ko na sana ang telepono sa ibabaw ng table nang bigla itong nag-vibrate. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang ipinadalang litrato sa akin. Nakayakap si Andrea kay TJ. Pinlay ko ang isang video. Napatakip ako mg bibig nang ipasok ni Andrea ang bata sa kotse. "Si TJ..." nanginginig ang boses kong humarap sa kanila. Bumaba ang
Iyak lang ako nang iyak sa loob ng silid ni Tatay habang niyayakap ni Raheel. Bakit kailangan pa naming mamili? Bakit humantong sa ganito ang kasakiman nila? Nanganganib ang buhay nina TJ at Tatay. Kailangan naming magdesisyon kaagad at sundin ang sinabi nila. Ayokong mamili. Gusto ko pang mabuhay at makasama ang pamilya ko. "Kailangan kong puntahan si Tatay. Kailangan niya ang tulong ko..." namamaos kong sabi. Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hinaplos ni Raheel ang likod ko. Umiiyak na rin siya. Pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon kasi buhay ng pamilya namin ang nakasasalay sa amin. "I'll give up the company," nanginginig ang boses niya. "Wala akong pakialam kung mamamalimos ako pagkatapos kong iligtas si TJ." Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. "Pupuntahan ko si Tatay." Kumalas siya sa yakap ko. "Anabelle..." Umiling-iling siya. "Alam kong mahalaga siya sa 'yo at alam nating hindi niya magugustuhan ang desisyon mo." "Mabubuhay lang si Tatay kapag nawala na ako, Raheel
Raheel's POV "Papatayin mo ba ako?!" asik ko kay Logan nang muntik niya na akong mabaril sa ulo. Pinagtulongan naming buhatin si Anabelle papasok sa kotse ko. Isang minuto na lang at sasabog na ang buong building. Binuhay ko kaagad ang makina ng kotse at pinaharurot ito paalis. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalayo na kami bago sumabog ang building. "Check her vitals!" utos ni Dra. Charlotte sa kasama niyang nars pagkarating namin sa bahay niya. "Kayo na po ang bahala kay Anabelle. Kailangan kong iligtas ang anak namin at ang Tatay niya," bilin ko kay Dra. Charlotte at hinalikan ang noo ni Anabelle. "Hintayin mo ako rito. Ililigtas ko silang dalawa," bulong ko bago siya tuloyang iniwan kay Dra. Charlotte. "Let's go, Heel. Nakahanda na ang lahat," saad ni Logan pagkatapos niyang kausapin ang mga pulis. Natunton na namin ang pinagtataguan ni Jude Montefalco at ang totoong lugar na pinagdalhan nila sa Tatay ni Anabelle. Wala sa lumang building si Tito Damien dahil nasa puder ni Ju
Napapikit ako nang iputok ni Jude ang baril. Dahan-dahan akong nagmulat nang napagtantong walang masakit sa katawan ko. Nabitawan din ako ng mga tauhan niya. Pag-angat ko ng tingin, namilog ang mga mata ko nang nakita ko si Zeus na nakikipagsuntukan sa kay Jude. "Traydor!" sambit ni Jude at pilit na iniiwasan ang bawat suntok ni Zeus na tumama sa katawan niya. "Pinatay mo ang ama namin! Papatayin din kita!" galit na sigaw ni Zeus at sinuntok ang mulha ni Jude. Hinawakan ako ng mga tauhan ni Jude. Hindi ako makatakas kasi nakapusas ang kamay ko. Kailangan kong makuha ang susi para matulongan ko rin si Zeus. Natatakot ako na baka malagay na naman sa alanganin ang buhay niya. Sinipa ko ang mukha ng dalawang lalaking nakahawak sa akin at tumakbo ng mabilis upang magtago sa malaking puno. Pinaputokan nila ako kaya gumulong ako sa lupa. Sinilip ko ang mga tauhan ni Jude, hinahanap ang taong may hawak ng susi. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa kaba nang bigla akong paputokan at muntik
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin si Tito Damien nang masilayan ko siyang nakaupo sa tabi ng dagat habang ginagamot ang mga sugat niya sa katawan. Kaagad kong pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko nang tapikin niya ang likod ko. "I'm fine, hijo," bulong niya at niyakap ako pabalik. "How's my daughter?" Kumalas ako sa yakap. "She's alive. Nasa mabuting kalagayan din siya. Nasagip namin siya bago sumabog ang lumang building." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kalagayan ng anak niya. Napasinghap siya at hinawakan ang kamay ko. "Maraming salamat, Raheel. Alam kong nahihirapan ka rin sa sitwasyon. Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko." "Responsibilidad ko na rin po kayo kasi ama kayo ni Anabelle. Mabuti na lang at naabutan namin siya sa lumang building bago ito sumabog kasi ang buong akala niya nandoon po kayo." Nang makarating kami sa bahay, agad kong binuhat si TJ mula sa pagkakayakap ni Logan. Nakahinga lang ako ng maluwag kanina nang nasilayan ko an