Gabrielle's Point of View "Kuyaaa! Kuya buksan mo ang pinto!" Kanina pa kumakatok si Kate sa pinto ng kwarto ko. "Sige na kuya, papasok lang ako. Gusto kitang makita." May lungkot na sa boses niya kaya naglakad ako papunta sa naka-lock na pinto. Pumasok siya at agad akong niyakap. "Nag-aalala na ako ng sobra kuya. Nag-aalala kami ni Lola. Hindi ka kumakain, hindi namin alam kung nakakatulog ka ba ng ayos. Kuya, alagaan mo ang sarili mo please." Hikbi niya habang nakayakap sa akin. "Si ate Eumerriah, maaring iniwan ka pero kami nandito lang. Kami ni Lola hindi mawawala sa iyo. Hindi ka namin iiwan. Nandito kami palagi sa tabi mo." Dagdag pa niya. Inalo ko na lang siya at hinaplos ang likod ng buhok niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya kung ako lang gusto ko naman talaga maging maayos. Gusto kong bumalik sa mga panahong hindi pa kami magkakilala at hindi ako nag-aalala sa kalagayan niya. Hindi marunong magluto si Yumi, sino ang nagluluto ng pagkain niya, healthy
Gabrielle's Point of View Pinaalis ako nila Lola at Kate sa kwarto ko dahil lilinisin daw nila. Masyado na daw matapang ang amoy ng alak, sigarilyo at kung ano mang nabubulok na bagay. May mga inuod na daw na hindi ko naman napapansin. Sa loob ng dalawang linggo, lumalabas lang ako para bumili ng alak, sigarilyo at kung anong bagay na mag-lead sa akin para mamatay. Gusto ko ng mamatay na lang sa sakit ng pag-alis niya ng walang paalam. Ang hirap matulog sa gabi, ang hirap gumising sa umaga na aligaga at may kung anong pangamba akong nararamdaman. Alam kong hindi iyon normal at ayokong maging pabigat pa kay Lola at Kate. Sa tuwing mag-aattempt ako bigla na lang papasok sa isip ko ang masayang mukha ni Eumerriah, naririnig ko ang mga hagalpak niyang tawa at ang mga sermon niyang parang bata ang boses. Natitigilan ako, nagkakaroon ako ng pag-asang bumalik siya at harapin akong muli kasama na ng anak ko. Nagpanggap akong maayos na hindi nalulungkot sa harap nila Lola. Nagpaalam akong b
Gabrielle's Point of View Dalawang oras na akong naghihintay, pero wala pa ring lumalabas na Eumerriah mula sa pintuan ng mansyon nila. Nakalabas na ang mga bisita at ang kuya ko, pero wala pa rin siyang lumalabas. Bumuntong-hininga ako bago magmaniobra paalis ng pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin hanggang sa namalayan ko na lang na nasa isang parking lot ako ng isang bar. Madilim na rin at maya-maya ay magbubukas na ito. Naghintay pa ako ng ilang sandali. Gusto ko ng karamay, gusto ko ng kasama, pero ayoko ng tao. Tanging alak lang ang nasa isip ko.Gusto kong magpakalunod sa alak hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. Sakit na tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na napindot ko ang busina ng kotse ko, kaya may isang staff ng bar na kumatok. Nakakaistorbo raw ako kaya pinapaalis nila ako sa parking. Tinanong ko kung open na ba at sabi nila ay pwede na silang magbukas para sa mga chill drinkers, pero for crowded ay mamaya pa. Hindi ko alam na may ga
Gabrielle's Point of View Akala ng lahat ang tahimik ng isang linggong nakalipas ko. Akala nila Lola at Kate ay maayos lang ako pero hindi nila alam tuwing wala sila sa bahay ay doon nagsisimula ang kalbaryo sa isip ko. Hindi na ako lumalabas, ayokong dagdagan pa ang problemang dinala ko. Kinulong ko ang sarili ko sa sarili kong mundo. Hindi ko nagawang kumuha ng cellphone para kumenekta sa mga kaibigan ko. Ayoko pati sila problemahin ang problema ko. Paulit-ulit lang ang pag-iisip ko ng hindi maganda. "Kuyaaaa!!" Katok ni Kate sa pinto. Agad kong pinatay ang music na pinapatugtog ko at ang beer na iniinom ko ay nilagay ko sa ilalim ng kama. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya nang buksan ko ang pintuan ko. Napapaypay pa siya sa mukha niya. "Ang baho! Nag-iinom ka na naman ba? Tanghaling tapat." "Hindi! Baka naamoy mo lang sarili mo. Pag-ikaw nalaman kong nag-iinom na. Sinasabi ko sa iyo ipapaubos ko mga alak sa mundo sa iyo!" Pagbibiro ko sa kaniya. Inamoy-amoy naman niya ang sarili niy
Gabrielle’s Point of View“Paano ‘yan! Mukhang ikaw talaga ang tinuturong ama ng dinadala ni Kristine. Siya mismo ang nagsabi no’n sa harap ng mga magulang niya. Tiyak hinahanap ka na nila ngayon. Baka nga alam na din ng mga magulang mo e. Anong balak mong gawin?” madiin at may pag-aalala sa boses ni Paul.Agad silang pumunta dito ng malaman nilang ako ang tinuturo ni Kristine na ama ng dinadala niya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko mahal si Kristine. Hindi ko magagawang galawin siya dahil pawing nakakabatang kapatid ko lang siya tingnan. Alam kong kahit lasing ako hindi ako gagawa ng bagay na iyon. Napatunayan ko na ‘yon, ang nangyari sa amin ni Eumerriah ay dahil lasing kami at nasa ilalim ng drugs.“Alam niyong protective ako kay Kristine. Hindi ko magagawa sa kaniya ang bagay na ‘yon. Kapatid ko na siya, katulad ng tingin ko kay Kate ang pagtingin ko sa kaniya. Napaka-impossible na mangyari ‘yan. Isa pa, alam niyo at nakikita niyo kung gaano ko kamahal si Yumi. Kahit iniwan niya
Gabrielle’s Point of View “Kuya naman. Bakit nag-iinom ka na naman.” Dismayadong sita sa akin ni Kate. Hindi ako sumagot, hindi ko din siya nagawang tingnan. Kararating lang nila ni Lola mula sa resort. “Bakit niya kaya ako nagawang iwan? May mali ba akong ginawa sa kaniya?” tanong ko. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama ko. “Hindi ko talaga maisip e, lahat ng pag-aalaga ginagawa ko. Minahal ko siya at binigyan ng atensyon. Nagbago ako para magustuhan niya at maging karapat-dapat sa kaniya.” Naramdaman ko na lang ang paghagod ni Kate ng likod ko. Patuloy ang pag-inom ko. Hindi na ako napigilan ni Kate. Hinayan n alang ako, siguro ay dama niya na mahirp ang pinagdadaanan ko. Isabay pa ang problema sa pagitan naming ngayon ni Kate. Ang gusto ng magulang niya ay maikasal kami bago pa lumaki ang tyan nito. Hindi ako pwedeng makulong sa isang kasal at relasyon na hindi ko gusto. Bukod sa mga kaibigan ko hindi ko alam kung may ibang nakakaalam ng
Gabrielle’s Point of View Matapos kong mag-walkout, hinabol ako ni Mommy. Pinakikiusapan niya akong sundin si Daddy. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mas mahalaga sa kanila ang negosyo at pride kaysa sa amin, mga anak nila. Bakit kailangan naming mabuhay ayon sa kagustuhan nila? "Anak, 25% ng shares ay pag-aari ng mga Montealto. Kung sakaling mapahiya sila dahil nabuntis ang anak nila nang walang tumatayong ama, sigurado akong malaking gulo. Bukod sa maba-bankrupt tayo, mapapahiya din ang iyong ama sa business world. Kilala mo ang Daddy mo, hindi iyon papayag. Alam kong may gagawin siya para hindi mo matanggihan. Ayoko na ng gulo, gusto ko na ng katahimikan. Pagod na ako, Gabrielle, pagod na akong ipaglaban kayong dalawang magkapatid," naiiyak na hinahaplos ni Mama ang braso ko. Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine! Papakasalan ko siya kung mapapatunayang ako ang ama ng batang dinadala niya," pasigaw kong sabi kay Mommy. Puno ng galit ang bawat sipa ko sa buhangin. Mangiy
R|18 Read at your Risk Gabrielle’s Point of View Lahat sila ay abala sa asal na gusto nila. Nakahanda na din ang bahay na tutuluyan namin ni Kristine. “Ano k aba naman Gabrielle. Ipapahiya mob a kami?” tanong ni Mommy. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong magkarooon kami ng DNA test bago magpakasal. Sigurado ako sa sarili ko na hindi ako ang ama ng batang iyon. Hindi ko masabi kay Kristine dahil hindi ko na siyang kausapin pa. Hindi ko magawa siyang tingnan. Parang ibang tao na siya sa paningin ko, hindi na siya ang Kristine na kilala ko simula nang bata pa lamang kami. “Ano bang mali sap ag-conduct ng paternity test. I want to make sure first kung ako ba talaga ang tatay ng batang iyon Mom. Hahayaan mo ba talaga akong makulong sa isang kasal na hindi ko gusto, hahayaan mo akong matulad sa iyo?!” isang sampal ang inabot ko kay Mommy. Napangisiwi na lang ako sa sakit na dulot ng bagay na iyon. “Hindi man ako minahal ng Daddy mo. Natupad ko naman ang mga pangrap ko at masasabi kong