" Patingin nga." Agad na tiningnan ni Tiffany ang kamay ni Lexton. "Magdahan-dahan ka kasi, ayan tuloy." "Halika ka nga rito." Hinila siya ng dalaga sa may sofa at pinaupo habang. " May first aid kit ka ba rito?" "Nandiyan malapit sa may flower vase," itinuro ni Lexton ang isang kahon na kulay puti. "Ito ba?" agad na hinalungkat ni Tiffany ang puting kahon at kumuha ng betadine pati na din band aid para pangtakip sa sugat ng binata. "Akin na nga," dahan-dahang pinahid ni Tiffany ang isang cotton na may betadine. Tinitigan ni Lexton ang kabuuan ng mukha ni Tiffany habang ginagamot nito ang kanyang sugat. His heart skip a little bit thinking that Tiffany is taking care of him. "Ito masyado bang mahigpit?" tanong ng dalaga sa binata upang maluwag-luwagan niya ang pagkakayapos ng band aid sa daliri ng binata. "Hindi naman," tugon ni Lexton sa tanong ni Tiffany. "Sigurado ka? Baka kasi masyadong mahigpit," paninigurado ni Tiffany. "Hindi nga, promise okay lang talaga. Hindi siya
" Dimitri is on a critical condition right now and I want everything to be settled when he wake up. Asan ka ngayon?" agad na sabi ng ina ni Dimitri sa kabilang linya."Ho?" parang walang naintindihan si Tiffany sa sinaba ng ginang dahil tanging malakas na kabog ng dibdib lamang ang kanyan naririnig."Nevermind nalang iha just tell me kung nasaan ka ngayon," sambit ng ginang.Agad na sinabi ni Tiffany ang eksaktong lugar na tinitirhan niya pansamantala, " Sa Lovida Building po unit no. 407.""Okay I'm coming. Pagnakapasok na si Dimitri sa operation room pupunta ako diyan kaagad," tila ba nagmamadali ang ginang at agad na pinutol ang linya ng tawag.Habang si Lexton naman ay naipit sa gitna ng traffic."Ah kainis!" hinampas na ni Lexton ang manibela ng minamaneho niyang sasakyan."Hello Tita traffic po kasi---yes po. Opo," sa kalagitnaan ng trapiko ay tinawagan siya ng auntie niya nito patungkol sa kanyang blood donation para sa pinsan niyang si Dimitri.Sa pagkawala ng malay ni Dimitri
“Girl! You have a minute to win it!” sigaw ni Vic na pagiwang-giwang na ito at hindi na makatayo ng maayos sa kinatatayuan niyang upuan sa round table.“ Ilaban ang bataan!” tili naman ni Fritz at tuluyan ng nilagok ng marahas ang isang shot ng isang brandy ng 888.“Tiffany! Congratulations at na-ipanalo mo ang 9 inches na talong,” bungisngis na ngiti ni Lyn na naki-join na din sa pag-iingay ng kanilang mga kaibigan. “Para sa kaibigan namin at sa kanyang Filipino-Russian na talong! Cheers!” hindi mapigilan ni Tiffany na matawa habang pinapanood ang pinag-gagawa nila ng mga kaibigan niya sa gabi ng kanilang bridal shower. Limang taon din ang lumipas ng muli silang nagsama-sama ulit. Matagal man ang panahon na lumipas ay hindi pa rin nagbago ang pagtrato ng kaibigan niya sa kanya.“ What was it that my wife is giggling about?” Hindi namalayan ni Tiffany na nasa gilid na pala niya ang bagong ligo na asawa na walang suot pang-itaas kung hindi ay tuwalya lamang sa pang-ibaba at dahil dit
“Good morning beshiee! If you see this in your for you page this might be for you. I did not manifest for you to see this but you might not know this message is for you. So beshy the long wait is over. I am feeling that you will receive a message from your person. This feels like a Water or Air Sign be------,” nagulat si Tiffany ng biglang may sumulpot sa kanyang gilid na tila may ngiting mapang-asar.“Naku! Tiffany asang-asa ka na naman sa mga tarot reading na ‘yan. Ano ba kasing meron sa Anthony na yan at hindi mo malimot-limot ha?” sermon ng kaibigan ni Tiffany sa kanya na si Faith. Ilang buwan na kasi silang hiwalay ng kanyang fiancé ngunit heto pa rin siya at manifest ng manifest sa taong nakatali na sa iba.“Ano ba Faith, hayaan mo nalang yan si Tiffany. Let her taste her own medicine. High school palang tayo ng pinagsasabihan na natin ‘yan tungkol sa boyfriend niyang pakwan,” dagdag naman ni Lyn na naghahalungkat ng makakain sa may refrigerator ng hotel room na tinutuluyan nil
Lumipas ang ilang segundo ay naramdaman ni Tiffany ang pagbigat ng kanyang mga talukap at agad din niyang naramdaman ang pagdalaw ng antok sa kanya. Hindi niya namalayan sa sarili na nakatulog na pala siya. Sa kanyang pagpikit ay muli niyang napanaginipan ang mga mapapait na alaala dala ng kanyang masalimuot na nakaraan sa kamay ng kanyang ex.“Don’t be such a freak! Pinatulan ka lang ni Anthony para maitawid niya ang college,” parang may kutsilyo na tumarak sa puso ni Tiffany ng marinig ang mga katagang iyon kay Isabelle.“No way. That’s not true,” napailing-iling siya sa nalaman.“Yes way! Tiffany!” singhal ni Isabelle sa kanya.“Hindi totoo yan!” hindi na napigilan pa ni Tiffany ang galit na naramdaman at agad na itinulak si Isabelle na dahilan ng pagkatapilok nito at tuluyang mahulog sa hagdan.Halos abot langit ang kaba na nararamdaman ni Tiffany ng makitang duguan si Isabelle at sapo-sapo nito ang tiyan.“I’m sorry,” napatakip sa kanyang bibig si Tiffany.“What have you done!
“Okay susunod ako sa plano and after that I’ll have my 10 million,” pratical na sagot ni Tiffany. Naiwan silang dalawa ni Dimitri sa loob ng silid matapos magpa-alam ni Lexton na may pupuntahan ito na importante.“So, your name is Dimitri?” basag ni Tiffany sa katahimikan nilang dalawa.“Yes, my full name is Dimitri Xavier Thomas Bazhaev,” sagot ni Dimitri. “Take this and change your clothes baka nilalamig ka na. The gown was too loose for you,” ibinigay ni Dimitri ang supot kung saan dala-dala ni Lexton kanina. Kaagad na nagbihis si Tiffany. Kasulukayan ay pabalik na sila sa hotel na tinutuluyan nila. Nagbilin ang Doctor na pwede ng ilabas si Tiffany sa hospital at kailangan lang niya inomin ang gamot at magpahinga. Pagkadating nila sa parking lot ay agad na binuksan ni Tiffany ang sasakyan at bumaba dito. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ni Dimitri at naglakad. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang nag-abala na tingnan kung nakasunod ba si Dimitri sa kanya
Kinaumagahan ay nagising si Tiffany dahil sa sinag ng araw na dumampi sa kanyang mukha. Iniunat niya ang kanyang katawan. Inilibot ni Tiffany ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid at napansin na hindi ito ang kanyang hotel room na tinutuluyan.Naamoy ni Tiffany ang pabango ni Dimitri na kumapit sa pillowcase ng unan. Ihinilig ni Tiffany ang ulo sa unan at inamoy-amoy iyon.Nang maramdaman ni Tiffany na nagising na ang kanyang buong diwa ay tumayo na siya sa pagkakahiga.Mabilis na kinuha ni Tiffany ang kanyang wallet at cellphone na nakapatong sa mesa na may TV na nakakabit at dahan-dahang naglalakad patungong pintuan.Pinihit niya iyon ngunit ayaw bumukas." I purposely lock the door for security purposes puppy-duck," napaigtad si Tiffany nang may narinig siyang nagsalita sa kanyang likuran." Are you planning to run away from me," hindi man nilingon ni Tiffany si Dimitri ay alam niyang sobrang lapit lang nito sa kanya.Nararamdaman ni Tiffany ang mainit na hininga ng binata na d
Sira na agad ang araw ni Tiffany matapos mabasa ang mga negatibong komento sa kanya ng mga tao sa social media maging sa mga newspapers at magazines." How could they say this to me," pumiyok ang boses ni Tiffany dahil pinipigilan niyang maluha sa harapan ng binata." I'll find a way to fix this puppy-duck." Tumayo si Dimitri sa pagkakaupo at ibinalik sa kanya ang kanyang cellphone. " Go back to your hotel room. I heard from Lexton that your friends are so worried about you."Kinusot-kusot ni Tiffany ang kanyang mga mata habang naglalakad papuntang hotel room niya. Kanina niya gustong umiyak pero ayaw din niyang pagtinginan siya ng mga tao dito na naglilinisa kumbaga mga facilities worker ng hotel." Ma'am?" Agad na nilingon ni Tiffany ang kumalabit sa kanya." Nahulog niyo po."“Salamat”, tipid na sagot ni Tiffany sa isang lalaki na nag-bigay sa kanya ng wallet.Sa dami ng iniisip ni Tiffany ay hindi na niya napansin ang signage na nakalagay na basa ang tiles ng hallway." Ay! Anak ng