Share

Emergency

Lumipas ang ilang segundo ay naramdaman ni Tiffany ang pagbigat ng kanyang mga talukap at agad din niyang naramdaman ang pagdalaw ng antok sa kanya. Hindi niya namalayan sa sarili na nakatulog na pala siya. Sa kanyang pagpikit ay muli niyang napanaginipan ang mga mapapait na alaala dala ng kanyang masalimuot na nakaraan sa kamay ng kanyang ex.

“Don’t be such a freak! Pinatulan ka lang ni Anthony para maitawid niya ang college,”  parang may kutsilyo na tumarak sa puso ni Tiffany ng marinig ang mga katagang iyon kay Isabelle.

“No way. That’s not true,”  napailing-iling siya sa nalaman.

“Yes way! Tiffany!”  singhal ni Isabelle sa kanya.

“Hindi totoo yan!” hindi na napigilan pa ni Tiffany ang galit na naramdaman at agad na itinulak si Isabelle na dahilan ng pagkatapilok nito at tuluyang mahulog sa hagdan.

Halos abot langit ang kaba na nararamdaman ni Tiffany ng makitang duguan si Isabelle at sapo-sapo nito ang tiyan.

“I’m sorry,”  napatakip sa kanyang bibig si Tiffany.

“What have you done! Tiffany!” nanigas si Tiffany sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang sigaw ng boses sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na ýun. It was her fiancé voice shout angrily at her.

“Anthony, I am sorry. I was--- I did not meant to do it” hindi mawari ni Tiffany ang sasabihin sa kanyang fiancé na ngayon ay nanlilisik ang mata sa galit.

“You will pay for this!” pagkasabi niyon ni Anthony kay Tiffany ay agad nitong binuhat si Isabelle at iniwan siya na nakatulala matapos ang komprontasyon sa babae ng kanyang fiancé.

Lyn? Hello?” nanginginig ang boses ni Tiffany nang sagutin nito ang tawag ng kanyang kaibigan.

“Tiffany may nangyari ba? Bakit ganyan ang boses mo? Umiyak ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Lyn na kanyang kaibigan.

“Lyn, nakagawa ako ng kasalanan,”  hindi na napigilan pa ni Tiffany ang sarili at tuluyan na itong napahikbi.

“Tiffany, calm yourself down,”  sagot ni Lyn sa kabilang linya.

Nasa parking lot ako ngayon sa building ng opisina namin ni Anthony,”  agad niyang sambit habang pinapahiran ng kanyang mga palad ang kanyang mga luha.

“Okay, Tiffany. You stay there. Pupuntahan kita diyan. I’ll inform the rest of the gang so that they can come over as well,”  hindi na nakasagot pa si Tiffany kung hindi ay hagulhol lamang nito ang maririnig sa linya ng tawag.

Maya-maya pa ay may dumating Montero na sasakyan. Agad na lumabas dito ang kanyang kaibigan na si Lexton.

“Bonita, what’s wrong?”  agad na hinawakan ng kanyang kaibigan ang kanyang mga kamay.

“Lex, I pushed Isabelle,” pumiyok ang boses ni Tiffany habang sinasabi ang mga katagang iyon.

“Oh my God! How was she?”  tila natahimik ang kanyang kaibigan sa narinig ng ilang segundo.

But Lex promise it was an accident. I was provoked. It was never my intention,” napasabunot sa buhok si Tiffany dahil sa kagagahan na nagawa niya. She knew it was supposedly just a confrontation but it turns out she was devoured with her jealousy.

“Yes, bonita. I believed you. I believed you,” Lexton hushed her and hug her tight. Nagsidatingan na din ang kanyang mga kaibigan.

“Tiffany, nasaan yung Isabelle-anaconda!”

“Tiffany”

“Nasaan yung bruha na yan!”

Sunod-sunod na sabi ng kanyang mga kaibigan matapos makalabas ito sa kanilang mga sasakyan. Naikwento ni Tiffany ang mga nangyari sa kaibigan ng biglang may dumating na mga pulis.

“Yeah! After all my mom is a full-blooded Filipina and my dad is a Spanish-Russian, the brother of Lexton’s Dad and in re----,” napigil ang binata sa pagsasalita ng may narinig itong mahinang hilik sa kanyang tabi. Tinitigan ng mataman ng binata ang maamong natutulog na mukha ni Tiffany at napangisi.

“Such a puppy-duck cutieee face,”  wala sa sariling sabi ng binata at ipinikit ang mga mata.

Kinaumagahan ay nagising ang lalaki ng may naramdaman siyang mainit na dumampi sa kanyang balat.

“Shit!”  napabalikwas ang lalaki ng kanyang hawakan ang noo ni Tiffany at nanginginig na rin ang dalaga dahil sa init dulot ng mataas na lagnat nito. Agad nitong isinuot ang kanyang boxer at shorts at agad-agad na binuhat ang babae pababa sa hotel building at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinaka-malapit na hospital.

Nagising si Tiffany sa isang hindi pamilyar na silid. Amoy medisina ang kanyang silid. Gustohin man niyang gumalaw ay masakit ang bandang ibaba ng kanyang katawan. Inilibot niya ang tingin at nakita niya ang lalaki na nakasiping sa isang gabi na natutulog sa kanyang tabi habang hawak ang kanyang kamay.

“Thank God. Your awake,”  tila na alimpungatan na sabi ng lalaki.

“Where am I?” tanong ni Tiffany na pilit tinatago ang sakit na nararamdaman sa kanyang pagka-babae.

“We’re at the hospital. Why did you not tell me?” Halata sa boses ng lalaki ang pag-aalala nito. “I should’ve been gentle,”  dagdag pa nito.

“It’s okay, ginusto ko din naman kasi. Lahat kasi ng friends ko told me sex is all about pleasure and fun. Nobody told me nakaka-lagnat pala ang first time,” pabirong sabi ni Tiffany ngunit ang totoo ay gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa. Nakakahiya kang babae ka! Sigaw ni Tiffany sa sarili sa kanyang isip.

“Well, for I know I am blessed. I am 9 inches just so you know,”  tila umakyat lahat ng dugo ni Tiffany sa kanyang mukha matapos marinig ang sagot ng lalaki. Oh God! Kinaya ko yun. Wow self ikaw na! Hindi mapigilan na puri ni Tiffany sa sarili.

“By the way, I am—,”  naputol ang sasabihin ng lalaki ng biglang may pumasok sa silid na nakasuot ng stethoscope sa leeg.

Agad na tumayo ang lalaki at humarap sa Doctor.

“The patient will be fine. Here are some medications that your wife needs to take for a week. Base on the results of the tests we’ve conducted she have 3 cm laceration. So, Mister let your wife recover. No sex allowed this time,”  namilog ang mga mata ni Tiffany sa narinig mula sa Doctor ngunit ang mas nakaka-init sa pisngi ay ang pagsabi nitong “Mister” niya ang gwapong lalaki na nasa harap. Hinihintay ni Tiffany na i-tama ng lalaki ang “Mister” na salita dahil wala naman talagang namagitan sa kanila ngunit walang ginawa ang lalaki kundi tumango-tango lamang ito at sumang-ayon sa lahat na sinabi ng Doctor. Pagkatapos sabihin ang lahat na detalye ay agad na umalis ang Doctor.

Tumingin ang binata sa kinahihigaan ni Tiffany at nagsalit, “Don’t worry. Lexton is on his way. He brings some clothes of you. I panic nung nakita kung nanginginig kana sa taas ng lagnat kaya hindi na kita na bihisan”.

Tsaka pa napansin ni Tiffany na nakasuot lang pala siya ng hospital gown. Napakagat labi na lamang siya dahil hindi niya alam ang isasagot sa lalaki.

Maya-maya pa ay bumukas ulit ang pinto ng kanilang silid at doon ay pumasok ang may ka-edaran na babae at biglang tumili.

“Hello! Nice meeting you iha. Napakaganda naman ng soon to be daughter-in-law ko,” nanigas si Tiffany ng bigla nalang siyang yakapin ng mahigpit ng babae.

“Mom, what are you doing here,”  natatawa si Tiffany ng nag-pouty face ang binata at tila hindi nagustuhan ang pagsulpot ng kanyang ina.

“Dimitri? Is that how you greet your mom,” tinaasan nito ng kilay ang lalaki.

“By the way, iha this is so bad timing. I have a lot of paper works to do. Pumunta lang ako saglit dito to see you. How lovely your tan skin is. I wish I have that skin too,”  this woman age so fine. Namamangha si Tiffany sa ganda ng Ginang na kinakaharap niya ngayon.

 

Halata sa mukha nito na may edad na ngunit lumilitaw pa rin ang ganda nito.

“Dimitri, you take care of her,”  bilin ng Ginang sa lalaki na parang may bahid ng babala at umalis na ito sa silid.

“I’m sorry cous’, mapilit kasi si Tita. The time you called me kasi she was at my side. I didn’t expect na susundan ka niya dito sa Pinas. Kaya sinabi ko nalang sa kanya na may kinita ka na babae at siya ang girlfriend mo,”  paumanhin ni Lexton sa kanyang pinsan na ngayon ay nakakunot ang noo.

“This is not part of the plan. I don’t like her. I mean I don’t---,”  sinulyapan ng binata si Tiffany na ngayon ay naguguluhan sa sitwasyon. Hinatak ng binata ang kanyang pinsan palabas ng silid at doon itinuloy ang kanilang pag-uusap nang sa ganoon ay hindi sila marinig ng dalaga.

Sa hindi malamang dahilan ay napahikbi si Tiffany ng isinarado ng binata ang pinto ng malakas. The way how Dimitri say the word “I don’t like her” ay parang may diin ito na tila nandidiri ito sa kanya. Kani-kanina lang ay kilig na kilig siya sa pangyayari ngunit natauhan siya at naisip na wala siya sa lugar na pag-pantasayahan niya si Dimitri dahil halata naman na ayaw nitong makilala siya ng ina. At higit sa lahat siya ay hamak na babaeng bayaran lamang para kay Dimitri.

“Okay ka lang, Tiffany. Laban lang. Tiisin mo lang. Matatapos din lahat ng problema mo,”  niyakap niya ang sarili habang patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Iniisip niya na pagkatapos ng lahat ay matutulongan na niya ang kaniyang mga magulang at mababayaran na din niya ang kanyang utang.

Pinilit ni Tiffany tumayo at tinungo ang banyo at doon niya ibinuhos lahat ng iyak niya sakto lang na walang makarinig. Tila bumalik lahat ng hinanakit sa nakaraan dahil sa katagang binitiwan ni Dimitri kanina lang.

“There she is,”  sabi ni Lexton pagkalabas ni Tiffany sa banyo.

“So, what’s the plan?” practical na tanong ni Tiffany.

“We’ll go with the flow then,” buntong hininga na sabi ni Dimitri. Naiirita si Tiffany sa kinikilos ng binata. Kanina lang ay puno ng pag-alala ang boses nito para sa kanya ngunit bigla nalang nag-iba ang timpla nito sa kanya.

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status