“Pinaghanda kita ng breakfast, hindi ka na kasi kumain kanina.” hindi maalis ni Beatrice ang tingin niya sa Ate niya. Nagtataka kung anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Blaze. Ang alam niya ay ayaw ni Camilla kay Blaze noon para sa kaniya, then now, what she is doing here.
“You don’t need to do that Camilla. Nagpadala na ako ng pagkain ko sa secretary ko.”
“But this is also my responsibility ang alagaan ka at ipaghanda ng pagkain bilang asawa mo.” naikuyom ni Beatrice ang kamao niya, asawa? Hilaw siyang natawa sa isipan niya. Kung ganun sariling kapatid niya lang din pala ang umahas sa kaniya. Paano nitong gawin sa sariling kapatid? At sa loob pa ng pamamahay nila?
Gusto ng sampalin ni Beatrice silang dalawa pero kinalma niya ang sarili niya. Hindi na siya makikilala ng mga taong nasa nakaraan niya at ng sarili niyang pamilya.
‘Paano mo nagawa sa akin ito Ate? Sarili mong kapatid, inahas mo.’ nanggigigil niyang saad sa isipan niya. Kaunti na lamang ay gusto niya ng pumalakpak para naman mapansin siyang kasama pa siya sa loob ng office.
“Hindi ko sinabi sayong gawin mo yun, ikaw lang ang nag-oobliga sa sarili mong gawin mo nga sakin yun. I need your works now. Oras ng trabaho Camilla at malinaw kong sinabi sayong kapag nandito ka sa kompanya ko ay empleyado lang kita.” Panandaliang napangisi si Beatrice, napakapranka talaga ni Blaze. Ni minsan naman ay hindi ginawa sa kaniya ni Blaze ang ipahiya sa harap ng ibang tao. Noong siya nga ang dumadalaw kay Blaze ay gustong gusto pa nito.
“Can’t you see? We’re talking about a project so please, leave us alone.” Blangko pa nitong wika, napatingin naman na si Camilla kay Beatrice na walang pakialam sa kanilang dalawa. Tiningnan ni Camilla mula ulo hanggang paa ang itsura ni Beatrice at hindi mo maikakaila ang nagsusumigaw niyang kagandahan.
“Hindi mo naman nasabi sa akin na may bago ka na pala ngayong empleyado.”
“Hindi ko kailangang sabihin o ipaalam sayo lahat Camilla, now leave.” Maawtoridad na saad ni Blaze. Nakikinig lang sa kanila si Beatrice, minsan pang tiningnan ni Camilla ang kabuuan ni Beatrice. Ang mga mata niyang punong puno ng panghuhusga. Wala naman na siyang nagawa kaya lumabas na siya ng office.
“So, that’s your wife.” Anas pa ni Beatrice na hindi na sinagot ni Blaze.
“Bring me your design, saka ka na bumalik kapag may iprepresent ka na sakin.” Tumayo na si Beatrice saka siya tumango at lumabas na.
Kung ganun, ikinasal silang dalawa ng mamatay ako. Matagal na ba nila akong niloloko? Muli siyang hilaw na natawa. Paano ito nagawa sa kaniya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Hindi niya inaasahan na Ate niya mismo ang maaabutan niyang magiging karelasyon ng dati niyang asawa. Mahigpit niyang hinawakan ang envelope na pinaglagyan niya ng mga papeles niya. Ngayon, mas gusto niya ng gumanti sa kanilang lahat. Pakiramdam niya ay tinalikuran siya ng mundo, pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya.
Pasakay na sana siya ng elevator ng makita niya si Camilla na nakatayo sa gilid niya.
“Can I borrow your time for a while?” blangkong tiningnan ni Beatrice si Camilla, ano naman sanang dahilan para kausapin siya nito. Iba naman ang mukha niya sa mukha niya dati kaya imposibleng makilala siya nito bilang si Eilish. “Follow me,” dagdag pa ni Camilla. Tahimik na sumunod si Beatrice dahil kuryoso rin siya sa sasabihin nito. Huminto sila sa isang lugar na bihirang puntahan ng mga empleyado.
“Didiretsuhin na kita, Blaze is my husband.” Panimula niya, nakinig lang sa kaniya si Beatrice. “Alam ko namang wala ng bago sa mga babaeng katulad mo. Paalalahanan lang kita, huwag mo ng subukan kung ano ang binabalak mo.” napangisi si Beatrice dahil alam niya na ang ibig nitong sabihin. Gusto niya itong tanungin kung buhay pa ba siya noon ay may gusto na siya kay Blaze but she need to hide her true identity.
“Kung iisa lang ang tingin mo sa mga babae ibahin mo ako. Kung sa ganung paraan mo siya nakuha huwag mo akong igaya sayo. May respeto ako sa sarili ko. Hindi ka niya mukhang asawa, mukha ka niyang gwardya.” Walang preno niyang saad, nagngitngit ang mga ngipin ni Camilla dahil sa sinabi ni Beatrice.
“Anong sabi mo? sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?!”
“At sino ka naman para utusan mo ako? Hindi lahat ng babae kagaya ng iniisip mo.” wika pa niya, mas lalo siyang lumapit kay Camilla at bumulong. “At kung sakali ngang maakit ko ang asawa mo, you should be ready.” Nakangisi niyang bulong saka lumayo kay Camilla. Mas lalong tumaas ang galit ni Camilla pero tinalikuran na siya ni Beatrice.
“HINDI PA TAYO TAPOS!” iyun na lamang ang narinig niya. Ang ngisi niya ay unti-unting nawala. Nararamdaman niya na ang mga karayom na parang tumutusok sa dibdib niya. Hindi siya nasasaktan dahil mahal pa niya si Blaze, nasasaktan siya dahil sa dami ng babaeng pwedeng maging karelasyon ng asawa niya ay ang kapatid pa niya, ang Ate pa niya. Mas lalo niyang nilakasan ang loob niya, wala ka na ngang mapagkakatiwalaan ng mabilis kahit sarili mo pang pamilya yan.
Lumabas siya ng kompanya, nanatili naman siya sa loob ng kotse niya habang mahigpit ang hawak niya sa manubela. Hindi niya lang maisip, hindi niya lubos maisip na kapatid niya ang tratraydor sa kaniya. Pilit niyang inalis iyun sa isipan niya dahil kailangan pa niyang matapos ang ipinapagawa sa kaniya ni Blaze para makapasok na siya ng kompanya.
Iyun ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ngayon, ang makapasok sa kompanya. Umuwi siya ng bahay niya at sumalubong sa kaniya ang tahimik na kapaligiran. Tanging mga katulong lang ang kasama niya. Naalala niyang kasama nga pala ni Aurora ang anak niya.
Pumasok siya sa mini office niya at sinimulan ang pinapagawa sa kaniya ni Blaze as an interview question. Hindi niya akalain na bibigyan siya ng isang mahirap na gawain para lang sa isang interview question. Nagawa niya naman na dati ang tumapos ng design sa isang linggo dahil sa nagmamadali niyang kliyente. Hindi na bago sa kaniya ito, hindi niya lang talaga inaasahan na ipapagawa sa kaniya iyun ni Blaze para lang sa interview question.
Buong araw at gabi ay binuhos niya ang oras niya sa design. Binibigyan niya rin ng oras ang anak kapag napapagod na siya sa pagtatrabaho niya o oras ng pahinga niya. Habang tulog ang anak niya ay nilapitan siya ni Aurora.
“He’s really serious about that design? I didn’t know that he is considering this as an interview question. Hindi ba dapat at babase siya sa resume mo? He’s strict.”
“Let him be, tingnan natin kung makakatanggi pa siya. I’m one of the famous architect in Italy at wala pang sino man ang tumanggi sa mga gawa ko.” ngumiti naman sa kaniya si Aurora at tumango-tango, sumasang-ayon sa sinabi ni Beatrice.
“You’re right anyway, walang kahirap hirap ba na nakapasok sa kompanya niya? Good luck dear.”
Nang makapagpahinga na siya ay muli niyang sinimulan ang trabaho niya. Hindi niya inisip ang araw at oras, ang mahalaga sa kaniya ay ang maibigay niya ang may kalidad na gawa, na hindi matatanggihan ng isang Blaze Del Valle.
Matapos ang apat na araw ay handa na siya, handa na ang design niya, handa na rin siyang ipresent ito kay Blaze. Muli siyang bumalik ng kompanya at dumiretso ng office ni Blaze. Kumatok na muna siya ng tatlong beses bago siya pumasok.
Napatigil naman si Blaze sa ginagawa niya ng makita niya si Beatrice, napatingin siya sa hawak nitong envelope.
“Are you done?”
“Yes Sir, here’s my design.” Naupo si Beatrice at ibinigay ang pinaghirapan niya. Sa totoo lang naman ay madali na lang sa kaniya ang lahat. Iba-ibang kliyente na ang nakasalamuha niya sa Italy pa lang at hindi na naiiba sa kanila si Blaze na gusto ay mabilisan.
Tiningnan naman iyun ni Blaze at blangko lang niyang binabasa ang mga gawa ni Beatrice. Sa totoo lang naman talaga ay hindi niya iyun binabasa, tinitingnan lang naman niya ang mga design ni Beatrice.
“Beatrice right?” anas niya na ikinatango ni Beatrice. “You know what? How did you became the most famous architect in Italy? Your design is a trash at walang pinagkaiba sa mga inalis kong empleyado. You are not suitable, you’re not belong in my company. Iyan na ba lahat? iyan na ba ang kaya mong gawin at kaya mong ipagmalaki sa akin?” nagtiim ang bagang ni Beatrice at gusto niya ng isampal kay Blaze ang gawa niya. Wala pang sinoman ang nagmaliit sa mga gawa niya tapos siya sasabihin niya lang na basura ang gawa niya? she can’t believe it!
“Una pinagmadali mo ako sa design ko, hindi naman na ako nagreklamo dun. Ibinuhos ko ang buong oras ko diyan tapos basura lang ang tingin mo? Alam mo, sa tingin ko hindi design ko ang may problema, yang mata mo ang may deperensya! Anong klaseng paningin ba meron ka? I think, you need an eyeglass para makita mo ng malinaw ang mga gawa ko.” hindi mapigilang hindi mainis ni Beatrice dahil sa inaakto ni Blaze. Pinaghirapan niya rin yun tapos basura lang?
“Pinagdududahan mo ang paningin ko? Hindi magiging top 1 ang kompanya namin kung may deperensya ang mga mata ko. Bakit? Hindi mo ba matanggap na basura ang mga gawa mo? best architect huh? Iyan na ba lahat ang ipagmamalaki ng from Italy?” nakangisi niyang saad, nagngitngit ang mga ngipin ni Beatrice. Palihim siyang humugot ng malalim na buntong hininga at ngumiti kay Blaze.
“If you don’t want it, I can submit another design Sir.” malumanay niyang saad, tumayo naman si Blaze at bahagyang yumuko para magpantay sila ni Beatrice.
“Tama na sa akin ang minsan, I don’t need an architect like you in my company. Now, please leave. Gusto mo bang ihatid pa kita?” nakangiting wika ni Blaze, inis namang lumabas ng office si Beatrice. Minsan pa niyang sinipa ang pintuan ni Blaze saka tuluyang lumabas.
Ano bang akala niya sa sarili niya? Diyos para maging perpekto ang mga gawa niya? At anong sabi niya? basura ang mga gawa ko? bulag ba siya! Ano bang laman ng utak nun! Una ginawa niyang interview question ang mga design ko, pagkatapos ko namang sundin ang gusto niya ay ganito lang ang sasabihin niya?
Damn you Blaze!! may araw ka rin sakin.
Naiinis pa niyang saad habang nakatingala sa harap ng building.
Hindi ako susuko, tandaan mo yan. May diin niyang wika saka umalis.
“Naghihintay na ang mga kliyente mo sayo, ang alam ko ay panglima o pang-anim na nila itong kompanya na pinuntahan. Naghahanap sila ng perfect design for a building. They are a big client and they are going to choose kung anong design ang kukunin nila.” Paliwanag ni Aaron, sekretarya ni Blaze. “Fine, I’ll go there in a minute.” Kinuha na ni Blaze ang iprepresent niyang design sa kliyente nila. Kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito at mapili ang pinaghirapan niyang disenyo. Inayos niya na muna ang sarili bago pumasok ng conference room. “Good morning,” pormal niyang bati, ngumiti naman ang mga kliyente niya saka siya naupo. Nanatili namang nakatayo si Aaron sa gilid ni Blaze. “Mr. Del Valle, so we hope na makita na namin ang perfect design for our building. It’s really hard to find a unique and beautiful design. You’re an engineer and architect, am I right?” “Oh yes, I have a design for a building here.” “Perfect,” natutuwang saad ng isang matandang lalaki. Kinuha na ni Blaz
Iginiya siya ni Blaze sa isang upuan at ipinakilala sa mga kasama niya sa loob. “Oh, I know you. You’re one of the famous architect in Italy, right? What are you doing here?” napangiti naman si Beatrice dahil hindi niya alam na kilala rin pala siya sa Pilipinas. “Yes, I am. I’m Beatrice Alfera. Nice to meet you Sir, Ma’am.” inilahad niya ang kaniyang kamay na malugod namang tinanggap ng lahat. “It’s my pleasure to meet you Ms. Alfera. Hindi mo naman nasabi na may maganda at magaling ka palang architect sa kompanya mo Mr. Del Valle. Hindi na sana kami nagpakahirap pang nagpunta sa iba ibang kompanya. Nandito lang pala ang kailangan namin.” nakangiti pa nitong saad, tiningnan ni Beatrice si Blaze ng nagtatanong. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga ito na, dito siya nagtatrabaho. “We really like your design Ms. Alfera. It’s really unique and beautiful, a modern with a touch of Spanish style. We decided na yung design mo na lang ang kuk
BEATRICE POVBakas na ang inis sa mukha ni Ate Camilla, do I need to call her Ate? Parang hindi niya na ako kinilalang kapatid niya dahil sa pagtratraydor niya sa akin dahil kung minahal niya talaga ako bilang kapatid niya kahit maghabol sa kaniya si Blaze iisipin pa rin niya ako kahit patay na ako, nandun pa rin yung respeto niya sa akin.“You two stop! Will you? You both not a kid anymore para mag-away. Camilla, she has a point anyway. Pwede niyo namang sabihin ang mga opinion niyo but don’t fight in front of me.” may diing wika ni Blaze, pansin ko pa ang pag-irap sa akin ni Camilla pero hindi ko na iyun pinansin pa at itinuon ang atensyon sa harapan ko. Pinakinggan ko lang ang mga sinabi ni Blaze pero hindi maalis sa isip ko minsan kung bakit napunta rito si Camilla.Wala siyang alam sa pagiging architect dahil hindi naman ito ang tinapos niya pero ngayon, she’s like a professional in this field. O baka naman kasi pinag-aralan niya rin for Blaze. Ano nga bang kayang gawin ng isang
Lumabas na siya ng office ko, napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko namatay na rin ang kapatid kong si Camilla dahil ibang iba na siya ngayon. Tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya bilang kapatid o ugali niya na talaga iyun dati pa?Kaysa ang isipin ko pa siya ay gawin ko na lang ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang pag-aralan ang lahat sa kompanya niya at sa kaniya. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at bibisitahin ko ang isang site na pagmamay-ari rin ng Del Valle’s company.Kailangan kong humanap ng butas ng kompanya niya at ng baho niya. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ako nakokontento na makita kang nasasaktan at nahihirapan.Malayo pa lamang ako sa site ay napakunot na ang noo ko, may mga ilang taong may hawak hawak na karatula. Anong ginagawa nila? Iginilid ko ang sasakyan ko, napatingin naman silang lahat sa akin at halos manlaki ang mga mata ko ng lapitan nila ang kotse ko. What is happening here?Pinapunta niya ako para rito?“Pakinggan naman ang aming mga dai
“Sa ballpen mo nanaman ibinubuhos ang galit mo. May nangyari nanaman ba?” nag-aalalang tanong ni Aurora, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko lang talaga makalimutan ang pag-uusap naming yun. Parang biglang nawala ang dating kilala kong Blaze, para siyang ibang iba sa pinakasalan kong Blaze noon.“Tell me, what happened?”“Wala naman, mga bagay lang na tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na ganun pala talaga siya kasama. Hindi ko lang inaasahan.” Naupo siya sa tapat ko at seryoso akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.“Kung ganun, hindi mo pa nga gaanong kilala ang dati mong asawa kahit na matagal kayong nagsama o maaaring nagbago siya simula ng mawala ka.”“Nagbago? Hindi imposible pero kung talagang minahal niya ako dati pa hindi niya ako magagawang lokohin at sa Ate ko pa? Wala na akong pakialam kung anong relasyon nilang dalawa sa nakalipas na taon panigurado namang naging masaya sila.” Muli akong humarap sa laptop ko at sa mga papel na pinapatapos niya sa akin.
“Ano bang problema mo sakin? Lagi ka na lang kontrabida.” Here we go again, bakit ba masyado niyang pinepersonal bawat meeting kapag may itinatama sa kaniya.“It’s look like na hindi mo pinaghandaan ang report mo Ms. Camilla. Sayo ba talaga yan? Sigurado ka bang ikaw ang gumawa niyan?” diretso kong tanong, hindi ako pwedeng magkamali dahil ang nirereport niya ngayon ay tugmang tugma sa nawawala kong gawa. Masyado ka na palang marumi maglaro Camilla. “Ms. Camilla hindi dahil sa pinagdududahan ko ang gawa mo. Dahil kung masyado mong pinaghandaan ang lahat, alam mo kung anong ibig kong sabihin. Tama ba?” dagdag ko pa. Nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa kamay niya ay mahigpit na ang hawak niya sa remote ng projector.“Alam ko, sino ba sa tingin mo si Blaze Del Valle? Sa tingin mo wala siyang control sa Del Valle’s Group, siya lang naman ang nag-iisang anak ng Chairman.”“Here we go again with your connections Ms. Camilla. Hindi ba tayo makakatayo
Abala ako sa pagtratrabaho ko ng may pumasok sa loob ng office ko. Blangko ko namang tiningnan si Blaze na salubong na salubong ang kilay.“What do you want? Tell me and name your price. Just get out in my company.” Nginisian ko naman siya, iyan pa rin ba ang iniisip niya hanggang ngayon?“Maliwanag kong sinabi sayo na hindi ako nabibili ng pera mo.”“Ano bang kailangan mo sa kompanya ko? Bakit ka pa ba nagpunta rito?”“Simple lang, kailangan ko ng trabaho. Umuwi ako rito dahil dito rin naman ang bansa ko.”“Pwes, I don’t need you here! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho ang kailangan ko ay ang umalis ka sa kompanya ko.” may diin niyang aniya, nagtiim ang bagang ko sa mga naririnig ko. Hindi ko akalain na mas masahol pa pala siya sa iniisip ko. Hindi ko nakita ang side niyang ito noong mag-asawa pa lang kaming dalawa o sadyang wala lang akong alam sa mga ginagawa niya sa mga empleyado niya noon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may na
“Kung ganun alam mo na nga, kinseng tao ang nasa parte ng nagcollapse sa building, ang iba ay nasa harapan at ang iba naman ay nasa ilalim ng mga puno kalapit nun kaya kaunti lang ang nasugatan. Anim ang patay habang nasa hospital naman ang iba. Ang alam ko ay sa iba ibang hospital sila dinala, ano sa tingin mo ang dahilan?”“Wala naman ng ibang dahilan eh, umiiwas sila sa media. Hangga’t kaya nilang iwasan gagawin nila pero kung sakaling buong building ang nagcollapse at maraming nasaktan, hindi naman sila dun makakatakas sa media. Pinag-aralan mo na ang Del Valle’s Group ganun na rin ang mga sakop niyang mga negosyo. Malaki ang DV Group at kayang pagalawin ang lahat gamit ang pera nila.” Sagot ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko.“Ganun ba kasama ang asawa mo?”“Hindi ko alam, iba ang pagkakakilala ko sa kaniya noon sa ngayon kaya hindi ko alam. Kung ano ang nakikita natin, iyun siguro siya na hindi ko man lang napansin noon.”“Ibang klase, so anong plano mo?”“I am going to be
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong