Share

05

last update Huling Na-update: 2022-05-01 09:54:56

Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.

So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.

Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind.  

Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pinagpiyestahan ng mga lamok. The man should start going home early para hindi nito mapurwisyo ang mga taong naghihintay rito.

“Why am I doing this?” paulit- ulit niyang tanong sa sarili. “It looked like I am his slave waiting for him.”

Which she was not satisfied, by the way. She should be sleeping right now or studying. Or even reading. O kahit ano-anong gusto niyang gawin. Not this. Waiting for someone na wala siyang ideya kung darating ba o hindi.

It was already ten o’clock in the evening.

Mukhang siya lang ang gising sa mga oras na ito.

Sa lahat ng cover na pwede niyang gawin, bakit kasambahay pa ang sinabi ng heneral? Mas maganda siguro kung naging secretary siya ni Fernando. That way, mas madali niya itong mababantayan.

Tatawagan niya mamaya ang heneral para tanungin ang duties and resonsibilities niya sa lalaki.

Kung hindi lang niya trabahong tiyakin na maayos ang kalagayan ni Fernando, hinding-hindi niya gagawin ang bagay na ito. It’s such a waste of her time. There’s still so much thing that she needs to do, but here she was, stucked with the bloodsuckers. Mas nakakainis din na hindi siya nakapag-apply ng lotion to fight against the mosquitoes.

Argh.

H*****k sa kanyang pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Naipangkrus niya ang magkabilang braso sa dalawa niyang balikat. She inhaled the sweet smell of air, enveloping her. She wondered how the air tastes so sweet, even if they were beside the road.

Mangilan-ngilan na lamang ang mga sasakyang napapadaan. Nakakainggit ang mga hilik ng mga taong payapa na naghihilik sa kani-kanilang mga bahay.

Manaka-maka na lang ang mga busina ng mga sasakyang kanyang naririnig.

It was already past ten o’clock  ng gabi at wala pa si Fernando. Baka nga nakipag-date talaga ito sa girlfriend nito?

Ano bang gagawin niya para malibang? Pinapatay na siya ng pagkabagot. This was the most frustrating moment of her life. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong pinaghihintay siya.

She then let her eyes wonder on the undiscovered beauty of the environment. Nakayuko na ngumingiti ang palakaibigang buwan sa kanya samantalang nakatayo lamang sa tabi nito ang sundalo nitong bituin. But like the people, some of the stars traveled as far as their feet carried them. Stubborn as always. And when they spotted her, they winked.

Hinubad niya ang tsinelas na suot.

Dahan-dahan niyang itinapak ang mga paa sa berdeng damuhan. Napaigtad siya nang kilitiin siya ng maliliit natalahib ng mga halaman. Then, she then slowly paced. It was uncertain at first, as if she was afraid that a venomous snake will be astray and will bite her. Then, it became fast with certainty that nobody will harm her because she knew how to defend herself. Hinayaan niyang tuklasin ng kanyang mga paa ang malalagim na sikreto ng kanyang tinatapakan.

Naaliw siya sa kanyang ginagawa kaya tumakbo siya na parang bata. Na parang isang ibong bago lamang pakawala sa hawlang ginto na kanyang naging kulungan sa mahabang panahon. Sa sandaling iyon, nalalasapan niya ang kalayaan. Kalayaan mula sa pighati ng kanyang buhay. Kalayaan mula sa mapait niyang karanasan noong bata pa lamang siya.

Gusto niyang isigaw ang lahat ng frustrations niya sa buhay. Gusto niyang sumbatan ang mundo…subalit hindi niya magawa. Malaya nga siya, ngunit panandalian lamang iyon. May hangganan naman talaga ang bawat bagay. Pansamantala mo lamang mararanasan ang tagumpay at kapag napalapit na ito sa puso mo at hindi mo na siya kayang bitiwan, doon ito dagliang mawawala na parang bula.

Napatigil siya sa kanyang paglalaro nang isang busina ng sasakyan ang kanyang narinig. Umikot ang kanyang leeg at tumigil sa may gate. Bumalik ang kanyang isipan sa realidad. Isang katotohanan na tunay nga siyang bilanggo sa lugar na ito.

She rolled her eyes.

Sa wakas, dumating rin ang mahal na hari.  

Bumalik siya sa kinahihimlayan ng sapin niya sa paa at muli iyong isinuot. Marahan niyang nilingon ang mga damong minsan niyang naging kalaro ng gabing iyon. Napabuntong-hininga siya. Ipinilig niya ang ulo. Natapos na ang pantasya.

Tumayo siya sa gilid ng pintuan at naiinip na hinintay si Fernando.

Nang mabungaran ang binata, isang matamis na ngiti ang hinanda niya.

The client was safe and sound. Good.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki.

Naging malikot ang mga mata ni Charinda. She was checking for some potential threats around the vicinity and found none. Clear.

Fernando looked dashing in his suit. Gabi na pero na-maintain pa rin nito ang kapogian nito. However, his posture seemed tired.

“Magandang gabi, Sir. Ano pong gusto ninyo? Gusto niyo po ng juice? Coffee? Or anything?” magalang niyang alok kay Fernando.

“Be kind, Charinda. Control yourself.” Paulit-ulit niya iyong pinapaalala sa sarili. Nagtuloy-tuloy si Fernando na wala man lang ni isang salita na ibinalik sa kanya.

Para siyang isang buntot na sunod ng sunod sa lalaki nang makapasok na ito sa loob ng bahay.

Umupo si Fernando sa isang sopa at ipinikit ang mga mata nito.

Tumaas ang kanyang kilay. Hindi man lang umimik sa kanya? Binigyan niya ang lalaki ng nakakamatay na tingin. She couldn’t stand in front of him all night. Walang gamot para sa varicose veins!

Napakamot siya sa kanyang kamay. Mannerism niya iyon kung gustong-gusto na niyang suntukin ang isang tao. Nilanghap niya ang lahat ng hangin sa paligid hanggang umangal ang kaawa-awa niyang baga.

Relax, Charinda. Chill. Ipinagpatuloy niya ang mga katagang  iyon hanggang sa kumalma siya.

“Pwede ka ng matulog. I don’t need your service,” wika ng lalaki habang nakapikit.

Ganoon lang iyon? Pagkatapos niyang tumayo sa harap nito ng limang minuto, sasabihan siyang pwede ng matulog?

“Hindi mo talaga nakikita ang effort ng isang tao, ano?” hindi niya napigilang sabihin. She can say anything as long as she wants. Hindi naman siya pinagbawalan ng amo niya na i-filter ang mga salita niya.

Marahas na napamulat si Fernando. Kumunot ang noo nito. “Hindi kita kinuha upang magpapansin sa iyong amo. If you have any plans of flirting with me, you better pack your things and leave.”

Nagpanteng ang dalawa niyang tenga? Nabingi pa siya o totoo iyong narinig niya? “Pardon?”

“You are here to do the households and not to entertain your boss nor flirt with him,” direktang wika ng lalaki. “I didn’t pay you for that,” seryoso pa rin nitong wika.

Oh right. Hindi alam ni Kadriel na isa rin siya sa mga taong protector nito. Ang alam nito ay ang lalaking kasamahan niya sa agency ang nakatukang bantayan ang lalaki.

People’s Agency.

Isa sila sa ahensya sa bansa na nakikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya upang resulbahin ang iba’t ibang krimen. Nagbibigay rin sila ng witness protection program at protection program para sa nangangailangan. In short, katuwang sila ng gobyerno upang matapos na ang lumalalang krimen dito sa bansa.

Itinago niya ang kanyang kamay sa likuran.

She maintained her coolness but inside her blood was boiling with anger.

Relax, Charinda. “Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito, Sir,” may diin sa bawat salita niyang wika.

“Mali na pala ngayon na hintayin ng isang kasambahay ang amo niya upang tanungin kung gusto nito ng maiinom?  Kung alam ko pa sana, hindi na sana ako nagpuyat sa paghihintay sa iyo. Maiwan na nga kita at baka mauwi sa kung saan ang pag-uusap na ito.” Pagkatapos noon ay tumalikod siyang nagngingitngit pa rin ang kalooban.

“I have no time to date,” dagdag pa nito sa kanya kahit papalayo na siya.

Marahas niyang hinarap ito. “Bakit? Gusto ba kita? Well, excuse me, Sir,” aniya na binigyan ng diin ang salitang sir. “Hindi ka pumasa sa standards ko. Good evening.”

Naiwan itong tigalgal.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Protector   06

    Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag

    Huling Na-update : 2022-05-01
  • The Billionaire's Protector   07

    TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict

    Huling Na-update : 2022-05-03
  • The Billionaire's Protector   08

    Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa

    Huling Na-update : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   09

    PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin

    Huling Na-update : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   10

    Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n

    Huling Na-update : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   11

    “Did you not miss him?” tanong ng Tito Sandro niya kay Charinda.“Sino?” nababagot niyang tanong.Isang linggo na ang nakalipas mula ng masesante siya bilang yaya. Hindi rin niya nadalaw si Kent sa bahay ni Fernando. Wala rin naman siyang plano. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili?Shaira already mocked her. As well as her other co-workers. Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tinanggal siya sa trabaho for being incompetent. Pananakot pa ng mga ito baka sa susunod ay tanggalin na mismo siya sa trabaho dahil sa sobrang init ng ulo niya.The hell she will let that happen. Over her dead body. Dugo at pawis ang puhunan niya upang makapasok sa PA. At hindi niya hahayaang basta na lang ito biglang mawala.Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa ng tito niya at hindi rin naman ito nagsalita sa inakto niya. Ngayong sila lang dalawa, he was her Tito Sandro at siya ang pamangkin nito.Katatapos lang ng kanilang operation at nang makarating sa PA, nagbabad siya sa opisina ng tiyuhin.

    Huling Na-update : 2022-05-19
  • The Billionaire's Protector   12

    Going back to Fernando’s mansion felt different. Iyan ang naramdaman ni Charinda habang dala ang bag na may mga damit niya at iba pang essentials. Kaunti lang ang dinala niya. Sigurado naman siyang hindi siya matatagalan dito. The bastard who attempted to harm the Fernando’s will be captured. She will make sure of that.Malapad ang ngiti na sinalubong siya ni Benedict sa gate. The man was constantly asking her kung kailan siya babalik sa mansiyon ng mga Fernando. Para lang matigil ito sa pangungulit sa kanya, nag-reply na lang siya ng isang text at nagsabing ngayon din.Benedict was the only one happy to see her. Maasim ang mukha ng ibang kasambahay na nasasalubong niya. Maybe the news about what happened at that school flew faster than she could imagine. Hindi naman siya affected sa kahit na anong sasabihin ng mga ito. Kahit na mag-decompose ang mga bibig ng mga ito sa pag-tsismis tungkol sa kanya, wala. Siyang. Pakialam. Period.Everything were temporary.Aalis din siya kaya hindi n

    Huling Na-update : 2022-05-25
  • The Billionaire's Protector   13

    Charinda got bored scanning her newsfeed on the different social media platforms she logged in so she opted to stay in the living room and watch some action movies. Instead, ibang action ang nakita niya and settled for it.It was already eleven o’clock in the evening, yet sleep was elusive. Kahit anong posisyon ang gawin niya sa pagtulog, hindi pa rin niya magawang matulog. Different thoughts were bothering her. Hindi niya magawang i-mute ang mga ito kahit anong pag-divert ang gawin niya. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ni Charinda kay Fernando nang ibigay nito ang isang kopita sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya.Isang palabas tungkol sa mag-asawang nasira ang relasyon dahil sa kalaguyo ng babae. She was too engrossed with watching that she failed to notice his presence.Umayos siya ng upo sa sopa habang matiim na nakatingin sa kopita.Fernando never failed to surprise her.“Alak,” tipid na sagot ng lalaki. “Let’s unwind from this stressful days.”Tumabi ito. Nang

    Huling Na-update : 2022-05-25

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Protector   Epilogue

    "Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm

  • The Billionaire's Protector   76.

    Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko

  • The Billionaire's Protector   75

    SINURI ni Charinda ang kinalalagyan niya. Nasa kulungan siya. Nilatagan ng mga dayami ang sahig at mapanghi ang amoy sa paligid. Masyadong pulido ang mga harang sa mga bintana at mahihirapan siyang baliin iyon. Pero nasaan si Fernando? Bakit wala ito sa kwartong kinalalagyan niya?“Sumunod ka kung gusto mong makita ang hinahanap mo.” Nasa labas si Pantio. Nakatingin sa kanya. “Buksan ninyo ang silda.” Isa sa mga tauhan nito ang lumapit na may dalang malaking susi. Ilang sandali lamang, nasa labas na siya.As they were walking, she made sure to drink every important details of the place. Sa kanilang tabi, may mga kahon na nakatambak. Isang lalaki ang nagbukas ng isa sa mga iyon at inilabas ang kumikinang na baby armalite. Kung ganoon, ito ang pagawaan ng mga baril. Dito lang pala itinatago ni Pantio ang mga baril nito. Ilang taon na ring hinahanap ng mga pulisya at NBI ang lugar na ito ngunit hindi nila makita.“ How is your business?”“Successful and keep on expanding. May mga kusto

  • The Billionaire's Protector   74

    “SINO BANG hinahanap natin?” tanong ni Fernando kay Charinda sa hindi na niya mabilang na beses. Iritadong tiningnan niya ito. Sakay silang dalawa sa sasakyan ng lalaki. Wala sana siyang planong dalhin ito dahil isang napakalaking abala lang sa gagawin niya, subalit masyadong makulit ang lalaki at ang gusto ay samahan siya. And she brought him with her. At isa iyon sa pinagsisihan niya. Fernando kept on asking her questions at kaunti na lang talaga at hihilahin na niya ito pabalik sa ospital. “I told you a couple of times already, right? We are going to Benedict. Kailangan ko siyang makita.”Napatigil ang lalaki at sumandal sa pader.Nasa paradahan sila ng mga sasakyan, sa labas ng ospital. Mangilan-ngilan lamang ang mga tao. Siguro dahil iwas sa masakit na sikat ng araw. “Why? You can text him, Charinda,” paalala nito. “Hindi kailangang maghintay tayo rito na para bang mga kriminal.”Napabuntong-hininga siya.It was a mistake bringing him alone.“What?” tanong nito nang hindi ni

  • The Billionaire's Protector   73

    Laglag ang balikat na bumalik si Charinda sa room ni Tito Sandro. Laman pa rin ng isipan niya ang text na pinadala ni Oman. The man was very vocal when it comes to his feelings, pero iba pa rin ang impact kapag nabasa niya ang nilalaman ng puso nito. Mahina niyang sinampal ang magkabilang pisngi. What happened was already done. Hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat ng mga salitang sinabi na niya. Humugot siya nang sunod-sunod na hininga. Hindi dapat ganito ang mukhang isasalubong niya kay Fernando. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. After taking a deep breath, Charinda knocked on the door and opened it. “What’s up? Nag-usap na kayong dalawa ni Teacher Oman?” pa-chill na tanong nito sa kanya. Nanulis ang nguso niya. Hindi man lang nito nagawang magtaas ng tingin. He was working on his laptop. “Did your secretary come here?” “No. Kasali ang laptop sa pinadala ko kay Oly. You did not answer my question, Charinda.” “We did.” “And?” tanong nito, hindi pa rin magawang mag

  • The Billionaire's Protector   72

    Nagpalingon-lingon si Charinda.Saan na ba ang lalaking iyon? Bakit ang bilis maglakad? Tito Sandro’s room was found on the third floor at nasa second floor na siya ng ospital. Ilang beses na siyang nakakasalubong ng mga pasyente at doktor ngunit hindi pa rin niya makita ang lalaki.Tumingin siya sa ibaba. There. She saw him! Nasa ground floor na ito!“Oman!” tawag ni Charinda sa lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na animo nagmamadaling makaalis sa ospital.Damn it.Galit ba ito sa eksenang natagpuan? There was some chance na galit nga ito sa kanya. She remembered telling him na bibigyan niya ito ng chance na ipakita kung gaano siya nito kamahal. Pagkatapos, iyon ang eksenang makikita nito?Ugh.She messed up.Baka akala nito at two timer siya. Namamangka sa dalawang ilog.“Oman!” sigaw niya.Napatingin sa direksyon niya ang ibang mga pasyente.Isang mura na naman ang pinakawalan niya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong tumigil?Sensing he had no plans to talk to him, she ran after hi

  • The Billionaire's Protector   71

    Kadriel FernandoNaalimpungatan si Fernando. May nakadagan sa kanyang dibdib. Isang mabigat na bagay. He opened his eyes and saw it was Charinda beside him. Sleeping. Nakatagilid ito at nakanganga ang bibig habang salubong ang kilay.Charinda moaned and her face contorted in pain.What was she dreaming right now?Using his fingertips, he straightened her furrowed brows. She leaned on his touch and snuggled closer to him.Damn.Charinda’s scent knocked him off. He was not the type of bastard who would take advantage of a woman especially if she was on her weakness point but her lips were inviting him to kiss her.Fernando gulped.Why were her lips so red and plump?He hardened down there and mentally kicked himself.The woman trusted him right now at hindi niya dapat ito i-take advantage.Be a good boy, Fernando and resist whatever temptation. Even if you got a boner down there.It was still five o’clock in the morning. Malayo-layo pa ang kailangan niyang hintayin bago magising ang bab

  • The Billionaire's Protector   70

    SA ISANG kwarto dinala si Charinda ni Agent Lapinig. Malaki ang kwarto at kumpleto sa halos lahat ng mga gamit. Hindi na niya gaanong pinansin ang iba pang nasa loob ng kwarto. She found him on the bed, sleeping. May kadena ang mga kamay nito. As if sensing that he was not alone, he woke. Kasabay ng pagbangon nito ay ang pagprotesta ng kadena. It created a tune that was out of place for the mood right now. Naglakbay ang mga mata ni Pantio at tumigil sa kanila. Lumamlam ang mga mata nito nang makita siya. Muntik na siyang maniwala sa emosyong nakita niya sa mga mata nito, subalit ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang maging rational at hindi puso ang sinusunod. “Charinda?” “See? Look at his expression.”Mukhang totoo naman ang ipinakita nitong pagkabigla.Sumandal siya sa pader. “Iwan mo muna kami, Lapinig.”“Hindi pwede. Baka mapatay mo siya.”Charinda let out an exaggerated sigh. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo ay matigas din ang ulo, aniya sa

  • The Billionaire's Protector   69

    Charinda Delos ReyesCharinda was out for blood. Wala ng iba pang naglalaro sa isipan ni Charinda kundi pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito. Hindi siya makakapayag na manatiling malaya ang taong iyon. Kung kinakailangan niyang lumabag sa batas, gagawin niya. If Tito Sandro will know what was running in her mind, baka hindi nito magugustuhan ang gusto niyang gawin.However, hindi pwedeng wala siyang gawin. They will pay. Whoever that jerk was. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya ng heneral. They even treated her like their own child. She looked at her watch. Pasado alas dos na ng madaling araw. May gising pa kaya? Gising pa kaya ang gonggong na iyon? Iginarahe niya sa tabi ang SUV at pumasok sa loob ng bahay. This was a secluded place. Kaunti lang ang nakakaalam. At kung mayroon mang isang outsider na makakapasok, they will never see the way on how to get here. Itinago ng heneral ang lalaki sapagkat gusto pa nitong makasiguro na si Pant

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status