Share

Kabanata 3.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2022-04-28 10:48:26

Mariing ipinikit ni Eilish ang mga mata niya ng muli niyang malanghap ang mainit na hangin ng Pilipinas.

6 years, 6 years akong nawala and now I’m back. Welcome me, bitch. Nakangisi niyang aniya, muli siyang lumanghap ng malalim na hangin. Nang matapos na isakay lahat ng mga gamit nila ay umalis na sila ng airport. Dahan dahan na hinahaplos ni Eilish ang buhok ng anak, tulog pa rin ito. Malamang napagod sa byahe.

Tomorrow, she’s going to start her plan. Matagal tagal na panahon niya rin itong pinaghandaan at pinag-isipan. Gusto niyang maranasan ng lahat ng mga taong nanakit sa kaniya sa nakaraan niya ang sakit, she’s going to find all of them, wala siyang ititira.

Nang makarating sila sa bahay na nabili niya noong nakaraang taon pa ay binuhat niya na ang tulog pa niyang anak saka niya ito dahan dahan na ibinaba sa kama. Hinalikan niya na muna ito sa noo bago siya lumabas.

Lahat ng mga kakailanganin niyang mga papeles bukas ay kailangan niya ng maayos at maihanda.

“Are you really sure about this? You’re going to apply to that company? What’s the name again?”

“It’s Del Valle construction and development corporation.”

“Oh, I see. One of the famous companies huh? You want help?”

“Nah, I can do this without your help. Ano palang gagawin mo rito habang nandito ka?” tanong niya.

“Wow,” namamanghang wika ni Aurora kaya napatingin sa kaniya si Eilish. “It’s been 4 years I guess, since I heard you using that language. You’re so cute.” Natutuwang wika ni Aurora. Napairap na lang si Eilish dahil akala niya kung ano na.

“Whatever.”

“It’s true, nakakatuwa ka lang pakinggan.” Napapailing na lang si Eilish dahil natutuwa rin siya sa pagtatagalog ni Aurora. Aurora know how to speak in Tagalog, she learned about it when she met Eilish. Malaki ang utang na loob ni Eilish sa kaniya mula sa pagkakaligtas ni Aurora sa kaniya sa ilog na yun.

Tinanong niya noon si Aurora kung paano siya nito nakita, sinabi nitong nakita siya sa ibabaw ng ilog at walang malay. Nakiusap siya noong ilayo siya sa lugar na iyun na sinunod naman ni Aurora. She changed her face, gusto niyang magsimula bilang si Beatrice Alfera and she will take her revenge.

Lahat ng mga papeles na hinanda niya kagabi ay inilagay niya na sa iisang folder, today she’s going to apply in Del Valle's company.

“Mommy,” nilingon niya ang anak na bagong gising. Kinukusot pa nito ang mga mata niya.

“Good morning baby, your milk is ready. You can get it to your nanny, okay?” hinalikan niya na muna ang anak saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Malaki ang pasasalamat niyang nabuhay ang anak niya, hindi niya alam kung anong gagawin niya kung nawala noon ang anak niya. Iniwan na siya at ang anak niya lang ang nanatili sa kaniya.

Kung may masama mang nangyari sa nakaraan niya, anak niya naman ang pinakamagandang nangyari. Matapos niyang ihanda ang lahat ay nagpaalam na muna siya sa anak niyang aalis na ito.

“Ako na munang bahala sa kaniya, isasama ko na lang din siya mamaya sa meeting namin.” napakunot ang noo ni Beatrice.

“Meeting? You have a meeting?”

“Hmm,”

“Hindi ba nakakaabala ang anak ko sayo and what kind of meeting?”

“Don’t worry hindi siya makakaabala sa akin, meeting lang yun about new project.”

“You sure?”

“Of course, ano ka ba saka saglit lang yun.” Napatango tango na lang siya saka sinukbit ang bag at nagpaalam na. Sumakay na siya sa kotse niya at may ngiting nilalakbay ang daan patungong Del Valle’s company. Alam niyang hindi magiging madali ang pagpasok niya sa kompanya but she’s going to give her best to become one of their architect.

Walang pakialam si Blaze kung anong posisyon mo o kung gaano ka kasikat, all he want is the quality of your works. Kahit wala ka pang experience kung mapagkakatiwalaan ka niya sa gawa ay kukunin ka pa rin niya. Nanatili na muna siya sa loob ng kotse niya bago siya lumabas. Bahagya siyang bumuntong hininga, anim na taon din siyang nawala sa Pilipinas at walang balita sa pamilya niya o sa mga taong nasa nakaraan niya.

Taas noo siyang naglalakad sa lobby at halos lahat ng mga empleyado ay napapatingin sa kaniya. Bahagya siyang napapangiti kapag naririnig niya ang mga papuri sa kaniya. Dahil saulong saulo niya naman ang bawat sulok ng kompanya ay dumiretso na siya sa office ni Blaze. Kumatok na muna siya ng tatlong beses, nang marinig niya na ang pagpapasok sa kaniya ay pumasok na siya.

Tiningnan niya naman si Blaze na kunot noong nakatingin sa mga iilang papeles, ang pagkagat niya sa dulo ng ballpen niya. Nabalitaan niya ang ginawa ni Blaze nitong nakaraang linggo lang na marami siyang inalis na empleyado niya na architect dahil lang sa dahilan niyang hindi nila maabot ang standard niya.

Iniangat ni Blaze ang ulo niya ng walang nagsasalita simula ng papasukin niya kung sino ang kumatok. Kunot noo niyang tinitigan si Beatrice at nagtataka kung anong ginagawa nito gayong taga Italy ito.

“What are you doing here?” malamig at seryoso niyang tanong. Naupo naman si Beatrice sa harap ni Blaze at ibinaba ang mga hawak niyang papeles, ang mga ipapasa niya para sa pag-aapply niya sa trabaho.

“I want to apply here.” diretso niyang sagot, nanatiling salubong ang kilay ni Blaze dahil hindi niya inaasahan ang muling pagkikita nila ng babaeng komokontra sa kaniya noong nasa pangmalakihang event sila. Dahan dahang sumilay ang ngisi sa labi ni Blaze, now it’s his time.

Binitawan niya ang hawak hawak niyang ballpen at maayos na hinarap si Beatrice.

“So, you want to be part of my company, of my team. I can give you that but I need you to submit a design, a unique design of a building as an interview question. Kapag nagawa mo yun, why not?” mapanghamong saad ni Blaze, blangko lang namang nakatingin sa kaniya si Beatrice at dahan dahang tumango.

“Sure,”

“I need it this week.”

“What? That fast?” hindi niya makapaniwalang tanong, sinong architect ang makakagawa ng bagong design in just one week lang? napangisi naman sa kaniya si Blaze dahil sa una nitong pagrereklamo.

“May reklamo ka? if you can’t then leave.”

“No, of course I can.” Malugod niyang tinanggap ang hamon sa kaniya ni Blaze. Tinitigan ni Blaze ang mukha ni Beatrice, hindi niya gusto si Beatrice lalo na ang ginawa sa kaniya noong nasa Italy sila. Pakiramdam niya natapakan ang pagkatao niya, ang ego niya. Hindi niya matanggap na ang isang babae lang ang makakakontra sa kaniya, ang hindi sumang-ayon sa mga sinabi niya noon. Ngayon, titingnan niya kung hanggang saan ang kaya ng isang Alfera.

“Is that all, Sir?”

“Of course your resume and other papers. I need it.” Inilabas na ni Beatrice ang mga naihanda niya namang mga papeles saka ibinigay kay Blaze. Bahagya lang yung pinasadahan ng tingin ni Blaze saka niya iginilid.

“Kapag naipasa mo sa akin ang gawa mo at nagustuhan ko, welcome to my team at kapag hindi mo nagawa o hindi ko nagustuhan. Don’t ever show your face in front of me, again.” May diin niyang saad, nagkibit balikat lang naman si Beatrice na tila wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ni Blaze.

Hindi niya aakalain na sa loob ng anim na taon ay marami ng nagbago. Ang dating mainitin na si Blaze ay mas lalong naging mainitin ang ulo. Hindi naman siya nasabihan na parang pumapatol na sa babae si Blaze. Nagtitigan pa silang dalawa na tila pinag-aaralan ang isa’t isa.

“Hon,” naputol ang pagtitig ni Beatrice ng marinig niya ang boses ng isang babae. Nilingon niya iyun at napakunot siya ng noo.

‘Ate Camilla,’ wika niya lamang sa isipan niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
lalong madadagdagan ang galit ni Beatrice kay Blaze dahil akala ni Beatrice ba hinintay lang ng dalawa na mawala sya bago nagsama ang dalawa kawawang Blaze makakatikim ng paghihiganti na hindi naman sya ang may gawa kundi ang bruhang si Camilla kung bakit nawala si Eilish/Beatrice
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 3.2

    “Pinaghanda kita ng breakfast, hindi ka na kasi kumain kanina.” hindi maalis ni Beatrice ang tingin niya sa Ate niya. Nagtataka kung anong namamagitan sa kanilang dalawa ni Blaze. Ang alam niya ay ayaw ni Camilla kay Blaze noon para sa kaniya, then now, what she is doing here.“You don’t need to do that Camilla. Nagpadala na ako ng pagkain ko sa secretary ko.”“But this is also my responsibility ang alagaan ka at ipaghanda ng pagkain bilang asawa mo.” naikuyom ni Beatrice ang kamao niya, asawa? Hilaw siyang natawa sa isipan niya. Kung ganun sariling kapatid niya lang din pala ang umahas sa kaniya. Paano nitong gawin sa sariling kapatid? At sa loob pa ng pamamahay nila?Gusto ng sampalin ni Beatrice silang dalawa pero kinalma niya ang sarili niya. Hindi na siya makikilala ng mga taong nasa nakaraan niya at ng sarili niyang pamilya.‘Paano mo nagawa sa akin ito Ate? Sarili mong kapatid, inahas mo.’ nangg

    Huling Na-update : 2022-04-28
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 4.1

    “Naghihintay na ang mga kliyente mo sayo, ang alam ko ay panglima o pang-anim na nila itong kompanya na pinuntahan. Naghahanap sila ng perfect design for a building. They are a big client and they are going to choose kung anong design ang kukunin nila.” Paliwanag ni Aaron, sekretarya ni Blaze. “Fine, I’ll go there in a minute.” Kinuha na ni Blaze ang iprepresent niyang design sa kliyente nila. Kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito at mapili ang pinaghirapan niyang disenyo. Inayos niya na muna ang sarili bago pumasok ng conference room. “Good morning,” pormal niyang bati, ngumiti naman ang mga kliyente niya saka siya naupo. Nanatili namang nakatayo si Aaron sa gilid ni Blaze. “Mr. Del Valle, so we hope na makita na namin ang perfect design for our building. It’s really hard to find a unique and beautiful design. You’re an engineer and architect, am I right?” “Oh yes, I have a design for a building here.” “Perfect,” natutuwang saad ng isang matandang lalaki. Kinuha na ni Blaz

    Huling Na-update : 2022-04-29
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 4.2

    Iginiya siya ni Blaze sa isang upuan at ipinakilala sa mga kasama niya sa loob. “Oh, I know you. You’re one of the famous architect in Italy, right? What are you doing here?” napangiti naman si Beatrice dahil hindi niya alam na kilala rin pala siya sa Pilipinas. “Yes, I am. I’m Beatrice Alfera. Nice to meet you Sir, Ma’am.” inilahad niya ang kaniyang kamay na malugod namang tinanggap ng lahat. “It’s my pleasure to meet you Ms. Alfera. Hindi mo naman nasabi na may maganda at magaling ka palang architect sa kompanya mo Mr. Del Valle. Hindi na sana kami nagpakahirap pang nagpunta sa iba ibang kompanya. Nandito lang pala ang kailangan namin.” nakangiti pa nitong saad, tiningnan ni Beatrice si Blaze ng nagtatanong. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga ito na, dito siya nagtatrabaho. “We really like your design Ms. Alfera. It’s really unique and beautiful, a modern with a touch of Spanish style. We decided na yung design mo na lang ang kuk

    Huling Na-update : 2022-04-29
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 5.1

    BEATRICE POVBakas na ang inis sa mukha ni Ate Camilla, do I need to call her Ate? Parang hindi niya na ako kinilalang kapatid niya dahil sa pagtratraydor niya sa akin dahil kung minahal niya talaga ako bilang kapatid niya kahit maghabol sa kaniya si Blaze iisipin pa rin niya ako kahit patay na ako, nandun pa rin yung respeto niya sa akin.“You two stop! Will you? You both not a kid anymore para mag-away. Camilla, she has a point anyway. Pwede niyo namang sabihin ang mga opinion niyo but don’t fight in front of me.” may diing wika ni Blaze, pansin ko pa ang pag-irap sa akin ni Camilla pero hindi ko na iyun pinansin pa at itinuon ang atensyon sa harapan ko. Pinakinggan ko lang ang mga sinabi ni Blaze pero hindi maalis sa isip ko minsan kung bakit napunta rito si Camilla.Wala siyang alam sa pagiging architect dahil hindi naman ito ang tinapos niya pero ngayon, she’s like a professional in this field. O baka naman kasi pinag-aralan niya rin for Blaze. Ano nga bang kayang gawin ng isang

    Huling Na-update : 2022-05-12
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 5.2

    Lumabas na siya ng office ko, napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko namatay na rin ang kapatid kong si Camilla dahil ibang iba na siya ngayon. Tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya bilang kapatid o ugali niya na talaga iyun dati pa?Kaysa ang isipin ko pa siya ay gawin ko na lang ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang pag-aralan ang lahat sa kompanya niya at sa kaniya. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at bibisitahin ko ang isang site na pagmamay-ari rin ng Del Valle’s company.Kailangan kong humanap ng butas ng kompanya niya at ng baho niya. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ako nakokontento na makita kang nasasaktan at nahihirapan.Malayo pa lamang ako sa site ay napakunot na ang noo ko, may mga ilang taong may hawak hawak na karatula. Anong ginagawa nila? Iginilid ko ang sasakyan ko, napatingin naman silang lahat sa akin at halos manlaki ang mga mata ko ng lapitan nila ang kotse ko. What is happening here?Pinapunta niya ako para rito?“Pakinggan naman ang aming mga dai

    Huling Na-update : 2022-05-12
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 6.1

    “Sa ballpen mo nanaman ibinubuhos ang galit mo. May nangyari nanaman ba?” nag-aalalang tanong ni Aurora, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko lang talaga makalimutan ang pag-uusap naming yun. Parang biglang nawala ang dating kilala kong Blaze, para siyang ibang iba sa pinakasalan kong Blaze noon.“Tell me, what happened?”“Wala naman, mga bagay lang na tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na ganun pala talaga siya kasama. Hindi ko lang inaasahan.” Naupo siya sa tapat ko at seryoso akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.“Kung ganun, hindi mo pa nga gaanong kilala ang dati mong asawa kahit na matagal kayong nagsama o maaaring nagbago siya simula ng mawala ka.”“Nagbago? Hindi imposible pero kung talagang minahal niya ako dati pa hindi niya ako magagawang lokohin at sa Ate ko pa? Wala na akong pakialam kung anong relasyon nilang dalawa sa nakalipas na taon panigurado namang naging masaya sila.” Muli akong humarap sa laptop ko at sa mga papel na pinapatapos niya sa akin.

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 6.2

    “Ano bang problema mo sakin? Lagi ka na lang kontrabida.” Here we go again, bakit ba masyado niyang pinepersonal bawat meeting kapag may itinatama sa kaniya.“It’s look like na hindi mo pinaghandaan ang report mo Ms. Camilla. Sayo ba talaga yan? Sigurado ka bang ikaw ang gumawa niyan?” diretso kong tanong, hindi ako pwedeng magkamali dahil ang nirereport niya ngayon ay tugmang tugma sa nawawala kong gawa. Masyado ka na palang marumi maglaro Camilla. “Ms. Camilla hindi dahil sa pinagdududahan ko ang gawa mo. Dahil kung masyado mong pinaghandaan ang lahat, alam mo kung anong ibig kong sabihin. Tama ba?” dagdag ko pa. Nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa kamay niya ay mahigpit na ang hawak niya sa remote ng projector.“Alam ko, sino ba sa tingin mo si Blaze Del Valle? Sa tingin mo wala siyang control sa Del Valle’s Group, siya lang naman ang nag-iisang anak ng Chairman.”“Here we go again with your connections Ms. Camilla. Hindi ba tayo makakatayo

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 7.1

    Abala ako sa pagtratrabaho ko ng may pumasok sa loob ng office ko. Blangko ko namang tiningnan si Blaze na salubong na salubong ang kilay.“What do you want? Tell me and name your price. Just get out in my company.” Nginisian ko naman siya, iyan pa rin ba ang iniisip niya hanggang ngayon?“Maliwanag kong sinabi sayo na hindi ako nabibili ng pera mo.”“Ano bang kailangan mo sa kompanya ko? Bakit ka pa ba nagpunta rito?”“Simple lang, kailangan ko ng trabaho. Umuwi ako rito dahil dito rin naman ang bansa ko.”“Pwes, I don’t need you here! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho ang kailangan ko ay ang umalis ka sa kompanya ko.” may diin niyang aniya, nagtiim ang bagang ko sa mga naririnig ko. Hindi ko akalain na mas masahol pa pala siya sa iniisip ko. Hindi ko nakita ang side niyang ito noong mag-asawa pa lang kaming dalawa o sadyang wala lang akong alam sa mga ginagawa niya sa mga empleyado niya noon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may na

    Huling Na-update : 2022-05-13

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Legal Wife   Epilogue 1.2

    Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something

  • The Billionaire's Legal Wife   Epilogue 1.1

    Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 50.2

    “We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 50.1

    “Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 49.2

    Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 49.1

    Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 48.2

    Nilapitan ko na ang anak ko, parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon. May mga benda ang ilang bahagi ng katawan niya ganun na rin sa ulo niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa dami ng mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Kung pwedeng ako na lang ang pumalit sa pwesto niya at sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya saka ko iyun idinikit sa pisngi ko. Sana mabilis lang ang paggaling mo, kapag gumaling ka na I promise anak babawi ako, babawi si Mommy sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Huwag mong iiwan ang Mommy.Hinaplos ko ang buhok niya, nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan na ang pag-iyak ko. Magiging okay ang anak ko, gagaling siya kaya kailangan kong maging malakas para na lang sa kaniya.Inihilig ko ang ulo ko sa kama niya, hindi kita iiwan. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ko na ang pananakit ng mga mata ko dahil sa mga pag-i

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 48.1

    Nakayuko na ako habang nakaluhod sa harapan niya. Ilang minuto siyang hindi umiimik. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kaniya ang lahat. At kung ayaw niya pa rin kaming tulungan, kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod sa buong pamilya niya gagawin ko para sa anak ko.Ramdam ko ang pagtingin ng mga dumadaan sa amin pero wala na akong pakialam sa iniisip nila.“Stand up,” rinig ko sa malamig na boses niya, tiningala ko siya.“Stand up!” sapilitan niya akong pinatayo at hinila niya pabalik sa loob ng hospital. Kahit na nasasaktan na ako sa paraan nang paghawak niya sa kamay ko at sa bilis nang hila niya sa akin tiniis ko yun kung iyun ang gusto niyang gawin sa akin para lang pumayag siyang magbigay ng dugo sa anak ko.Mabilis kaming nakarating ng emergency room at naghihintay naman dun ang doctor na nakausap ko kanina.“My blood is Rhnull, what do I need to do?” diretso niyang tanong kay Doc. “Faster! He need it now! Kapag may nangyari sa bata ako mismo ang kikitil ng buhay mo

  • The Billionaire's Legal Wife   Kabanata 47.2

    “He’ll be okay, don’t worry too much. Magiging okay din siya.” wika niya, napabitaw na lang ako sa yakap niya dahil alam kong hindi ito panaginip. Tinitigan ko siya at mukhang hindi nga ako nagkakamali ng tingin sa taong nasa harapan ko ngayon.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito. Nasa park ako nang mangyari ang aksidente.” Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong aksidente?” inalalayan niya naman na muna akong naupo, sana hindi ganun kalala ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako, hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa akin, magiging katapusan na rin ng buhay ko kapag siya ang nawala sa buhay ko. “Hindi ko alam na nandun siya, ayon sa mga nakakita tumakbo siya para habulin ang laruan niyang bola nang mabangga siya ng kotse. Hindi ko nakita kung anong nangyari, titingnan ko lang sana kung anong nangyari ng makilala ko siya kaya ako na nagdala sa kaniya rito.” saad niya ng nakaiwas ang mga tingin niya, bagsak ang balikat kong

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status