BEATRICE POVBakas na ang inis sa mukha ni Ate Camilla, do I need to call her Ate? Parang hindi niya na ako kinilalang kapatid niya dahil sa pagtratraydor niya sa akin dahil kung minahal niya talaga ako bilang kapatid niya kahit maghabol sa kaniya si Blaze iisipin pa rin niya ako kahit patay na ako, nandun pa rin yung respeto niya sa akin.“You two stop! Will you? You both not a kid anymore para mag-away. Camilla, she has a point anyway. Pwede niyo namang sabihin ang mga opinion niyo but don’t fight in front of me.” may diing wika ni Blaze, pansin ko pa ang pag-irap sa akin ni Camilla pero hindi ko na iyun pinansin pa at itinuon ang atensyon sa harapan ko. Pinakinggan ko lang ang mga sinabi ni Blaze pero hindi maalis sa isip ko minsan kung bakit napunta rito si Camilla.Wala siyang alam sa pagiging architect dahil hindi naman ito ang tinapos niya pero ngayon, she’s like a professional in this field. O baka naman kasi pinag-aralan niya rin for Blaze. Ano nga bang kayang gawin ng isang
Lumabas na siya ng office ko, napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko namatay na rin ang kapatid kong si Camilla dahil ibang iba na siya ngayon. Tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya bilang kapatid o ugali niya na talaga iyun dati pa?Kaysa ang isipin ko pa siya ay gawin ko na lang ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang pag-aralan ang lahat sa kompanya niya at sa kaniya. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at bibisitahin ko ang isang site na pagmamay-ari rin ng Del Valle’s company.Kailangan kong humanap ng butas ng kompanya niya at ng baho niya. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ako nakokontento na makita kang nasasaktan at nahihirapan.Malayo pa lamang ako sa site ay napakunot na ang noo ko, may mga ilang taong may hawak hawak na karatula. Anong ginagawa nila? Iginilid ko ang sasakyan ko, napatingin naman silang lahat sa akin at halos manlaki ang mga mata ko ng lapitan nila ang kotse ko. What is happening here?Pinapunta niya ako para rito?“Pakinggan naman ang aming mga dai
“Sa ballpen mo nanaman ibinubuhos ang galit mo. May nangyari nanaman ba?” nag-aalalang tanong ni Aurora, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko lang talaga makalimutan ang pag-uusap naming yun. Parang biglang nawala ang dating kilala kong Blaze, para siyang ibang iba sa pinakasalan kong Blaze noon.“Tell me, what happened?”“Wala naman, mga bagay lang na tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na ganun pala talaga siya kasama. Hindi ko lang inaasahan.” Naupo siya sa tapat ko at seryoso akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.“Kung ganun, hindi mo pa nga gaanong kilala ang dati mong asawa kahit na matagal kayong nagsama o maaaring nagbago siya simula ng mawala ka.”“Nagbago? Hindi imposible pero kung talagang minahal niya ako dati pa hindi niya ako magagawang lokohin at sa Ate ko pa? Wala na akong pakialam kung anong relasyon nilang dalawa sa nakalipas na taon panigurado namang naging masaya sila.” Muli akong humarap sa laptop ko at sa mga papel na pinapatapos niya sa akin.
“Ano bang problema mo sakin? Lagi ka na lang kontrabida.” Here we go again, bakit ba masyado niyang pinepersonal bawat meeting kapag may itinatama sa kaniya.“It’s look like na hindi mo pinaghandaan ang report mo Ms. Camilla. Sayo ba talaga yan? Sigurado ka bang ikaw ang gumawa niyan?” diretso kong tanong, hindi ako pwedeng magkamali dahil ang nirereport niya ngayon ay tugmang tugma sa nawawala kong gawa. Masyado ka na palang marumi maglaro Camilla. “Ms. Camilla hindi dahil sa pinagdududahan ko ang gawa mo. Dahil kung masyado mong pinaghandaan ang lahat, alam mo kung anong ibig kong sabihin. Tama ba?” dagdag ko pa. Nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa kamay niya ay mahigpit na ang hawak niya sa remote ng projector.“Alam ko, sino ba sa tingin mo si Blaze Del Valle? Sa tingin mo wala siyang control sa Del Valle’s Group, siya lang naman ang nag-iisang anak ng Chairman.”“Here we go again with your connections Ms. Camilla. Hindi ba tayo makakatayo
Abala ako sa pagtratrabaho ko ng may pumasok sa loob ng office ko. Blangko ko namang tiningnan si Blaze na salubong na salubong ang kilay.“What do you want? Tell me and name your price. Just get out in my company.” Nginisian ko naman siya, iyan pa rin ba ang iniisip niya hanggang ngayon?“Maliwanag kong sinabi sayo na hindi ako nabibili ng pera mo.”“Ano bang kailangan mo sa kompanya ko? Bakit ka pa ba nagpunta rito?”“Simple lang, kailangan ko ng trabaho. Umuwi ako rito dahil dito rin naman ang bansa ko.”“Pwes, I don’t need you here! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho ang kailangan ko ay ang umalis ka sa kompanya ko.” may diin niyang aniya, nagtiim ang bagang ko sa mga naririnig ko. Hindi ko akalain na mas masahol pa pala siya sa iniisip ko. Hindi ko nakita ang side niyang ito noong mag-asawa pa lang kaming dalawa o sadyang wala lang akong alam sa mga ginagawa niya sa mga empleyado niya noon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may na
“Kung ganun alam mo na nga, kinseng tao ang nasa parte ng nagcollapse sa building, ang iba ay nasa harapan at ang iba naman ay nasa ilalim ng mga puno kalapit nun kaya kaunti lang ang nasugatan. Anim ang patay habang nasa hospital naman ang iba. Ang alam ko ay sa iba ibang hospital sila dinala, ano sa tingin mo ang dahilan?”“Wala naman ng ibang dahilan eh, umiiwas sila sa media. Hangga’t kaya nilang iwasan gagawin nila pero kung sakaling buong building ang nagcollapse at maraming nasaktan, hindi naman sila dun makakatakas sa media. Pinag-aralan mo na ang Del Valle’s Group ganun na rin ang mga sakop niyang mga negosyo. Malaki ang DV Group at kayang pagalawin ang lahat gamit ang pera nila.” Sagot ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko.“Ganun ba kasama ang asawa mo?”“Hindi ko alam, iba ang pagkakakilala ko sa kaniya noon sa ngayon kaya hindi ko alam. Kung ano ang nakikita natin, iyun siguro siya na hindi ko man lang napansin noon.”“Ibang klase, so anong plano mo?”“I am going to be
Hindi ko hahayaang matanggal ang pagkakakunot ng noo mo, tandaan mo yan. Mas gusto kong palaging salubong ang mga kilay mo dahil sa mga iniisip mong problema. Wala ka talagang puso Blaze, isa palang demonyo ang napangasawa ko. Mabuti na lamang at hindi pa naging huli sa akin ang lahat.“Mom, can I play outside? Kasama ko po si Nanny.” Napatingin ako sa anak ko, sinenyasan ko naman siyang lumapit sa akin saka ko siya pinaupo sa pagitan ng mga binti ko saka ko siya niyakap patalikod.Kung marami man akong pinagsisisihan ko noong nakaraan ko, ang pagkakaroon ko ng anak ang hinding hindi ko pagsisisihan. Siya ang pinakamagandang bunga ng mapait kong nakaraan.“Are you okay, Mommy?”“Hmmm, of course. I just want to hug you dahil aalis nanaman ako mamaya.”“Please take a rest kahit minsan po. Mommyla told me that you are doing this for me, for my future. Mom, I don’t want you to see like this, if you are doing this for me then I don’t like it kung ang kapalit ay ang pagod mo.” napangiti na
Sa mga gawain ko umikot ang buong maghapon ko ngayon. Hindi na ako lumabas ng opisina dahil gusto kong makapagpahinga sa bunganga ni Camilla. Sa tingin ko kailangan ko ng punuin ng pamalit kong damit ang cabinet ko rito dahil sa kaniya. Magugulat ka na lang dahil may bubuhos na lang sayo.Kinabukasan, pansin ko ang pagiging aligaga ni Aaron. Kahit saan ko siya makasalubong ay palagi siyang nagmamadali. Ano bang problema nito at madaling madali sa buhay?Pumasok na ako ng office ko at naabutan ko naman dun si Sabrina na abalang may tinitingnan sa mga papel na hawak niya.“Siya nga pala, maganda ang pagkakapresent ng Uy Group sa ibinigay mong design at gustong gusto iyun ng mga kliyente ni Blaze. Malalaman natin mamaya kung anong kompanya ang pipiliin ng mga ito. Isa rin itong malaking project. Ang alam ko ay magpapatayo sila ng isang luxurious hotel at resort sa Boracay. Yung design ng isang building na ibinigay mo sa kanila, kakaiba, talagang maganda, samahan mo pa ng mabubulaklak na
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa
Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i
Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo
“He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong