Eumeeriah’s Point of View “Nasagot ko na nag gusto mong malaman, maari ba akong magtanong?” panimula kong tanong kay Gabrielle. Hindi siya sumagot.“Anong nangyayari sa company ng parents ko? Wala akong sapat na kaalaman. Hindi ko alam kung nagsasabi sila ng totoo o hindi.” Dugtong kong tanong.“Anong basehan mong hindi sila nagsasabi sa iyo ng totoo? Magulang mo sila hindi ba?” nagulat naman ako sa naging tanong niya.“Wala akong alam sa business world. Gusto ko lang makasigurado na hindi nila ako ginagamit muli. Iyon lang Gabrielle, kung hindi mop ala ako masasagot sana hindi na lang ako sumama dito. Pagod ako at hindi ko kayang makipagtutsyadahan sa iyo.” Akmang aalis na ako at bubuksan ang pintuang pinasukan namin kanina ng hawakan niya ang kamay ko.Sa ikalawang paglapat ng kamay namin ay parehong nakaramdam ako ng sobrang kaba na sumisipa sa dibdib ko. Isama mo pa ang init ng kamay niya na nagpapatindi ng nararamdaman ko. Tumingin ako sa kaniya, naramdaman ko ang nakakatunaw na
Eumerriah’s Point of ViewIt’s sunny day today. Wala kaming masyadong trabaho. Nasa bahay lang kaming lahat dahil wala pang pasok ang mga bata. Hindi pa kasi sila nakakapag-enrol. Gusto ko sanang sumama kaso mas gusto ng mga bata na si Jayson ang kasama, si Jayson ang mag-enrol sa kanila. Hinayaan ko na lang kasi nagbibinata na din sila at mas gusto nilang lalaki ang makakasama.“Sigurado ka bang kaya ni Jayson ang dalawang bata? Sobrang kulit pa naman ni Justine. Alam mo naman iyon sobrang kulit.” Nag-aalalang tanong ni Shaira sa akin.“Nagbibinata na si Jastine. Pagkatiwalaan natin siya total request niya ito. Pasalamat na lang tayo na school activities niya gustong makasama ang dalawa. Kasi kung ibang boys out na siguradong mas mag-aalala ka ng ganyan.” Pabiro kong sagot kay Shaira.“Hoy! Gaga, hindi pa ako handa na magbinata si Justine at Dustineeeee.” Maiyak-iyak na biro ni Shaira. May paghawak pa
Eumerriah’s Point of View “Ano ba! Bakit kailangan mong manghalik?” hindi niya sinagot ang tanong ko at umikot lang siya para makatabi sa upuan ko. “Hindi ko sinasadya. Malay ko bang lilingon ka. Gusto mo ibalik ko?” nagmustra pa siyang humahalik halik sa harapan ko kaya sinampal ko siya ng bahagya. “Pasaway ka talaga, iniwan mo ba ang mga bata doon? Sinong kasama nila? Halika na, kailangan na nating umuwi-“Yumi! Relax! Set down!” Hinatak niya ang kamay papalapit sa kaniya dahil nakatayo na ako. Nag-aalala ako sa dalawang batang naiwan sa bahay.“Ano ka ba naman, tulog na sila ng iniwan ko. Nagpaalam din ako kay Justine. Dapat nga daw samahan ko kayo para wala daw boys na lalapit sa inyo. Nandoon din si Manang at puno ng guard ang bahay remember? So Safe ang mga bata. Maupo na ka na.” hatak niyang muli sa akin dahil sinubukan kong tumayo na naman.“Hindi mo kailangan alalahanin ang mga bata. Ang alalahanin moa ng matang iyon, ang talim ng tingin sa iyo.” Nilapit ni Jayson ang mukha
Eumerriah’s Point of View “Bakit ko babawiin? Totoo naman di ba? Namatay ang anak ko kasi pinabayaan mo? Tapos ano? Gumawa ka ng anak muli para lang makalimutan siya at magbuhay dalaga?!” pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakagat ko na ang pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang pagpipigil.“Jaysooon! Omayghad!”“Stop it! Shutup! Stoooop sabi e! Ano ba? Para kayong mga bata.” Pumagitan ako sa dalawang nag-aaway at suntukan. Si Jayson ang isa at ang isa naman ay hindi pamilyar sa akin.“Gago ka pala e.”“Ikaw ang gago. Bwisit ka. Manyakis! Bastos!”“Ano ba? Hindi ba sinabing manahimik kayong dalawa.” Sigaw ko sa dalawng naggigerian pa din. Si Jayson ay hawak ni Shaira at Gabrielle. Habang ang bouncer ay nasa paligid lang namin. Ang isang lalaki naman ay hawak na din ng mga kaibigan niya.“Kung hindi po kayo magbabati, sa presinto natin ito pag-usapan.” May isang babae ang pumagitna. Tiningnan ko si Gabrielle pero tahimik lang din siyang nagmamanman. Hindi man lang pumagitna sa awayan. Aya
Eumerriah’s Point of ViewHawak ang batok ko ay dahan-dahan akong naglalakad papasok sa mansion habang si Jayson ay inaalalayan si Shaira na nasa unahan ko lang.Hindi naman kami tinamaan ng alak, hindi kami nalasing dahil gising na gising kami dahil sa nangyaring gulo. Uminom lang naman si Jayson sa mini hideout ni Gabrielle pero hindi naman sila nag-usap dalawa. Nagpasya na kaming umalis dahil hating-gabi na din naman.“Kaloka, hindi man lang nag-enjoy ng ayos.” Wika ni Shaira ng makaupo siya sa sofa.“Hoy! Anong ginagawa mo pala doon? Nasaan ang mga bata?” dagdag nitong tanong kay Jayson na kumukuha ng tubig sa may kusina.“Pinatulog ko sila pagdating dito. Kumain naman kami ng hapunan sa labas, nagpaalam naman kasi kayong hindi makakapagluto.” Sagot ni Jayson habang naglalakad papalapit sa aming dalawa. Inabutan kami ng tig-isang basong tubig. “Ma-inom muna kayo. Bakit kasi hindi muna nagtanong sa akin kung gusto lang ng chill na inuman.”“Girl’s night out nga di ba? Saka maganda
Eumerriah’s Point of View“Ano?! Bakit naman biglaan?” singhal ni Manager Kim sa akin.“Magulang ko pa din kasi sila e, bawasan mo lang ng kaunti ang trabaho ko. Magtitraining kasi ako.” Patawa-tawang sagot ko kay Manager Kim.Nagpaalam kasi ako sa kaniya na kung pwedeng mag-resign. Hindi naman daw pwede dahil kahit magkaibigan kami ay may kontrata pa ding sinusunod. Nakiusap ako kung maari bawasan na lang ang trabaho ko para makapag-training pa din ako at may oras sa mga bata. Medyo hesitant pa siya dahil isa ako sa may malaking talent ng company.“Ay nako, kaya kita pinabalik dito para maging business partner. Ikaw ang talent ko at ako naman ang manager mo. Ay siya, ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyan ang gusto mo. Siya’s good luck sa iyo kung hindi ka mas ma-stress sa business industry.”“Kailangan. Hindi na pabata ang mga parents ko, isa pa para sa future ng mga bata. Hindi na rin ako pabata baka sa susunod na taon hindi ko na kayaning umarte pa.” napatango na lang si Manager
Eumerriah’s Point of View“Ang kapal ng mukha niya. Anong ginawa ko sa kaniya para masabi niya iyon. May pa-see you in court pa siyang nalalaman.” Rants ko ng makauwi ako.Abala ang mga bata sa paglalaro sa garden habang kami naman ni Shaira ay nakaupo habang binabantayan sila. “Ano ba kasing ginawa mo? Hindi naman siguro maliit na bagay iyon para umabot ng korte.”“Hindi ko talaga siya maintindihan. Kasalanan ba kung ilayo ko ang anak ko sa kanila at sa pamilya niya? Ayokong magkaroon ang anak ko ng buhay na mayroon silang magkapatid. Ako mismo ang gagawa no’n para sa sarili kong anak. Isa pa, may anak naman na siya. Bakit kailangan niya pang habulin ang anak ko. Hindi ko talaga siya ma-gets.” Frustrated kong sagot kay Shaira.“Ma’am. May dumating pong sulat para sa inyo kanina.” Sulpot ni manong guard. Naglakad ako palapit at inabot ito.“Salamat po.” Ngiti kong paalam sa guard namin.Taka namang lumapit sa akin si Shaira para tingnan ito. “Ginamit mo na ba ang address na ito para s
Eumerriah’s Point of View“Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang hinihintay ko.” Natataranta niyang sagot.“Ano iyan? B-bakit may ganyan ka? Anong ginagawa mo?” turo ko sa hawak niya at may mga posas pa sa sofa.“Umalis ka na, dito ka dumaan.” Turo niya sa akin ng maliit na pinto.Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May Wine at wine glass sa center table. May posas sa may sofa habang may bangko sa may maliit na bangko sa likod ng counter.“A-anong nangyari dito?”“Wag kang makulit. Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, unless gusto mong ikaw ang pumalit sa hinihintay ko?” nangisi niyang tanong.Hindi ako bata. Hindi din ako inusenti sa bagay na nakikita ko ngayon. Alam ko ang sagot ngunit hindi ko din alam kung bakit nakuha ko pang magtanong sa kaniya. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya, hindi ako sigurado kung dahil sa sinabi niya o kung dahil sa pinadala ng atty. niya na invitation sa korte.“Umalis ka na.” sabi niya matapos maka-recover sa sampal ko. Bumalik siya sa