Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.
Isang buwan.
Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.
Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nang makabili siya ngunit wala siyang nahanap. Kung bakit naman kasi hindi siya nagmana sa mga relatives nilang maganda ang mga ugali.
Mukha kasing sinalo na niya ang lahat ng mga hindi magandang ugali.
Ano naman kaya ang hitsura ng amo niya? Ng bilyonaryong iyon? He was filthy rich. Hindi kaya sumasakit ang ulo nito kung paano ubusin or gastahin ang mga pera nito. Ang sarap sigurong maging bilyonaryo rin.
Wala siyang pakialam (mas curious siya sa angkin nitong kayamanan) kung ano ang histura nito ngunit mas maganda sigurong maging curious din siya.
Naglalaro na sa isipan niya ang mukha ng isang matanda, ang mismong amo niya. Baka isang old man si Fernando na puno ng kulubot ang mukha at balat nito. Tapos, marami itong linya sa noo na mas lalong nagpatanda sa hitsura nito. Iika-ika ito kung maglakad at kailangan ng wheelchair para makalabas ng bahay.
She was not discriminating, pero purong matatanda kasi ang palaging nababasa niya sa mga balita tungkol sa mga bilyonaryo. Kaya niya nasabi ang bagay na iyon. Pero baka naman hindi talaga siya updated sa business world.
And if Kadriel Fernando was indeed an old man, she would be kind to him. Extra points na din sa langit.
Ay ewan.
Mas may importante pa siyang gagawin kaysa naman maki-update sa pagnenegosyo.
Dapat, naghintay na lang ng Fernandong iyon at magliwaliw sa ibang sa ibang bansa. Let the NBI and police solve the problem. Mas magandang mag-relax na muna ito.
Ngumisi siya.
Hindi naman siguro masamang mag-imagine ng hitsura ng negosyanteng iyon, hindi ba? Sa tulad niyang hindi nakita ang profile picture nito, she wants to assume the worst possible way.
Gusto muna niyang magsaya habang hindi pa nagsisimula ang tunay niyang misyon.
Napatalon siya nang biglang tumunog ang cell phone niya.
Natutop niya ang dibdib at nayayamot na kinuha sa bulsa ng pantalon ang bagay na muntikan ng sanhi ng atake sa puso.
Hindi siya magugulatin, pero bakit kaya nagulat siya? Ah, may unang pagkakataon nga pala ang lahat ng bagay.
“Delos Reyes, nasaan ka na?” tanong agad ng nasa kabilang linya.
“Nandito na po sa location. Papasok na po ako, General,” sagot niya. Hindi niya alam kung ang isa sa rason kung bakit napatawag ito ay dahil sa nag-aalala ito sa kanya o sa mismong babantayan niya.
“Pagbutihin mo ang misyon na ito, Delos Reyes. Who knows, your efforts may be recognized. Hindi basta-bastang tao ang hinahanap natin ngayon.”
Recognition? Promotion?
Hindi siya after sa dalawang iyan. Ang gusto lang niya ay mag-enjoy sa kanyang trabaho. Wala ng iba. “I don’t need any recognition, General. Sapat na po na matapos ko agad ang misyong ito. Sige na po. Goodbye, General.”
“Hindi naman masamang maghangad ng mas mataas, Delos Reyes.”
“Wala pa sa utak ko ang bagay na iyan, General. Maybe when I get tired of my work at gusto ko na lang magbigay ng utos sa team ko saka ko pag-iisipan ang bagay na iyan. Not now.”
“I will help you at that point.”
“No need, General. Kaya kong ma-promote kahit na wala ang tulong ninyo.”
Walang anong bahid ng pagmamalaki ang boses niya. Ayaw lang niya ng palakasakan system or iyong may backer system. Gusto niyang makarating sa isang posisyon dahil sa sariling sikap. Nakapasok siya sa trabahong ito nang hindi man lang humingi ng tulong sa general. Magagawa niya ulit iyon sa susunod pa.
“If you change your mind, pwede mo pa rin naman akong sabihan. Take care, my little niece,” at pinutol na ng heneral ang linya. Ibabalik na sana niya ang cell phone nang muli itong tumunog. “Sandali, bago ko makalimutan, may isang tao kang makakasama. Taga-agency rin. He will guard Mr. Fernando when he goes outside his house. In other words, you guard him when he is inside his house, while another one will replace you when he is outside.”
Bago pa man niya maitanong kung sino ang makakasama niya, pinutol na ng heneral ang linya.
Napabuntong-hininga siya.
Napaka-unpredictable talaga nito. Ngunit may pagkakataon na sobrang seryoso naman nito. Minsan, aakto rin itong napakabait na tito.
Simula nang mamatay ang mga magulang niya at maulila siyang lubos, kinupkop siya ng nag-iisang kapatid ng ama niya, si Tito Sandro.
Nagtatrabaho na sa agency ang tito niya nang kupkupin siya nito. Dahil doon at sa kabutihan na rin na ipinapakita nito, naging idolo niya ito kaya sinundan niya ang yapak ng lalaki. Syempre, tutol sa simula ang tita niya dahil daw, as usual na mga sasabihin ng nagmamahal, mamamatay daw ito sa pag-aalala. Pero, ipinagtanggol niya ang napiling propesyon kaya nang matapos niya ang kursong Accountancy at lumabas ang resulta ng board exam, pumasok siya sa agency na ginawa rin ni Shaira. Kung ano ang gagawin niya, gagawin din ng pinsan.
Napabuga siya ng hangin.
Ito na iyon.
“Kayang-kaya ko ito,” paulit-ulit niyang wika sa sarili. Of course, she knew she can do it and she will succeed. Mas maganda rin namang sabihin sa sarili na kaya niya nga ang mission na ito.
Kinapa niya ang dibdib.
Napakalakas ng pintig ng puso niya.
Bakit ba siya kinakabahan? It’s not like this mission was the most dangerous thing that she did. Hindi pa nga ito umaabot sa kalingkingan niya.
Pinindot niya ang doorbell na nasa tabi ng berdeng gate.
Iginala niya ang tingin sa paligid.
Wala pang masyadong tao.
Malamang dahil alas sais y trenta pa lang ng umaga, ani ng isip niya. Natural lang na walang gaanong tao dahil tulog pa sila.
Pinili talaga niyang maging maaga. She did not want to become late sa first duty niya sa araw na ito. She had to make an impression. A long lasting one sa magiging amo niya. Pansamantala.
Ngumingiti na ang araw pero hindi pa iyon sapat upang mapangiwi siya sa init. Paroon at parito ang mga sasakyan sa kalsada. Nakakabingi ang mga busina ng mga naiinip na drayber ng ilan sa mga sasakyan. Naririnig rin niya ang ilan sa mga mura ng mga ito pero hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin.
Muli niyang pinindot ang doorbell nang wala pa ang nagbukas ng gate.
Nasaan na ba ang mga tao?
Mayamaya ay bumukas ang gate at isang babae ang nabungaran niya. “Yes? Ano iyon?”
Isang babaeng nakasuot ng double-breasted lapel dress na may mga butones sa may dibdib nito na pinaghalo ang pink at puting kulay ang ang bukas ng gate. Hindi lumalagpas sa tuhod ang uniporme ng babae. Sa tantiya niya, matanda lamang ito sa kanya ng dalawang taon.
Nakalabas ang ulo nito at base sa mukha nito hindi ito natutuwa sa kanya. Well, the feelings mutual. Mahalaga ang lahat ng oras sa kanya.
Tumaas ang kilay niya nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ngumisi ang babae na animo iniinsulto siya.
Aba’t! Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ina-underestimate siya!
Umakyat ang dugo niya sa ulo.
Huwag mong sabihing minamata siya ng babae? Hindi pa man siya nakapagsimula sa trabaho, may kaaway na siya.
Itinaas niya ang kanyang noo.
Have confidence, Charinda. Don’t let the woman pull you down.
“Anong kailangan mo, Miss? Bilisan mo at may trabaho pa ako,” nababagot nitong tanong. Mas lalo pang tumaas ang kilay niya nang suriin ng babae ang kuko nito sa kamay na para bang mas maganda pang tingnan ang kamay nito kaysa harapin siya.
Aba’t dinaig pa si Shaira sa kamalditahan.
Itinago niya ang nanginginig na kamay.
Bakit pa siya pinili ng heneral gayong hindi siya pasensyosa? Kung ganito kaaarte ang mga kasamahan niya sa bago niyang trabaho, hindi niya alam kung ano ang mangyayari.
She’s not fond of patience. Hindi niya ito bestfriend.
Kasing nipis lamang ng sinulid ng panty ng namayapa niyang lola ang pasensya niya at iyon din ang dahilan kung bakit palagi siyang napapagalitan ng heneral.
Halimbawa na lamang sa mga nakaraan nilang misyon. Kapag naiinip na siya dahil hindi agad ibinibigay ng team leader ang utos sa kanila, kikilos na siyang mag-isa at ang resulta? Isang oras siyang pagagalitan ng team leader nila na halos mahulog ang tutule niya sa sobrang lakas ng boses nito. Pero, tatawa pa rin siya dahil hindi bibilis ang raid nila kundi sa maagap niyang mga kilos.
Ano kaya ang gagawin niya sa babaeng ito?
She will not punch her.
No! It’s a big no. Hindi rin naman siya nananakit ng kapwa niya babae bagkus ipinagtatanggol pa niya ang mga ito.
Tumikhim siya at iba na lang ang kanyang ginawa. “Padala ako ng agency. Ako ang bago ninyong kasambahay. Kaya nice to meet you?” she extended her hands for the woman to shake it. Ipinagpasalamat niya na bumalik na ang control niya sa sarili.
Nanakit ang dalawang pisngi niya sa kakangiti. Ganito pala kapag peke ang ibinibigay mong ngiti, ano? Minsan lang siya ngumiti kaya dapat hindi iyon masayang.
“Bakit hindi ko alam iyan?” naguguluhan nitong tanong. “Alam ko ang latest chika na nangyayari sa bahay na ito.”
Itinago niya ang ngisi sa labi. Para lang kaharap niya si Shaira. “Ayos lang iyon, miss. Hindi naman ikaw si Mrs. Fernando upang ipabatid pa sa iyo ang bawat kilos na gagawin sa bahay? Hindi ba?” painosente niyang tanong.
Pinandilatan siya ng babae.
“Oly!” Boses panlalaki ang tumawag sa babaeng kaharap niya.
Tumalikod ang sinasabing Oly.
Gusto niyang sumilip sa bahay na pagmamay-ari ng mga Fernando pero nakaharang sa paningin miya ang malapad nitong balikat.
Napaismid siya.
Dahil nga wala siyang ibang magawa, pinag-ekis niya ang dalawang kamay sa dibdib.
Ano ba iyong pinag-uusapan nila? tanong niya sa sarili.
Wala siyang marinig. Pero gusto niyang makinig sa pinag-usapan nila. Baka may makuha siyang impormasyon tungkol sa misyon niya.
Hindi talaga niya makuha.
Sa pagkakaalam niya, isang sikat na negosyante si Kadriel Fernando samantalang kilala naman sa kalakal ng ilegal na mga armas si Pantio. Paano nagkakilala ang dalawa? At bakit naman pag-iinteresan ni Pantio ang buhay ni Fernando?
Hinintay niyang matapos si Oly sa pakikipag-usap nito. Ilang sandali lamang, bumukas na ang dalawang gate.
Isang itim na magarang sasakyan ang palabas.
Nakalabas ang ulo ng isang lalaki sa bintana ng sasakyan. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil naka-side view ito sa kanya.
Sino ba ang lalaking iyon? Naka-shades pa. Baka anak ni Kadriel Fernando.
Anim na bodyguards ang nakapalibot sa sasakyan at palinga-linga sa paligid, nakasuot ng tuxedo.
Mahal na mahal siguro ni Kadriel Fernando ang anak nito at nagawa pang kumuha ng mga bodyguards.
Napakaswerteng anak.
Hindi niya naramdaman ang pagmamahal na iyon sa sariling mga magulang.
Napailing siya.
Hindi ito ang tamang oras upang sariwain ang masasakit niyang nakaraan. Kailangan niyang magpokus sa trabaho.
Bumukas ang isa pang pinto ng sasakyan.
Nalaglag ang panga niya nang makilala iyon. Si Benedict?
Ngumisi si Benedict nang makita ang reaksyon niya at pasimpleng tumango. Pagkatapos, muli itong umayos ng upo sa tabi ng lalaking kumausap kay Oly.
Being Charinda who had a little patience, she intervened in the conversations of the two.
She stepped forward at tumayo sa bintana ng inaasahan niyang anak ni Kadriel Fernando.
She gave him her sweetest smile. Fake nga lang. Better fake than nothing at all. “Hi, sir. Ako nga pala si Charinda Bacat, bago ninyong kasambahay,” pagpapakilala niya sa sarili. Well, she had this feeling that he’s one of the bosses but where is the old man? “Shake hands po tayo, Sir.”
Inilahad niya ang kamay sa lalaki.
You better shake my hand, saad niya sa sarili.
Ngunit hindi iyon tinanggap ng lalaki.
He merely glanced at her and returned his attention to Oly.
Arrogant!
Umakyat ang dugo niya na kasingtaas ng Mount Everest.
Ikaw!
Nakita niya kung paano pigilan ni Benedict ang tawa nito dahil sa pagkapahiya niya. Hindi pa rin niya ibinaba ang kamay.
Uminit ang mukha niya.
Hindi birong mapahiya sa harap ng maraming tao.
“Oly, tulungan mo siya na hanapin ang kwarto niya. Marami pa akong gagawin. Mang Danilo, tayo na.”
Tumaas ang bintana ng sasakyan hanggang umandar ito.
Naiwan sila ni Oly. Nakatayo.
Napaawang ang bibig niya.
Walang modo!
“Ingat po, Sir Kadriel,” saad ni Oly na kinikilig.
Marahas siyang napatingin sa kumakaway na si Oly.
What? Si Kadriel Fernando ang lalaking iyon? But she imagined a horrible old man, yet the reality made it difficult for her.
Inirapan siya ni Oly. “Ano na, Day? Pahiya ang beauty mo?” tanong ni Oly at nagpakawala ng isang nakakairitang halakhak.
Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan, subalit tinubuan na siya ng inis para sa babae.
Nanliit ang mata ni Charinda hanggang sinabayan na niya ang malulutong nitong halakhak.
Pero sa kanya, mas nakakairita at mas baliw pakinggan na kung maririnig mo iyon ang magsisitindigan ang balahibo kahit na hindi pa umaabot ang Nobyembre 2.
“Anong tinatawa-tawa mo riyan?” asik nito sa kanya na parang nainsulto sa ginawa niya.
Kumurap-kurap siya.
“Bakit? Kasalanan na ba ang pagtawa ngayon? Eh, iyon na yata ang pangalawa na libre dito sa mundo maliban sa mangarap. Huwag mong sabihing nainsulto ka dahil mas maganda pa ang tawa ko sa iyo?” tanong niya. She had a sweet smile on her face.
Napailing ang mga bodyguard bago sila iwan.
Bumukas at sumara ang bibig ni Oly bago rumehistro ang galit sa mukha nito. “Diyan ka na nga! Wala akong panahon sa mga baliw! Hanapin mo iyong kwarto mong mag-isa,” sabi nito bago padabog na umalis.
Nang makita niyang wala na talaga si Oly, “Akala mo kaya mo si Charinda? Nagkakamali ka,” bulong niya sa sarili.
SA HULI, si Charinda na nga ang naghanap sa servant’s quarter.
Halos malaglag ang panga niya nang maikot ang buong lugar. The place was not merely a house but a mansion! Napapalibutan ang mansiyon ng mga puno at may nakita rin siyang garden na may swing. Halos lahat, milyones ang halaga ng mga gamit.
Hindi lang mga gamit ang tiningnan niya kundi ang security ng lugar. Wala siyang makita na mga bodyguards sa paligid ngunit alam niyang nasa paligid lang ang mga ito, nagmamatyag.
Hindi na nakapagtatakang ganoon na lamang ang pagpapapansin ni Oly kay Kadriel. Mayaman naman talaga ang lalaki. Sobrang yaman pa nga nito. Bilyonaryong-bilyonaryo. This house was one of the proof sa mga yaman nito.
“Good morning,” bati niya sa lahat ng mga taong nasasalubong.
Dapat na magiliw siya magiliw sapagkat kukunin niya ang lahat ng tiwala ng mga tao upang madali niyang makuha ang mga impormasyong kinakailangan.
Napangiti si Charinda.
Isang napakatalinong plano.
Ayon sa kalkulasyon niya, kung susundin niya ang planong iyon, madali lamang niyang matapos ang misyon kung susundin ang planong iyon.
Mas lalong lumaki ang pagkakangiti niya.
She’s a genius.
“Ineng, hindi ka ba nalipasan ng gutom?” tanong ng isang matandang babae.
Nag-aalalang lumapit umapit ito sa kanya na mas lalong nagpalaki sa edad nito.
Kaparehas nito ang suot ni Oly.
Muli siyang napangiti.
Ano kaya ang hitsura nito kapag above the knee ang suot nito at hapit na hapit pa sa katawan ng babae ang damit ?
“Nalipasan ka nga ng gutom. Tana. Pumunta tayo sa kusina at nang makapag-almusal ka na.”
Hinawakan ng matanda ang kamay niya at nagpatangay na lamang rito. Papaano malilipasan ang isang tao kung hindi pa nga sumasapit ang alas siyete ng umaga?
Tapos na siyang kumain kanina pero wala namang masama kung kakain siya ulit.
Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag
TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict
Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa
PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin
Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n
“Did you not miss him?” tanong ng Tito Sandro niya kay Charinda.“Sino?” nababagot niyang tanong.Isang linggo na ang nakalipas mula ng masesante siya bilang yaya. Hindi rin niya nadalaw si Kent sa bahay ni Fernando. Wala rin naman siyang plano. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili?Shaira already mocked her. As well as her other co-workers. Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tinanggal siya sa trabaho for being incompetent. Pananakot pa ng mga ito baka sa susunod ay tanggalin na mismo siya sa trabaho dahil sa sobrang init ng ulo niya.The hell she will let that happen. Over her dead body. Dugo at pawis ang puhunan niya upang makapasok sa PA. At hindi niya hahayaang basta na lang ito biglang mawala.Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa ng tito niya at hindi rin naman ito nagsalita sa inakto niya. Ngayong sila lang dalawa, he was her Tito Sandro at siya ang pamangkin nito.Katatapos lang ng kanilang operation at nang makarating sa PA, nagbabad siya sa opisina ng tiyuhin.
Going back to Fernando’s mansion felt different. Iyan ang naramdaman ni Charinda habang dala ang bag na may mga damit niya at iba pang essentials. Kaunti lang ang dinala niya. Sigurado naman siyang hindi siya matatagalan dito. The bastard who attempted to harm the Fernando’s will be captured. She will make sure of that.Malapad ang ngiti na sinalubong siya ni Benedict sa gate. The man was constantly asking her kung kailan siya babalik sa mansiyon ng mga Fernando. Para lang matigil ito sa pangungulit sa kanya, nag-reply na lang siya ng isang text at nagsabing ngayon din.Benedict was the only one happy to see her. Maasim ang mukha ng ibang kasambahay na nasasalubong niya. Maybe the news about what happened at that school flew faster than she could imagine. Hindi naman siya affected sa kahit na anong sasabihin ng mga ito. Kahit na mag-decompose ang mga bibig ng mga ito sa pag-tsismis tungkol sa kanya, wala. Siyang. Pakialam. Period.Everything were temporary.Aalis din siya kaya hindi n
"Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm
Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko
SINURI ni Charinda ang kinalalagyan niya. Nasa kulungan siya. Nilatagan ng mga dayami ang sahig at mapanghi ang amoy sa paligid. Masyadong pulido ang mga harang sa mga bintana at mahihirapan siyang baliin iyon. Pero nasaan si Fernando? Bakit wala ito sa kwartong kinalalagyan niya?“Sumunod ka kung gusto mong makita ang hinahanap mo.” Nasa labas si Pantio. Nakatingin sa kanya. “Buksan ninyo ang silda.” Isa sa mga tauhan nito ang lumapit na may dalang malaking susi. Ilang sandali lamang, nasa labas na siya.As they were walking, she made sure to drink every important details of the place. Sa kanilang tabi, may mga kahon na nakatambak. Isang lalaki ang nagbukas ng isa sa mga iyon at inilabas ang kumikinang na baby armalite. Kung ganoon, ito ang pagawaan ng mga baril. Dito lang pala itinatago ni Pantio ang mga baril nito. Ilang taon na ring hinahanap ng mga pulisya at NBI ang lugar na ito ngunit hindi nila makita.“ How is your business?”“Successful and keep on expanding. May mga kusto
“SINO BANG hinahanap natin?” tanong ni Fernando kay Charinda sa hindi na niya mabilang na beses. Iritadong tiningnan niya ito. Sakay silang dalawa sa sasakyan ng lalaki. Wala sana siyang planong dalhin ito dahil isang napakalaking abala lang sa gagawin niya, subalit masyadong makulit ang lalaki at ang gusto ay samahan siya. And she brought him with her. At isa iyon sa pinagsisihan niya. Fernando kept on asking her questions at kaunti na lang talaga at hihilahin na niya ito pabalik sa ospital. “I told you a couple of times already, right? We are going to Benedict. Kailangan ko siyang makita.”Napatigil ang lalaki at sumandal sa pader.Nasa paradahan sila ng mga sasakyan, sa labas ng ospital. Mangilan-ngilan lamang ang mga tao. Siguro dahil iwas sa masakit na sikat ng araw. “Why? You can text him, Charinda,” paalala nito. “Hindi kailangang maghintay tayo rito na para bang mga kriminal.”Napabuntong-hininga siya.It was a mistake bringing him alone.“What?” tanong nito nang hindi ni
Laglag ang balikat na bumalik si Charinda sa room ni Tito Sandro. Laman pa rin ng isipan niya ang text na pinadala ni Oman. The man was very vocal when it comes to his feelings, pero iba pa rin ang impact kapag nabasa niya ang nilalaman ng puso nito. Mahina niyang sinampal ang magkabilang pisngi. What happened was already done. Hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat ng mga salitang sinabi na niya. Humugot siya nang sunod-sunod na hininga. Hindi dapat ganito ang mukhang isasalubong niya kay Fernando. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. After taking a deep breath, Charinda knocked on the door and opened it. “What’s up? Nag-usap na kayong dalawa ni Teacher Oman?” pa-chill na tanong nito sa kanya. Nanulis ang nguso niya. Hindi man lang nito nagawang magtaas ng tingin. He was working on his laptop. “Did your secretary come here?” “No. Kasali ang laptop sa pinadala ko kay Oly. You did not answer my question, Charinda.” “We did.” “And?” tanong nito, hindi pa rin magawang mag
Nagpalingon-lingon si Charinda.Saan na ba ang lalaking iyon? Bakit ang bilis maglakad? Tito Sandro’s room was found on the third floor at nasa second floor na siya ng ospital. Ilang beses na siyang nakakasalubong ng mga pasyente at doktor ngunit hindi pa rin niya makita ang lalaki.Tumingin siya sa ibaba. There. She saw him! Nasa ground floor na ito!“Oman!” tawag ni Charinda sa lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na animo nagmamadaling makaalis sa ospital.Damn it.Galit ba ito sa eksenang natagpuan? There was some chance na galit nga ito sa kanya. She remembered telling him na bibigyan niya ito ng chance na ipakita kung gaano siya nito kamahal. Pagkatapos, iyon ang eksenang makikita nito?Ugh.She messed up.Baka akala nito at two timer siya. Namamangka sa dalawang ilog.“Oman!” sigaw niya.Napatingin sa direksyon niya ang ibang mga pasyente.Isang mura na naman ang pinakawalan niya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong tumigil?Sensing he had no plans to talk to him, she ran after hi
Kadriel FernandoNaalimpungatan si Fernando. May nakadagan sa kanyang dibdib. Isang mabigat na bagay. He opened his eyes and saw it was Charinda beside him. Sleeping. Nakatagilid ito at nakanganga ang bibig habang salubong ang kilay.Charinda moaned and her face contorted in pain.What was she dreaming right now?Using his fingertips, he straightened her furrowed brows. She leaned on his touch and snuggled closer to him.Damn.Charinda’s scent knocked him off. He was not the type of bastard who would take advantage of a woman especially if she was on her weakness point but her lips were inviting him to kiss her.Fernando gulped.Why were her lips so red and plump?He hardened down there and mentally kicked himself.The woman trusted him right now at hindi niya dapat ito i-take advantage.Be a good boy, Fernando and resist whatever temptation. Even if you got a boner down there.It was still five o’clock in the morning. Malayo-layo pa ang kailangan niyang hintayin bago magising ang bab
SA ISANG kwarto dinala si Charinda ni Agent Lapinig. Malaki ang kwarto at kumpleto sa halos lahat ng mga gamit. Hindi na niya gaanong pinansin ang iba pang nasa loob ng kwarto. She found him on the bed, sleeping. May kadena ang mga kamay nito. As if sensing that he was not alone, he woke. Kasabay ng pagbangon nito ay ang pagprotesta ng kadena. It created a tune that was out of place for the mood right now. Naglakbay ang mga mata ni Pantio at tumigil sa kanila. Lumamlam ang mga mata nito nang makita siya. Muntik na siyang maniwala sa emosyong nakita niya sa mga mata nito, subalit ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang maging rational at hindi puso ang sinusunod. “Charinda?” “See? Look at his expression.”Mukhang totoo naman ang ipinakita nitong pagkabigla.Sumandal siya sa pader. “Iwan mo muna kami, Lapinig.”“Hindi pwede. Baka mapatay mo siya.”Charinda let out an exaggerated sigh. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo ay matigas din ang ulo, aniya sa
Charinda Delos ReyesCharinda was out for blood. Wala ng iba pang naglalaro sa isipan ni Charinda kundi pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito. Hindi siya makakapayag na manatiling malaya ang taong iyon. Kung kinakailangan niyang lumabag sa batas, gagawin niya. If Tito Sandro will know what was running in her mind, baka hindi nito magugustuhan ang gusto niyang gawin.However, hindi pwedeng wala siyang gawin. They will pay. Whoever that jerk was. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya ng heneral. They even treated her like their own child. She looked at her watch. Pasado alas dos na ng madaling araw. May gising pa kaya? Gising pa kaya ang gonggong na iyon? Iginarahe niya sa tabi ang SUV at pumasok sa loob ng bahay. This was a secluded place. Kaunti lang ang nakakaalam. At kung mayroon mang isang outsider na makakapasok, they will never see the way on how to get here. Itinago ng heneral ang lalaki sapagkat gusto pa nitong makasiguro na si Pant