**Eumerriah's Point of View**"Mamaya ka na bumababa," awat sa akin ni Manager Kim. "Bakit? Anong mayroon?" Sumilip ako sa bintana ng kotse at nakita ang magagarang sasakyan sa labas ng isang malaking bahay."Dito ka lang, pupuntahan ko si Shaira." Hinawakan pa ni Manager Kim ang kamay ko bago umalis. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Nanatili akong nakasilip mula sa kotse.Hindi na ako mapakali, nag-aalala para kay Justine at Shaira. Binuksan ko ang bintana ng kotse at narinig ang ilang pagtaas ng boses. Agad kong binuksan ang kotse at nagmadaling bumaba. Pumasok ako sa loob ng bahay.Naabutan ko si Jerome na sasampalin si Shaira, kaya hinawakan ko ito at pilipitin. Gulat ang naging reaksyon nila, maging si Jerome; hindi niya agad ininda ang sakit ng kamay niya."Yumi!!" "Mommy!!" "Eumerriah!" "Eumerriah?" kunot ang noong tanong ni Jerome. Tinulak ko ang kamay niya, at dahil sa sakit, agad siyang bumagsak. "Mananakit ka talaga ng babae? Talagang bumababa ka sa ganyan
Eumerriah’s Point of View“Kamusta ka na ngayon?” Tanong ko kay Shaira.“Maayos naman ako, hindi mo naman kailangan mag-alala. Pasensya na kung hindi man lang kita nasundo. Kakatapos lang kasi ng program sa school ni Justine.” Hinging paumanhin sa akin ni Shiara.“Ano k aba ayos lang. Ang mga bata dapat ang priorities natin. Paano pala nalaman ni Jerome na nandito kayo?”“Actually, hindi ko din alam.” Tumingin siya kay Justine na abalang naghahalwat ng mga dala ko. Alam niya kasing lahat ng iyon ay para sa kaniya. Malaki na si Justine pero baby pa din siya sa mata namin. “Ang sabi ng teacher niya, may isang lalaki daw ang hinahanap ang pangalan ko.” Kumunot naman ang noo ko.“Ang tyaga niya din maghanap ano? Wag kang matatakot, tulad ng napag-usapan natin noon hindi nila masasaktan ang kadugo mismo nila. Si Justine ang nag-iisa nilang tagapagmana.” Hinawakan ko ang kamay ni Shaira.Hindi ko alam pero ibang-ibang Shaira na ang nasa harapan ko ngayon. Ang dami niyang pinagdaanan sa kama
Eumerriah's Point of View "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Alam mo naman na hindi ko kayang magtrabaho kasama siya?" Tanong ko kay Manager Kim. "Sa totoo lang, hindi ko din alam na siya ang makakapartner mo. Ngayo ko lang din nalaman. Upon checking, personal pick daw siya ng brand owner. Kaya wala na akong magagawa para mabago pa iyon. You signed the contract already kaya hindi ka na din pwedeng umatras." Frustrated ako sa naging sagot ni Manager Kim. Alam ko namang wala siyang kasalanan ngunit wala akong mahanap na masisisi. Bumalik ako sa bansa para bumalik sa pagiging talent or commercial model. Lumalaki na ang mga bata kaya dapat akong kumayod para sa kanila. Hindi ko pwedeng iasa pa sa magulang ko ang obligasyon ko. Ito lang ang trabahong magaling ako at na-enjoy kong gawin. Sa U.S, sinubukan din namin mag-business ngunit mahirap ang kalakaran doon kaya balak kong mag-ipon ulit at mag-business together with Shaira. Disappointed akong naupo sa bench dito sa studio kung saan g
Eumerriah's Point of View Kagabi, dumating na si Dustine at Jayson. Si Jayson dumiritso sa kanila. Kaya heto kami ngayon, nagbabonding kasama si Shaira at Justine. Pumunta kami ng mall, nag-sine at kumain. Naiwan naman ako dito sa labas ng CR ng mall. Nag-CR ang dalawang bata saka si Shaira. Ayoko naman pumasok dahil baka doon ako pagkaguluhan. Pasalamat na lang ako dahil walang nakakilala sa disguise ko ngayon. Nakasuot ako ng shades at balabal ss mukha, na style sumbrero. "Sige nak, maghintay ako dito. Take your time." Rinig kong pag-uusap ng dalawang tao. Isang medyo nasa mid 30's na lalaki at isang dalaga. Magtatay siguro sila. Tiningnan ko lang sila habang nakatayo, hindi naman nila mapapansin na sa kanila ako nakatingin dahil sa suot kong salamin. Dahil ang pwesto ko ang hindi medyo dinadaanan ng tao papasok at hindi nakakasagabal sa mga lalabas ay tumabi siya sa akin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako sa tingin niya sa hindi ko malamang dahilan. Na
Eumerriah’s Point of View “Kamusta ang trabaho?” tanong ni Jayson.“Maayos naman. Medyo naninibago lang,” sagot ko.“Sabi ko naman sa iyong hayaan mo na lang ako ang magtrabaho para sa atin, para sa mga bata,” nakangiting pangungumbinsi ni Jayson.“Ginawa mo naman akong baldado. Alam ko paano kumita ng pera kaya hayaan mo ako. Isa pa, sino ka ba?” mataray kong tanong sa kaniya.“Iyang kilay mo! Hahaha kahit kailan talaga napakasungit mo. Concern lang naman ako sa iyo at sa mga bata,” sabi niya, sabay tawa.“Nyenyee. Alam ko iyon, hindi mo na kailangan paulit-ulitin pa,” pang-aasar ko.Sa loob ng halos anim na taon, nandiyan na siya para sa amin ng mga bata. Siya ang katuwang ko sa lahat kahit hindi ko siya pinapayagan noong una. Matagal niya din akong nakumbinsi. Sa totoo lang, ayoko talagang magkaroon ng koneksyon sa pamilya o malalapit kay Gabrielle. Ayoko ng kung anong gulo lalo na at masaya na siya sa pamilya niya.“Sinabi ko naman, hindi ako naghihintay ng kapalit. Gusto lang ki
Eumerriah’s Point of View“Kailan ang next shoot ko?” tanong ko kay Manager Kim. Nandito na naman siya sa bahay, tapos na daw siya sa office work. Ang mga artist niyang nasa mga taping ngayon ay kasama ang kani-kanilang P.A kaya wala na siyang trabahong gagawin.“May offer sa iyo pero hindi ko alam kung gusto mong tanggapin.” Sagot niya habang nagsi-cellphone. “Bakit? Anong problema doon?” tanong ko sa kaniya.“Gusto kang kunin ng PR team ng kompanyang pag-aari ng asawa ni Gabrielle.” Simpleng sagot nito.“Trabaho ang kailangan ko hindi naman sila ang personal na kumuha sa akin di ba?” tumango naman siya. “Edi go, professional naman ako kaya wala tayong magiging problema.”“Pirmahan na lang natin ang kontrata bukas.”“Mommy oh, si Kuya Justine inaasar ako.” Tumatakbong lumapit sa akin si Dustine.“Bakit? Bakit?” niyakap ko si Dustine sa likod niya nakasunod si Justine.“Di ba sabi ko wag tatakbo? Masyadong madulas ang tiles baka mabalian kayo at mabukulan.”“Hindi naman po mababalian
Eumerriah’s Point of ViewMaaga akong nagising dahil aayusan muna ako sa office bago pumunta sa main building ng Hernandez Group of Company. I research that company owned by Kristine and her husband.“Goodmorning.” Bati ko sa iba’t ibang crew and staff dito sa building ng agency ni Manager Kim. “Si Manager Kim nasaan?” tanong ko dahil wala siya sa office niya. Dumiritso naman ako sa glam team ko. Hindi na ako nagpalagay ng P.A dahil hindi ako tumatanggap ng trabaho na uubos ng oras ko. Ayos na sa akin ang mga commercials na gumugugol lang walo hanggang sa dose oras. Sapat na iyon may matitira pa sa akin para araw-araw ay may bonding moment kami ng mga bata. Sapat na ang mga glam team na nag-aayos ng damit, mukha at mga susuotin kong sapatos.“Hindi pa po namin nakikita simula kagabi. Maaga siyang umalis dito.” Sagot ng isang crew niya. Ngumiti na lang ako. Alam ko naman saan siya kagaling kagabi.“Nandyan na po siya.” Lahat ng nag-uusap, naka-upo at mga walang ginagawa ay bumalik sa k
Gabrielle’s Point of View“secretary ko. Sinabi niya kasi sa akin na nag-back out daw si Jerome para sa company image. Malapit na kasi ang anniversary ng company at madaming event na gagawin bilang celebration at isa na doon ang magkaroon ng bagong mukha.“Naghahanap po sila ng kapalit na babagay kay Ms. Eumerriah.” Nagulat naman ako sa sagot niya. “What do you mean? Si Eumerriah ang kinuha nila?”Tumango naman ang secretary ko. “Opo. Maganda po kasi ang naging reaction ng tao sa pagbabalik niya sa industriya. Madaming naka-miss sa tambalan nila ni Jerome. Hindi niyo po pala alam?” umiling ako.“Maganda daw po kasi sa imahe ng kompanya kung kukuha tayo ng old models. Mas tatangkilikin ang product at mga services natin.” Muli niyang paliwanag.“Paano iyan kung wala partner si Eumerriah? Matutuloy baa ng shooting nila?” tanong ko.“Hindi po ako sigurado. Pero sigurado akong kailangan kayo doon ni Ma’m Kristine at nang anak niyo.” Alam ko naman iyon. Naka-schedule na din iyon ng 11:30.“
15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung
Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang
Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n
Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d