Share

03

last update Last Updated: 2022-02-27 07:51:00

“UMALIS ka sa daraanan ko, Benedict,” mahinahong saad ni Charinda. 

Nakaharang sa dinaraanan niya ang lalaki na hindi niya nagustuhan. She was busy. Ang dami niya pang gagawin. Hindi pa rin maganda ang mood niya at kung hahayaan niya ang sariling inisin pa lalo ni Benedict, malamang makalimutan na niya ang tungkulin, ang sumagip ng buhay hindi tumapos. 

Hindi pa rin niya matanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya. It was like a punishment for her. 

Pinaparusahan siya nila dahil sa ginawa niya doon sa drug pusher at mga bata nito. 

Bakit hindi siya nila maintindihan? She was only having some fun! Pero hindi alam ng mga ito ang salitang iyon.

Benedict was still blocking the path.

“Charinda, Charinda. Ang kaawa-awang Charinda,” nakangising turan ni Benedict. 

Humugot siya ng sunod-sunod na hininga. “Let it go,” utos niya sa lalaki. 

Hindi niya babahiran ng dugo ang mga kamay niya.

Dumaan ang isa sa mga kasamahan nila. Nakatingin ang mga mata nito sa kanilang dalawa. Great. Ilang minuto lang mula ngayon, magiging paksa na naman silang dalawa ng mga tampulan ng tukso. They paired them to each other. Kesyo kapwa sila single na dalawa. Magkatulad sa halos lahat ng bagay—seryoso, loyal sa trabaho, dedicated, family oriented. At higit sa lahat maganda at guwapo. Na para namang may koneksyon ang dalawang adjectives na iyon sa sitwasyon nila.

Charinda was not romantically interested to anyone. Period. Wala siyang panahon sa mga bagay na iyon. At wala rin siyang crush sa mga kasamahan niya. Lalo na sa Benedict na ito. 

“Gusto mong dukutin ko iyang mga mata mo?” banta niya sa nakamasid.

Imbes na mainsulto sa sinabi niya, tumawa na lang ito at umiling. “Ang init talaga ng ulo mo, delos Reyes. Mas mabuti pang bilhan mo siya ng ice cream, Benedict nang lumamig naman ang ulo niya,” anito saka tuluyan silang magsarilinan na dalawa.

Aalis lang din naman pala. Ang dami pang sinasabi. 

Sinundan ng tingin ni Benedict ang lalaki. She grabbed the opportunity and passed. Ngunit, wala yata sa bokabularyo nito na tigilan siya. 

Sumabay si Benedict sa paglakad. “Hindi ka sasama sa operation namin? Sayang naman. Alam ko pa namang mag-e-enjoy ka sa gagawin namin.” 

Huwag kang tumingin, piping utos niya sa sarili.

Ang damuho, lihim na siya nitong pinagtatawanan. 

Alam ni Benedict ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy niya ang trabahong ito, kahit gaano pa ito kapanganib. It’s because of the adrenalin rush that she got whenever she carried her gun while chasing the criminals. Daig pa nito ang epekto ng droga though hindi naman siya gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

“Ang bilis namang kumalat ng balita. Care to tell me kung sino ang nagsabi sa iyo? I will give her the most painful punishment she could ever experience.” Kapag nakita niya si Shaira, ipapatikim niya rito ang bagsik niya. What was adding the sourness of her mood was the look that the other agents was giving her-pity and arrogant. “What else did you hear from her?” 

“Her? Sino namang nagsabi na babae ang informant ko? Ang advance mo talagang mag-isip, Charinda. Kaya siguro dami mong insecurities sa pinsan mong iyon.”

Pilit niyang pinakalma ang sarili.

Huwag lang magpakita sa kanya ang pinsan. 

Ayaw niyang maging paksa ng usap-usapan ng mga katrabaho niya. There were a lot of topics to be discussed aside from her like will the cockroach remains unclear if it will be soaked in a basin full of detergent? 

“Other interesting things about yourself that I still didn’t know,” sagot ni Benedict.

“Like what?”

“That’s still a secret from now.”

“Just get out of my sight, Benedict. You’re not making any sense. Saka ka na makipag-usap sa akin kung kaya mo ng i-gather ang lahat ng thoughts mo at pwede ko ng maintindihan ang mga pinasasabi mo.”

He whistled and playfully nudged her arms, sending her into the wall dahil hindi niya inasahan ang gagawin nito. Damn. He was strong.

Matalim niya itong tinitigan at hinarap. “Are you playing with me? ‘Cause I’m not on the mood right now so you better stop.” May banta sa kanyang tinig. When she was in a sour mood, wala siyang sinasanto kahit na sino ka pa.

At hindi siya nagbibiro, hindi niya alam ang salitang iyon.

Kumanta lang ito sa pagbabanta niya. Hindi sineryoso ang sinasabi nito. If she believed in the concept of love, matagal na niyang inisip na may gusto ito sa kanya at gusto lang kunin ang atensyon niya kaya palagi siya nitong binubwesit.

How dare him! 

“Nah, nagtatanong lang. May raid kami sa isang lugar sa Makati. Pinaniniwalaang may kalakalan doon ng ipinagbabawal na gamot. Sama ka?” 

She really wants to go. 

Kung pwede lamang siyang sumama. But she needed to prepare for tomorrow and she wasn’t given the permission to join their operations. 

Sa ginawang iyon ng heneral, para na rin siya nitong pinatay. Actions were a spice in her life!

 “Stop it, Benedict,” tiim-bagang niyang wika. Her voice trembled.

All the people that surrounded them could feel the dark aura that she was emitting. Some of them even chose to ignore them and they were making the right decision.  She was known for having a short temper.

Umaktong napaatras si Benedict. “Whoa. Relax lang. Masyado ka namang high blood.” 

Inilagay nito ang mga kamay sa harap ng dibdib na animo pinoprotektahan ang sarili. 

“Kung ayaw mong pinturahan ko ng dugo iyang ipinagmamalaki mong mukha, umalis ka sa harapan ko,” singhal ni Charinda. 

Nabaling ang atensyon ng mga tao sa kanila. 

Pinanlisikan niya ang mga ito ng mata at bumalik naman ang mga tsismoso sa trabaho. Ngayon lang niya nalaman na may mga lalaki palang tsismoso.

Nalaglag ang balikat ni Benedict. “Manhid ka talaga, Charinda.” Namulsa ito. “I like you.” Nawala ang ngiti sa mga labi nito at naging seryoso.

Tumaas ang kilay niya.

What the heck? “Are you serious?” wala sa sarili niyang tanong. Nag-aaway pa nga sila kanina, ngunit ngayon …he confessed? “Hindi. Huwag mo akong intindihin. Pinag-t-tripan mo lang ako katulad noon. Bakit hindi mo hanapin si Shaira? Tiyak kong game iyon sa iyo.”

Tiningnan siya nito na parang may mali siyang sinabi. 

Of course, she didn’t say anything wrong. Subalit daig pa ni Benedict ang tutang naligaw ng daan. 

“I like you,” pag-uulit nito. “Matagal na.”

Nababaliw na ito. Hindi niya gusto ang mga kwentong umibig ang lalaki sa matalik na kaibigan nito. Ayaw niya sa mga kwentong iyo. Mali pakinggan. 

Napaatras siya.

Nagsisinungaling lamang sa kanya si Benedict. Matagal na niyang alam na walang magkakagusto at magmamahal sa kanya. Wala. 

She turned her back and like a coward; she ran.

Related chapters

  • The Billionaire's Protector   04

    Wala ring nagawa si Charinda kundi sundin ang heneral. Binigyan siya nito ng isang buwan upang alamin ang totoong kwento sa likod ng pagbabanta sa buhay ni Kadriel Fernando ng most wanted nilang si Pantio at bigyan din ng proteksyon ang lalaki habang naghahanap ng tiyempong madakip ang lalaki. At kung mas madali niyang madakip si Pantio, madali niyang matatapos ang misyon. Hindi na niya hihintayin ang isang buwan upang umalis.Isang buwan.Isang buwan na paghihintay. Pero hindi siya papayag na ganoon katagal ang paghihintay na gagawin niya. She will capture Joe Pantio sooner than later. Na-miss na rin niyang sumama sa mga entrapment operations at makipag-deal sa mga big time criminals ng bansa.Sana makaya niya iyon. Sana baon niya ang napakaraming pasensya. Humanap nga siya ng tindahan na nagbebenta ng pasensya nan

    Last Updated : 2022-03-05
  • The Billionaire's Protector   05

    Kadriel Fernando. A self-made billionaire in his thirties. And what was amazing was he become rich and powerful using his own sweat and blood. Ito na lang nag nag-iisang anak ng magulang nito. Namatay na ang nag-iisa nitong kapatid sa isang aksidente which made the man ruthless and serious more than ever. He forgot how to smile because of the said accident.So far, iyon pa ang na-gather na data ni Charinda sa lalaki. She also found out that he rarely went home early. Palagi na itong late umuwi. May mga kasambahay na nagsasabing baka dahil may girlfriend ito at nakikipag-date na.Kinagabihan, halos maging buto na si Charinda sa lahat ng kagat ng lamok sa labas ng bahay. Para namang sobrang nakakaakit ang kutis niya, eh, pwede na nga siyang maging kandidato para maging kapatid ng uling. Despite that, mahal niya pa rin ang kulay ng kutis niya and no amount of free supplies of gluthathione will change her mind. Nasaan ba ang Fernandong iyon? Kung mas maaga pa ito, hindi na sana siya pin

    Last Updated : 2022-05-01
  • The Billionaire's Protector   06

    Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na si Charinda. The agency even trained them not to sleep for a couple of days if the situation needed it. Pwede rin namang matulog pero kulang sa oras.Humikab siya while trying to hide it. Right. Natural lang iyon dahil kulang ang tulog niya. She slept at one o’clock in the midnight.Hindi siya sanay na tanghali na gumising. Regardless kung dalawang oras lang ang tulog niya o walong oras, maaga pa rin siyang gumigising.Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kagabi at sa tuwing maaalala niya iyon, nakakamot niya ang kamay. Whenever she remembered Fernando’s face, she had the urge to punch his face.She was flirting with him?Fuck him.Who the fuck did he think he was?Her heart was fuming. But she had no outlet for her anger.Tahimik siyang nakatayo sa tabi habang pinagsisilbihan ni Oly si Fernando at ang anak nitong si Kent. Nalaman lamang niya iyon nang tumulong siya sa paghahanda ng almusal kanina kay Aling Loring—ang tagapag

    Last Updated : 2022-05-01
  • The Billionaire's Protector   07

    TOTOO nga ang sinabi ni Fernando. Ang lalaki mismo ang nagmaneho ng kotse. Charinda can say that the bodyguards were doing their job very well. Noong lumabas na sila ng bahay, pinalilibutan sila ng anim na bodyguards na nagmamatyag sa paligid. When the three of them stepped inside the car, they slowly gave them some air. Nasa huli si Benedict na sinusuri ang paligid at nang makitang walang banta, pumasok na rin ito kasama si Fernando.Hindi lumagpas sa paningin ni Charinda ang mapang-asar nitong tingin. She was talking about Benedict who did nothing but infuriate her. Nakikipagpaligsahan ito sa pag-inis sa kanya.Nasa backseat sila ni Kent samantalang nasa tabi nito si Fernando. Si Benedict ang nagmamaneho ng sasakyan. Manaka-naka itong susulyap sa salamin at magtatama ang paningin nila, kikindat ito. What the fuck?Ano na naman ang trip nito? Hindi niya talaga maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng lalaki.May sakit ba siya sa mata?Sa higpit ng security na binibigay nina Benedict

    Last Updated : 2022-05-03
  • The Billionaire's Protector   08

    Charinda was again bored.Wala naman siyang kausap. Or mas maganda sabihing walang gustong kumausap sa kanya. She did not like small talks. Iyong ang topic ay pag-uusapan ang buhay ng may buhay. Makikipag-tsismisan lang naman sa kanya ang mga taong nakapalibot sa kanya na katulad niya ay naghihintay sa mga batang binabantayan ng mga ito. When one attempted to have some small talks with her, agad niya itong binibigyan ng masamang tingin. As a reply, the other person would scowl at her while saying, “Ang suplado mo. Akala mo kung sinong maganda.” Sabay walk out sa kanya.As if she cared.Isa lang naman ang mahalaga sa kanya—iyon ay ang magampanan nang maayos ang trabaho niya. Hindi rin naman siya pumunta rito para humanap ng kaibigan. The school was an exclusive school. Isang pribadong eskwelahan kung saan may nursery, kindergarten, elementary, junior high school, and senior high school level. And she must admit that the security was tight. May school bus na maghahatid sa mga bata pa

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   09

    PARANG may tinik sa lalamunan ni Charinda nang marinig ang sinabi ni Fernando.Natulos siya sa kinatatayuan.Napamura ulit siya.Bakit ngayon pa tumawag ang Fernandong ito?“Ms. Bacat? Nandiyan ka pa ba? Did you forget I told you I will call you a couple of times to check Kent?”How could she forget about that? Ang pinakamahalaga sa buhay ng bilyonaryong si Kadriel Fernando ay hindi ang bilyon-bilyon nitong salapi kundi ang anak nito.Damn it.Kasalanan niya ito. Nagpadala kasi siya sa emosyon niya.She was sweating heavily. She was in deep trouble. Wala si Kent kay Fernando. May tsansa pa kayang makita niya ang bata?Of course, yes! Para saan pa ang mga karanasan niya kung hindi niya ito gagamitin? Kung kinakailangan niyang libutin ang buong eskwelahan makita lamang ang bata, gagawin niya.“Yes, sir. Kumakain pa ngayon si Kent. Hindi siya pwedeng istorbohin. Puno pa po ang bibig niya. Pero kung gusto ni’yo talagang mabilaukan ang bata, kayo rin. Hindi ko pa naman alam ang gagawin

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   10

    Bang!Umalingawngaw ang putok ng baril. Nabulabog ang mga hayop sa kakahuyan.Lumipad ang mga ibon.Wala siyang naramdaman. There was no pain.“Iyon lang ba ang kaya mo?” nakangisi niyang tanong sa lalaki nang makahuma. “Kung gusto mong patayin ako, ayusin mo ang pag-asinta sa akin.”Tumaas ang sulok ng labi nito. “Pasensya ka na, pero hindi para sa iyo ang balang iyon.”“Anong ibig mong sabihin?”She froze.Lumingon siya at nakita ang bumagsak na katawan ng bata.“K-Kent,” bulong na niya.Anger was now trying to resurface.Damn him to hell! Malalagot siya sa boss niya at kay Fernando nito. Ang utos niya tumakbo na ito pero bumalik rin. Bakit ba kahit napakasimpleng utos hindi nito sinunod?“Wala man lang salamat? ‘Di ba gumawa lang naman ako ng pabor sa iyo? Inalis ko na ang batang kinamumuhian mo.”She looked at the man with pure hate.Anong karapatan nitong barilin ang bata na animo isa itong lata?Nanginig ang katawan niya. Pula lang ang tanging nakikita niya.“Magbabayad ka,” n

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Billionaire's Protector   11

    “Did you not miss him?” tanong ng Tito Sandro niya kay Charinda.“Sino?” nababagot niyang tanong.Isang linggo na ang nakalipas mula ng masesante siya bilang yaya. Hindi rin niya nadalaw si Kent sa bahay ni Fernando. Wala rin naman siyang plano. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili?Shaira already mocked her. As well as her other co-workers. Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tinanggal siya sa trabaho for being incompetent. Pananakot pa ng mga ito baka sa susunod ay tanggalin na mismo siya sa trabaho dahil sa sobrang init ng ulo niya.The hell she will let that happen. Over her dead body. Dugo at pawis ang puhunan niya upang makapasok sa PA. At hindi niya hahayaang basta na lang ito biglang mawala.Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa ng tito niya at hindi rin naman ito nagsalita sa inakto niya. Ngayong sila lang dalawa, he was her Tito Sandro at siya ang pamangkin nito.Katatapos lang ng kanilang operation at nang makarating sa PA, nagbabad siya sa opisina ng tiyuhin.

    Last Updated : 2022-05-19

Latest chapter

  • The Billionaire's Protector   Epilogue

    "Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm

  • The Billionaire's Protector   76.

    Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko

  • The Billionaire's Protector   75

    SINURI ni Charinda ang kinalalagyan niya. Nasa kulungan siya. Nilatagan ng mga dayami ang sahig at mapanghi ang amoy sa paligid. Masyadong pulido ang mga harang sa mga bintana at mahihirapan siyang baliin iyon. Pero nasaan si Fernando? Bakit wala ito sa kwartong kinalalagyan niya?“Sumunod ka kung gusto mong makita ang hinahanap mo.” Nasa labas si Pantio. Nakatingin sa kanya. “Buksan ninyo ang silda.” Isa sa mga tauhan nito ang lumapit na may dalang malaking susi. Ilang sandali lamang, nasa labas na siya.As they were walking, she made sure to drink every important details of the place. Sa kanilang tabi, may mga kahon na nakatambak. Isang lalaki ang nagbukas ng isa sa mga iyon at inilabas ang kumikinang na baby armalite. Kung ganoon, ito ang pagawaan ng mga baril. Dito lang pala itinatago ni Pantio ang mga baril nito. Ilang taon na ring hinahanap ng mga pulisya at NBI ang lugar na ito ngunit hindi nila makita.“ How is your business?”“Successful and keep on expanding. May mga kusto

  • The Billionaire's Protector   74

    “SINO BANG hinahanap natin?” tanong ni Fernando kay Charinda sa hindi na niya mabilang na beses. Iritadong tiningnan niya ito. Sakay silang dalawa sa sasakyan ng lalaki. Wala sana siyang planong dalhin ito dahil isang napakalaking abala lang sa gagawin niya, subalit masyadong makulit ang lalaki at ang gusto ay samahan siya. And she brought him with her. At isa iyon sa pinagsisihan niya. Fernando kept on asking her questions at kaunti na lang talaga at hihilahin na niya ito pabalik sa ospital. “I told you a couple of times already, right? We are going to Benedict. Kailangan ko siyang makita.”Napatigil ang lalaki at sumandal sa pader.Nasa paradahan sila ng mga sasakyan, sa labas ng ospital. Mangilan-ngilan lamang ang mga tao. Siguro dahil iwas sa masakit na sikat ng araw. “Why? You can text him, Charinda,” paalala nito. “Hindi kailangang maghintay tayo rito na para bang mga kriminal.”Napabuntong-hininga siya.It was a mistake bringing him alone.“What?” tanong nito nang hindi ni

  • The Billionaire's Protector   73

    Laglag ang balikat na bumalik si Charinda sa room ni Tito Sandro. Laman pa rin ng isipan niya ang text na pinadala ni Oman. The man was very vocal when it comes to his feelings, pero iba pa rin ang impact kapag nabasa niya ang nilalaman ng puso nito. Mahina niyang sinampal ang magkabilang pisngi. What happened was already done. Hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat ng mga salitang sinabi na niya. Humugot siya nang sunod-sunod na hininga. Hindi dapat ganito ang mukhang isasalubong niya kay Fernando. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. After taking a deep breath, Charinda knocked on the door and opened it. “What’s up? Nag-usap na kayong dalawa ni Teacher Oman?” pa-chill na tanong nito sa kanya. Nanulis ang nguso niya. Hindi man lang nito nagawang magtaas ng tingin. He was working on his laptop. “Did your secretary come here?” “No. Kasali ang laptop sa pinadala ko kay Oly. You did not answer my question, Charinda.” “We did.” “And?” tanong nito, hindi pa rin magawang mag

  • The Billionaire's Protector   72

    Nagpalingon-lingon si Charinda.Saan na ba ang lalaking iyon? Bakit ang bilis maglakad? Tito Sandro’s room was found on the third floor at nasa second floor na siya ng ospital. Ilang beses na siyang nakakasalubong ng mga pasyente at doktor ngunit hindi pa rin niya makita ang lalaki.Tumingin siya sa ibaba. There. She saw him! Nasa ground floor na ito!“Oman!” tawag ni Charinda sa lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na animo nagmamadaling makaalis sa ospital.Damn it.Galit ba ito sa eksenang natagpuan? There was some chance na galit nga ito sa kanya. She remembered telling him na bibigyan niya ito ng chance na ipakita kung gaano siya nito kamahal. Pagkatapos, iyon ang eksenang makikita nito?Ugh.She messed up.Baka akala nito at two timer siya. Namamangka sa dalawang ilog.“Oman!” sigaw niya.Napatingin sa direksyon niya ang ibang mga pasyente.Isang mura na naman ang pinakawalan niya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong tumigil?Sensing he had no plans to talk to him, she ran after hi

  • The Billionaire's Protector   71

    Kadriel FernandoNaalimpungatan si Fernando. May nakadagan sa kanyang dibdib. Isang mabigat na bagay. He opened his eyes and saw it was Charinda beside him. Sleeping. Nakatagilid ito at nakanganga ang bibig habang salubong ang kilay.Charinda moaned and her face contorted in pain.What was she dreaming right now?Using his fingertips, he straightened her furrowed brows. She leaned on his touch and snuggled closer to him.Damn.Charinda’s scent knocked him off. He was not the type of bastard who would take advantage of a woman especially if she was on her weakness point but her lips were inviting him to kiss her.Fernando gulped.Why were her lips so red and plump?He hardened down there and mentally kicked himself.The woman trusted him right now at hindi niya dapat ito i-take advantage.Be a good boy, Fernando and resist whatever temptation. Even if you got a boner down there.It was still five o’clock in the morning. Malayo-layo pa ang kailangan niyang hintayin bago magising ang bab

  • The Billionaire's Protector   70

    SA ISANG kwarto dinala si Charinda ni Agent Lapinig. Malaki ang kwarto at kumpleto sa halos lahat ng mga gamit. Hindi na niya gaanong pinansin ang iba pang nasa loob ng kwarto. She found him on the bed, sleeping. May kadena ang mga kamay nito. As if sensing that he was not alone, he woke. Kasabay ng pagbangon nito ay ang pagprotesta ng kadena. It created a tune that was out of place for the mood right now. Naglakbay ang mga mata ni Pantio at tumigil sa kanila. Lumamlam ang mga mata nito nang makita siya. Muntik na siyang maniwala sa emosyong nakita niya sa mga mata nito, subalit ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang maging rational at hindi puso ang sinusunod. “Charinda?” “See? Look at his expression.”Mukhang totoo naman ang ipinakita nitong pagkabigla.Sumandal siya sa pader. “Iwan mo muna kami, Lapinig.”“Hindi pwede. Baka mapatay mo siya.”Charinda let out an exaggerated sigh. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo ay matigas din ang ulo, aniya sa

  • The Billionaire's Protector   69

    Charinda Delos ReyesCharinda was out for blood. Wala ng iba pang naglalaro sa isipan ni Charinda kundi pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito. Hindi siya makakapayag na manatiling malaya ang taong iyon. Kung kinakailangan niyang lumabag sa batas, gagawin niya. If Tito Sandro will know what was running in her mind, baka hindi nito magugustuhan ang gusto niyang gawin.However, hindi pwedeng wala siyang gawin. They will pay. Whoever that jerk was. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya ng heneral. They even treated her like their own child. She looked at her watch. Pasado alas dos na ng madaling araw. May gising pa kaya? Gising pa kaya ang gonggong na iyon? Iginarahe niya sa tabi ang SUV at pumasok sa loob ng bahay. This was a secluded place. Kaunti lang ang nakakaalam. At kung mayroon mang isang outsider na makakapasok, they will never see the way on how to get here. Itinago ng heneral ang lalaki sapagkat gusto pa nitong makasiguro na si Pant

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status