Share

Chapter 2

Author: Karen Apilado
last update Last Updated: 2023-01-28 21:57:19

Pinaayos agad ni Don Romualdo ang legal na pagkuha niya sa kambal mula sa ampunan. Natuwa naman ang dalawa sapagkat makakasama na nila ang kanilang Papá. Maraming pinangako si Don Romualdo sa kanila.

Manghang-mangha ang kambal sa mga nakikita sa paligid mula sa nadadaanan nila. Ayon kay Don Romualdo ay papunta sila ngayon sa Hacienda. Ilang sandali pa ay nakita nila ang arko sa harapan na nakalagay ang apelyido ni Don Romualdo, ang Herrera. Pagkalagpas sa arko ay tumambad muli ang malawak na lupain.

"Ang lahat ng inyong nakikita ay sa akin, at sa inyo na rin," wika ni Don Romualdo. Lalo silang namangha ng ituro ni Don Romualdo ang malawak na kapatagan at kabundukan. May mga iba't ibang klase din ng hayop ang nadaanan nilang nakasuga sa malawak na lupain. May mga ilang tauhan din silang nadaanan na namimitas ng pinya at papaya.

"Here we are, the Herrera Manor. Halikayo mga hija," nakangiting sambit ni Don Romualdo. Bumaba naman sila sa sasakyan. Nanlaki na lamang ang mga mata nila ng tumambad sa harapan ang napakalaking bahay, isa nga itong mansyon. Kahit sa probinsyang pinanggalingan ay walang ganitong kalaki na mansyon. Kahit ang mansyon ni Congressman ay magmumukhang sala lamang ng mansyon ni Don Romualdo.

Nakahilera ang mga sa tingin nila ay kasambahay at ibang tauhan sa harap ng mansyon. Mga naka-uniporme pa ang mga ito. Manghang-mangha ang dalawang bata sa nakikita, tila sila ay nasa telenovela.

Mula sa loob ng mansyon ay lumabas ang isang babae na may hawak na batang babae at kasunod ang isang alaking binata. Sumalubong ang mga ito sa kanila.

"Hija, meet your Tiya Carol, siya ang nakababatang kapatid na babae ng inyong ina. And this little girl is your cousin, Calliope, your Tiya Carol's daughter," pagpapakilala ni Don Romualdo sa babae at ang maliit na bata. Mukhang sopisitikada ang mga ito, mukha silang mamahalin, mukhang araw-araw naliligo di tulad nila. Lumuhod ang babae sa harapan nila, napakaganda ng babaeng ito, makinis ang balat, maputi at mahaba ang buhok, singkit ang mata. Matangos ang ilong nito, mapupula at manipis na labi, kulay brown din ang mga mata katulad ng sa kanila. Ngumiti ang babae saka sila niyakap.

"Welcome home mga hija," wika nito habang hinihimas ang mga likod nila. Napatingin naman sila sa maliit na bata na nasa likuran ng tiya at nakahawak sa balikat, kamukha nito ang kanilang tiya, maganda din ang batang iyon.

"And this is your Tiyo Asher, bunsong kapatid ng inyong ina," pagkatapos ipakilala ay lumapit ito sa kanila at nakipagkamay. Namangha sila sa kakisigang angkin ng nito. Mukha siyang artista na napapanood sa telenovela. Kakaiba ang itsura niya kaysa sa Tiya Carol. Tanned ang kaniyang kutis, at sa itsura pa lamang ay malalaman ng may lahing banyaga siya. Kulay brown din ang kanilang mga mata, tatak Herrera nga siguro iyon.

"Bakit hindi kayo magkamukha?" tanong ni Gabriela saka tinuro ang mga tiyo at tiya, siniko naman siya ni Isabella na nahihiya sa ginagawa at sinasabi ng kapatid. Napatawa naman ang tiyo nila.

"It's because they have different mothers hija. Your Mamá, Constance—the mother of Corrine, passed away early. I got lonely, then I met the mother of your Tiya Carol, but things did not go as planned, we got separated. I met another woman again, the mother of your Tiyo Asher, we're still together but she's not here today because she's having a vacation in Paris," paliwanag ni Don Romualdo.

"Ang dami mo naman pong asawa. Pinakasalan mo po silang lahat?" inosenteng tanong muli ni Gabriela. Napatawa na lamang ang tiyo at tiya nila.

"I see you got my humor hija. Well, I only married your Mamá. The rest, no. I did not marry them, but I loved them too and they have my utmost respect. You'll understand more when you get older," paliwanag ni Don Romualdo.

Tumango na lamang ang dalawang bata, na pilit iniintindi ang sinabi ng matanda.

Humarap si Don Romualdo nila sa mga tauhan na nakahilera. Binati niya ang mga ito, kalaunan ay hinawakan ang kamay ng kambal at hinarap sa mga tauhan.

"This is Gabriela and Isabella, the daughters of my firstborn Corrine. She is my daughter from my legal wife Constance. You will address them as Señoritas. You should give them the same amount of respect you are giving me because they are my rightful heirs," anunsyo ni Don Romualdo pagkatapos noon ay yumuko ang lahat ng mga tauhan.

"Now, let us celebrate!" masayang anunsyo ni Don Romualdo.

Pumasok na sila sa mansyon, hawak pa rin ni Don Romualdo ang kanilang mga kamay. Ubod ang mangha ng kambal ng makita ang mansyon. Tila isang museo ang loob ng mansyon, napakalaki ng mga paintings, at kung anu-ano pang mga kagamitan na sa tingin nila ay antique. May engrandeng hagdan din doon, na sa mga teleserye lamang napapanood. Sunod ay dinala sila sa kanilang kwarto.

"This will be your room mga hija," wika ni Don Romualdo saka tumango sa lalaking nakaabang sa pintuan at binuksan naman noon ang pinto. Tumambad ang napakalaking kwarto, sampung beses na higit sa laki ng bahay kubo nila noon ang kwartong iyon. Iginala nila ang tingin sa loob ng kwarto. Nakahanda na rin ang closet nila na madaming damit at bestida at halatang mamahalin, may mga sandals at sapatos din na naka-display. May sariling palikuran ang kwarto, at may bathtub doon! Lubusang na-excite ang dalawa.

"Alam kong magiging malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ninyo ngayon, don't worry mga apo. Babawi ako at ibibigay ang lahat sa inyong dalawa. I know you are inseparable kaya pinag-isa ko muna ang inyong kwarto habang ipinapa-renovate ko pa ang dalawang kwarto sa kabilang gawi ng mansyon, makakalipat din kayo sa sari-sariling kwarto makalipas ang isang buwan," paliwanag ni Don Romualdo sa kanila.

"Si Inay," mahinang wika ni Isabella, nakatingin siya sa malaking painting na nasa pader.

Ngumiti si Don Romualdo sa kanila, "yes, that is Corrine, ang inyong ina. This is her room when she was still alive. I miss her too mga apo, that is why I am doing my very best para makabawi sa inyong dalawa," wika nito habang hinahawi ang kanilang buhok.

"Paano na po ang kaso ng Itay?" tanong ni Isabella.

"Tapos na apo, huwag na kayong mag-alala. Justice is already served," wika nito.

Nagkatinginan ang kambal, naguguluhan man ay nagtiwala na lamang sila kay Don Romualdo.

Muli silang tumingin sa kwarto na kung saan namalagi din ang kanilang ina. Dito na magsisimula ang panibago nilang buhay.

Kinabukasan ay pinatawag sila ni Don Romualdo sa kanyang opisina sa loob ng mansyon. Madilim ang opisina ni Don Romualdo dahil puno ng matataas na bookshelf ang kwarto.

"Hija, halikayo dito. Maupo kayo," wika ni Don Romualdo.

Pagkatapos umupo ay nilahad ni Don Romualdo nila ang ilang piraso ng mga papel.

"Dumating na ang mga papeles. You are now officially a Herrera. Magmula ngayon ay hindi na ninyo gagamitin pa ang apelyido ng inyong ama dahil Herrera na ang gagamitin ninyo, maliwanag ba mga apo?" sabi ni Don Romualdo. Tumango na lamang ang dalawa kahit nahihirapang intindihin ang sitwasyon.

At doon na nga nagsimula ang buhay nila bilang opisyal na Herrera. Ang mga heredera ng Hacienda.

"Bel tara doon sa manggahan! Hitik ng bunga ang mga puno doon!" sigaw ni Gabriela. Napahinto naman sa pagbabasa si Isabella at bumaling sa kapatid.

"Pero sabi ni Don Romualdo ay kailangan nating magbasa at magsulat dahil malapit na ang pasukan at may pagsusulit tayo bago makapasok sa eskwelahan," wika niya. Isang buwan na ang nakakalipas ng dumating sila sa mansyon.

"Mamaya na lang iyan, sige na Bel sumama ka na. Magpapasama din tayo kay Ate Weng, iyong katulong natin," pagpupumilit ng kakambal.

Binaba ni Isabella ang kanyang lapis at saka tumingin kay Gabriela. Napakakulit talaga ng kapatid. Sa huli ay pumayag din siya. Maingat silang lumabas at nagtungo sa tarangkahan. Nandoon naghihintay si Ate Weng, "haynaku, kayo talagang mga bata kayo. Tara na at ng makauwi tayo kaagad, malilintikan ako nito kay Don Alejandro," natatarantang wika ni Ate Weng. Napatawa na lamang ang dalawa.

Labis ang tuwa ng kambal ng makita ang mga puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Namitas sila sa mga puno, mabuti na lamang at hindi ito kataasan at may mga hagdan naman sa mga puno. Ilang oras silang namalagi doon, umakyat, kumain at naglaro sila sa silong ng manggahan.

"Bel tignan mo, may ilog doon oh!" malakas na sigaw ni Gabriela.

"Naku, senyorita. Huwag po kayong pupunta doon. Ipinagbabawal po," wika ng Ate Weng nila. Pero hindi iyon pinansin ng dalawa, dahil na rin sa curiosity ay lumapit pa ang kambal patungo sa ilog. Napilitan naman ang katulong na sundan sila.

"Senyorita! Hindi tayo maaaring tumungo diyan. Hindi na sakop iyan ng Hacienda, sa mga Torre-" hindi na natapos ng katulong ang sasabihin dahil bingi na ang dalawa, nakatuon na lamang ang atensyon nila sa ilog.

"Wow!" Gabriela exclaimed. Hindi naman nag-akasaya pa ng panahon si Gabriela at tumalon na sa tubig. The water is clean and clear kaya naman nakaka-engganyo talagang maligo at malalim iyon!

"Gab, baka malunod ka!" sigaw ni Isabella.

"Halika Bel, ang sarap maligo," aya ng kapatid.

"Hindi ako marunong lumangoy Gab," wika ni Isabella saka umupo sa batuhan malapit sa tubig. Pinagmasdan na lamang niya ang kapatid na lumangoy.

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng mga yapak. Mukhang may paparating.

"Hoy! Sino kayo?" sigaw ng isang lalaki. Napatayo sa gulat si Isabella dahilan para matalisod siya at mahulog sa tubig. Si Gabriela naman ay umahon na sa tubig upang tumakas dahil sa takot. Napasigaw naman ang kanilang katulong na hawak na ng mga lalaki.

"Señorita Gabriela, tumakbo ka na!" sigaw ng Ate Weng nila habang nagpupumiglas mula sa mga lalaki.

Sinunod naman ni Gabriela ang utos ng Ate Weng. Mabilis siyang tumakbo papalayo, pabalik sa Hacienda.

"Lander, may nalulunod na bata!" sigaw ng lalaki na nakahawak sa katulong.

Binitawan naman ng binatilyo ang hawak na itak saka lumusong sa tubig. Agad niyang niligtas ang batang ngayon ay wala ng malay.

"She's unconscious, is she breathing? Check her pulse," wika ng isa pang binata ng mai-ahon si Isabella. Ginawa naman ng binatilyo ang sinabi ng binata. Hinawakan nito ang mga kamay ay pinakiramdaman ang pulso, saka siya tumapat sa ilong ng batang walang malay. Humihinga pa naman ito at may pulso pa.

Nagulat na lamang si Isabella ng maramdaman na binubuhat na siya ng kung sino. Agad siyang nagpumiglas upang makawala sa bisig ng taong iyon.

"Senyorita Isabella!" wika ng katulong nila, agad naman tumakbo ang bata patungo sa Ate Weng niya.

"Alam nyo bang mali ang ginawa ninyo? Pinagbawal na ang pagtungtong ninyo dito sa aming lupain," wika ng lalaki saka tinuro ate Weng niya.

"At ikaw naman, Señorita, muntik ka pang mamatay sa lunod. Kung nagkataon ay kasalanan na naman namin iyon!" wika muli ng binata, natakot si Isabella dahil sa sinasabi ng mga di kilalang lakaki.

"Kayong mga Herrera talaga ay sadyang mga gahaman! Nagtungo pa kayo dito, anong pakay ninyo? Para kamkamin ang lupain namin?Aba tresspasing ang ginagawa ninyo!" sigaw ng binata.

"Stop it Randal," wika ng binatilyo. Hinagod niya ng kamay ang basang buhok niya.

"Ihatid na lang natin sila sa kanila," wika muli ng binatilyo saka tumalikod at nauna ng maglakad.

"Oo at magbabayad kayo sa pagte-tresspass ninyo dito!" nagsalita na naman muli ang lalaking nagngangalang Randal. Hindi na nakatimpi si Isabella.

"Edi babayaran ko kayo! Mayaman naman ang Papà ko, babayaran ko kayo kahit magkano!" sigaw ni Isabella. Napatigil sa paglalakad ang binatilyong sumagip sa kanya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo," wika ng binatilyo. Galit ang mga mata nitong nakatingin kay Isabella.

"Totoo naman ang sinasabi ko. Kayang magbayad ni Papá, hindi ba at magsasaka kayo? Si Don Romualdo ay madaming tagasaka sa Hacienda, nakakapagbayad naman siya ah. Gusto nyo sa amin na lang kayo magtrabaho eh, baka mas malaki ang pasweldo ng Papá ko!" Isabella said proudly.

"You think I'm a farmer? And you think, that I would want to work for the Herrera's?" hindi makapaniwalang tanong ng binatilyo.

"Calm down, Lander. Bata lang yan," nakangising sambit ni Randal.

Inirapan na lamang sya ng lalaking ang pangalan ay Lander. Tinawag na niya ang mga kasama at sinama ang dalawa sa pupuntahan nila. Binigyan ng damit si Isabella para makapagbihis saka sila pinasakay sa kotse.

"Ate Weng, paano si Gabriela?" tanong ni Isabella habang nasa kotse sila. Kasama nila ang dalawang binata, nagmamaneho ang mas nakakatanda na Randal ang pangalan at nasa katabi naman ang mas bata na ang pangalan ay Lander, ang lalaking kanina pa sya sinasamaan ng tingin.

"Ipanalangin na lang natin na ligtas siyang nakauwi sa mansyon, Señorita," wika ng katulong saka niyakap ang bata.

"We're here," wika ng binatang nagmamaneho, si Randal.

Sinalubong sila ng mga tauhan ni Don Romualdo, nagpaliwanag naman si Randal kaya pinapasok sila sa bukana ng Hacienda. May mga ilang tauhan ang nasa labas at tila abala.

Bumaba mula sa sasakayan ang dalawang lakaki, saka sila pinagbuksan ng pintuan. Bumaba naman si Isabella kasama ang katulong. Namataan agad niya si Gabriela na umiiyak, nakapagbihis na din ito. Tumakbo siya para yakapin ang kakambal.

"Sorry dahil iniwan kita Bel, natakot kasi ako," wika ng kakambal, niyakap din naman niya ang kapatid.

Sumunod ay sumalubong ang Tiya at mga Tiyo nila.

"Salamat Randal sa paghatid sa pamangkin ko," wika ng Tiyo Asher nila.

"Walang anuman," sagot ni Randal. Saka nagtungo sa loob ng sasakyan.

Tumingin ang binatilyo kay Isabella. "Bold of you to assume that I'm a farmer," aniya saka sumunod kay Randal sa loob ng sasakyan.

Ng makaalis ang mga ito ay saka pinutakte ng tanong sina Isabella at ang katulong.

"Are you really okay hija? Wag kang matakot sabihin ang totoo," wika ng Tiya Carol.

"Did they hurt you? Just say it and we'll destroy them," wika naman ng Tiyo Asher nila. Umiling naman si Isabella. Hindi na maintindihan ni Isabella ang mga sinasabi nila dahil ang interes niya ay nakatuon sa binatilyong taga kabilang hacienda na nagngangalang Lander.

Nakaupo sila ngayon sa sala. Hinihintay si Don Romualdo na kanina pa umalis. Ilang sandali pa ay dumating na si Don Romualdo kasama ang mga tauhan.

Isang malakas na sampal ang bungad niya sa kanilang Ate Weng, napasapo naman siya sa kanyang pisngi at lumuhod.

"Umalis ka na sa harapan ko at huwag ng babalik!" sigaw niya sa katulong. Hinawakan naman siya ng dalawang tauhan at saka binitbit palabas.

Nabalot ng takot ang kambal lalo na ng humarap sa kanila si Don Romualdo. Naglakad ito patungo sa kanila, napatayo naman sa pagkakaupo ang dalawa.

"Ingrata!" sigaw ni Don Romualdo saka binigyan ng tig-isang sampal ang kambal. Humarang naman si Asher para hindi na sila muli pang mapagbuhatan ng kamay.

"Papá," wika ni Asher na nakaharang sa ama.

"Binihisan ko kayo, pinakain, binigay ang lahat tapos susuwayin niyo lamang ako! Anong mahirap sa hiling kong mag-aral kayo! Nagmukha pa akong tanga sa harapan ng mga Cuevas," wika ni Don Romualdo. Marahas niyang itinulak si Andres at dinuro ang kambal.

"Kung susuwayin niyo lamang ako, pwes ipadadala ko na lamang kayo sa Estados Unidos! Akala ko ay mababago ko ang asal kalye ninyo, pero hindi. Kung sabagay ay pinalaki kayo ng bastardo na si Ramil," wika nito.

"Papá!" saway ng Tiya Carol nila.

"Ipag-impake na ninyo sila at aalis na sila ngayong gabi," wika ni Don Romualdo sa mga katulong. Muli niyang binalingan ang kambal.

"Saka na lamang kayo bumalik kapag karapat dapat na kayo dito sa Hacienda," sabi nito saka tumungo na sa itaas kung nasaan ang opisina niya. Naiwan ang kambal na tuloy pa rin ang iyak. Ngayon ay naiintindihan na nila ang ina, kung bakit umalis siya sa poder ni Don Romualdo—dahil malupit ito.

Related chapters

  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 3

    "C'mon twin, chill out, we just had our test a while ago and now you're studying again for what, the next term exams? Are you for real, Bel?" naiinis na wika ni Gab. She's been chilling out in my room since we got home from school. Pinipilit niya ako na sumama sa kanya sa isang party ng aming kaklase na si Kimberly. Tumabi si Gab sa akin sa kama saka nito kinuha ang binabasa kong libro. "I'm alright here, Gab," sabi ko sa kanya. Ngumuso lamang siya saka binato sa mukha ko ang unan. "You're no fun," aniya saka tumayo at nagtungo naman sa harapan ng aking vanity mirror. "As if papayag naman si Percival na ihatid ako doon sa party without you," muli niyang sambit. Napailing na lamang ako, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tumayo ako at may kinuha sa cabinet ko malapit lang din sa kama, saka ako lumapit sa kanya at inilagay ang susi ng aking sasakyan sa kanyang palad. "Go," sabi ko saka muling bumalik sa kama. Bago pa ako makahiga ay dinamba na niya ako, "you're the best Bel! I love y

    Last Updated : 2023-01-28
  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 4

    "Bel, matagal ka pa? Let's go!" sigaw ni Gab. "Okay, okay!" sagot ko habang pinapasok sa loob ng bag ang mga libro, hindi ko kasi agad nai-empake ito dahil nag-advance reading ako kagabi."Let's go Kuya Arnold," sabi ni Gab sa aming driver ng makapasok kami sa sasakyan. Don Romualdo insisted na ihatid sundo na lamang kami para mapanatag siya, marahil ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagtakas namin noong mga bata pa lamang kami na nagdulot ng kapahamakan. "Bakit ba dala mo pa lahat ng libro?" tanong ni Gab habang inaayos ang mp3 player niya."Kasi... uhm gusto kong magbasa," wika ko."We both know na nabasa mo na halos lahat ng libro na yan," ismid niya."Wala kasi akong magawa kaya nagbasa na lang ako," katwiran ko."Then you should've came with us on the beach! I told you to come, right? But you refused, kasi sabi mo madami kang gagawin. Tapos sasabihin mo na wala kang magawa kaya ka nagbasa na lang?" she exclaimed. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko."It's a bless

    Last Updated : 2023-02-01
  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 5

    "Hanep na yan! Natapos na lang tong libro wala man lang bed scene!" sigaw ni Lili saka binagsak sa upuan ang komiks nya.Natigilan naman ako sa pagkain ng mais."Walang kwenta, wala man lang akong naramdaman na libog sa libro na yan!" she exclaimed.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Halos naibuga ko pa ang kinakain kong mais."Gaga ka, heto tubig," aniya ng lumapit sa akin. Nakita nya yatang halos mabulunan ako. Ewan ko ba naman kay Lili, sobrang bulgar ng mga sinasabi. Hindi ko masabayan. Gabriela is liberated, yes, but Lili is on another level. Kahit wala syang boyfriend ay nagmumukhang bihasa na rin sya sa larangan ng pakikipagrelasyon, dahil sa binabasang komiks at pinapanood na anime.“Akin na nga iyan! Kaya ka laging sinisikmura kasi di ka natutunawan. Pag sumakit yang tyan mo mamaya, wag kang hihingi sakin ng gaviscon o kremil s ha!” Singhal niya sa akin. Tumango na lamang ako ng ilang beses. Umismid naman siya ng makita ang paulit-ulit kong pagtango. I just realized that

    Last Updated : 2023-02-02
  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 6

    "You okay, Bel?"Napaigtad ako sa pagtawag sa akin ni Lili, halos mabitawan ko pa ang hawak kong tupperware. Naglalakad na kami ngayon patungo sa resort nila Lili. Kanya-kanya na kami ng bitbit ng mga dala naming pagkain at gamit. Some of the staff helped us too, considering na nakilala agad nila si Lili na anak ng nagmamay-ari ng mismong resort."Yes, I'm fine. Medyo nahilo lang ako sa byahe," tugon ko kay Lili. Tumango naman siya saka muling iginala ang tingin sa paligid. Kahit si Lili ay namamangha sa ganda ng ambiance ng resort, it was cozy, warm, almost felt like home. Sobrang achieved ang mediterranean style or theme ng beach resort na ito."Ang ganda dito di ba? Sana dito na lang ako nakatira. Tignan mo yon! Ang laki nung villa, magkano kaya per night dun? Baka mahal, mag-tent na lang tayo," biglang sabi ni El. Natigilan naman ako sa sinabi niya."Hindi ba at sa inyo ito? Bakit ka pa magbabayad?" nagtatakang tanong ko kay Lili. Nanlaki ang mga mata niya saka lumapit sa akin at

    Last Updated : 2023-02-03
  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 7

    I tried my best to stay away from Lili but it was just impossible..."Alam mo Bel, feeling ko malaki ang tyansa na magiging erotic novel writer ako balang araw. Kasi tignan mo, ang galing kong mag-imagine. Kabisado ko lahat ng posisyon—""Ano ba yang pinagsasabi mo Lili," putol ko sa sinasabi niya."Ay para yon lang. So innocent mo naman my friend. Di bale, malapit na ang reunion naming mga Cuevas. Mahahanap ko na din ang Cuevas na para sa iyo, naku. Paniguradong malalaglag ang panty mo sa mga iyon. Top of the line yata lahi namin, tsk. Bibiyak ang perlas ng silanganan mo—" panunuya niya sa akin."Hoy, grabe ka! Tumigil ka nga Lili!" pigil ko sa kanya saka tinakpan ang tenga ko. Sobrang bulgar ng mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko sukat Hiakalain na ganito ang magiging epekto sa kanya ng sobrang panonood ng anime at pagbabasa ng komiks.Tumawa lamang siya ng malakas. "Ang sarap mo talagang asarin, ang inosente mo. Oh sya, tara na nga lang sa garden, bisitahin natin yung tanim nating

    Last Updated : 2023-02-05
  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 1

    Isang magarbong kasalan ang magaganap sa ilang sandali lamang. Ang mga bisita ay mga kilalang personalidad at mga bigating negosyante na talaga namang pinaghandaan ang event na iyon dahil sa magarbo nilang pananamit. Marami pa ang gustong dumalo ngunit iilang lamang ang mga napagbigyan na matuklasan ang pagiisang dibdib ng dalawa."Here comes the bride!" sigaw ng isa sa mga bisita.Tumigil sa pakikipag-usap sa kapwa negosyante si Don Romualdo, ang lolo ng babaeng ikakasal, upang salubungin ang apo na lulan ng vintage bridal car."Come out now Gabriela. Everyone is waiting for you," wika ni Don Romualdo ng buksan niya ang pinto ng sasakyan at tumambad ang apo niyang tila balisa."Gabriela, what are you waiting for?" tanong ni Don Romualdo."Papá, it's me. Isabella," mahinang sagot ng kanyang apo.Tila nakakita ng multp si Don Romualdo at agad na pumasok sa loob ng sasakyan at sinarado ang pinto."Bakit ikaw ang nandirito? Where the hell is Gabriela? Sinasabi ko na nga bang may binabalak

    Last Updated : 2023-01-28

Latest chapter

  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 2

    Pinaayos agad ni Don Romualdo ang legal na pagkuha niya sa kambal mula sa ampunan. Natuwa naman ang dalawa sapagkat makakasama na nila ang kanilang Papá. Maraming pinangako si Don Romualdo sa kanila. Manghang-mangha ang kambal sa mga nakikita sa paligid mula sa nadadaanan nila. Ayon kay Don Romualdo ay papunta sila ngayon sa Hacienda. Ilang sandali pa ay nakita nila ang arko sa harapan na nakalagay ang apelyido ni Don Romualdo, ang Herrera. Pagkalagpas sa arko ay tumambad muli ang malawak na lupain. "Ang lahat ng inyong nakikita ay sa akin, at sa inyo na rin," wika ni Don Romualdo. Lalo silang namangha ng ituro ni Don Romualdo ang malawak na kapatagan at kabundukan. May mga iba't ibang klase din ng hayop ang nadaanan nilang nakasuga sa malawak na lupain. May mga ilang tauhan din silang nadaanan na namimitas ng pinya at papaya. "Here we are, the Herrera Manor. Halikayo mga hija," nakangiting sambit ni Don Romualdo. Bumaba naman sila sa sasakyan. Nanlaki na lamang ang mga mata nila ng

  • The Billionaire's Proxy Bride   Chapter 1

    Isang magarbong kasalan ang magaganap sa ilang sandali lamang. Ang mga bisita ay mga kilalang personalidad at mga bigating negosyante na talaga namang pinaghandaan ang event na iyon dahil sa magarbo nilang pananamit. Marami pa ang gustong dumalo ngunit iilang lamang ang mga napagbigyan na matuklasan ang pagiisang dibdib ng dalawa."Here comes the bride!" sigaw ng isa sa mga bisita.Tumigil sa pakikipag-usap sa kapwa negosyante si Don Romualdo, ang lolo ng babaeng ikakasal, upang salubungin ang apo na lulan ng vintage bridal car."Come out now Gabriela. Everyone is waiting for you," wika ni Don Romualdo ng buksan niya ang pinto ng sasakyan at tumambad ang apo niyang tila balisa."Gabriela, what are you waiting for?" tanong ni Don Romualdo."Papá, it's me. Isabella," mahinang sagot ng kanyang apo.Tila nakakita ng multp si Don Romualdo at agad na pumasok sa loob ng sasakyan at sinarado ang pinto."Bakit ikaw ang nandirito? Where the hell is Gabriela? Sinasabi ko na nga bang may binabalak

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status