Hello sa lahat ng nakarating dito😊. Can you rate my book and leave a review? An honest review, how's my book? I really love reading comments from my readers. Please leave a review sa mismong book not in this chapter. Thank you;)
Eilish is happy when she find out that she is pregnant. She texts her husband to tell the good news at nagmadaling umuwi. Having a baby is their dream, tatlong taon na silang kasal ng asawa niyang si Blaze and they tried so many times to have a baby pero nahihirapan sila. Ngayong natupad na ang pangarap nilang dalawa nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya.Matagal niya na ring gustong bigyan ang asawa niya ng anak dahil alam niyang matagal na rin nitong gustong magkaanak. Nagmadali siyang umuwi, sunod sunod ang pagbusina niya ng maipit siya sa traffic.“Bakit ngayon pa?” naiinip niya ng saad. Gusto niya ng masabi ang magandang balita sa kaniyang asawa. Paniguradong matutuwa rin ito. Hindi na tuloy siya makapaghintay na makauwi. Kung kailan naman siya nagmamadali ay dun pa siya naipit sa gitna ng traffic.Nang makaalis na siya sa traffic ay mabilis ang patakbo niya, dala dala niya rin ang pregnancy test niya na nakabalot pa sa gift wrap.“I
Bago sumapit ang gabi ay hinanap niya na si Eilish.“Sasama ako sayo.” wika ni Camilla.“Just stay here para malaman ko kung nakabalik na ba siya. Tawagan mo ako kaagad kapag nandito na siya.” malamig niyang aniya saka umalis. Malakas man ang ulan ngayon ay hindi niya na alintana, the most important for him is to find his wife. Halos libutin niya ang buong bayan nila makita niya lang si Eilish.Hindi rin siya dinadalaw ng antok dahil sa pag-aalala niya. 24 hours later, 24 hours ng nawawala si Eilish. Bakas na rin ang puyat at pagod sa mukha ni Blaze. Alam niyang may nangyari sa kaniyang asawa, hindi naman ito mawawala ng ganun katagal kung may pinuntahan lang. Nagpapanggap na ring nag-aalala si Camilla pero may bahid ng ngiti sa likod ng plastic niyang mukha.“Son, please rest for a while. Wala ka pang tulog Blaze, mahahanap natin si Eilish, mahahanap natin ang asawa mo.”“I can’t wait Dad! Until now
Tatlong buwan na ang lumipas simula ng mawala si Eilish, simula ng ilibing nila ito.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Nasa playground ka ba para maging ganito ang kalalabasan ng gawa mo? kahit elementary students ay kaya iyang gawin, kaya iyang idrawing!! Your design is a trash!!” malakas na sigaw ni Blaze, they are presenting their design but Blaze didn’t like it. Pare-pareho na sila ngayong nakayuko, nagulo ni Blaze ang buhok niya dahil sa lahat ng mga prenesent ng mga empleyado niya ay wala siyang nagustuhan. Ang ayaw niya sa lahat ay ginagawang laro ang trabaho nila at hindi man lang ito sineseryoso.Walang naglakas loob na magsalita dahil isang dahilan mo lang sa kaniya ay paniguradong wala ka ng babalikan bukas.“Get your things and leave. Submit all your designs this week at kung wala kayong maibigay sa akin na maayos na gawa ay huwag niyo ng tangkain na bumalik pa rito.” maawtoridad niyang wika, mabilis namang kumilos
“Thank you so much, Aurora. Thank you for the help.” Muling humarap sa salamin si Beatrice at pinag-aralan ang kaniyang mukha.“I am not the Eilish before, all of you will pay.” May diin niyang aniya. Eilish was rescued by the most famous Italian architect and Eilish studied under her and she became the most famous architect. Nanatili siya ng anim na taon sa Italy kasama ng babaeng nagligtas sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng aksidenteng nangyari sa kaniya ay nabuhay pa rin siya, thanks to Aurora, who help her.Muli niyang tinitigan ang bago niyang mukha. She undergoes in plastic surgery, she changed her face, want to take her revenge to the people who hurt her in the past. This is her first time attending one of the biggest design conferences.Bumaba na siya ng kaniyang kwarto wearing a red dress, a red stiletto and a red lips. Ang dating Eilish ay malayong malayo na sa kung ano at sino na siya ngayon. She is not the
Mariing ipinikit ni Eilish ang mga mata niya ng muli niyang malanghap ang mainit na hangin ng Pilipinas.6 years, 6 years akong nawala and now I’m back. Welcome me, bitch. Nakangisi niyang aniya, muli siyang lumanghap ng malalim na hangin. Nang matapos na isakay lahat ng mga gamit nila ay umalis na sila ng airport. Dahan dahan na hinahaplos ni Eilish ang buhok ng anak, tulog pa rin ito. Malamang napagod sa byahe.Tomorrow, she’s going to start her plan. Matagal tagal na panahon niya rin itong pinaghandaan at pinag-isipan. Gusto niyang maranasan ng lahat ng mga taong nanakit sa kaniya sa nakaraan niya ang sakit, she’s going to find all of them, wala siyang ititira.Nang makarating sila sa bahay na nabili niya noong nakaraang taon pa ay binuhat niya na ang tulog pa niyang anak saka niya ito dahan dahan na ibinaba sa kama. Hinalikan niya na muna ito sa noo bago siya lumabas.Lahat ng mga kakailanganin niyang mga papeles bukas ay kailangan n
“Pinaghanda kita ng breakfast, hindi ka na kasi kumain kanina.” hindi maalis ni Beatrice ang tingin niya sa Ate niya. Nagtataka kung anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Blaze. Ang alam niya ay ayaw ni Camilla kay Blaze noon para sa kaniya, then now, what she is doing here.“You don’t need to do that Camilla. Nagpadala na ako ng pagkain ko sa secretary ko.”“But this is also my responsibility ang alagaan ka at ipaghanda ng pagkain bilang asawa mo.” naikuyom ni Beatrice ang kamao niya, asawa? Hilaw siyang natawa sa isipan niya. Kung ganun sariling kapatid niya lang din pala ang umahas sa kaniya. Paano nitong gawin sa sariling kapatid? At sa loob pa ng pamamahay nila?Gusto ng sampalin ni Beatrice silang dalawa pero kinalma niya ang sarili niya. Hindi na siya makikilala ng mga taong nasa nakaraan niya at ng sarili niyang pamilya.‘Paano mo nagawa sa akin ito Ate? Sarili mong kapatid, inahas mo.’ nangg
“Naghihintay na ang mga kliyente mo sayo, ang alam ko ay panglima o pang-anim na nila itong kompanya na pinuntahan. Naghahanap sila ng perfect design for a building. They are a big client and they are going to choose kung anong design ang kukunin nila.” Paliwanag ni Aaron, sekretarya ni Blaze. “Fine, I’ll go there in a minute.” Kinuha na ni Blaze ang iprepresent niyang design sa kliyente nila. Kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito at mapili ang pinaghirapan niyang disenyo. Inayos niya na muna ang sarili bago pumasok ng conference room. “Good morning,” pormal niyang bati, ngumiti naman ang mga kliyente niya saka siya naupo. Nanatili namang nakatayo si Aaron sa gilid ni Blaze. “Mr. Del Valle, so we hope na makita na namin ang perfect design for our building. It’s really hard to find a unique and beautiful design. You’re an engineer and architect, am I right?” “Oh yes, I have a design for a building here.” “Perfect,” natutuwang saad ng isang matandang lalaki. Kinuha na ni Blaz
Iginiya siya ni Blaze sa isang upuan at ipinakilala sa mga kasama niya sa loob. “Oh, I know you. You’re one of the famous architect in Italy, right? What are you doing here?” napangiti naman si Beatrice dahil hindi niya alam na kilala rin pala siya sa Pilipinas. “Yes, I am. I’m Beatrice Alfera. Nice to meet you Sir, Ma’am.” inilahad niya ang kaniyang kamay na malugod namang tinanggap ng lahat. “It’s my pleasure to meet you Ms. Alfera. Hindi mo naman nasabi na may maganda at magaling ka palang architect sa kompanya mo Mr. Del Valle. Hindi na sana kami nagpakahirap pang nagpunta sa iba ibang kompanya. Nandito lang pala ang kailangan namin.” nakangiti pa nitong saad, tiningnan ni Beatrice si Blaze ng nagtatanong. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga ito na, dito siya nagtatrabaho. “We really like your design Ms. Alfera. It’s really unique and beautiful, a modern with a touch of Spanish style. We decided na yung design mo na lang ang kuk
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong