Gabrielle's Point of View Akala ng lahat ang tahimik ng isang linggong nakalipas ko. Akala nila Lola at Kate ay maayos lang ako pero hindi nila alam tuwing wala sila sa bahay ay doon nagsisimula ang kalbaryo sa isip ko. Hindi na ako lumalabas, ayokong dagdagan pa ang problemang dinala ko. Kinulong ko ang sarili ko sa sarili kong mundo. Hindi ko nagawang kumuha ng cellphone para kumenekta sa mga kaibigan ko. Ayoko pati sila problemahin ang problema ko. Paulit-ulit lang ang pag-iisip ko ng hindi maganda. "Kuyaaaa!!" Katok ni Kate sa pinto. Agad kong pinatay ang music na pinapatugtog ko at ang beer na iniinom ko ay nilagay ko sa ilalim ng kama. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya nang buksan ko ang pintuan ko. Napapaypay pa siya sa mukha niya. "Ang baho! Nag-iinom ka na naman ba? Tanghaling tapat." "Hindi! Baka naamoy mo lang sarili mo. Pag-ikaw nalaman kong nag-iinom na. Sinasabi ko sa iyo ipapaubos ko mga alak sa mundo sa iyo!" Pagbibiro ko sa kaniya. Inamoy-amoy naman niya ang sarili niy
Gabrielle’s Point of View“Paano ‘yan! Mukhang ikaw talaga ang tinuturong ama ng dinadala ni Kristine. Siya mismo ang nagsabi no’n sa harap ng mga magulang niya. Tiyak hinahanap ka na nila ngayon. Baka nga alam na din ng mga magulang mo e. Anong balak mong gawin?” madiin at may pag-aalala sa boses ni Paul.Agad silang pumunta dito ng malaman nilang ako ang tinuturo ni Kristine na ama ng dinadala niya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko mahal si Kristine. Hindi ko magagawang galawin siya dahil pawing nakakabatang kapatid ko lang siya tingnan. Alam kong kahit lasing ako hindi ako gagawa ng bagay na iyon. Napatunayan ko na ‘yon, ang nangyari sa amin ni Eumerriah ay dahil lasing kami at nasa ilalim ng drugs.“Alam niyong protective ako kay Kristine. Hindi ko magagawa sa kaniya ang bagay na ‘yon. Kapatid ko na siya, katulad ng tingin ko kay Kate ang pagtingin ko sa kaniya. Napaka-impossible na mangyari ‘yan. Isa pa, alam niyo at nakikita niyo kung gaano ko kamahal si Yumi. Kahit iniwan niya
Gabrielle’s Point of View “Kuya naman. Bakit nag-iinom ka na naman.” Dismayadong sita sa akin ni Kate. Hindi ako sumagot, hindi ko din siya nagawang tingnan. Kararating lang nila ni Lola mula sa resort. “Bakit niya kaya ako nagawang iwan? May mali ba akong ginawa sa kaniya?” tanong ko. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama ko. “Hindi ko talaga maisip e, lahat ng pag-aalaga ginagawa ko. Minahal ko siya at binigyan ng atensyon. Nagbago ako para magustuhan niya at maging karapat-dapat sa kaniya.” Naramdaman ko na lang ang paghagod ni Kate ng likod ko. Patuloy ang pag-inom ko. Hindi na ako napigilan ni Kate. Hinayan n alang ako, siguro ay dama niya na mahirp ang pinagdadaanan ko. Isabay pa ang problema sa pagitan naming ngayon ni Kate. Ang gusto ng magulang niya ay maikasal kami bago pa lumaki ang tyan nito. Hindi ako pwedeng makulong sa isang kasal at relasyon na hindi ko gusto. Bukod sa mga kaibigan ko hindi ko alam kung may ibang nakakaalam ng
Gabrielle’s Point of View Matapos kong mag-walkout, hinabol ako ni Mommy. Pinakikiusapan niya akong sundin si Daddy. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mas mahalaga sa kanila ang negosyo at pride kaysa sa amin, mga anak nila. Bakit kailangan naming mabuhay ayon sa kagustuhan nila? "Anak, 25% ng shares ay pag-aari ng mga Montealto. Kung sakaling mapahiya sila dahil nabuntis ang anak nila nang walang tumatayong ama, sigurado akong malaking gulo. Bukod sa maba-bankrupt tayo, mapapahiya din ang iyong ama sa business world. Kilala mo ang Daddy mo, hindi iyon papayag. Alam kong may gagawin siya para hindi mo matanggihan. Ayoko na ng gulo, gusto ko na ng katahimikan. Pagod na ako, Gabrielle, pagod na akong ipaglaban kayong dalawang magkapatid," naiiyak na hinahaplos ni Mama ang braso ko. Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine! Papakasalan ko siya kung mapapatunayang ako ang ama ng batang dinadala niya," pasigaw kong sabi kay Mommy. Puno ng galit ang bawat sipa ko sa buhangin. Mangiy
R|18 Read at your Risk Gabrielle’s Point of View Lahat sila ay abala sa asal na gusto nila. Nakahanda na din ang bahay na tutuluyan namin ni Kristine. “Ano k aba naman Gabrielle. Ipapahiya mob a kami?” tanong ni Mommy. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong magkarooon kami ng DNA test bago magpakasal. Sigurado ako sa sarili ko na hindi ako ang ama ng batang iyon. Hindi ko masabi kay Kristine dahil hindi ko na siyang kausapin pa. Hindi ko magawa siyang tingnan. Parang ibang tao na siya sa paningin ko, hindi na siya ang Kristine na kilala ko simula nang bata pa lamang kami. “Ano bang mali sap ag-conduct ng paternity test. I want to make sure first kung ako ba talaga ang tatay ng batang iyon Mom. Hahayaan mo ba talaga akong makulong sa isang kasal na hindi ko gusto, hahayaan mo akong matulad sa iyo?!” isang sampal ang inabot ko kay Mommy. Napangisiwi na lang ako sa sakit na dulot ng bagay na iyon. “Hindi man ako minahal ng Daddy mo. Natupad ko naman ang mga pangrap ko at masasabi kong
Gabrielle's Point of View Hindi ako sigurado kung kailan nila ina-nounce ang engagement party namin ni Kristine. Pinapunta na lang ako ni Mommy para ganapin ito sa isang hotel. Pumunta naman ako para wala ng gulong maganap pa. Hindi ako nakinig sa program, hindi rin ako nakikipag-usap sa mga tao. Ni wala akong nginingitian man lang. Nakipag-beso lang ako sa mga magulang ni Kristine. Umakyat sa mini stage na ginawa nila pagkatapos ay umalis din agad ako. Hindi ako nagtagal sa event, hindi ko kayang makipagplastikan sa kanila. Lahat sila ay masayang binabati si Kristine at masaya naman niya itong tinatanggap. Umakyat na ako sa kwarto na binigay ni Mommy. Dito daw tutuloy ang pamilya namin. Hindi pala basta kwarto, isa itong pent house. Naabutan ko si Kuya Jerome na nakaupo na sa kama niya. "Kamusta ang ikakasal?" Pang-aasar niya. Hindi ko siya pinansin. Kinalkal ko ang bag na dinala nila dito pamalit ko daw. "Dapat nag-stay ka pa doon ng matagal. Hanggang mamaya pa ang kas
Gabrielle's Point of View Hindi rin nagtagal ay naikasal kami ni Kristine. Nakalipat din kami sa bahay na binigay ng parents ko. Hindi ko alam sa kanila, gusto nika dito ko itira si Kristine. Pumayag na lang ako, wala na akong lakas pa para nakipagtalo. "Breakfast is ready! Mag-almusal ka muna bago ka umalis." Hinagod niya ng tingin ang suot kong damit. "Saan ka pala pupunta? Hindi ba wala ka namang trabaho?" "Alam ko, pero hindi naman pwedeng nandito lang ako sa bahay kasama ka. Kailangan kong maghanap ng trabaho, kung ayaw akong bigyan ng trabaho ng magulang ko at ng magulang mo. Ako ang maghahanap sa sarili ko." Wika ko ng hindi man lang inabalang tingnan siya. Hindi ko din maunawaan sa kanila, mukhang takot silang magkaroon ako ng posisyon sa company nila. Kahit ang tatay ko hindi man lang ako mapagkatiwalaan. "Hindi pala ako matutulog dito, mga isang linggo ako sa resort. Hussle kung magbabalikan ako from province to manila." Paalam ko sa kaniya habang inaayos laman ng
Gabrielle's Point of View Nandito kami ngayon nila Paul at Jayson sa resort. Ewan ko sabi kung bakit sila sumunod sa akin. "Sinong kasama si Kristine doon?" Tanong ko habang nag-aayos ng mga papels sa ibabaw ng table ko. Mayroon namang opisina dito, may mga empleyado din akong nag-aasikaso ng ilan sa mga office job. "Hindi ba sinabi ko sa inyong bantayan niyo siya habang wala ako." "Bakit? Kami ba ang asawa niya?" Taas kilay ni Jayson. "Palagi nga kaming tinataboy. Sobrang sungit sa amin, walang gustong makasama kundi ikaw. Pinagbabato pa nga kami kanina habang papasok ng bahay. Napaka-dragona ngayon ni Kristine, kung masungit na siya nang hindi pa buntis mas nagtriple pa ngayon. Pambihira, mabuti natitiis mo gano'n ugali. Aray! Ano ba?" Binatukan kasi siya ni Jayson. Sa sobrang kadaldalan niya hindi niya magawang mag-isip muna. "Kaya nga siya nandito kasi hindi niya matiis ugali ni Kristine. Gaano ba kaliit kukute mo para hindi ma-isip ang bagay na iyon. Ay nako! Ewan ko