Share

Chapter 4

“G-Geli…”

Bigla na lang nanuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ako makahinga. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. O kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kaniya.

“Bakit hindi ka na nagpapakita sa ‘kin, ha? Iniiwasan mo ba ako? Galit ka ba sa ‘kin?” sunod-sunod niyang tanong, halata sa boses ang pagtatampo.

Hindi agad na-proseso ng utak ko ang narinig. Para akong tanga na nakatitig lang sa kaniya. ‘Di kalaunan ay umawang ang bibig ko nang matantong mali ang iniisip ko. Napabuga nalang ako ng hangin. Kinabahan lang pala ako sa wala!

Ilang beses pa muna akong napalunok bago nakapagsalita. “Naging sobrang busy kasi ako nitong mga nagdaang linggo. P-Pasensya na.” I pinched my thigh when I stuttered. Hindi pa rin kasi humuhupa ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

“Does my dad giving you a hard time? Sobrang dami ba ng pinapagawa niya sa ‘yo? I can talk to him if you want--”

“’Wag na! Hindi na kailangan, Gel,” pigil ko sa kaniya nang akma siyang papasok sa opisina ng ama niya. “Mabait naman si Sir Fred sa ‘kin. ‘Tsaka normal lang naman na marami akong work load.”

“Are you sure?” Ilang beses akong tumango para kumbinsihin siya. I wasn’t lying. Totoo namang ayos lang ako rito sa kumpanya nila.

She look at me straight in the eyes then sighed. Hindi na ako nakatanggi na samahan siya sa kung saan nang hintayin niya akong mag-out.

We’re now heading to the mall just a few blocks away from DLRE building. Geli’s heart is weak at hindi siya pwedeng mapagod kaya naman kahit malapit lang ang mall mula sa kumpanya ay nagpahatid pa rin kami sa personal driver niya. Nang makarating ay huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng main entrance. Pagkababa namin ay nagpasalamat kami sa driver niya saka naglakad papasok.

Likas na madaldal si Geli. Habang naglilibot kami ay wala siyang tigil sa kadadaldal. Hindi naman ako maka-relate sa ibang sinasabi niya lalo na’t hindi ko kilala ang mga pangalang binabanggit niya. “Should I buy a gift na for his birthday?” biglang tanong niya nang pumasok kami sa branch ng isang luxury brand.

“Kanino?” tanong ko. She was blabbering too much kaya hindi ko na nasundan ang mga sinabi niya.

“It’s Gavin’s birthday on the 25th next month. Medyo malayo pa pero gusto ko nang bumili ng gift para sa kaniya. And I need your help in choosing kung anong magandang pang-regalo sa kaniya.” She beamed and went to the men’s perfume section. I pursed my lips as I followed her. Abala siya sa pagpili ng mga pabango habang sa ibang bagay naman lumilipad ang isip ko.

“You know what, I think I was wrong on judging him that he’s cheating on me. Naiintindihan ko na rin kung bakit minsan hindi siya umuuwi sa bahay. He must be so tired at work na ayaw niya nang mag-drive pauwi so he prefer stay at his condo since mas malapit 'yon sa Vista Ventures.” Nilingon ko si Geli nang sabihin niya iyon. “Nitong mga nakaraan kasi, parang may changes na sa kaniya. Maybe you’re right that he’s just too busy kaya wala na siyang time sa ‘kin. But I noticed that he’s trying. Siguro nga need lang namin na maglaan ng araw para mag-unwind. Your idea about the vacation is actually good. I should ask him about it later.”

“W-Well… good for you.” Tipid akong ngumiti at kinuha ang isang bote ng perfume saka inamoy iyon. She ended up buying a set of perfume as a birthday gift for her husband.

She was smiling from ear-to-ear when she pulled me inside her favorite Japanese restaurant. Pagkatapos naming ibigay ang order namin sa waiter ay nagsimula na naman siyang magsalita.

“Wala ka pa rin bang boyfriend, Yumi?” she asked out of nowhere.

“Wala. Bakit?” It naturally came from my mouth. I was surprised that I didn’t stammer.  

“I was thinking… what if you give my brother a chance?” Mula sa menu ay agad na nabaling sa kaniya ang atensyon ko. My brows furrowed. “I don’t mean pressure, okay? Naisip ko lang… Kuya Drew is not that bad naman. Mahilig lang talaga siyang p-um-arty but he’s actually nice. And he’s now showing interest in helping our company because of you. And you’re single--”

“Akala ko ba naiintindihan mo ako, Geli?” I cut her off. I was starting to feel annoyed by the topic. Bakit ba pinipilit nila sa ‘kin si Drew?

“I do! I-I mean…” she heaved a deep sigh then gave me an apologetic smile. “Okay, fine. Let’s just drop this topic. It was just my stupid thought. I’m sorry, Yumi.”

Hindi nalang ako umimik at binalik na ang tingin sa labas. Nang dumating na ang pagkain namin ay sinimulan ko na agad ang pag-kain. I’m not mad at Geli. But her presence is making me feel suffocated. Maybe it’s because I’m hiding something from her. At natatakot akong baka malaman niya iyon.

Katatapos ko lang kumain nang tumunog ang cellphone ko. I took a glance on my phone screen and saw that it was a call from Gavin. I looked at Geli who’s still enjoying her food. Ibinalik ko ulit ang tingin sa cellphone ko. Saglit ko iyong tinitigan bago ibinaba ang tawag.

“Bakit hindi mo sinagot? Baka importante,” sabi niya na ngayon ay nakatingin na sa ‘kin. She’s chewing her sushi while waiting for my response.

Itinago ko ang cellphone sa bag saka nag-iwas ng tingin. “Unknown number, eh. Hindi ko kilala,” I reasoned out. Thankfully, she didn’t push further. She just shrugged and focus back on finishing her food.

Saka lang ako nakahinga ng maayos nang sinabi niyang uuwi na siya. Sinamahan ko siya sa parking area dahil naroon na raw ang sundo niya.

“Gav!”

I froze on my position when I saw Gavin leaning against his white Tesla. Mabilis na lumapit si Geli saka hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti si Gavin sa kaniya ngunit nang dumako ang mga mata niya sa ‘kin ay agad napawi ang ngiti niyang iyon. I cleared my throat and looked away, suddenly feeling anxious.

“You didn’t tell me na ikaw pala susundo sa ‘kin! I thought you’re still in a meeting!” Geli was ecstatic while I was feeling the opposite. Hindi ko alam kung may ideya si Gavin na kasama ko ngayon ang asawa niya, o talagang nananadya lang siya.

“My parents invited us for dinner,” sagot niya sa asawa. Pasimple akong napairap. Bakit ang malas ko naman ngayong araw na ‘to?

May pinag-usapan pa sila ngunit hindi ko na sila pinakinggan. I started walking away from them without saying goodbye. Halata namang masyado silang abala sa pinag-uusapan nila kaya nakalimutan na nila ang presensya ko. Tinext ko nalang si Geli para sabihing uuwi na ako.

Nang makarating sa bahay ay kumunot naman ang noo ko nang marinig ang boses ni Drew sa loob. Napabuga ako ng hangin nang pagpasok ko ay bumungad nga sa paningin ko si Drew na nakaupo sa sofa sa sala habang kausap si Mama. Nagtatawanan pa sila.

“Oh, nandito na pala si Mayumi,” anunsyo ni Mama nang mapalingon siya sa pintuan. Tahimik akong lumapit sa kaniya para magmano. Tipid akong ngumiti kay Drew at walang imik na dumiretso sa kwarto.

Humilata ako sa kama saka tumitig sa kisame. Ilang beses din akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw lalo na kanina sa parking area ng mall. Iyon ang unang beses na nagpang-abot kaming tatlo. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labis na kaba at pagkailang. Mabuti nalang at kaswal lang ang kilos ni Gavin kaya walang napansin si Geli.

Pinangako ko nalang sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaang magpang-abot ulit kaming tatlo. Ayaw ko nang mangyari pa ulit ‘yung kanina.

I was still in deep thoughts when I heard a knock on my door. “Yumi, anak! Lumabas ka muna riyan!” Napairap ako at tamad na tumayo para pagbuksan ng pinto si mama. Hindi na ako nakailag nang bigla niyang kinurot ang tagiliran ko.

“Mama naman! Masakit!” reklamo ko.

“Talagang masasaktan ka sa ‘kin ‘pag nagmukmok ka pa riyan sa kwarto mo! Ano bang ginagawa mo riyan? May bisita ka sa baba! Bumaba ka roon at kausapin mo si Andrew!” Gusto ko pa sanang magprotesta ngunit nang bigyan ako ng matalim na tingin ni mama ay wala na akong nagawa kung ‘di bumaba.

Ngiti ni Drew ang sumalubong sa ‘kin pagkababa ng hagdan. Naroon pa rin siya sa sofa na mas lalong nagmukhang maliit dahil sa tangkad niya. He’s wearing a dark blue polo shirt and a black slacks paired with a black leather shoes. May suot din siyang Rolex habang hawak niya naman ang isang latest model na iPhone. Isang tingin pa lang sa kaniya ay agad kong masasabi na hindi siya bagay rito sa maliit naming bahay.

“Napabisita ka?” tanong ko saka umupo sa katapat niyang upuan.

“Hinatid ko lang ang mama mo,” simpleng sagot niya. “And I also want to personally give you… this.” Kinuha niya mula sa likuran ang isang bouquet na puno ng pulang rosas. Kunot-noong tinitigan ko iyon. Ni hindi ko napansin kanina na may dala pala siyang bulaklak. “Tanggapin mo na.” Mas inilapit niya pa sa akin ang bouquet kaya kinuha ko na lang ‘yon sa kaniya.

I pursed my lips as I was thinking of words to say. May pagka-sensitive si Drew kaya kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti ang mga salitang sasabihin ko sa kaniya. Naisip ko rin na dahil rito ay siguradong may ideya na sina mama sa totoong dahilan ng pagpunta ni Drew rito.

“By the way, tomorrow’s my parents’ wedding anniversary. They want to celebrate it intimately kaya nagpa-reserve sila sa isang five-star restaurant para sa family dinner bukas. Kasama ng mga kapatid ko ang mga asawa nila kaya naisip ko na imbitahin ka para samahan ako.”

Umawang ang bibig ko. Gulat at hindi makapaniwala sa narinig. “A-Ano?”

Ngumiti siya sa ‘kin dahilan para mas lalo pang nabuo ang inis ko sa kaniya. “I want you to be my date for our family dinner, Yumi.”

“Bakit ako, Drew? Bakit hindi nalang ibang babae ang dalhin mo?” may bahid na rin ng inis na sabi ko.

“My mother’s also expecting your presence tomorrow, Yumi. Sinabi niyang gusto ka niyang makita,” seryoso na rin ang boses ni Drew. Alam kong naiinis na rin siya dahil sa sinabi ko, pero wala akong pakialam! Bakit ba bigla-bigla nalang siyang nagde-desisyon nang hindi muna ako tinatanong? Ano nalang ang iisipin ng mga magulang niya kapag pumayag ako sa gusto niya? Siguradong iisipin nilang kami na ng anak nila!

“Hindi na rin ako magtatagal. May kailangan pa kasi akong puntahan.” Hindi ako umimik dahil sa sobrang inis. Ayaw kong makapagbitaw na naman ng salitang pagsisisihan ko sa huli. “Sana nagustuhan mo ang bulaklak.”

“Salamat.” Iyon lang ang sinabi ko at hinatid na siya palabas ng bahay. Nang masiguradong nakaalis na siya ay pabagsak kong isinara ang pinto. Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na pala sina Aya at Mark. Si mama naman ay nasa paanan ng hagdan at seryosong nakatingin sa ‘kin. “Bakit?” tanong ko sa kanila. Hindi pa rin humuhupa ang inis na nararamdaman ko.

Pinaakyat muna ni mama sina Aya at Mark sa taas bago siya muling bumaling sa ‘kin. “Nililigawan ka pala ni Andrew?” seryosong tanong niya. Tango lang ang naging sagot ko. Hindi ako interesadong pag-usapan ‘yon. “Kailan pa?”

“Matagal na po.”

“Bakit wala kang sinasabi sa amin?”

“Wala naman po akong balak na sagutin si Drew, ma. Hindi ko po siya gusto.”

“Bakit hindi?” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. “Mabait na bata si Andrew. May pagkapilyo lang ‘yon pero halos ako na ang nagpalaki sa kaniya kaya kilala ko na ang batang ‘yon. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon, Yumi?”

Napahilot ako sa sentido at pilit na kinalma ang sarili. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ito tapos dadagdag pa talaga si Drew? “Ma, ‘di ba po ang sabi niyo, ‘wag muna akong mag-boyfriend? Tutulungan ko pa sina Aya na makapagtapos sa pag-aaral, ‘di ba?” sabi ko gamit ang pinaka-kalmadong paraan na kaya ko.

“Ang ibig ko lang naman sanang sabihin, Yumi, na minsan ka lang makahahanap ng lalaking katulad ni Andrew. Halos nasa kaniya na lahat. Ano bang hindi mo nagustuhan sa kaniya?”

“Busy ako sa trabaho, ma. Wala po akong planong mag-boyfriend,” sagot ko na lang saka bumalik na kwarto.

Naglinis muna ako ng katawan bago  binagsak ang sarili sa kama. Sirang-sira na ang araw ko. Gusto ko nalang matulog agad para matapos na ang araw na ‘to. Malapit na sana akong makatulog ngunit agad akong napabalikwas nang maalala ang sinabi ni Drew.

Family dinner.

Kasama ang mga asawa ng mga kapatid niya.

Napamura nalang ako nang matantong magkikita na naman kaming tatlo nina Geli at Gavin bukas. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status