Eumerriah’s Point of ViewMaaga akong nagising dahil aayusan muna ako sa office bago pumunta sa main building ng Hernandez Group of Company. I research that company owned by Kristine and her husband.“Goodmorning.” Bati ko sa iba’t ibang crew and staff dito sa building ng agency ni Manager Kim. “Si Manager Kim nasaan?” tanong ko dahil wala siya sa office niya. Dumiritso naman ako sa glam team ko. Hindi na ako nagpalagay ng P.A dahil hindi ako tumatanggap ng trabaho na uubos ng oras ko. Ayos na sa akin ang mga commercials na gumugugol lang walo hanggang sa dose oras. Sapat na iyon may matitira pa sa akin para araw-araw ay may bonding moment kami ng mga bata. Sapat na ang mga glam team na nag-aayos ng damit, mukha at mga susuotin kong sapatos.“Hindi pa po namin nakikita simula kagabi. Maaga siyang umalis dito.” Sagot ng isang crew niya. Ngumiti na lang ako. Alam ko naman saan siya kagaling kagabi.“Nandyan na po siya.” Lahat ng nag-uusap, naka-upo at mga walang ginagawa ay bumalik sa k
Gabrielle’s Point of View“secretary ko. Sinabi niya kasi sa akin na nag-back out daw si Jerome para sa company image. Malapit na kasi ang anniversary ng company at madaming event na gagawin bilang celebration at isa na doon ang magkaroon ng bagong mukha.“Naghahanap po sila ng kapalit na babagay kay Ms. Eumerriah.” Nagulat naman ako sa sagot niya. “What do you mean? Si Eumerriah ang kinuha nila?”Tumango naman ang secretary ko. “Opo. Maganda po kasi ang naging reaction ng tao sa pagbabalik niya sa industriya. Madaming naka-miss sa tambalan nila ni Jerome. Hindi niyo po pala alam?” umiling ako.“Maganda daw po kasi sa imahe ng kompanya kung kukuha tayo ng old models. Mas tatangkilikin ang product at mga services natin.” Muli niyang paliwanag.“Paano iyan kung wala partner si Eumerriah? Matutuloy baa ng shooting nila?” tanong ko.“Hindi po ako sigurado. Pero sigurado akong kailangan kayo doon ni Ma’m Kristine at nang anak niyo.” Alam ko naman iyon. Naka-schedule na din iyon ng 11:30.“
Eumerriah's Point of View "Bakit? Anong sinabi niya?" Tanong agad ni Manager Kim nang matapos kaming mag-usap. "Wala naman siyang magandang sinabi.""Malamang! Sobra ang galit sa iyo ng babaeng iyan e. Sa tingin mo ba may sasabihin siyang maganda sa iyo. Kung siguro hindi ka kailangan dito, baka nagwala na iyan at pinagsasabunutan ka." Naiiritang wika ni Manager Kim. FLASHBACK “Ay, hindi niyo po ba kilala sino CEO ng Hernandez Group of Company?” taking tanong niya. “I know who he is, pero hindi ba kayo kumuha ng partner ko?”‘Actually nag-back out po ang dapat ka-partner niyo. Since kailangan din ng picture niyo with the owner kaya napag-pasyahan namin si Sir Gabrielle na lang ang kapartner niyo.” What?“Bakit? May problema ka ba doon? Natatakot ka ba?” tiningnan ko ang magandang babae na bagong pasok lang dito sa studio room. Base sa itsura at pananamit niya, isa siya sa mayroong mataas na posisyon dito sa company ngunit bakit mukhang kilala niya ako. "Goodmorning Ms. Kristine.
Eumerriah’s Point of View“Mabuti naman naging smooth ang takbo ng trabaho natin ngayon. Good job everyone. Good job Yumi.” Nakangiting bata sa akin ni Manager kim. Sinandal pa niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kaniya. Nasa loob na kami ng van, kasama na namin ang lahat ng crew. Hindi ako nagpapa-treat ng pang-VIP sa kanila. Ayoko lang bumalik sa dating ako na halos hindi mahawakan ng kahit sino. Noong nasa U.S ako, sinubukan ko balikan lahat ng interview, vedio at mga nagawa kong movie. Doon ko napansin na masyado pala akong bini-baby ng lahat. Kaya ang daming bagay ang hindi ko kayang gawin nang mag-isa na lang ako at magiging isang ina.“Saan ka namin ibaba? Diretso ka ba sa inyo?” tanong ni Manager Kim sa akin. Medyo pagod na din ako, inanaantok na din ngunit nagsabi na ako kay Mommy na ngayon ako bibisita. Nag-aalala din kasi ako nab aka sa mga susunod na araw mas dumami ang trabaho kaya baka hindi ko na sila mabisita pa. “Dyan sa kanto, ‘yong mga gamit ko
Eumerriah's Point of View Naguguluhan ako at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanila. Hindj ko madiriktang sabihin kay Mommy na ayoko ngunit hindi ko din ito kayang tanggapin. Bukod sa nanatakot ako sa magiging buhay ng anak ko sa puder nila ay baka hindi nila matanggap na may obligasyon ako kay Shaira. Nangako akong kung nasaan ako, nandoon din si Shaira at Justine. Hindi ko sila pwedeng iwan lalo na ngayong binabawi pa lang muli ni Shaira ang sarili niya mula sa kalungkutan at hirap na dinaanan niya. May mga magulang pa naman si Shaira. Anytime tatanggapin siya ng mga ito. Ngunit ayaw niya mismo na maging pabigat pa sa magulang niya. She wants to leave alone kahit hindi naman niya talaga kaya. "Anak, sige na. Ayoko ng makita ang Daddy mong nahihirapan ilaban ang kompanya. Madami na ang gusto siyang paalisin dahil walang tagapagmana." Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko. "..pero mom, wala akong alam sa pagpapatakbo no'n." Pagdadahilan ko. "Madam
Eumerriah's Point of View "Let's talk! Mag-usap tayo ng matino!" Oras na din siguro para makausap siya tungkol sa kompanya namin. Hindi ko alam kung worth it ba ito pero naisip kong baka matulungan niya kami sa ibang bagay. "About what?" Takang tanong niya. "About the company!" Simpleng sagot ko. "Ayoko! Bumababa ka na. Hindi ako interesadong magtrabaho. Not working hours." Bwisit. "Ano bang gusto mong pag-usapan?" "Talaga? Pag-uusapan natin ang gusto ko?" Ulit niya. "Yes, pero in one condition! Sasagot mo lahat ng tanong ko tungkol sa company!" Nagkibit balikat lang siya. "Sasagutin ayon lang sa kaalaman ko. Okay saan tayo mag-uusap?" Tanong niya. "Sa tahimik at tayo lang dalawa." Sagot ko. Kahit pagod na pagod na ako nagawa ko pa din ang bagay na ito. Sobrang nakakapagod ang araw na ito anong magagawa ko kung ito na lang ang pagkakataon ko, baka sa susunod na araw ay wala ng chance. Naisip ko kasing alamin kay Gabrielle kung anong balak ng mga magulang
Eumeeriah’s Point of View “Nasagot ko na nag gusto mong malaman, maari ba akong magtanong?” panimula kong tanong kay Gabrielle. Hindi siya sumagot.“Anong nangyayari sa company ng parents ko? Wala akong sapat na kaalaman. Hindi ko alam kung nagsasabi sila ng totoo o hindi.” Dugtong kong tanong.“Anong basehan mong hindi sila nagsasabi sa iyo ng totoo? Magulang mo sila hindi ba?” nagulat naman ako sa naging tanong niya.“Wala akong alam sa business world. Gusto ko lang makasigurado na hindi nila ako ginagamit muli. Iyon lang Gabrielle, kung hindi mop ala ako masasagot sana hindi na lang ako sumama dito. Pagod ako at hindi ko kayang makipagtutsyadahan sa iyo.” Akmang aalis na ako at bubuksan ang pintuang pinasukan namin kanina ng hawakan niya ang kamay ko.Sa ikalawang paglapat ng kamay namin ay parehong nakaramdam ako ng sobrang kaba na sumisipa sa dibdib ko. Isama mo pa ang init ng kamay niya na nagpapatindi ng nararamdaman ko. Tumingin ako sa kaniya, naramdaman ko ang nakakatunaw na
Eumerriah’s Point of ViewIt’s sunny day today. Wala kaming masyadong trabaho. Nasa bahay lang kaming lahat dahil wala pang pasok ang mga bata. Hindi pa kasi sila nakakapag-enrol. Gusto ko sanang sumama kaso mas gusto ng mga bata na si Jayson ang kasama, si Jayson ang mag-enrol sa kanila. Hinayaan ko na lang kasi nagbibinata na din sila at mas gusto nilang lalaki ang makakasama.“Sigurado ka bang kaya ni Jayson ang dalawang bata? Sobrang kulit pa naman ni Justine. Alam mo naman iyon sobrang kulit.” Nag-aalalang tanong ni Shaira sa akin.“Nagbibinata na si Jastine. Pagkatiwalaan natin siya total request niya ito. Pasalamat na lang tayo na school activities niya gustong makasama ang dalawa. Kasi kung ibang boys out na siguradong mas mag-aalala ka ng ganyan.” Pabiro kong sagot kay Shaira.“Hoy! Gaga, hindi pa ako handa na magbinata si Justine at Dustineeeee.” Maiyak-iyak na biro ni Shaira. May paghawak pa