Eumerriah’s Point of ViewHawak ang batok ko ay dahan-dahan akong naglalakad papasok sa mansion habang si Jayson ay inaalalayan si Shaira na nasa unahan ko lang.Hindi naman kami tinamaan ng alak, hindi kami nalasing dahil gising na gising kami dahil sa nangyaring gulo. Uminom lang naman si Jayson sa mini hideout ni Gabrielle pero hindi naman sila nag-usap dalawa. Nagpasya na kaming umalis dahil hating-gabi na din naman.“Kaloka, hindi man lang nag-enjoy ng ayos.” Wika ni Shaira ng makaupo siya sa sofa.“Hoy! Anong ginagawa mo pala doon? Nasaan ang mga bata?” dagdag nitong tanong kay Jayson na kumukuha ng tubig sa may kusina.“Pinatulog ko sila pagdating dito. Kumain naman kami ng hapunan sa labas, nagpaalam naman kasi kayong hindi makakapagluto.” Sagot ni Jayson habang naglalakad papalapit sa aming dalawa. Inabutan kami ng tig-isang basong tubig. “Ma-inom muna kayo. Bakit kasi hindi muna nagtanong sa akin kung gusto lang ng chill na inuman.”“Girl’s night out nga di ba? Saka maganda
Eumerriah’s Point of View“Ano?! Bakit naman biglaan?” singhal ni Manager Kim sa akin.“Magulang ko pa din kasi sila e, bawasan mo lang ng kaunti ang trabaho ko. Magtitraining kasi ako.” Patawa-tawang sagot ko kay Manager Kim.Nagpaalam kasi ako sa kaniya na kung pwedeng mag-resign. Hindi naman daw pwede dahil kahit magkaibigan kami ay may kontrata pa ding sinusunod. Nakiusap ako kung maari bawasan na lang ang trabaho ko para makapag-training pa din ako at may oras sa mga bata. Medyo hesitant pa siya dahil isa ako sa may malaking talent ng company.“Ay nako, kaya kita pinabalik dito para maging business partner. Ikaw ang talent ko at ako naman ang manager mo. Ay siya, ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyan ang gusto mo. Siya’s good luck sa iyo kung hindi ka mas ma-stress sa business industry.”“Kailangan. Hindi na pabata ang mga parents ko, isa pa para sa future ng mga bata. Hindi na rin ako pabata baka sa susunod na taon hindi ko na kayaning umarte pa.” napatango na lang si Manager
Eumerriah’s Point of View“Ang kapal ng mukha niya. Anong ginawa ko sa kaniya para masabi niya iyon. May pa-see you in court pa siyang nalalaman.” Rants ko ng makauwi ako.Abala ang mga bata sa paglalaro sa garden habang kami naman ni Shaira ay nakaupo habang binabantayan sila. “Ano ba kasing ginawa mo? Hindi naman siguro maliit na bagay iyon para umabot ng korte.”“Hindi ko talaga siya maintindihan. Kasalanan ba kung ilayo ko ang anak ko sa kanila at sa pamilya niya? Ayokong magkaroon ang anak ko ng buhay na mayroon silang magkapatid. Ako mismo ang gagawa no’n para sa sarili kong anak. Isa pa, may anak naman na siya. Bakit kailangan niya pang habulin ang anak ko. Hindi ko talaga siya ma-gets.” Frustrated kong sagot kay Shaira.“Ma’am. May dumating pong sulat para sa inyo kanina.” Sulpot ni manong guard. Naglakad ako palapit at inabot ito.“Salamat po.” Ngiti kong paalam sa guard namin.Taka namang lumapit sa akin si Shaira para tingnan ito. “Ginamit mo na ba ang address na ito para s
Eumerriah’s Point of View“Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang hinihintay ko.” Natataranta niyang sagot.“Ano iyan? B-bakit may ganyan ka? Anong ginagawa mo?” turo ko sa hawak niya at may mga posas pa sa sofa.“Umalis ka na, dito ka dumaan.” Turo niya sa akin ng maliit na pinto.Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May Wine at wine glass sa center table. May posas sa may sofa habang may bangko sa may maliit na bangko sa likod ng counter.“A-anong nangyari dito?”“Wag kang makulit. Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, unless gusto mong ikaw ang pumalit sa hinihintay ko?” nangisi niyang tanong.Hindi ako bata. Hindi din ako inusenti sa bagay na nakikita ko ngayon. Alam ko ang sagot ngunit hindi ko din alam kung bakit nakuha ko pang magtanong sa kaniya. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya, hindi ako sigurado kung dahil sa sinabi niya o kung dahil sa pinadala ng atty. niya na invitation sa korte.“Umalis ka na.” sabi niya matapos maka-recover sa sampal ko. Bumalik siya sa
Eumerriah’s Point of ViewMaaga akong gumising para pumasok sa opisina nila Mommy at Daddy. Hindi naman nila sinabi pero ginusto ko na lang din, kasama naman sa training ko ang gumising ng maaga, kilalanin ang mga tao sa building mula sa pagpasok hanggang sa pinakamataas na pwesto. Alamin kung ano ang mga department at kung sino ang may hawak nito.“Ikaw na bahala sa mga bata ah, kung may problema tawagan mo ako agad.” Bilin ko kay Shaira.“Alam mo, para na tayong mag-asawa. Ikaw ang padre de pamilya at ako ang misis na inaasikaso ang mga anak lang.” natatawang komento ni Shaira habang naglalagay ng kanin.“Heeeh! Hindi ka naman kasi pwedeng magtrabaho. Hayaan mong ako na muna ang gumawa para sa ating apat. Isa pa, ikaw lang ang sanay mag-alaga sa mga bata.” Sagot ko sa kaniya.Sumisigaw na tumatakbo ang mga bata pababa ng hagdanan. Masama kong tiningnan si Manang dahil hinayaan niyang magtatakbo ang dalawa. “… Sila po kasing dalawa ang naunang tumakbo. Inaayos ko pa ang mga bag nila.
Eumerriah’s Point of ViewDahil abala ang mga tao sa loob ng building ay tumambay ako sa lobby. Nag-observe lang ako sa paligid, sa mga taong naglalabas pasok sa aming company. Hindi pa din dumarating sila Mommy at Dady kahit 2hrs na lang ay tapos na ang working hours.“Hindi ba si Gabrielle ‘yon?” tanong ko sa sarili ko nang makita koi tong umupo sa kabilang parte ng lobby. “Anong ginagawa niya dito?” tanong kong muli sa sarili ko. Abala siyang makipag-usap sa telepono.“Ms. Eumerriah. Hindi po sumasagot ang mommy at daddy niyo, mayroon po silang appointment kay Mr. Sanchez, ano pong gagawin ko?” nagmamadaling lapit sa’kin ng secretary ng daddy ko.“Hindi ba pwedeng i-cancel?” nagtataka kong tanong.“Sa totoo lang po ma’am. Nakakahiya ng mag-cancel. Panglimang beses na po ito kung sakaling ika-cancel muli.” Malungkot niyang sagot sa akin.“Anong gagawin natin?”“Pwede po bang kayo na muna ang umattend? Kung may hindi po kayo kayang sagutin nasa tabi niyo lang naman po ako. I-assist k
Eumerriah’s Point of ViewIlang araw din ang lumipas. Natatapos ko na ang 2 weeks training ko sa company. Hindi kami madalas nag-uusap ni dad pero halata kong masaya siyang nakikita akong tinutulungan ko sila. Hindi ko pa nahahalungkay ang tunay na dahilan o kung sino ang spiya sa loob ng kompanya na gumagawa ng pekeng documents.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.” Pasok ng secretary ni dad. Palagi na siyang nasa tabi ko para turuan ako ng bagay-bagay. May sarili din akong opisina para makapagtrabaho ako ng mapayapa.“Sino d-”“Ako!” sabay pasok ng isang mapusturang babae.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. “You may go out.” Nakangiti kong sabi sa secretary ni Dad.“Ang kapal ng mukha mong gumawa ng kwento.” Napangiwi naman ako sa naging panimula niya.“Bakit kailangan mo akong siraan sa asawa ko? Akala mo ba babalikan ka pa niya? Sa tingin mo ba mahal ka pa niya?”“Bakit ikaw? Minahal ka man lang ba?” pakiramdam ko ay may napindot ako sa pagkatao niya dahilan para
Gabrielle’s Point of ViewNagmamadali akong umuwi, may next meeting pa ako after Mr. Ferrer ngunit hindi ko na ito pinuntahan pa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kilala ko si Kristine, naging deperada man siyang makuha ako at maging asawa ngunit hindi niya magagawang pumatay ng buhay lalo na ng walang muwang na bata.Sobra ang gigil ko kung totoo man ang sinasabi ni Eumerriah, sisiguraduhin kong magbabayad siya. Kung hindi naman at sinisiraan lang kami ni Eumerriah, sisiguradduhin ko ding may kalalagyan siya. Masyadong madami na siyang binibintang sa akin at sa pamilya ko. May hinala ako sa mga transaksyon ni Daddy kaya hindi ko siya maipagtanggol kay Eumerriah.Alam kong darating ang araw na babalik si Eumerriah. Pinaghandaan ko ang bagay na iyon ngunit kahit ano pa maging paghahanda ang gawin talagang magugulat ka kung hindi ka sigurado sa lahat ng tao sa paligid mo.Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa mansion. “Nasaan si Kristine?!”