Eumerriah’s Point of View“Ano?! Bakit naman biglaan?” singhal ni Manager Kim sa akin.“Magulang ko pa din kasi sila e, bawasan mo lang ng kaunti ang trabaho ko. Magtitraining kasi ako.” Patawa-tawang sagot ko kay Manager Kim.Nagpaalam kasi ako sa kaniya na kung pwedeng mag-resign. Hindi naman daw pwede dahil kahit magkaibigan kami ay may kontrata pa ding sinusunod. Nakiusap ako kung maari bawasan na lang ang trabaho ko para makapag-training pa din ako at may oras sa mga bata. Medyo hesitant pa siya dahil isa ako sa may malaking talent ng company.“Ay nako, kaya kita pinabalik dito para maging business partner. Ikaw ang talent ko at ako naman ang manager mo. Ay siya, ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyan ang gusto mo. Siya’s good luck sa iyo kung hindi ka mas ma-stress sa business industry.”“Kailangan. Hindi na pabata ang mga parents ko, isa pa para sa future ng mga bata. Hindi na rin ako pabata baka sa susunod na taon hindi ko na kayaning umarte pa.” napatango na lang si Manager
Eumerriah’s Point of View“Ang kapal ng mukha niya. Anong ginawa ko sa kaniya para masabi niya iyon. May pa-see you in court pa siyang nalalaman.” Rants ko ng makauwi ako.Abala ang mga bata sa paglalaro sa garden habang kami naman ni Shaira ay nakaupo habang binabantayan sila. “Ano ba kasing ginawa mo? Hindi naman siguro maliit na bagay iyon para umabot ng korte.”“Hindi ko talaga siya maintindihan. Kasalanan ba kung ilayo ko ang anak ko sa kanila at sa pamilya niya? Ayokong magkaroon ang anak ko ng buhay na mayroon silang magkapatid. Ako mismo ang gagawa no’n para sa sarili kong anak. Isa pa, may anak naman na siya. Bakit kailangan niya pang habulin ang anak ko. Hindi ko talaga siya ma-gets.” Frustrated kong sagot kay Shaira.“Ma’am. May dumating pong sulat para sa inyo kanina.” Sulpot ni manong guard. Naglakad ako palapit at inabot ito.“Salamat po.” Ngiti kong paalam sa guard namin.Taka namang lumapit sa akin si Shaira para tingnan ito. “Ginamit mo na ba ang address na ito para s
Eumerriah’s Point of View“Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang hinihintay ko.” Natataranta niyang sagot.“Ano iyan? B-bakit may ganyan ka? Anong ginagawa mo?” turo ko sa hawak niya at may mga posas pa sa sofa.“Umalis ka na, dito ka dumaan.” Turo niya sa akin ng maliit na pinto.Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May Wine at wine glass sa center table. May posas sa may sofa habang may bangko sa may maliit na bangko sa likod ng counter.“A-anong nangyari dito?”“Wag kang makulit. Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, unless gusto mong ikaw ang pumalit sa hinihintay ko?” nangisi niyang tanong.Hindi ako bata. Hindi din ako inusenti sa bagay na nakikita ko ngayon. Alam ko ang sagot ngunit hindi ko din alam kung bakit nakuha ko pang magtanong sa kaniya. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya, hindi ako sigurado kung dahil sa sinabi niya o kung dahil sa pinadala ng atty. niya na invitation sa korte.“Umalis ka na.” sabi niya matapos maka-recover sa sampal ko. Bumalik siya sa
Eumerriah’s Point of ViewMaaga akong gumising para pumasok sa opisina nila Mommy at Daddy. Hindi naman nila sinabi pero ginusto ko na lang din, kasama naman sa training ko ang gumising ng maaga, kilalanin ang mga tao sa building mula sa pagpasok hanggang sa pinakamataas na pwesto. Alamin kung ano ang mga department at kung sino ang may hawak nito.“Ikaw na bahala sa mga bata ah, kung may problema tawagan mo ako agad.” Bilin ko kay Shaira.“Alam mo, para na tayong mag-asawa. Ikaw ang padre de pamilya at ako ang misis na inaasikaso ang mga anak lang.” natatawang komento ni Shaira habang naglalagay ng kanin.“Heeeh! Hindi ka naman kasi pwedeng magtrabaho. Hayaan mong ako na muna ang gumawa para sa ating apat. Isa pa, ikaw lang ang sanay mag-alaga sa mga bata.” Sagot ko sa kaniya.Sumisigaw na tumatakbo ang mga bata pababa ng hagdanan. Masama kong tiningnan si Manang dahil hinayaan niyang magtatakbo ang dalawa. “… Sila po kasing dalawa ang naunang tumakbo. Inaayos ko pa ang mga bag nila.
Eumerriah’s Point of ViewDahil abala ang mga tao sa loob ng building ay tumambay ako sa lobby. Nag-observe lang ako sa paligid, sa mga taong naglalabas pasok sa aming company. Hindi pa din dumarating sila Mommy at Dady kahit 2hrs na lang ay tapos na ang working hours.“Hindi ba si Gabrielle ‘yon?” tanong ko sa sarili ko nang makita koi tong umupo sa kabilang parte ng lobby. “Anong ginagawa niya dito?” tanong kong muli sa sarili ko. Abala siyang makipag-usap sa telepono.“Ms. Eumerriah. Hindi po sumasagot ang mommy at daddy niyo, mayroon po silang appointment kay Mr. Sanchez, ano pong gagawin ko?” nagmamadaling lapit sa’kin ng secretary ng daddy ko.“Hindi ba pwedeng i-cancel?” nagtataka kong tanong.“Sa totoo lang po ma’am. Nakakahiya ng mag-cancel. Panglimang beses na po ito kung sakaling ika-cancel muli.” Malungkot niyang sagot sa akin.“Anong gagawin natin?”“Pwede po bang kayo na muna ang umattend? Kung may hindi po kayo kayang sagutin nasa tabi niyo lang naman po ako. I-assist k
Eumerriah’s Point of ViewIlang araw din ang lumipas. Natatapos ko na ang 2 weeks training ko sa company. Hindi kami madalas nag-uusap ni dad pero halata kong masaya siyang nakikita akong tinutulungan ko sila. Hindi ko pa nahahalungkay ang tunay na dahilan o kung sino ang spiya sa loob ng kompanya na gumagawa ng pekeng documents.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.” Pasok ng secretary ni dad. Palagi na siyang nasa tabi ko para turuan ako ng bagay-bagay. May sarili din akong opisina para makapagtrabaho ako ng mapayapa.“Sino d-”“Ako!” sabay pasok ng isang mapusturang babae.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. “You may go out.” Nakangiti kong sabi sa secretary ni Dad.“Ang kapal ng mukha mong gumawa ng kwento.” Napangiwi naman ako sa naging panimula niya.“Bakit kailangan mo akong siraan sa asawa ko? Akala mo ba babalikan ka pa niya? Sa tingin mo ba mahal ka pa niya?”“Bakit ikaw? Minahal ka man lang ba?” pakiramdam ko ay may napindot ako sa pagkatao niya dahilan para
Gabrielle’s Point of ViewNagmamadali akong umuwi, may next meeting pa ako after Mr. Ferrer ngunit hindi ko na ito pinuntahan pa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kilala ko si Kristine, naging deperada man siyang makuha ako at maging asawa ngunit hindi niya magagawang pumatay ng buhay lalo na ng walang muwang na bata.Sobra ang gigil ko kung totoo man ang sinasabi ni Eumerriah, sisiguraduhin kong magbabayad siya. Kung hindi naman at sinisiraan lang kami ni Eumerriah, sisiguradduhin ko ding may kalalagyan siya. Masyadong madami na siyang binibintang sa akin at sa pamilya ko. May hinala ako sa mga transaksyon ni Daddy kaya hindi ko siya maipagtanggol kay Eumerriah.Alam kong darating ang araw na babalik si Eumerriah. Pinaghandaan ko ang bagay na iyon ngunit kahit ano pa maging paghahanda ang gawin talagang magugulat ka kung hindi ka sigurado sa lahat ng tao sa paligid mo.Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa mansion. “Nasaan si Kristine?!”
Eumerriah's Point of View Pagod na pagod akong nakauwi ng gabi. Buong araw akong abala sa trabaho at training sa kumpanya ni Daddy. Sobrang dami niyang pinapagawa, sobrang dami niyang utos na minsan ay nairita na nga ako. Pero kailangan kong matutunan ang lahat ng ito para matulungan sila. Alam kong hindi naging madali ang buhay namin kasama siya. Hindi naging madali ang buhay ko kasama sila. Pero hindi iyon rason para talikuran ko sila. Magulang ko pa rin sila, at kailangang kailangan nila ako.Bago ako pumasok sa kwarto ko, nadaanan ko ang kwarto ng mga bata. Dahan-dahan ko itong binuksan. Mahimbing na silang natutulog, halatang pagod sa pag-aaral at paglalaro. Napangiti ako nang makita ko silang ganun."Oh, nandito ka na pala. Ginabi ka na ah. Kumain ka na ba?" biglang sambit ni Shaira mula sa likuran ko. Galing siguro siya sa kwarto niya, at narinig ang pagbukas ko ng pinto sa kwarto ng mga bata."Kumain na ako kanina. Nagkaroon kasi ako ng dinner meeting," sagot ko. "Dinner meet
15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung
Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang
Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n
Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d