Gabrielle's Point of View Nandito kami ngayon nila Paul at Jayson sa resort. Ewan ko sabi kung bakit sila sumunod sa akin. "Sinong kasama si Kristine doon?" Tanong ko habang nag-aayos ng mga papels sa ibabaw ng table ko. Mayroon namang opisina dito, may mga empleyado din akong nag-aasikaso ng ilan sa mga office job. "Hindi ba sinabi ko sa inyong bantayan niyo siya habang wala ako." "Bakit? Kami ba ang asawa niya?" Taas kilay ni Jayson. "Palagi nga kaming tinataboy. Sobrang sungit sa amin, walang gustong makasama kundi ikaw. Pinagbabato pa nga kami kanina habang papasok ng bahay. Napaka-dragona ngayon ni Kristine, kung masungit na siya nang hindi pa buntis mas nagtriple pa ngayon. Pambihira, mabuti natitiis mo gano'n ugali. Aray! Ano ba?" Binatukan kasi siya ni Jayson. Sa sobrang kadaldalan niya hindi niya magawang mag-isip muna. "Kaya nga siya nandito kasi hindi niya matiis ugali ni Kristine. Gaano ba kaliit kukute mo para hindi ma-isip ang bagay na iyon. Ay nako! Ewan ko
Gabrielle's Point of View "Hindi ako pwedeng pumasok doon mom, natatakot ako. Baka awayin ko lang mga nurse sa loob. Mom, ikaw na." Pagtataboy ko kay Mommy. Nagli-labor na kasi si Kristine at dinala na namin siya dito sa hospital. Ngayon naman ay hindi maka-ire kaya kailangan daw ng asawa. Sa sobrang inis ko kagabi dahil hindi nila magawan ng paraan ang pananakit ng tyan ni Kristine ay naaway ko na ang mga nurse. Kaya natatakot akong pumasok sa emergency room. Baka makasapak na ako. Sinimulan ko ng maging ama sa magiging anak namin. Hindi man kami madalas nag-uusap ni Kristine, siguro ay sapat ng inaalalayan ko siya habang buntis siya. Mas okay na din iyon para manahimik na siya. Hindi naman na ako nakarinig ng kahit anong panunumbat kay Kristine. "Hay nako! Napaka duwag mo." Ika ni Mommy at dumiritso na siya sa loob ng emergency room. Tahimik kaming nagbabantay dito ng Daddy ko, kuya Jerome at ng parents niya. Hindi rin pwedeng pumasok si Tita at Tito dahil sa nerbyoso din sila
**Gabrielle’s Point of View** Lumipas ang araw, buwan, at naging taon. Hindi ko alam kung tinanggap ko na ba ang kapalaran ko o sadyang wala na akong ibang choice. Nang makita ng mga magulang ko at mga magulang ni Kristine ang pagiging mabuting padre de pamilya ko, binigyan nila ako ng posisyon sa kompanya. Hindi naging madaling makuha ang tiwala nila. Hindi ko rin naman inaasahan na sa tuwing gagawin ko ang tingin kong makakabuti sa bata, nakikita nilang responsable ako. Mula nang ipinanganak si Kimberly, naging katulong ako ni Kristine sa lahat. Ako ang hands-on sa paglilinis ng dede niya sa gabi. Ako ang naglalaba ng mga tinaihan niyang kumot, lampin, at damit. Pinagawa sa akin ni Lola ang mga bagay na iyon para daw maging close ako sa anak ko. Magandang lumaki ang bata na close sa daddy niya, kaya ginagawa ko ang makakaya ko. Kung tulog si Kristine sa gabi, ako ang bumabangon para patahanin siya kapag nagigising. Ako rin ang nagtitimpla ng gatas at nagpapalit ng diaper para mabi
Eumerriah's Point of View "Nasaan na ba kayo? Hindi ko kayo makita! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa airport." Sumisigaw na tawag ni Manager Kim sa cellphone. Medyo inilayo ko pa ito dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya masakit sa tenga. "Kababa lang namin, mag-CR lang muna ako." Sabi ko habang naglalakad papuntang comform room. "What do you mean? Hindi mo siya kasama?" Tanong niya sa akin. "He is with his father. Susunod daw sila pagkakuha nila ng release paper ni Dustine. Alam mo naman ang dalawang iyon hindi mapaghiwalay!" Nauna na akong umuwi ng pilipinas dahil ngayon ang schedule ng flight ko, actually dapat ay kasama sila ngunit hindi natuloy dahil na-delay ang release ng mga papers niya. Maninirahan na kasi kami dito sa pilipinas, Dustine is old enough para mauanawaan kung bakit kailangan naming umuwi ng pilipinas. Matapos kong mag-retouch ay agad akong lumabas. Sa exit mismo ng airport ay nakita ko si Manager Kim may banner pa ito na parang sa mga fans ko. Noong papalapit
**Eumerriah's Point of View**"Mamaya ka na bumababa," awat sa akin ni Manager Kim. "Bakit? Anong mayroon?" Sumilip ako sa bintana ng kotse at nakita ang magagarang sasakyan sa labas ng isang malaking bahay."Dito ka lang, pupuntahan ko si Shaira." Hinawakan pa ni Manager Kim ang kamay ko bago umalis. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Nanatili akong nakasilip mula sa kotse.Hindi na ako mapakali, nag-aalala para kay Justine at Shaira. Binuksan ko ang bintana ng kotse at narinig ang ilang pagtaas ng boses. Agad kong binuksan ang kotse at nagmadaling bumaba. Pumasok ako sa loob ng bahay.Naabutan ko si Jerome na sasampalin si Shaira, kaya hinawakan ko ito at pilipitin. Gulat ang naging reaksyon nila, maging si Jerome; hindi niya agad ininda ang sakit ng kamay niya."Yumi!!" "Mommy!!" "Eumerriah!" "Eumerriah?" kunot ang noong tanong ni Jerome. Tinulak ko ang kamay niya, at dahil sa sakit, agad siyang bumagsak. "Mananakit ka talaga ng babae? Talagang bumababa ka sa ganyan
Eumerriah’s Point of View“Kamusta ka na ngayon?” Tanong ko kay Shaira.“Maayos naman ako, hindi mo naman kailangan mag-alala. Pasensya na kung hindi man lang kita nasundo. Kakatapos lang kasi ng program sa school ni Justine.” Hinging paumanhin sa akin ni Shiara.“Ano k aba ayos lang. Ang mga bata dapat ang priorities natin. Paano pala nalaman ni Jerome na nandito kayo?”“Actually, hindi ko din alam.” Tumingin siya kay Justine na abalang naghahalwat ng mga dala ko. Alam niya kasing lahat ng iyon ay para sa kaniya. Malaki na si Justine pero baby pa din siya sa mata namin. “Ang sabi ng teacher niya, may isang lalaki daw ang hinahanap ang pangalan ko.” Kumunot naman ang noo ko.“Ang tyaga niya din maghanap ano? Wag kang matatakot, tulad ng napag-usapan natin noon hindi nila masasaktan ang kadugo mismo nila. Si Justine ang nag-iisa nilang tagapagmana.” Hinawakan ko ang kamay ni Shaira.Hindi ko alam pero ibang-ibang Shaira na ang nasa harapan ko ngayon. Ang dami niyang pinagdaanan sa kama
Eumerriah's Point of View "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mo naman na hindi ko kayang magtrabaho kasama siya?" Tanong ko kay Manager Kim. "Sa totoo lang, hindi ko din alam na siya ang makakapartner mo. Ngayo ko lang din nalaman. Upon checking, personal pick daw siya ng brand owner. Kaya wala na akong magagawa para mabago pa iyon. You signed the contract already kaya hindi ka na din pwedeng umatras." Frustrated ako sa naging sagot ni Manager Kim. Alam ko namang wala siyang kasalanan ngunit wala akong mahanap na masisisi. Bumalik ako sa bansa para bumalik sa pagiging talent or commercial model. Lumalaki na ang mga bata kaya dapat akong kumayod para sa kanila. Hindi ko pwedeng iasa pa sa magulang ko ang obligasyon ko. Ito lang ang trabahong magaling ako at na-enjoy kong gawin. Sa U.S, sinubukan din namin mag-business ngunit mahirap ang kalakaran doon kaya balak kong mag-ipon ulit at mag-business together with Shaira. Disappointed akong naupo sa bench dito sa studio kung saan g
Eumerriah's Point of View Kagabi, dumating na si Dustine at Jayson. Si Jayson dumiritso sa kanila. Kaya heto kami ngayon, nagbabonding kasama si Shaira at Justine. Pumunta kami ng mall, nag-sine at kumain. Naiwan naman ako dito sa labas ng CR ng mall. Nag-CR ang dalawang bata saka si Shaira. Ayoko naman pumasok dahil baka doon ako pagkaguluhan. Pasalamat na lang ako dahil walang nakakilala sa disguise ko ngayon. Nakasuot ako ng shades at balabal ss mukha, na style sumbrero. "Sige nak, maghintay ako dito. Take your time." Rinig kong pag-uusap ng dalawang tao. Isang medyo nasa mid 30's na lalaki at isang dalaga. Magtatay siguro sila. Tiningnan ko lang sila habang nakatayo, hindi naman nila mapapansin na sa kanila ako nakatingin dahil sa suot kong salamin. Dahil ang pwesto ko ang hindi medyo dinadaanan ng tao papasok at hindi nakakasagabal sa mga lalabas ay tumabi siya sa akin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako sa tingin niya sa hindi ko malamang dahilan. Na