Eumerriah’s Point of View“Mabuti naman naging smooth ang takbo ng trabaho natin ngayon. Good job everyone. Good job Yumi.” Nakangiting bata sa akin ni Manager kim. Sinandal pa niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kaniya. Nasa loob na kami ng van, kasama na namin ang lahat ng crew. Hindi ako nagpapa-treat ng pang-VIP sa kanila. Ayoko lang bumalik sa dating ako na halos hindi mahawakan ng kahit sino. Noong nasa U.S ako, sinubukan ko balikan lahat ng interview, vedio at mga nagawa kong movie. Doon ko napansin na masyado pala akong bini-baby ng lahat. Kaya ang daming bagay ang hindi ko kayang gawin nang mag-isa na lang ako at magiging isang ina.“Saan ka namin ibaba? Diretso ka ba sa inyo?” tanong ni Manager Kim sa akin. Medyo pagod na din ako, inanaantok na din ngunit nagsabi na ako kay Mommy na ngayon ako bibisita. Nag-aalala din kasi ako nab aka sa mga susunod na araw mas dumami ang trabaho kaya baka hindi ko na sila mabisita pa. “Dyan sa kanto, ‘yong mga gamit ko
Eumerriah's Point of View Naguguluhan ako at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanila. Hindj ko madiriktang sabihin kay Mommy na ayoko ngunit hindi ko din ito kayang tanggapin. Bukod sa nanatakot ako sa magiging buhay ng anak ko sa puder nila ay baka hindi nila matanggap na may obligasyon ako kay Shaira. Nangako akong kung nasaan ako, nandoon din si Shaira at Justine. Hindi ko sila pwedeng iwan lalo na ngayong binabawi pa lang muli ni Shaira ang sarili niya mula sa kalungkutan at hirap na dinaanan niya. May mga magulang pa naman si Shaira. Anytime tatanggapin siya ng mga ito. Ngunit ayaw niya mismo na maging pabigat pa sa magulang niya. She wants to leave alone kahit hindi naman niya talaga kaya. "Anak, sige na. Ayoko ng makita ang Daddy mong nahihirapan ilaban ang kompanya. Madami na ang gusto siyang paalisin dahil walang tagapagmana." Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ko. "..pero mom, wala akong alam sa pagpapatakbo no'n." Pagdadahilan ko. "Madam
Eumerriah's Point of View "Let's talk! Mag-usap tayo ng matino!" Oras na din siguro para makausap siya tungkol sa kompanya namin. Hindi ko alam kung worth it ba ito pero naisip kong baka matulungan niya kami sa ibang bagay. "About what?" Takang tanong niya. "About the company!" Simpleng sagot ko. "Ayoko! Bumababa ka na. Hindi ako interesadong magtrabaho. Not working hours." Bwisit. "Ano bang gusto mong pag-usapan?" "Talaga? Pag-uusapan natin ang gusto ko?" Ulit niya. "Yes, pero in one condition! Sasagot mo lahat ng tanong ko tungkol sa company!" Nagkibit balikat lang siya. "Sasagutin ayon lang sa kaalaman ko. Okay saan tayo mag-uusap?" Tanong niya. "Sa tahimik at tayo lang dalawa." Sagot ko. Kahit pagod na pagod na ako nagawa ko pa din ang bagay na ito. Sobrang nakakapagod ang araw na ito anong magagawa ko kung ito na lang ang pagkakataon ko, baka sa susunod na araw ay wala ng chance. Naisip ko kasing alamin kay Gabrielle kung anong balak ng mga magulang
Eumeeriah’s Point of View “Nasagot ko na nag gusto mong malaman, maari ba akong magtanong?” panimula kong tanong kay Gabrielle. Hindi siya sumagot.“Anong nangyayari sa company ng parents ko? Wala akong sapat na kaalaman. Hindi ko alam kung nagsasabi sila ng totoo o hindi.” Dugtong kong tanong.“Anong basehan mong hindi sila nagsasabi sa iyo ng totoo? Magulang mo sila hindi ba?” nagulat naman ako sa naging tanong niya.“Wala akong alam sa business world. Gusto ko lang makasigurado na hindi nila ako ginagamit muli. Iyon lang Gabrielle, kung hindi mop ala ako masasagot sana hindi na lang ako sumama dito. Pagod ako at hindi ko kayang makipagtutsyadahan sa iyo.” Akmang aalis na ako at bubuksan ang pintuang pinasukan namin kanina ng hawakan niya ang kamay ko.Sa ikalawang paglapat ng kamay namin ay parehong nakaramdam ako ng sobrang kaba na sumisipa sa dibdib ko. Isama mo pa ang init ng kamay niya na nagpapatindi ng nararamdaman ko. Tumingin ako sa kaniya, naramdaman ko ang nakakatunaw na
Eumerriah’s Point of ViewIt’s sunny day today. Wala kaming masyadong trabaho. Nasa bahay lang kaming lahat dahil wala pang pasok ang mga bata. Hindi pa kasi sila nakakapag-enrol. Gusto ko sanang sumama kaso mas gusto ng mga bata na si Jayson ang kasama, si Jayson ang mag-enrol sa kanila. Hinayaan ko na lang kasi nagbibinata na din sila at mas gusto nilang lalaki ang makakasama.“Sigurado ka bang kaya ni Jayson ang dalawang bata? Sobrang kulit pa naman ni Justine. Alam mo naman iyon sobrang kulit.” Nag-aalalang tanong ni Shaira sa akin.“Nagbibinata na si Jastine. Pagkatiwalaan natin siya total request niya ito. Pasalamat na lang tayo na school activities niya gustong makasama ang dalawa. Kasi kung ibang boys out na siguradong mas mag-aalala ka ng ganyan.” Pabiro kong sagot kay Shaira.“Hoy! Gaga, hindi pa ako handa na magbinata si Justine at Dustineeeee.” Maiyak-iyak na biro ni Shaira. May paghawak pa
Eumerriah’s Point of View “Ano ba! Bakit kailangan mong manghalik?” hindi niya sinagot ang tanong ko at umikot lang siya para makatabi sa upuan ko. “Hindi ko sinasadya. Malay ko bang lilingon ka. Gusto mo ibalik ko?” nagmustra pa siyang humahalik halik sa harapan ko kaya sinampal ko siya ng bahagya. “Pasaway ka talaga, iniwan mo ba ang mga bata doon? Sinong kasama nila? Halika na, kailangan na nating umuwi-“Yumi! Relax! Set down!” Hinatak niya ang kamay papalapit sa kaniya dahil nakatayo na ako. Nag-aalala ako sa dalawang batang naiwan sa bahay.“Ano ka ba naman, tulog na sila ng iniwan ko. Nagpaalam din ako kay Justine. Dapat nga daw samahan ko kayo para wala daw boys na lalapit sa inyo. Nandoon din si Manang at puno ng guard ang bahay remember? So Safe ang mga bata. Maupo na ka na.” hatak niyang muli sa akin dahil sinubukan kong tumayo na naman.“Hindi mo kailangan alalahanin ang mga bata. Ang alalahanin moa ng matang iyon, ang talim ng tingin sa iyo.” Nilapit ni Jayson ang mukha
Eumerriah’s Point of View “Bakit ko babawiin? Totoo naman di ba? Namatay ang anak ko kasi pinabayaan mo? Tapos ano? Gumawa ka ng anak muli para lang makalimutan siya at magbuhay dalaga?!” pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakagat ko na ang pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang pagpipigil.“Jaysooon! Omayghad!”“Stop it! Shutup! Stoooop sabi e! Ano ba? Para kayong mga bata.” Pumagitan ako sa dalawang nag-aaway at suntukan. Si Jayson ang isa at ang isa naman ay hindi pamilyar sa akin.“Gago ka pala e.”“Ikaw ang gago. Bwisit ka. Manyakis! Bastos!”“Ano ba? Hindi ba sinabing manahimik kayong dalawa.” Sigaw ko sa dalawng naggigerian pa din. Si Jayson ay hawak ni Shaira at Gabrielle. Habang ang bouncer ay nasa paligid lang namin. Ang isang lalaki naman ay hawak na din ng mga kaibigan niya.“Kung hindi po kayo magbabati, sa presinto natin ito pag-usapan.” May isang babae ang pumagitna. Tiningnan ko si Gabrielle pero tahimik lang din siyang nagmamanman. Hindi man lang pumagitna sa awayan. Aya
Eumerriah’s Point of ViewHawak ang batok ko ay dahan-dahan akong naglalakad papasok sa mansion habang si Jayson ay inaalalayan si Shaira na nasa unahan ko lang.Hindi naman kami tinamaan ng alak, hindi kami nalasing dahil gising na gising kami dahil sa nangyaring gulo. Uminom lang naman si Jayson sa mini hideout ni Gabrielle pero hindi naman sila nag-usap dalawa. Nagpasya na kaming umalis dahil hating-gabi na din naman.“Kaloka, hindi man lang nag-enjoy ng ayos.” Wika ni Shaira ng makaupo siya sa sofa.“Hoy! Anong ginagawa mo pala doon? Nasaan ang mga bata?” dagdag nitong tanong kay Jayson na kumukuha ng tubig sa may kusina.“Pinatulog ko sila pagdating dito. Kumain naman kami ng hapunan sa labas, nagpaalam naman kasi kayong hindi makakapagluto.” Sagot ni Jayson habang naglalakad papalapit sa aming dalawa. Inabutan kami ng tig-isang basong tubig. “Ma-inom muna kayo. Bakit kasi hindi muna nagtanong sa akin kung gusto lang ng chill na inuman.”“Girl’s night out nga di ba? Saka maganda
15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung
Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang
Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n
Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d