Share

Chapter 4

"Bel, matagal ka pa? Let's go!" sigaw ni Gab.

"Okay, okay!" sagot ko habang pinapasok sa loob ng bag ang mga libro, hindi ko kasi agad nai-empake ito dahil nag-advance reading ako kagabi.

"Let's go Kuya Arnold," sabi ni Gab sa aming driver ng makapasok kami sa sasakyan. Don Romualdo insisted na ihatid sundo na lamang kami para mapanatag siya, marahil ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagtakas namin noong mga bata pa lamang kami na nagdulot ng kapahamakan.

"Bakit ba dala mo pa lahat ng libro?" tanong ni Gab habang inaayos ang mp3 player niya.

"Kasi... uhm gusto kong magbasa," wika ko.

"We both know na nabasa mo na halos lahat ng libro na yan," ismid niya.

"Wala kasi akong magawa kaya nagbasa na lang ako," katwiran ko.

"Then you should've came with us on the beach! I told you to come, right? But you refused, kasi sabi mo madami kang gagawin. Tapos sasabihin mo na wala kang magawa kaya ka nagbasa na lang?" she exclaimed. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.

"It's a blessing that you're too brainy, Bel. But sometimes? It annoys me that you refuse to enjoy your life and live the best of it. Instead, yan! Umiikot na lang sa pagbabasa ng libro ang buhay mo, at yang pagdo-drawing ng kung anu-ano. It's probably one of the reasons why you don't have any friends maliban sa akin. Thanks to me, people acknowledge you too. You're too weird Bel! You have your own world na ayaw mong magpapasok ng ibang tao. God, na-stress ako sayo," litanya niyang muli. Umirap pa siya ng isang beses bago buksan ang bag niya at nilabas ang presspowder para makapag-retouch.

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka lumingon sa bintana. Am I really weird? Kaya iniiwasan ako ng mga tao?

"Sana naman hindi ka na sobrang werid pag nandoon na tayo sa new school natin," wika nya saka nilagay sa bag ang pang retouch niya.

I took a deep breathe, the first day of school has always been the hardest for me. Everyone's nice to me when they see me for the first time. Maybe because of my sister. Ahh, yes. Gabriela is right, I am nothing without her. People only acknowledges me because I am her twin.

"We're here," anunsyo ni Gab. Tumingin din ako sa gawi ng gate, madami na ang mga estudyante ang nasa loob ng campus ang iba ay naglalakad papasok. May mga ilan din na nakamasid sa sasakyan na lulan namin, marahil ay inaabangan kung sino ang lalabas. Nauna ng lumabas si Gab, kita ang mangha ng mga estudyante ng makita siya. She looks so stunning by just wearing a turtle neck maroon longsleeve and a highwaisted denim skirt na lagpas ng tuhod paired with a vintage black leather boots. She looks so elegant. Our hair is naturally straight and long kaya naman sinuklay na lamang niya iyon, bumagay naman ito sa over-all get up niya. She is really a stunner. Napabuntong hininga na lamang ako, everyone is so amazed by her. Siguradong madidismaya lamang sila kapag nakita ako. Inayos ko muna ang salamin ko saka huminga ng malalim, pagkatapos niyon ay sumunod na akong bumaba mula sa sasakyan.

Mas lalo silang namangha ng mapagtanto na kambal kami. Gab stood confidently saka nagkalakad. Sumunod naman ako sa kanya habang bahagya na nakayuko. This is what I hate when I'm with her, the attention. Makailang hakbang pa ay huminto kami. Ito na naman, her tactic. Hahanap siya ng pinakagwapong estudyante at iyon ang una niyang lalapitan. She always do this tuwing first day of school to make an impact, para mas lalo syang pag-usapan. As much as I hate the attention, it's the opposite for her, she definitely loves all of it, she even craves for it.

Ngumiti si Gab sa lalaking nasa harapan. Nakasandal ito sa pader sa labas ng isang classroom. He's tall, matangos ang ilong, mapungay ang mata at manipis ang labi, may kaputian din ang kutis niya. Halatang may lahing banyaga.

"Hi! Pwedeng magtanong? Alam mo ba kung saan ang senior high building?" tanong ni Gab sa kanya. Bahagyang ngumiti ang lakaki saka tumayo ng diretso. Binigay niya sa kasama ang bolang hawak.

"Yup, doon lang sa pangatlong building malapit sa court. Anong section ba kayo?" aniya.

"Hmm. Wait, Bel. What section are we na nga?" lumingon si Gab pagkasabi noon.

"Rizal," sagot ko sa kanya. Inulit naman niya iyon na sinabi sa lalaki.

"Really? Same section. Sabay na tayo. I'm Drake by the way," pakilala niya saka kinuha ang varsity bag na nasa paanan niya.

"I'm Gabriela and this is my sister Isabella," pakilala ni Gab tumango lang ako sa lalaki noong bumaling siya sa akin.

Nagkwentuhan lamang sila habang naglalakad patungo sa classroom, ako naman ay nakasunod sa kanila. Marami ang napapalingon sa pagdaan namin, o nila Drake at Gab. Sa pagmamasid ko, mukhang popular din si Drake siguro dahil na rin sa isa siyang basketball player kaya madaming bumabati sa kanya na mga estudyante, partikular na ang mga babae.

Dumating kami sa classroom na may ilan ng mga estudyante sa loob, ang iba naman ay nagku-kwentuhan pa sa labas. Pangkaraniwang classroom lamang iyon. I'm not expecting too much dahil na sa Pilipinas na kami, I just wish na sana ay gumagana ang ceiling fan kung saan ako nakaupo dahil nasanay kami sa malamig na klima, mahihirapan din kaming mag-adjust sa panahon.

"Class we have new students this school year. Introduce yourselves mga hija," anunsyo ng aming room adviser na si Ma'am Olande, may katandaan na ito, nasa late 50's na rin siguro.

Unang nagpakilala si Gab na siya namang kinagiliwan ng mga kaklase kaya nagpalakpakan sila. Ako naman ang sumunod ngunit mabilis lamang ang aking naging pagpapakilala. May ilan din na pumalakpak pagkatapos ko. Sa huli ay itinuro na ng aming adviser ang aming designated seats. Magkalayo kami ni Gab, siya sa bandang gitna at ako naman ay napunta sa kaliwang parte ng room kung saan katabi ng bintana at natatanaw ang bukirin.

Nagsimula na ang klase ngunit isa sa mga nakakuha ng aking atensyon ay ang katabi kong babae na nakahoodie. Mahaba ang buhok nito na kulot, hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng kanyang bangs at makapal na salamin.

"Hoy, hilaw na Cuevas!" tawag ng lalaking kaklase namin sa babaeng katabi ko. Recess na ngayon at naghahanda na kaming lumabas para makapagmeryenda sa canteen. Si Gab ay nauna na kasama nila Drake at ng iba pang mga kaklase, iilan na lamang kaming natira dito sa classroom.

May dumating pang isang lalaki saka kinalabit ang siko ng kaklase kong babae.

"Manlibre ka naman, diba't isa kang Cuevas, kahit hilaw. Mayaman ka diba?" pang-aasar ng bagong dating na lalaki.

Hindi naman umiimik ang katabi kong babae, bagkus ay kinuha lamang niya ang kanyang bag at niyakap iyon.

"Napakadamot mo naman Cuevas. Wala sa lahi ninyo ang mga madadamot, ang mga Cuevas ay galante at laging namimigay!" wika muli noong unang lalaki na nang-aasar sa kanya.

"Wag na kayong umasa, syempre hilaw na Cuevas lang siya. Kasi anak siya sa labas!" wika ng huling lalaki na lumapit sa kanya.

"Tara na nga lang sa canteen!" bigla na lang sumigaw ang babaeng katabi ko sabay tumayo.

Tumingala ako sa kanya, she looked back at me saka pinandilatan ako ng mata, tila sinasabing umayon na lamang ako sa kanya.

"Ah, okay," wika ko kahit naguguluhan, saka tumayo na rin.

Umatras naman ang tatlong lalaki na nang-aasar sa kaniya. Hinawakan nya ang kamay ko saka ginabayan palabas ng room. Nagtataka man ay sumama na rin ako.

"Hala sorry ang kukulit kasi nila eh. Kanina pa talaga ako nagtitimpi. Gusto ko na talaga manapak kaso new year's resolution ko ay wag ng makipag-away. So unladylike daw kasi sabi nila," litanya nya habang naglalakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta maglakad na lang tayo, nagugutom ka ba? Sige, doon na lang tayo sa canteen. Mahilig ka ba sa pasta? Masarap yung pansit bihon dyan, yun ang bilhin mo," tuloy-tuloy niyang sabi. Hindi ko malaman ang motibo niya.

Tumango na lamang ako. Nagulat na lang ako ng bitiwan nya ang kamay ko saka nagpunta sa kabilang direksyon. Sumunod naman ako sa kanya.

"Bakit nandito ka? Doon ang papunta sa canteen," paliwanag niya sa akin.

"Ahh hindi ka kakain?," tanong ko.

"Hindi. May baon ako. Ito oh," sagot niya saka pinakita ang hawak na plastic. Hindi ko namalayan na may ganoon pala syang hawak.

"Saan ka pupunta?" tanong kong muli.

"Sa likod ng gym, may hide-out ako don. Dun ako nanonood ng bold," aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Joke lang, nagbabasa ako ng komiks. Tahimik kasi doon kaya gusto kong doon tumatambay," bawi niya saka tumawa. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Gusto mong sumama doon? Halika na. Ay teka, wala ka palang food. Samahan na lang muna kitang bumili sa canteen tapos doon na tayo kumain," suhestyon niya.

Tumingin ako sa kanya at nag-isip.

"Uhm... okay lang ba?" tanong ko. Nauna na siyang naglakad habang nakasunod lang ako sa kanya.

Napatawa siya, "bakit naman hindi? Halika at ako ang bahala sa iyo," sabi niya saka muling hinila ang braso ko.

Nakarating kami sa canteen at puno na ito ng estudyante. Mabuti na lamang at malawak ang food court kung saan pwedeng mag-table para kumain.

"Pumila ka na, hihintayin na lang kita dito," sabi niya. Pumila naman ako gaya ng sinabi niya.

Ilang minuto pa ng paghihintay ay nakarating na din ako sa harap ng cashier at tinuro ang mga pagkain na gusto ko, pinadagdagan ko na rin para mai-share ko sa bagong kaibigan na hindi ko pa pala nalalaman ang pangalan.

"Tara na? Akin na nga yan, baka mahulog mo pa. At ang bagal mo gumalaw, jusmeyo," aniya saka kinuha ang tray na hawak ko. Wala na akong nagawa dahil mabilis niya iyong inagaw sa akin.

Palabas na kami sa canteen ng makasalubong namin ang tatlong lalaki na nang-aasar sa kanya kanina sa room. ay nasa table namin ngayon at tinatawanan siya. Nagulat na lang ako ng bigla nilang sadyain na banggain ang kasama ko dahilan para mabitawan niya ang tray na hawak.

"Sorry Cuevas, andyan ka pala. Di kita nakita, tutal mayaman ka naman, bili ka na lang ng pagkain mo," pang-aasar ng isa.

"Oo, tapos pag bumili ka, ako din bilhan mo ha!" sapaw pa ng isa.

"Ilibre mo na lang kaming lahat, kayang kaya mo naman yon. Ang dami mong pera," wika ng huling lalaki saka tumawa.

"Bobo ka, hindi naman sa akin yang pagkain," sagot ng kasama ko. Sabay sabay lumingon ang tatlong lalaki sa akin.

"Okay lang, uhh... bibili na lang ako, ulit," sabi ko saka yumuko at pinulot ang mga nagkalat na pagkain.

"Huy, anong ginagawa mo? Baliw ka, wag mong hawakan yan! Hayaan mo na lang yan diyan," rinig kong sabi ng kasama ko.

Natigil lamang ako ng hawakan na niya ang kamay ko at hinila. Umalis kami sa lugar na iyon.

"Bobo talaga yung tatlong unggoy na yon. Sorry dahil nadamay ka pa," aniya.

Siya na mismo ang nanguna papunta sa likod ng gym. Mayroon doon isang maliit na room, staff room. Nanguha siya ng isa pang upuan mula sa mga nakahilera doon at saka ako sinabihan na umupo.

At that point, I pitied her. She must have been lonely, for so long. Eating her food in a secluded area, just to avoid the constant bullying she's experiencing.

"Isabela ang pangalan mo di'ba? Lilliana pala pangalan ko, Lili na lang itawag mo sakin," wika niya habang binubuksan ang dala niyang tupperware na may laman na clubhouse sandwich.

"Bel na lang," sabi ko.

"Destiny yata na hinati ko sa dalawa tong sandwich kaninang umaga kasi kasi sayo pala yung isa," aniya sabay bigay ng tinapay sa akin. Kinuha ko naman iyon.

"So, you're a Herrera?" tanong niya.

"And you're a Cuevas," I said then I looked at her, waiting for reaction.

Tumawa na lamang kami ng sabay ng mapagtanto na seryoso na pala kaming nagtititigan.

How ironic, I don't really know the reason behind the rivalry of two clans pero andirito kami ngayon at magkasama, no rivalries.

"Hayaan na natin ang mga oldies na mag away-away basta chill lang tayo," aniya.

Doon ay sinimulan na niyang sabihin na wala daw siyang pakialam sa away ng pamilya, basta't wag lang din siyang pakialaman sa hilig niyang manood ng anime at magbasa ng komiks. She also mentioned na lagi siyang pinapagalitan sa kanila dahil doon.

"Lili, uhh. May kilala ka bang... uhh Cuevas din siya, lalaki, uhh matangkad tapos... uhh gwapo?" utal kong sabi. I need to know if she's somehow connected with her. That farm boy.

"Randal? Si Kuya Randal ba, pinsan ko sya? Sikat siya dito sa bayan, napakagwapo niya at bolero kaya gustong-gusto siya ng mga kababaihan. Pero kahit babaero, mabait ang kuya Randal ko," masaya niyang kwento. So, Randal is her cousin, tama ba ako? But he's not the one I'm thinking.

"Uhh okay. Lander yata pangalan nya. Baka hardinero nyo or kargador, uhm parang... farm boy?" tanong ko. Bigla naman nagbago ang kanyang ekspresyon, tila nawala ang ningning sa kanyang mga mata. But I have to make sure, they may have the same surname pero malay ko ba kung magkaano-ano sila. Let's be real, not all rich family have rich relatives. Sa bawat angat na pamilya ay may mga nasa laylayan din. I remember my 3rd cousin na, nagtatrabaho sa hacienda. He's a relative but they're struggling. Must be the same case with Lander Cuevas. Ilang sandali ko pa syang tinitigan bago siya sumagot.

"I know him very well. Uhh, farm boy? Si Kuya Lander Uhh, hindi naman sya—" mabagal niyang sagot, parang nahihirapan siyang magpaliwanag kaya pinutol ko na ang sasabihin niya.

"It's okay, hayaan mo na. Natanong ko lang kasi nakwento lang sya sakin," pag-iiba ko ng usapan. I must have said a sensitive word. At ayaw ko naman siyang ma-trigger.

"I could only guess na masasamang bagay ang narinig mo," aniya saka kumagat sa sandwich nya. Hindi na ako umimik matapos ang sinabi niya.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa classroom. Ang tatlong nambully sa kaniya kanina ay hindi na maka-imik ngayon.

Pagdating ng 12 noontime ay nagsi-uwian na ang iba. Dito sa probinsya ay uso ang umuuwi tuwing lunch time at babalik na lamang sa ng ala una para sa klase sa hapon. Noong nasa States kami ay doon na rin kami sa school kumakain, at libre ang lunch doon dahil kasama sa binabayaran na tuition.

Kasabay kong nag-aabang sa labas si Lili. Si Gab naman ay nasa tapat ng gate kasama ang mga bagong kaibigan.

"Bel, nandirito na ang sundo ko, see you later," aniya.

May puting SUV na huminto sa harapan namin, tama naman na bumaba ang bintana dahilan para makita ko kung sino ang nagda-drive niyon. To my surprise, it was the same man I met days ago, Lander Cuevas. Nakaputing tshirt siya at ang mahaba niyang buhok ay nakatali na ngayon, he looks so fresh, marahil katatapos niya lamang maligo. I know it was the same man, pero iba ang awra niya ngayon na malinis siya. Tumingin siya kay Lili saka bumaling sa akin. He looked at me steadily. Nahigit ko ang aking hininga. The mere sight of him is enough to take my breath away. He's too intimidating, too dominating, too intense. He licked his lower lip as he looked at me, napalunok ako dahil doon. Why am I getting thirsty all of a sudden? Then what surprised me the most ay ang sunod niyang ginawa, he grinned at me as if saying na alam niya ang ginagawa ko. I looked away at that moment. Hindi na ito maganda. I am doomed. Now he must be thinking that I am having a crush on him.

"Bye Bel!" sigaw ni Lili ng makapasok sa loob ng sasakyan sa tabi ni Lander. Kumaway naman ako kay Lili, muli akong bumaling sa katabi niya na nakatingin din sa akin, ngumisi siyang muli bago umiling saka bumaling na sa harapan upang magmaneho. Unti-unting rumolyo ang bintana ng sasakyan nila, si Lili ay kumakaway pa rin sa akin, pero ang atensyon ko ay nasa nagda-drive na si Lander Cuevas.

So, he's not a farm boy but a driver. Now that makes sense.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status