Isang magarbong kasalan ang magaganap sa ilang sandali lamang. Ang mga bisita ay mga kilalang personalidad at mga bigating negosyante na talaga namang pinaghandaan ang event na iyon dahil sa magarbo nilang pananamit. Marami pa ang gustong dumalo ngunit iilang lamang ang mga napagbigyan na matuklasan ang pagiisang dibdib ng dalawa."Here comes the bride!" sigaw ng isa sa mga bisita.Tumigil sa pakikipag-usap sa kapwa negosyante si Don Romualdo, ang lolo ng babaeng ikakasal, upang salubungin ang apo na lulan ng vintage bridal car."Come out now Gabriela. Everyone is waiting for you," wika ni Don Romualdo ng buksan niya ang pinto ng sasakyan at tumambad ang apo niyang tila balisa."Gabriela, what are you waiting for?" tanong ni Don Romualdo."Papá, it's me. Isabella," mahinang sagot ng kanyang apo.Tila nakakita ng multp si Don Romualdo at agad na pumasok sa loob ng sasakyan at sinarado ang pinto."Bakit ikaw ang nandirito? Where the hell is Gabriela? Sinasabi ko na nga bang may binabalak
Pinaayos agad ni Don Romualdo ang legal na pagkuha niya sa kambal mula sa ampunan. Natuwa naman ang dalawa sapagkat makakasama na nila ang kanilang Papá. Maraming pinangako si Don Romualdo sa kanila. Manghang-mangha ang kambal sa mga nakikita sa paligid mula sa nadadaanan nila. Ayon kay Don Romualdo ay papunta sila ngayon sa Hacienda. Ilang sandali pa ay nakita nila ang arko sa harapan na nakalagay ang apelyido ni Don Romualdo, ang Herrera. Pagkalagpas sa arko ay tumambad muli ang malawak na lupain. "Ang lahat ng inyong nakikita ay sa akin, at sa inyo na rin," wika ni Don Romualdo. Lalo silang namangha ng ituro ni Don Romualdo ang malawak na kapatagan at kabundukan. May mga iba't ibang klase din ng hayop ang nadaanan nilang nakasuga sa malawak na lupain. May mga ilang tauhan din silang nadaanan na namimitas ng pinya at papaya. "Here we are, the Herrera Manor. Halikayo mga hija," nakangiting sambit ni Don Romualdo. Bumaba naman sila sa sasakyan. Nanlaki na lamang ang mga mata nila ng
"C'mon twin, chill out, we just had our test a while ago and now you're studying again for what, the next term exams? Are you for real, Bel?" naiinis na wika ni Gab. She's been chilling out in my room since we got home from school. Pinipilit niya ako na sumama sa kanya sa isang party ng aming kaklase na si Kimberly. Tumabi si Gab sa akin sa kama saka nito kinuha ang binabasa kong libro. "I'm alright here, Gab," sabi ko sa kanya. Ngumuso lamang siya saka binato sa mukha ko ang unan. "You're no fun," aniya saka tumayo at nagtungo naman sa harapan ng aking vanity mirror. "As if papayag naman si Percival na ihatid ako doon sa party without you," muli niyang sambit. Napailing na lamang ako, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tumayo ako at may kinuha sa cabinet ko malapit lang din sa kama, saka ako lumapit sa kanya at inilagay ang susi ng aking sasakyan sa kanyang palad. "Go," sabi ko saka muling bumalik sa kama. Bago pa ako makahiga ay dinamba na niya ako, "you're the best Bel! I love y
"Bel, matagal ka pa? Let's go!" sigaw ni Gab. "Okay, okay!" sagot ko habang pinapasok sa loob ng bag ang mga libro, hindi ko kasi agad nai-empake ito dahil nag-advance reading ako kagabi."Let's go Kuya Arnold," sabi ni Gab sa aming driver ng makapasok kami sa sasakyan. Don Romualdo insisted na ihatid sundo na lamang kami para mapanatag siya, marahil ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagtakas namin noong mga bata pa lamang kami na nagdulot ng kapahamakan. "Bakit ba dala mo pa lahat ng libro?" tanong ni Gab habang inaayos ang mp3 player niya."Kasi... uhm gusto kong magbasa," wika ko."We both know na nabasa mo na halos lahat ng libro na yan," ismid niya."Wala kasi akong magawa kaya nagbasa na lang ako," katwiran ko."Then you should've came with us on the beach! I told you to come, right? But you refused, kasi sabi mo madami kang gagawin. Tapos sasabihin mo na wala kang magawa kaya ka nagbasa na lang?" she exclaimed. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko."It's a bless
"Hanep na yan! Natapos na lang tong libro wala man lang bed scene!" sigaw ni Lili saka binagsak sa upuan ang komiks nya.Natigilan naman ako sa pagkain ng mais."Walang kwenta, wala man lang akong naramdaman na libog sa libro na yan!" she exclaimed.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Halos naibuga ko pa ang kinakain kong mais."Gaga ka, heto tubig," aniya ng lumapit sa akin. Nakita nya yatang halos mabulunan ako. Ewan ko ba naman kay Lili, sobrang bulgar ng mga sinasabi. Hindi ko masabayan. Gabriela is liberated, yes, but Lili is on another level. Kahit wala syang boyfriend ay nagmumukhang bihasa na rin sya sa larangan ng pakikipagrelasyon, dahil sa binabasang komiks at pinapanood na anime.“Akin na nga iyan! Kaya ka laging sinisikmura kasi di ka natutunawan. Pag sumakit yang tyan mo mamaya, wag kang hihingi sakin ng gaviscon o kremil s ha!” Singhal niya sa akin. Tumango na lamang ako ng ilang beses. Umismid naman siya ng makita ang paulit-ulit kong pagtango. I just realized that
"You okay, Bel?"Napaigtad ako sa pagtawag sa akin ni Lili, halos mabitawan ko pa ang hawak kong tupperware. Naglalakad na kami ngayon patungo sa resort nila Lili. Kanya-kanya na kami ng bitbit ng mga dala naming pagkain at gamit. Some of the staff helped us too, considering na nakilala agad nila si Lili na anak ng nagmamay-ari ng mismong resort."Yes, I'm fine. Medyo nahilo lang ako sa byahe," tugon ko kay Lili. Tumango naman siya saka muling iginala ang tingin sa paligid. Kahit si Lili ay namamangha sa ganda ng ambiance ng resort, it was cozy, warm, almost felt like home. Sobrang achieved ang mediterranean style or theme ng beach resort na ito."Ang ganda dito di ba? Sana dito na lang ako nakatira. Tignan mo yon! Ang laki nung villa, magkano kaya per night dun? Baka mahal, mag-tent na lang tayo," biglang sabi ni El. Natigilan naman ako sa sinabi niya."Hindi ba at sa inyo ito? Bakit ka pa magbabayad?" nagtatakang tanong ko kay Lili. Nanlaki ang mga mata niya saka lumapit sa akin at