Share

08

last update Last Updated: 2022-05-12 11:23:33

Charinda was again bored.

Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.

As if she cared.

Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan.   

The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata papasok sa eskwelahan at pauwi sa kanya-kanyang mga bahay kung walang kukuha sa mga ito. Bawal din ang batang umalis sa school premises kung walang sundo. Magkagayunman, kailangan pa rin niyang maging mapanuri at huwag ibaba ang guard niya. Mahirap ng masalisihan ng mga kalaban.

Ilang oras na siyang naghihintay kay Kent na lumabas sa classroom nito, pero until now, hindi pa rin lumalabas ang bata. Ang sarap iwan ng batang iyon. Sa totoo lang.

“Yaya,Yaya!”

Hay salamat. Akala niya iiwan na niya ang batang ito sa sobrang tagal.

Umayos nang tayo si Charinda nang marinig ang tawag na iyon. Uwian na ngunit hindi sila uuwi sa bahay. Kabilin-bilinan sa kanya ni Fernando na doon na muna raw sila sa paaralan dahil mas safe ang paligid. Good thing she brought lunch with her. Kasya na ito sa kanilang dalawa ng bata.

Magaan ang takbo ng batang papalapit sa kanya. Namumula ang magkabilang pisngi nito at tagtag ng pawis ang noo.

Binabaha ng mga bata ang cafeteria.

Nakahilera ang mga mahabang mga mesa na pinarisan ng mga upuan. Dirty trays were stacked up at some of the used tables. Nagkukumahog sa pagsusukli ang cash register. The doors banged open and shut signaling that another group of boisterous kids will enter together with their nannies. May mga batang takbo nang takbo; mayroon ding kampante lamang ang lakad na para bang hindi naghihintay ang ilan sa mga magulang nila.

Pumailanlang ang napakasarap na amoy ng ginisang sibuyas mula sa kusina.

Kumalam ang sikmura niya. 

Hindi magkandaugaga ang ilan sa mga yaya sa pagsundo ng mga alaga nito. Pero siya? Hinihintay lamang niya si Kent na makarating sa kanya. Para saan pa? Noong bata siya, may naghintay ba sa kanya kapag uwian na? May mga magulang bang pupuri sa kanya kapag ipinakita niya ang napakaraming mga bituin sa kamay? Wala.

“Yaya!”

Ipinagsiksikan ni Kent ang maliit nitong katawan sa iba pang malulusog na mga bata. Kapag siguro nagka-stampede, siguradong madadaganan lamang ito. Ilang minuto, nasa harapan na rin niya ang bata. 

Humalukipkip siya. “Gusto mo nang kumain? Bakit ang tagal mo?”

“Bakit hindi ni’yo ako pinuntahan doon sa room? I waited for you,” wika ng bata na humihingal.

Ah. So kailangan pa pala niya itong puntahan sa room nito? He wished. Kailangan niyang hindi ito tratuhing bata for him to learn faster. Because of his father’s position in the society, sigurado siyang madadagdagan pa ang panganib na kakaharapin nito.

Tumaas ang kilay niya. “Kailangan pa ba iyon? Hindi ba nag-usap tayo na dito lang magkikita sa cafeteria?” 

Nanlaki ang mga mata nito. “Hindi kita gusto, Yaya. Ang pangit mo rin!” pasigaw nitong wika. “I hate you!”

Hindi niya alam kung may nakarinig kay Kent sa kabila ng ingay ngunit napansin niya ang pagtigil ng ilan sa mga bata at yaya. Nakatingin ang mga ito sa direksyon nila. Ngunit kapag pinandidilatan niya ang mga ito ng mga mata, agad ding aalis.

They were scared of her. Good to know. There were nothing but nuisances. Gusto na niyang umuwi na lang sa bahay.

“Sinabi ko bang gusto rin kita? Pinapagod mo nga ako. At ayoko sa mga batang gaya mo.”

Pinangiliran ng luha ang mga mata ng bata. “I hate you. I hate you. Ayoko sa’yo. Gusto ko si Daddy.” Tumakbo ito palabas habang pinupunasan ang mga mata.

“Miss? Hindi mo ba susundan iyong alaga mo? Baka mapaano iyon!” Isang babaeng nasa kwarenta anyos ang nagsuhestiyon sa kanya. Kasalukuyan nitong sinusubuan ang isang nasa anim na taong gulang na batang babae. “Uso ang kidnapping dito dahil puros mayayaman ang nag-aaral dito.”

Umupo si Charinda sa bakal na upuan. “Huwag po kayong mag-alala sa batang iyon. Hindi naman iyon makakalabas sa eskwelahang ito. ‘Di ba hindi hinahayaan ng mga gwardiya na palabasin ang mga bata kapag wala itong matandang kasama? Maghintay ka lang. Babalik rin iyon,” kumpiyansang saad niya.

Gutom na rin ang batang iyon. Oras na kumalam ang sikmura nito, babalik ito sa kanya.  

Tumango ang babae. “Ikaw ang bahala, Miss. Basta sinabihan na kita. Mas mabuti na rin iyong nag-iingat. Hindi natin alam ang panahon.”

Kumpiyansa siyang hindi talaga makakalabas si Kent at kung balak nitong pumunta sa daddy nito, hindi ito makakapunta. 

Walang pera si Kent.

Ayaw nitong tumanggap ng kahit na anong baon kaya ibinigay sa kanya ni Fernando ang baon sana nito. Siya na lang ang bibili ng anumang naisin ng bata.

Kinalikot niya ang cell phone at tiningnan kung may importanteng text na ipinadala sa kanya. Ang tita lang niya ang nag-send ng text. Ang babae lang naman ang may panahong mag-message sa kanya dahil wala naman siyang kaibigan.

She typed a couple of words then pressed the word reply.

Ibinalik niya iyon sa kanyang salawal. Nababahala ito sapagkat hindi siya umuwi ng bahay. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan at hinayaan lang ang Tito Sandro na humanap ng rason. 

Ayaw na ayaw niyang magsinungaling sa tita niya subalit hindi rin naman pwedeng sabihin niya kung ano ang ginagawa niya ngayon. Malamang hihimatayin lang iyon sa sobrang takot kapag sinabi niyang kasalukuyan nilang tinutugis ang most wanted sa PA.

-----------

SAMPUNG minuto ang nakaraan subalit hindi pa rin bumabalik si Kent. 

Nagsimula ng kabahan si Charinda. 

Baka in-under-estimate lang niya si Kent at nakarating na iyon kay Fernando. Baka isumbong siya nito at pag nangyari iyon, Ms. Bacat, you are fired” na ang maririnig niya sa muli nilang pagkikita ni Fernando.

Tumayo siya. 

Hindi maari ito. 

Hindi siya dapat matanggal sa trabaho kahit na hindi niya gusto si Fernando.

Bumilis ang pintig ng puso ni Charinda nang hindi niya nakita si Kent. Nagtanong-tanong na siya sa ilan sa mga yaya, subalit walang batang nakita ang mga ito na nakasuot ng bag na Superman. 

Pumunta na rin siya sa guardhouse at wala din ang sagot nito.

Pinahid niya ang pawis na nagsisimulang lumabas sa kanyang balat. 

“Hindi pa nakakalabas ang bata,” paulit-ulit niyang wika sa sarili. 

Nasaan ba ang batang iyon?

Nagsimula na rin siyang pawisan. She never thought kakabahan siya ng ganito over some child. A spoiled brat. Makikita ng batang iyon. Patitikimin niya ito ng mahabang sermon oras na makita niya ito. Baka masanay itong palaging maglayas kung hindi niya pipigilan.

Mayamaya’y tumunog ang cell phone niya. Mabilis niya iyong kinuha sa bulsa. 

“Hello!” wika niya kahit hindi tinitingnan ang screen. “I’m busy right now. Mamaya ka na lang tumawag.”

“Why are you busy, Ms. Bacat? Si Kent lang naman ang binabantayan mo. Ibigay mo ang cell phone sa bata. Gusto kong makausap si Kent.”

Natigil siya sa paglakad. “Damn it.”

“Minumura mo ba ako, Miss Bacat? Answer me. I do not have the patience right now,” malamig na turan nito.

Related chapters

  • The Billionaire's Protector   09

    PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   10

    Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   11

    “Did you not miss him?” tanong ng Tito Sandro niya kay Charinda.“Sino?” nababagot niyang tanong.Isang linggo na ang nakalipas mula ng masesante siya bilang yaya. Hindi rin niya nadalaw si Kent sa bahay ni Fernando. Wala rin naman siyang plano. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili?Shaira already mocked her. As well as her other co-workers. Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tinanggal siya sa trabaho for being incompetent. Pananakot pa ng mga ito baka sa susunod ay tanggalin na mismo siya sa trabaho dahil sa sobrang init ng ulo niya.The hell she will let that happen. Over her dead body. Dugo at pawis ang puhunan niya upang makapasok sa PA. At hindi niya hahayaang basta na lang ito biglang mawala.Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa ng tito niya at hindi rin naman ito nagsalita sa inakto niya. Ngayong sila lang dalawa, he was her Tito Sandro at siya ang pamangkin nito.Katatapos lang ng kanilang operation at nang makarating sa PA, nagbabad siya sa opisina ng tiyuhin.

    Last Updated : 2022-05-19
  • The Billionaire's Protector   12

    Going back to Fernando’s mansion felt different. Iyan ang naramdaman ni Charinda habang dala ang bag na may mga damit niya at iba pang essentials. Kaunti lang ang dinala niya. Sigurado naman siyang hindi siya matatagalan dito. The bastard who attempted to harm the Fernando’s will be captured. She will make sure of that.Malapad ang ngiti na sinalubong siya ni Benedict sa gate. The man was constantly asking her kung kailan siya babalik sa mansiyon ng mga Fernando. Para lang matigil ito sa pangungulit sa kanya, nag-reply na lang siya ng isang text at nagsabing ngayon din.Benedict was the only one happy to see her. Maasim ang mukha ng ibang kasambahay na nasasalubong niya. Maybe the news about what happened at that school flew faster than she could imagine. Hindi naman siya affected sa kahit na anong sasabihin ng mga ito. Kahit na mag-decompose ang mga bibig ng mga ito sa pag-tsismis tungkol sa kanya, wala. Siyang. Pakialam. Period.Everything were temporary.Aalis din siya kaya hindi n

    Last Updated : 2022-05-25
  • The Billionaire's Protector   13

    Charinda got bored scanning her newsfeed on the different social media platforms she logged in so she opted to stay in the living room and watch some action movies. Instead, ibang action ang nakita niya and settled for it.It was already eleven o’clock in the evening, yet sleep was elusive. Kahit anong posisyon ang gawin niya sa pagtulog, hindi pa rin niya magawang matulog. Different thoughts were bothering her. Hindi niya magawang i-mute ang mga ito kahit anong pag-divert ang gawin niya. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ni Charinda kay Fernando nang ibigay nito ang isang kopita sa kanya. Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya.Isang palabas tungkol sa mag-asawang nasira ang relasyon dahil sa kalaguyo ng babae. She was too engrossed with watching that she failed to notice his presence.Umayos siya ng upo sa sopa habang matiim na nakatingin sa kopita.Fernando never failed to surprise her.“Alak,” tipid na sagot ng lalaki. “Let’s unwind from this stressful days.”Tumabi ito. Nang

    Last Updated : 2022-05-25
  • The Billionaire's Protector   14

    HINDI maganda ang gising ni Charinda. Parang pinukpok ng milyon – milyong martilyo ang ulo niya. Damn it. Kasalanan talaga ito ng Fernando na iyon. If he did not offer her anything, hindi sana ganito kalala ang nararamdaman niya ngayon.Bastard! Asshole!All she wanted at that time was to lie down on her bed and let the world carry its own problem. Pero ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi siya pwedeng magbababad sa kama dahil may trabaho pa siya.Hanggang sa pagkain, dala-dala niya ang masamang timpla ng araw niya.Alam niyang hindi kagandahan ang ugali at wala siyang plano upang alisin iyon. The feet that was constantly brushing on her leg was not helping her sour mood either. Fernando asked her to sit with Kent and him habang nasa tabi naman ang dalawang kasambahay na mag-aasikaso sa kanila. Kanina pa niya napapansin ang pasimpleng pagdampi kuno ni Fernando sa kanyang braso. Even his position was changed. Dati, sa kabisera ito umuupo at ngayon, tumapat pa talaga sa upuan

    Last Updated : 2022-07-09
  • The Billionaire's Protector   15

    “Yaya Charinda, hindi ka ba masaya para kay Yaya Bren?” tanong ng isang yaya na hindi pa rin niya alam ang pangalan.Bumalik ang isipan ni Charinda sa kasalukuyan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga babae. They seemed the friendly type. Siya lang naman itong may sungay. Bagsak sa social gatherings. “Pwede mo bang ipakilala ang sarili mo?” tanong niya. Hindi niya gustong makipag-usap sa taong hindi naman niya kilala. Inabot nito ang kamay sa kanya. “Yaya Haidee.”Bigla niyang naalala ang female weightlifter sa bansa na nagbigay ng maraming medalya sa bansa. Malaki din ang katawan ng sinasabing Yaya Haidee. And the way she looked at Charinda felt like she will spank her the moment she told something the woman did not want to hear.“Yaya Haidee, right?”Tumango ang babae. “Tama. Ikaw naman si Yaya Charinda. Matagal ka na naming napapansin dito habang naghihintay ka sa alaga mo. Naawa kami sa iyo dahil mag-isa ka lang kaya base na rin sa suhestiyon ni Yaya Bren, lumapit na kami sa iyo. Mu

    Last Updated : 2022-07-10
  • The Billionaire's Protector   16

    KADRIEL’S gripped on the phone only tightened as each minute passed by. Nasa sariling opisina siya ng kaniyang company. Tinatapos ang lahat ng paper works na dapat tapusin na related sa trabaho. Kanina nga lang din ay na-close niya ang deal sa isang business partner. But his day would not stop there. Kailangan pa niyang magtrabaho nang magtrabaho. Kausap niya ang isang lalaki sa telepono. His closest friend. Ralph. Someone who could help him catch Joe Pantio, the bastard. Just the thought of that man was enough to make his blood boil in anger. Magaling na agent si Ralph. Marami na itong mga napatumbang big time criminal. Nagkamit na rin ng iba't ibang karangalan. Hindi ito basta-basta. Ilang taon na ang nakaraan pero mailap pa rin ang gagong iyon. Hindi niya mahuli. Nangangati na siyang pagbayarin ito sa ginawa nito sa kanilang pamilya. “Kadriel, nandiyan ka pa ba?” There was a hint of irritation in the other man’s voice on the other line. "Tinulugan mo ba ako or you have some

    Last Updated : 2022-07-11

Latest chapter

  • The Billionaire's Protector   Epilogue

    "Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm

  • The Billionaire's Protector   76.

    Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko

  • The Billionaire's Protector   75

    SINURI ni Charinda ang kinalalagyan niya. Nasa kulungan siya. Nilatagan ng mga dayami ang sahig at mapanghi ang amoy sa paligid. Masyadong pulido ang mga harang sa mga bintana at mahihirapan siyang baliin iyon. Pero nasaan si Fernando? Bakit wala ito sa kwartong kinalalagyan niya?“Sumunod ka kung gusto mong makita ang hinahanap mo.” Nasa labas si Pantio. Nakatingin sa kanya. “Buksan ninyo ang silda.” Isa sa mga tauhan nito ang lumapit na may dalang malaking susi. Ilang sandali lamang, nasa labas na siya.As they were walking, she made sure to drink every important details of the place. Sa kanilang tabi, may mga kahon na nakatambak. Isang lalaki ang nagbukas ng isa sa mga iyon at inilabas ang kumikinang na baby armalite. Kung ganoon, ito ang pagawaan ng mga baril. Dito lang pala itinatago ni Pantio ang mga baril nito. Ilang taon na ring hinahanap ng mga pulisya at NBI ang lugar na ito ngunit hindi nila makita.“ How is your business?”“Successful and keep on expanding. May mga kusto

  • The Billionaire's Protector   74

    “SINO BANG hinahanap natin?” tanong ni Fernando kay Charinda sa hindi na niya mabilang na beses. Iritadong tiningnan niya ito. Sakay silang dalawa sa sasakyan ng lalaki. Wala sana siyang planong dalhin ito dahil isang napakalaking abala lang sa gagawin niya, subalit masyadong makulit ang lalaki at ang gusto ay samahan siya. And she brought him with her. At isa iyon sa pinagsisihan niya. Fernando kept on asking her questions at kaunti na lang talaga at hihilahin na niya ito pabalik sa ospital. “I told you a couple of times already, right? We are going to Benedict. Kailangan ko siyang makita.”Napatigil ang lalaki at sumandal sa pader.Nasa paradahan sila ng mga sasakyan, sa labas ng ospital. Mangilan-ngilan lamang ang mga tao. Siguro dahil iwas sa masakit na sikat ng araw. “Why? You can text him, Charinda,” paalala nito. “Hindi kailangang maghintay tayo rito na para bang mga kriminal.”Napabuntong-hininga siya.It was a mistake bringing him alone.“What?” tanong nito nang hindi ni

  • The Billionaire's Protector   73

    Laglag ang balikat na bumalik si Charinda sa room ni Tito Sandro. Laman pa rin ng isipan niya ang text na pinadala ni Oman. The man was very vocal when it comes to his feelings, pero iba pa rin ang impact kapag nabasa niya ang nilalaman ng puso nito. Mahina niyang sinampal ang magkabilang pisngi. What happened was already done. Hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat ng mga salitang sinabi na niya. Humugot siya nang sunod-sunod na hininga. Hindi dapat ganito ang mukhang isasalubong niya kay Fernando. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. After taking a deep breath, Charinda knocked on the door and opened it. “What’s up? Nag-usap na kayong dalawa ni Teacher Oman?” pa-chill na tanong nito sa kanya. Nanulis ang nguso niya. Hindi man lang nito nagawang magtaas ng tingin. He was working on his laptop. “Did your secretary come here?” “No. Kasali ang laptop sa pinadala ko kay Oly. You did not answer my question, Charinda.” “We did.” “And?” tanong nito, hindi pa rin magawang mag

  • The Billionaire's Protector   72

    Nagpalingon-lingon si Charinda.Saan na ba ang lalaking iyon? Bakit ang bilis maglakad? Tito Sandro’s room was found on the third floor at nasa second floor na siya ng ospital. Ilang beses na siyang nakakasalubong ng mga pasyente at doktor ngunit hindi pa rin niya makita ang lalaki.Tumingin siya sa ibaba. There. She saw him! Nasa ground floor na ito!“Oman!” tawag ni Charinda sa lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na animo nagmamadaling makaalis sa ospital.Damn it.Galit ba ito sa eksenang natagpuan? There was some chance na galit nga ito sa kanya. She remembered telling him na bibigyan niya ito ng chance na ipakita kung gaano siya nito kamahal. Pagkatapos, iyon ang eksenang makikita nito?Ugh.She messed up.Baka akala nito at two timer siya. Namamangka sa dalawang ilog.“Oman!” sigaw niya.Napatingin sa direksyon niya ang ibang mga pasyente.Isang mura na naman ang pinakawalan niya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong tumigil?Sensing he had no plans to talk to him, she ran after hi

  • The Billionaire's Protector   71

    Kadriel FernandoNaalimpungatan si Fernando. May nakadagan sa kanyang dibdib. Isang mabigat na bagay. He opened his eyes and saw it was Charinda beside him. Sleeping. Nakatagilid ito at nakanganga ang bibig habang salubong ang kilay.Charinda moaned and her face contorted in pain.What was she dreaming right now?Using his fingertips, he straightened her furrowed brows. She leaned on his touch and snuggled closer to him.Damn.Charinda’s scent knocked him off. He was not the type of bastard who would take advantage of a woman especially if she was on her weakness point but her lips were inviting him to kiss her.Fernando gulped.Why were her lips so red and plump?He hardened down there and mentally kicked himself.The woman trusted him right now at hindi niya dapat ito i-take advantage.Be a good boy, Fernando and resist whatever temptation. Even if you got a boner down there.It was still five o’clock in the morning. Malayo-layo pa ang kailangan niyang hintayin bago magising ang bab

  • The Billionaire's Protector   70

    SA ISANG kwarto dinala si Charinda ni Agent Lapinig. Malaki ang kwarto at kumpleto sa halos lahat ng mga gamit. Hindi na niya gaanong pinansin ang iba pang nasa loob ng kwarto. She found him on the bed, sleeping. May kadena ang mga kamay nito. As if sensing that he was not alone, he woke. Kasabay ng pagbangon nito ay ang pagprotesta ng kadena. It created a tune that was out of place for the mood right now. Naglakbay ang mga mata ni Pantio at tumigil sa kanila. Lumamlam ang mga mata nito nang makita siya. Muntik na siyang maniwala sa emosyong nakita niya sa mga mata nito, subalit ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang maging rational at hindi puso ang sinusunod. “Charinda?” “See? Look at his expression.”Mukhang totoo naman ang ipinakita nitong pagkabigla.Sumandal siya sa pader. “Iwan mo muna kami, Lapinig.”“Hindi pwede. Baka mapatay mo siya.”Charinda let out an exaggerated sigh. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo ay matigas din ang ulo, aniya sa

  • The Billionaire's Protector   69

    Charinda Delos ReyesCharinda was out for blood. Wala ng iba pang naglalaro sa isipan ni Charinda kundi pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito. Hindi siya makakapayag na manatiling malaya ang taong iyon. Kung kinakailangan niyang lumabag sa batas, gagawin niya. If Tito Sandro will know what was running in her mind, baka hindi nito magugustuhan ang gusto niyang gawin.However, hindi pwedeng wala siyang gawin. They will pay. Whoever that jerk was. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya ng heneral. They even treated her like their own child. She looked at her watch. Pasado alas dos na ng madaling araw. May gising pa kaya? Gising pa kaya ang gonggong na iyon? Iginarahe niya sa tabi ang SUV at pumasok sa loob ng bahay. This was a secluded place. Kaunti lang ang nakakaalam. At kung mayroon mang isang outsider na makakapasok, they will never see the way on how to get here. Itinago ng heneral ang lalaki sapagkat gusto pa nitong makasiguro na si Pant

DMCA.com Protection Status