Bago sumapit ang gabi ay hinanap niya na si Eilish.
“Sasama ako sayo.” wika ni Camilla.
“Just stay here para malaman ko kung nakabalik na ba siya. Tawagan mo ako kaagad kapag nandito na siya.” malamig niyang aniya saka umalis. Malakas man ang ulan ngayon ay hindi niya na alintana, the most important for him is to find his wife. Halos libutin niya ang buong bayan nila makita niya lang si Eilish.
Hindi rin siya dinadalaw ng antok dahil sa pag-aalala niya. 24 hours later, 24 hours ng nawawala si Eilish. Bakas na rin ang puyat at pagod sa mukha ni Blaze. Alam niyang may nangyari sa kaniyang asawa, hindi naman ito mawawala ng ganun katagal kung may pinuntahan lang. Nagpapanggap na ring nag-aalala si Camilla pero may bahid ng ngiti sa likod ng plastic niyang mukha.
“Son, please rest for a while. Wala ka pang tulog Blaze, mahahanap natin si Eilish, mahahanap natin ang asawa mo.”
“I can’t wait Dad! Until now she’s missing. Makakapagpahinga lang ako kapag kasama ko na at nasa harapan ko na ang asawa ko.”
“At sa tingin mo matutuwa si Eilish kapag nadatnan ka niyang ganiyan? Come on son! Let’s calm our self first, maybe she want a space from us.” Mariing naipikit ni Blaze ang mga mata niya at pilit na kinakalma ang sarili.
“She don’t need a space and if that what she wants, I can give it her but the situation now is different Dad. She’s missing, my wife is missing.” May diin niyang aniya, hindi naman na nagsalita ang Daddy niya. Inintindi na lang nila ito dahil nawawala ang asawa niya. Lahat sila ay sinusubukan nilang maging kalmado. Lahat ng mga tauhan ni Blaze ay pinakilos niya na para halughugin ang buong Manila. Nagreport na rin sa pulis ang mga magulang ni Eilish kasama si Camilla.
Tumagal ng tatlong araw ang paghahanap sa kaniya. Halos dalawang oras lang din ang tulog ni Blaze dahil ayaw niyang huminto sa paghahanap kay Eilish. Pilitin man niyang matulog ay inaalala pa rin niya ang asawa niya.
Nang magring ang cellphone niya ay sinagot niya ito.
“Son, I got a call!” halos kumabog ang didbib niya sa sinabi ng kaniyang ama. “We need you here, I think they already found Eilish.” Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng kaniyang ama ay mabilis niyang kinabig ang sasakyan niya pabalik ng kanilang bahay.
Pinuntahan na nila ang address na ibinigay ng mga pulis sa kanila at hindi na makapaghintay si Blaze na mayakap ang kaniyang asawa. Nang makarating sila sa isang lugar ay salubong na salubong ang kilay ni Blaze. Nagtataka kung anong ginagawa nila rito.
“Kayo po ba ang pamilya ni Miss Eilish?” rinig niyang tanong ng isang Pulis sa mga magulang niya.
“Kami nga po. Where is she? Bakit nandito po tayo officer?” lumapit si Blaze sa kanila.
“Sumunod na lang po kayo sa amin. Gusto lang po naming makita niyo kung anong nahanap namin.” nagtataka man sila ay sumunod na rin. Tahimik lang si Blaze at tila ba may kutob na sa sinasabi ng mga Pulis pero ayaw niyang paniwalaan lang ang iniisip niya.
Ipinakita ng isang officer ang isang damit, naikuyom ni Blaze ang kamao niya dahil alam niya sa sarili niyang damit iyun ng asawa niya.
“Anong gusto niyong gawin namin sa damit na yan? Asawa ko ang hinahanap ko hindi isang damit.” May diin niyang saad, niyakap ni Mrs. Bautista ang anak dahil ramdam niya na ang galit nito.
“Anak, pakiusap kumalma ka.” umiiyak ng saad ng kaniyang ina.
“Gusto lang po naming malaman kung nakikilala niyo ba ang damit na ito, natagpuan kasi itong palutang lutang dito sa ilog. Ang sabi niyo ay ilang araw ng nawawala ang asawa niyo.”
“Then what do you want to say?! that she’s gone? That my wife is dead?! You idiot! Do your job, ang ipinapahanap ko ay ang asawa ko at hindi ang kapirasong damit na yan!” galit na galit niya ng saad, bahagya namang napaatras ang pulis. Kilala nila ang isang Blaze Del Valle kung magalit, wala itong sinasanto.
“Anak, please calm down.”
“How can I calm myself Mom if my wife is still missing?! Oh damn! Find my wife!”
“Son,” humahagulgol ng saad ng kaniyang ina maging ang mga magulang ni Eilish ay umiiyak na rin. Kilala nila ang damit na yun ni Eilish. Paulit ulit na umiling si Blaze, maniniwala lamang siya kapag nakita niya na ang bangkay ng asawa niya.
“No, this can’t be. She’s alive, they are alive.” Nanghihina niyang saad, paanong ang masayang balitang nalaman niya sa asawa niya ay magiging ganito?
Nagpatuloy sila sa paghahanap, nanatili naman si Blaze sa loob ng kotse niya at halos wala na siyang lakas para sumama pa sa mga pulis na maghanap sa ilog. Mas gugustuhin niyang maghanap sa ibang lugar kesa sa ilog dahil alam niya kung ano ang kahihinatnan ng paghahanap nila.
“Babe, please stay alive. You know, I love you.” tahimik siyang umiiyak sa loob ng kotse niya. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao ang kahinaan niya. Makalipas ang ilang oras ng paghahanap nila ay muli silang nakatanggap ng tawag. Mabilis nilang pinuntahan ang sinabi ng mga pulis, kung saan nila natagpuan ang kotse ni Eilish.
Halos paliparin na ni Blaze ang sasakyan niya. Umaasa siyang makikita niya ang kotse ng asawa niya sa lupa subalit malayo pa lang ay nakikita niya na ang isang sasakyan na iniaangat sa tubig. Halos nanghina ang kamay niyang may hawak sa manubela dahil kilala niya ang kotse ng asawa niya. Dahan dahan siyang naglakad palapit, ramdam niya na ang pagkirot ng kaniyang dibdib dahil ang natitirang pag-asa sa kaniya ay unti-unti ng nawawala.
“Anak, Blaze.” pagpipigil sa kaniya ng kaniyang ama. Lumapit sa kanila ang dalawang pulis at lahat ng mga nakuha nilang gamit ay ibinigay sa pamilya. Nag-umpisa ng muling mag-iyakan ang pamilya ni Eilish. Pilit na pinipigilan ni Blaze ang luha niya, ang sakit na nararamdaman niya.
“Sa tingin namin ay hit and run ang nangyari. Pagkatapos niyang mabangga sa ibang sasakyan ay itinulak siya sa ilog.”
“Where’s her body?” blangko niyang tanong.
“Wala kaming natagpuan na katawan sa sasakyan niya. Dahil sa nakita naming damit niya ay imposibleng buhay pa siya. Susubukan naming hanapin ang katawan niya pero hindi namin maipapangako. Ilang kilometro na ang layo ng makita namin ang damit niya sa sasakyan niya. I’m sorry Sir.” napakuyom niya ang kamao niya, gusto niya ng suntukin ang officer, walang sinoman ang pwedeng magsabi ng patay na ang asawa niya. She’s alive, iyan ang laman ng isip niya kahit na alam niyang imposible na.
Nang makauwi siya ng bahay nila ay ikinulong niya ang sarili niya sa kwarto at dun niya ibinuhos lahat ng pinipigilan niyang luha kanina pa. Halos basagin niya lahat ng nasa kwarto nilang dalawa. Hindi niya matanggap, ayaw niyang tanggapin. Paanong ang masayang sandali nila ay mapupunta sa ganito. Hindi niya maisip na siya mismo ang maglilibing sa asawa niya.
“Babe, please tell me that you’re alive.” Paulit-ulit niyang wika.
“Blaze lumabas ka diyan!! Magpapakamatay ka ba?!” rinig niyang tawag ni Camilla. Wala siyang kailangan, all he need is his wife. Yun lang.
Ilang araw na nagkulong ng kwarto si Blaze, lalabas lang siya kapag nagugutom na. Nang may matagpuan silang katawan sa ilog ay halos ayaw na nila itong tingnan dahil hindi mo na makikilala pa. Ipinacremate na lamang nila ito dahil mas gusto nilang alalahanin ang magandang mukha ni Eilish.
Tahimik na nakaupo sa pool si Blaze, ang mundo niya ay tila biglang naging madilim. Wala na siyang ibang makita kundi kadiliman simula ng mawala ang asawa niya.
“Alam kong masakit pero kailangan na nating tanggapin Blaze. Masakit din para sa akin pero wala naman tayong magagawa para ibalik satin ang kapatid ko eh.” Kunwaring malungkot na wika ni Camilla habang hinahaplos ang likod ni Blaze. Muli sanang tutunggain ni Blaze ang alak nang pigilan siya ni Camilla.
“What do you think you’re doing? What are you doing here anyway? Umuwi ka na Camilla.” Malamig niyang aniya.
“Sa tingin mo ba matutuwa si Eilish kapag nakikita ka niyang miserable ang buhay? Blaze wake up! Hindi na babalik si Eilish at kung sakali mang nandito siya ngayon, paniguradong magagalit din yun sayo! Come on, alam ko naman na masakit para sayo pero paniguradong nalulungkot din si Eilish na nakikita ka niyang ganito.” Hinawakan ni Camilla ang magkabilang pisngi ni Blaze at tinitigan ito.
“Pwede ko namang palitan si Eilish sa puso mo eh, maghihintay ako Blaze. Handa akong gamitin mo ako kapag namimiss mo na ang kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya, hanggang sa makita ka niya ng masaya. Alam kong iyun din ang gustong mangyari ni Eilish.” May bahid ng landi niyang saad. Dahil sa lulong na sa alak si Blaze ay hindi niya na napigilang halikan si Camilla. Ang mga halik niyang unti-unting lumalalim.
“Eilish, babe.” Mahinang wika ni Blaze. Napatigil sa paghahalik si Camilla kay Blaze dahil pati ba naman sa pagsesex nila ay si Eilish pa rin ang iniisip niya pero hinayaan niya iyun dahil kaunti na lang ay makukuha niya na si Blaze. Nagpatuloy kung anong ginagawa nila, matagal niya itong hinintay. Matagal niyang pinapangarap sa gabi na si Blaze na ang makakatabi niya.
Tatlong buwan na ang lumipas simula ng mawala si Eilish, simula ng ilibing nila ito.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Nasa playground ka ba para maging ganito ang kalalabasan ng gawa mo? kahit elementary students ay kaya iyang gawin, kaya iyang idrawing!! Your design is a trash!!” malakas na sigaw ni Blaze, they are presenting their design but Blaze didn’t like it. Pare-pareho na sila ngayong nakayuko, nagulo ni Blaze ang buhok niya dahil sa lahat ng mga prenesent ng mga empleyado niya ay wala siyang nagustuhan. Ang ayaw niya sa lahat ay ginagawang laro ang trabaho nila at hindi man lang ito sineseryoso.Walang naglakas loob na magsalita dahil isang dahilan mo lang sa kaniya ay paniguradong wala ka ng babalikan bukas.“Get your things and leave. Submit all your designs this week at kung wala kayong maibigay sa akin na maayos na gawa ay huwag niyo ng tangkain na bumalik pa rito.” maawtoridad niyang wika, mabilis namang kumilos
“Thank you so much, Aurora. Thank you for the help.” Muling humarap sa salamin si Beatrice at pinag-aralan ang kaniyang mukha.“I am not the Eilish before, all of you will pay.” May diin niyang aniya. Eilish was rescued by the most famous Italian architect and Eilish studied under her and she became the most famous architect. Nanatili siya ng anim na taon sa Italy kasama ng babaeng nagligtas sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng aksidenteng nangyari sa kaniya ay nabuhay pa rin siya, thanks to Aurora, who help her.Muli niyang tinitigan ang bago niyang mukha. She undergoes in plastic surgery, she changed her face, want to take her revenge to the people who hurt her in the past. This is her first time attending one of the biggest design conferences.Bumaba na siya ng kaniyang kwarto wearing a red dress, a red stiletto and a red lips. Ang dating Eilish ay malayong malayo na sa kung ano at sino na siya ngayon. She is not the
Mariing ipinikit ni Eilish ang mga mata niya ng muli niyang malanghap ang mainit na hangin ng Pilipinas.6 years, 6 years akong nawala and now I’m back. Welcome me, bitch. Nakangisi niyang aniya, muli siyang lumanghap ng malalim na hangin. Nang matapos na isakay lahat ng mga gamit nila ay umalis na sila ng airport. Dahan dahan na hinahaplos ni Eilish ang buhok ng anak, tulog pa rin ito. Malamang napagod sa byahe.Tomorrow, she’s going to start her plan. Matagal tagal na panahon niya rin itong pinaghandaan at pinag-isipan. Gusto niyang maranasan ng lahat ng mga taong nanakit sa kaniya sa nakaraan niya ang sakit, she’s going to find all of them, wala siyang ititira.Nang makarating sila sa bahay na nabili niya noong nakaraang taon pa ay binuhat niya na ang tulog pa niyang anak saka niya ito dahan dahan na ibinaba sa kama. Hinalikan niya na muna ito sa noo bago siya lumabas.Lahat ng mga kakailanganin niyang mga papeles bukas ay kailangan n
“Pinaghanda kita ng breakfast, hindi ka na kasi kumain kanina.” hindi maalis ni Beatrice ang tingin niya sa Ate niya. Nagtataka kung anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Blaze. Ang alam niya ay ayaw ni Camilla kay Blaze noon para sa kaniya, then now, what she is doing here.“You don’t need to do that Camilla. Nagpadala na ako ng pagkain ko sa secretary ko.”“But this is also my responsibility ang alagaan ka at ipaghanda ng pagkain bilang asawa mo.” naikuyom ni Beatrice ang kamao niya, asawa? Hilaw siyang natawa sa isipan niya. Kung ganun sariling kapatid niya lang din pala ang umahas sa kaniya. Paano nitong gawin sa sariling kapatid? At sa loob pa ng pamamahay nila?Gusto ng sampalin ni Beatrice silang dalawa pero kinalma niya ang sarili niya. Hindi na siya makikilala ng mga taong nasa nakaraan niya at ng sarili niyang pamilya.‘Paano mo nagawa sa akin ito Ate? Sarili mong kapatid, inahas mo.’ nangg
“Naghihintay na ang mga kliyente mo sayo, ang alam ko ay panglima o pang-anim na nila itong kompanya na pinuntahan. Naghahanap sila ng perfect design for a building. They are a big client and they are going to choose kung anong design ang kukunin nila.” Paliwanag ni Aaron, sekretarya ni Blaze. “Fine, I’ll go there in a minute.” Kinuha na ni Blaze ang iprepresent niyang design sa kliyente nila. Kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito at mapili ang pinaghirapan niyang disenyo. Inayos niya na muna ang sarili bago pumasok ng conference room. “Good morning,” pormal niyang bati, ngumiti naman ang mga kliyente niya saka siya naupo. Nanatili namang nakatayo si Aaron sa gilid ni Blaze. “Mr. Del Valle, so we hope na makita na namin ang perfect design for our building. It’s really hard to find a unique and beautiful design. You’re an engineer and architect, am I right?” “Oh yes, I have a design for a building here.” “Perfect,” natutuwang saad ng isang matandang lalaki. Kinuha na ni Blaz
Iginiya siya ni Blaze sa isang upuan at ipinakilala sa mga kasama niya sa loob. “Oh, I know you. You’re one of the famous architect in Italy, right? What are you doing here?” napangiti naman si Beatrice dahil hindi niya alam na kilala rin pala siya sa Pilipinas. “Yes, I am. I’m Beatrice Alfera. Nice to meet you Sir, Ma’am.” inilahad niya ang kaniyang kamay na malugod namang tinanggap ng lahat. “It’s my pleasure to meet you Ms. Alfera. Hindi mo naman nasabi na may maganda at magaling ka palang architect sa kompanya mo Mr. Del Valle. Hindi na sana kami nagpakahirap pang nagpunta sa iba ibang kompanya. Nandito lang pala ang kailangan namin.” nakangiti pa nitong saad, tiningnan ni Beatrice si Blaze ng nagtatanong. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga ito na, dito siya nagtatrabaho. “We really like your design Ms. Alfera. It’s really unique and beautiful, a modern with a touch of Spanish style. We decided na yung design mo na lang ang kuk
BEATRICE POVBakas na ang inis sa mukha ni Ate Camilla, do I need to call her Ate? Parang hindi niya na ako kinilalang kapatid niya dahil sa pagtratraydor niya sa akin dahil kung minahal niya talaga ako bilang kapatid niya kahit maghabol sa kaniya si Blaze iisipin pa rin niya ako kahit patay na ako, nandun pa rin yung respeto niya sa akin.“You two stop! Will you? You both not a kid anymore para mag-away. Camilla, she has a point anyway. Pwede niyo namang sabihin ang mga opinion niyo but don’t fight in front of me.” may diing wika ni Blaze, pansin ko pa ang pag-irap sa akin ni Camilla pero hindi ko na iyun pinansin pa at itinuon ang atensyon sa harapan ko. Pinakinggan ko lang ang mga sinabi ni Blaze pero hindi maalis sa isip ko minsan kung bakit napunta rito si Camilla.Wala siyang alam sa pagiging architect dahil hindi naman ito ang tinapos niya pero ngayon, she’s like a professional in this field. O baka naman kasi pinag-aralan niya rin for Blaze. Ano nga bang kayang gawin ng isang
Lumabas na siya ng office ko, napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko namatay na rin ang kapatid kong si Camilla dahil ibang iba na siya ngayon. Tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya bilang kapatid o ugali niya na talaga iyun dati pa?Kaysa ang isipin ko pa siya ay gawin ko na lang ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang pag-aralan ang lahat sa kompanya niya at sa kaniya. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at bibisitahin ko ang isang site na pagmamay-ari rin ng Del Valle’s company.Kailangan kong humanap ng butas ng kompanya niya at ng baho niya. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ako nakokontento na makita kang nasasaktan at nahihirapan.Malayo pa lamang ako sa site ay napakunot na ang noo ko, may mga ilang taong may hawak hawak na karatula. Anong ginagawa nila? Iginilid ko ang sasakyan ko, napatingin naman silang lahat sa akin at halos manlaki ang mga mata ko ng lapitan nila ang kotse ko. What is happening here?Pinapunta niya ako para rito?“Pakinggan naman ang aming mga dai
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong