Share

The Billionaire's Proxy Bride
The Billionaire's Proxy Bride
Author: Karen Apilado

Chapter 1

Isang magarbong kasalan ang magaganap sa ilang sandali lamang. Ang mga bisita ay mga kilalang personalidad at mga bigating negosyante na talaga namang pinaghandaan ang event na iyon dahil sa magarbo nilang pananamit. Marami pa ang gustong dumalo ngunit iilang lamang ang mga napagbigyan na matuklasan ang pagiisang dibdib ng dalawa.

"Here comes the bride!" sigaw ng isa sa mga bisita.

Tumigil sa pakikipag-usap sa kapwa negosyante si Don Romualdo, ang lolo ng babaeng ikakasal, upang salubungin ang apo na lulan ng vintage bridal car.

"Come out now Gabriela. Everyone is waiting for you," wika ni Don Romualdo ng buksan niya ang pinto ng sasakyan at tumambad ang apo niyang tila balisa.

"Gabriela, what are you waiting for?" tanong ni Don Romualdo.

"Papá, it's me. Isabella," mahinang sagot ng kanyang apo.

Tila nakakita ng multp si Don Romualdo at agad na pumasok sa loob ng sasakyan at sinarado ang pinto.

"Bakit ikaw ang nandirito? Where the hell is Gabriela? Sinasabi ko na nga bang may binabalak kayong magkapatid. I did not think that you two would go yhis far!" sermon ni Don Romualdo.

"Hindi ko po alam ang gagawin, Papá. Pinilit nya akong isukat daw ang gown na ito para makita niya kung maganda nga ang disenyo. Ngunit pag-labas ko ay hndi ko na po siya nakita. Umalis siya ng walang paalam. Nag-iwan lamang sya ng isang liham na hindi nya kayang makasal sa lalaking iyon," paliwanag ni Isabella at tuluyan na ngang nahulog ang mga butil ng luha na kanina pa niya pinipigilang bumagsak.

"Damn it!" mura ni Don Romualdo.

"Sabihin na lang po natin ang totoo na hindi na matutuloy ang kasal dahil wala si Gabriela," suhestyon ng dalaga.

"No,"

"What do you mean Papá?"

"We cannot let that happen. Everything is already planned. We cannot risk anymore scandal. Matutuloy ang kasal," madiin na sabi ni Don Romualdo.

"Po? Pero paano?"

"You. You will marry that man,"

"P-pero, hindi po ako si Gabriela," sagot ni Isabella. Muli na naman nangingilid ang luha sa mga mata niya.

"You are. Right now, you are Gabriela Herrera. You will pretend as your twin. No one will notice. You look exactly just like your sister. Ako na ang bahala sa mga papeles. Bigyan mo lamang ako ng ilang sandali para maayos ang lahat. Now, fix yourself before you come out," wika ni Don Romualdo at binuksan ang pintuan upang makalabas siya.

The twins, Gabriela and Isabella were identical from head to toe. Their only difference is their personalities.

Gabriela is strong, fierce, and independent— a wild, cheerful, confident, and optimistic woman, and she’s not afraid to stand up for what she believes. While Isabella is a sensitive and selfless woman. She’s an anti-social, introverted, and shy person. Above all, she’s innocent.

Muling humarap si Don Romualdo sa dalaga.

"You will marry Lysander Cuevas," may diin na sabi ni Don Romualdo bago siya tuluyang iwan.

Natulala na lamang si Isabella habang pilit na iniintindi ang sitwasyon. Hinawakan niya ang kwintas na bigay ng kanilang ina na kaisa-isa niyang alaala sa inang yumao. Why is this happening? Isa lang naman ang hiling niya, ang magkaroon ng pag-ibig na katulad ng kanyang mga magulang. And now, she's deceiving the man whose supposed to be her sisters husband. He will loathe her for sure when he finds out. Why can't she have a love like her parents?

20 years ago...

"Mangako ka sa akin Ramil, na aalagaan mo ang mga bata kahit wala na ako. Huwag mong hahayaan na kunin sila ni Papá. Pahihirapan lamang sila ng Papá, pipilitin na kontrolin ang buhay. Ayaw kong magaya sila sa akin Ramil, gusto kong magkaroon sila ng kalayaan, malayang mamuhay ng ayon sa kagustuhan nila, malayang magdesisyon at malayang magmahal ng kung sinoman," puno ng pagsasamo na wika ni Corrine. Tumango naman ang Ramil saka siya niyakap.

Their love for each other is the greatest. Ramil fought real hard para lamang makasama ang babaeng mahal, bagama't tutol ang pamilya ni Corrine sapagkat isa lamang siyang magsasaka at ulila, samantalang si Corrine naman ay heredera ng Hacienda Herrera mula sa probinsya ng Aurora. Ngunit mas nanaig ang pagmamahalan nilang dalawa kaya nagpakalayo-layo sila upang mamuhay ng tahimik at napadpad sila sa Pangasinan. Biniyayaan ng kambal na babaeng anak. Ang una ay si Gabriela, ang isa naman ay si Isabella. Ang dalawang batang ito ang nagbigay ng dagdag na kulay sa mundo nila. Akala nila ay magiging masaya na silang tuluyan ngunit bigla na lamang naging matamlay si Corrine at laging nagkakasakit. Kalaunan ay nalaman nilang may cancer siya. Di rin nagtagal ay pumanaw si Corrine.

Makalipas ang ilang taon ay namuhay ang pamilya nila Ramil kasama ang dalawang anak sa karatig probinsya, sa La Union. Siyam na taon na ang kambal, lumalaki silang kasingganda ng kanilang ina, bagama't nakuha naman nila ang kanilang kutis sa ama na moreno ay hindi pa rin maitatanggi ang angkin nilang ganda na tatak Herrera. Kinagigiliwan ng lahat ang angking ganda ng kambal.

"Itay, hindi na ako makahinga at saka masakit na ang beywang ko!!" reklamo ni Gabriella sa ama.

"Isa pa anak, hingang malalim," utos naman ni Ramil.

"Bakit kasi hindi na lang tayo bumili ng bagong uniporme itay?! Noong grade 2 pa namin sinusuot ito. Grade 4 na kami ngayon!" reklamo muli ni Gabriella.

"Hindi kasi sapat ang sinusweldo ni itay kila Congressman anak. Di bale, makakapag-ipon din ako ng pang uniporme nyo. Sa ngayon, tiis na lang muna anak," paliwanag ni Ramil sa anak. Isa sa mga katiwala sa bukid ni Congressman si Ramil. Madami man ang nagsasabi na malupit na tao si Congressman ay hindi na ito pinapansin ni Ramil, ang nasa isip na lamang niya ay kailangan niya ng trabaho upang mabuhay ang mga anak. Kama-kailan lamang ay may kumakalat na balita na nagpapasok ng droga ang Congressman sa lugar nila. Tikom na lamang ang bibig ni Ramil sa mga haka-haka na ito.

"Si Gabriela na lang ang bilhan mo itay, kasya ko pa naman po siguro ito sa mga susunod na taon," wika naman ni Isabella na tahimik na kinukumpuni ang sariling palda saka nginitian ang ama. Natuwa naman si Ramil sa pagiging maunawain ni Isabella. Lagi itong nagsasakripisyo para sa kapatid.

"Alam mo ba, Isabella, pangarap kong maging mayaman! Lilibutin ko ang mundo, titikman ko lahat ng masasarap na pagkain, at bibilhin ko ang lahat ng magugustuhan kong magagandang damit at sapatos!" wika ni Gabriela habang nakatingala sa mga bituin. Nasa labas sila at nakatingala sa itaas, minamasdan ang mga bituin. Sa mga bituin nila sinusumbong ang lahat ng nararamdaman, pakiramdam nila ay nakikinig ang kanilang ina.

"Ikaw, anong gusto mo?" tanong niya sa kapatid.

"Kung ano din yung gusto mo," sagot naman ni Isabella, nakatingala din siya sa bituin.

"Gaya-gaya ka naman, lahat na lang ng gusto ko, gusto mo din. Dapat may sarili ka din gusto," wika niyang muli saka tumingala.

"Tignan mo, iyon ang Ophiucus, katabi naman noon ang Taurus, tapos sa baba noon ay ang Gemini at saka-" hindi na natapos ni Isabella ang sasabihin dahil inunahan na siya ng kapatid.

"Kaya ka walang pangarap eh, panay ka ganyan, libro, assignment, basa ka ng basa, sabi ni Aling Marina wala daw yumayaman sa mga matatalino. Kailangan maging madiskarte sa buhay," ismid ng kapatid saka iniwan siya at pumasok na sa bahay-kubo nila. Napatawa na lamang si Isabella, napaisip kung ano nga ba ang gusto niya balang araw. Wala nga ba siyang pangarap?

Tumingin siyang muli sa langit, "Inay, gusto ko pong maging Arkitekto, gusto kong magdisenyo ng mga gusali, gusto kong makita na maging totoo ang lahat ng disenyo ko," aniya saka ngumiti. Simpleng buhay man ang gusto niya ay may pangarap pa rin siyang gustong maabot. Tumayo siya saka pinagpag ang likuran ng shorts, nagpaalam na siya sa inang bituin at nagtungo na sa bahay.

Isang hapon ay nagulat na lamang sila ng kuhanin sila ni Aling Marina, ito ang kanilang kapitbahay. Naguguluhan man ay sumama ang dalawa patungo sa hospital. Pagpasok sa emergency room ay naabutan na lamang nila ang ama na nakahiga sa isang higaan doon at tinatakpan na ng puting tela ang katawan.

"Itay!" sigaw nilang dalawa saka tumakbo patungo sa ama. Umiyak sila hanggang sa bawalin na sila ng nursing attendant dahil idadala na nila ang bangkay sa morgue.

"Nasagasaan ang tatay ninyo hija, pero wag kayong mag-alala dahil sasagutin na ng nakasagasa ang bill sa hospital pati na rin ang serbisyo ng punerarya," paliwanag ng pulis sa kanila noong naghihintay sila sa labas ng hospital.

Sumagot naman si Aling Marina, "hindi ba't na-hit and run po si Ramil, mabuti ho at nahuli na ninyo ang may sala," aniya.

"Nakipag-areglo na lamang ho sila," mabilis na sagot ng pulis at nag-iwas ng tingin.

"Sino pong nakipag-areglo sa kanila? Wala na pong ibang pamilya si Ramil dito, mga dayo lamang sila, itong mga bata na lamang po ang naiwan niyang pamilya," nagtatakang tanong ni Aling Marina. Doon na kinutuban ang magkapatid.

"Nanay, kami na ho ang nakipag-areglo. Ganito na lamang po, mahirap po kasi silang kalabanin dahil ang nakasagasa sa kanya ay si Congressman. Kaya't mabuti na nga po dahil nagmagandang loob pa sila na sagutin ang lahat ng gastos, maswerte pa kayo. Tanging hiling lamang nila ay huwag ng ipagkalat ang nangyari dahil magiging eskandalo lalo't malapit na naman ang eleksyon," sabi ng pulis. Hindi na nakatiis ang batang si Gabriela.

"Bakit kami tatahimik?" sigaw ni Gabriela.

Nagulat naman ang pulis sa sinabi ng bata. Tinawag naman niya ang kasama at dinala ang kambal sa police mobile. Wala naman nagawa si Aling Marina dahil takot din siya sa maaaring gawin ng mga pulis.

"Dapat hindi ka nagsasalita na kasama ang mga bata, paano kung ipagsabi nila ito sa iba," paalala ng kasama niya ng makapasok sa police mobile.

"Bata, anong narinig ninyo?" tanong ng kadarating na kasama ng pulis.

"Na na-hit and run ni Congressman ang tatay namin," mabilis na sagot ni Isabella. Tahimik lamang siya pero nakikinig din pala ito.

"Malilintikan tayo dyan pards! Wag mo ng ipahanap ang mga kamag-anak ng dalawang iyan at ibigay na kaagad sa malayong bahay ampunan. At asikasuhin mo na ang death certificate nung Ramil, baka lumabas pa na may tama ng baril sa ulo yon," wika ng isang pulis.

"Hindi na natin kailangan intindihin iyon dahil nakausap na ni mayor ang hepe ng hospital, inaasikaso na nila ang papel," sagot ng pulis.

At doon ay pinilit na nga silang kunin ng pulis at dinala sa Social Welfare Services ng bayan. Kinabukasan din niyon ay dinala naman sila sa bahay-ampunan sa bayan ng Palayan, Nueva Ecija kung saan sila namalagi ng ilang araw.

"Sige na, Gab, Bel, kumain na kayo. Sige kayo, lalamig itong lugaw, hindi na ito masarap, at saka naglagay ako ng extra egg wag nyo na lang ipagkalat," wika ni Sheena, ang social worker na naatasan sa kanila. Madalas tulala at umiiyak ang dalawa, lubusan ang lungkot nila ng lumisan ang ama. Ngayon ay nasa bahay ampunan na sila at wala ng kasiguraduhan ang buhay nila. Muli silang inalok ni Sheena ng pagkain. Nagkatinginan lamang ang magkapatid at saka tumango, natuwa naman si Sheena at binigyan sila ng tig-isang kutsara. Gab at Bel, iyon ang naging tawag sa kanila ni Sheena.

Mahigit isang buwan din ang tinagal ng dalawa sa bahay ampunan, natuto na sila sa mga gawain sa institusyon. Naatasan silang maglinis, kung minsan ay maghugas ng pinagkainan. Mababait ang tao sa bahay ampunan, lalo na ang social worker na si Sheena.

"Gab, Bel, halikayo! Mayroon kayong bisita at tiyak na matutuwa kayo," tawag ni Sheena sa kanila, mukha itong excited. Nagtataka man ay sumama pa rin ang magkapatid.

"Gabriela, Isabella!" wika ng isang lalaking may katandaan. Napako naman sa kinatatayuan ang magkapatid.

"My granddaughters!" wika muli nito. Nagkatinginan lamang ang dalawa, hindi makapaniwala sa sinabi ng matandang lalaki. Hanggang sa maramdaman na lamang nila na may yumakap sa kanila at kinulong sila sa bisig.

"This is me, your Don Romualdo," sabi nito saka hinigpitan ang yakap sa kanila. Hindi pa rin makaimik ang dalawa. Kaya naman lumapit na si Sheena para makialam.

"Excuse me sir Romualdo, hindi pa po kasi komportable ang mga bata. Mabuti po kung ipaliwanag muna natin sa mga bata ang lahat," sambit ni Sheena. Tumango naman ang matandang lalaki saka tumayo at nagtungo na sila sa sala kung saan may mahabang silya at doon na pinaliwanag sa kanila ang lahat. Nagkwento ang matanda mula pa sa pagsasama ng magulang nila hanggang sa matagal na paghahanap sa kanila, may mga litrato pa siyang dala na makakapagpatunay na siya nga ang kanilang lolo, ang ama ng kanilang Inay. Naalala naman nila na minsan ng nagkwento ang kanilang inay tungkol sa kanilang mga lolo at lola. According to their mother, their grandfather is a strict person, a man of few words ngunit may isang salita. However, their grandmother is a very sweet person, kind and loving, ngunit namatay na ito dalaga pa lamang ang kanilang ina.

"So you see, kayo, kasama ang inyong ina ay itinakas lamang ni Ramil. Matagal ko kayong hinanap mga apo, and now that I found you both, iuuwi ko na kayo sa hacienda kung saan naroon ang tunay ninyong tahanan, kung nasaan ang inyong pamilya," wika ng lolo nila. Saka tumayo at lumuhod sa harapan nila.

Hinawakan ng lolo ang kamay nilang dalawa, "I will give you every thing in the world, lahat ng bagay na gustuhin niyo, dahil iyon ang nararapat. Kayo ay isang Herrera my rightful heirs. Sabihin niyo lamang ang nais ninyo, kahit ano, ibibigay ko. Kahit anong hilingin ninyo ay gagawin ko," wika nito. Tila napanatag naman ang dalawang bata.

"Si Itay," wika ni Gabriela. "Si Itay ay pinatay ni Congressman Rivera," sambit niyang muli. Nanlaki na lamang ang mga mata ng mga bantay sa bahay ampunan, dahil ito ang unang beses na pinag-usapan ng magkapatid ang kanilang tatay.

Napakunot naman ang noo ng matanda, "I know, he's dead. I'm sorry mga hija, what do you want me to do?" tanong nito.

Tumingin sa kanya si Isabella, "hustisya po," sambit nito.

Tumango naman ang kanilang lolo saka hinimas ang kanilang pisngi, "as you wish hija," wika nito saka sila muling niyakap. Yumakap na din ang dalawa sa kanilang lolo.

"Consider it done," wikang muli ng kanilang lolo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status